SINGAPORE..
Samantalang hindi mapakali sa kinatatayuan si Kenneth habang hinihintay na sumagot sa kabilang linya ang dalagang si Hanna.
Dalawang araw na siya rito sa Singapore, at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya matiis na 'di tawagan ang dalaga.
Kailanman hindi niya ito ginawa sa mga naging ka-fling niya. Kay Hanna Rose lang, at hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya mapalagay ngayong hindi niya nakikita ang dalaga.
Anim na buwan na rin silang may ugnayan sa isa't isa. At habang lumilipas ang mga buwan, lalong nagiging maganda ang ugnayan nilang dalawa, hindi maitatanggi ni Kenneth na masaya siya sa piling ni Hanna.
Kahit pa sabihing walang totoong relasyong namumuo sa kanilang dalawa.
"Why isn’t she answering my call?" bulong ni Kenneth sa sarili.
Tila bigla siyang nabalisa, nakaramdam ng pag-alala sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Sir, nandiyan na ho sila."
Napalingon si Kenneth sa kanyang secretary. Hanggang sa marahan siyang nagpakawala ng buntong-hininga bago ibinulsa ang sariling cellphone. Hindi niya maiwasang mapakunot-noo.
Ito lang ang unang beses na hindi sinagot ni Hanna ang tawag niya. At hindi niya maitatanggi sa sarili na tila nakaramdam siya ng bigat sa dibdib!
Hanggang sa umupo siya sa kalagitnaan ng lahat, tila wala siya sa sarili. Lihim pa siyang napapikit ng mariin at pumapasok sa balintataw niya ang magandang mukha ni Hanna.
Pasimple niyang niluwangan ang necktie niya. Hanggang sa pilit niyang iwinaksi ito sa isipan.
Makalipas ang isang oras, habang nagsasalita ang isa sa kasamahan niya, sinubukan niyang muli na tawagan ang numero ng dalaga, ngunit tulad kanina, hindi nito sinasagot.
Marahan siyang nagpakawala ng mura, naiinis siya sa isiping binabalewala na siya nito!
Hindi siya sanay! Dahil kahit kailan, walang babaeng gumawa no'n sa kanya! Pakiramdam tuloy niya, nagsasawa na ito sa kanya!
Fvck!
Pasimple siyang napabuga ng hangin. Lalo lang bumibigat ang pakiramdam niya. Hindi siya makapaniwalang may babaeng gagawa nito sa kanya.
Nagtampo kaya siya dahil hindi ko siya natawagan kahapon?
Biglang naisip ni Kenneth. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang tumikhim si Ronald.
At lihim na napamura si Kenneth dahil nasa kanya na pala ang buong atensyon. Hindi niya napansin na natulala na pala siya sa harap ng mga ito. Pasimple pa siyang nilapitan ng secretary niya at tinanong kung ayos lang ba siya.
Makalipas ang ilang oras, sinenyasan niya ang secretary na lumapit.
"Tumawag ka sa kompanya, tanungin mo kung lahat ba ng Accountant ngayon ay pumasok." Agad naman itong tumalima. 'Di na makatiis si Kenneth!
Hindi niya maiwasang mag-alala sa dalaga.
Makalipas ang ilang minuto, agad din itong bumalik at bumulong sa kanya.
"Lahat po pumasok, Sir Kenneth."
Kung bakit may dumaang kirot sa puso ni Kenneth sa isiping binabalewala na nga siya ni Hanna!
Pasimpleng kumuyom ang kamao niya.
Bilang isang womanizer, hindi siya sanay na may isang babaeng maggaganito sa kanya. Palibhasa, sanay siyang siya ang umaayaw.
SAMANTALANG ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Hanna ng makita kung gaano karami ang missed call galing kay Kenneth!
Biglang kumabog ang dibdib niya. Hindi niya inaasahang tatawagan siya nito kahit nasa Singapore.
Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi na naman niya maiwasang kiligin sa isiping 'di siya nito matiis!
Sa ilang buwan nilang ugnayan, lalong nakita niya ang kalambingan at kabaitan nito. Masasabi ni Hanna, na ito pa rin pala ang lalaking minahal niya noon.
Mapagmahal at maalaga.
"Tumawag siya?" gulat na napalingon si Hanna. Kandahaba ang leeg ni Zandra at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nito.
Hanggang sa sundutin nito ang tagiliran niya. Namumula naman ang mukha ni Hanna at tiyak na matinding pang-aasar na naman ang gagawin nito sa kanya.
"Ayeh! Hindi ka talaga matiis nang nobyo mo! Grabi iyong missed call ah! Parang takot na makalimutan!" sabay hagighik nito.
Hindi maiwasan ni Hanna ang mapangiti. Hindi niya rin naman kasi maitatanggi na kinikilig siya!
Gusto tuloy niyang isipin na may puwang na siya sa puso ng lalaki. Habang tumatagal, napapansin ni Hanna na lalo itong nagiging malambing sa kanya.
Para ngang lumalagpas na ito sa boundary dahil gumagalaw itong parang kasintahang nobyo!
"Siguradong pag-uwi niya, matinding bakbakan na naman --" Agad niya itong kinurot sa tagiliran ngunit kaagad itong nakaiwas at kasabay ng pagpakawala nito ng malakas na halakhak.
"Ang bastos mo!"
Ngunit lihim na napalunok si Hanna dahil sa biro nito. Tila may kung anong kiliting gumapang sa tiyan niya pababa sa puson niya.
Ang alam niya, isang buwan ang lalaki sa Singapore. Ang totoo, hindi siya umaasa na maaalala siya nito lalo na't marami namang babae sa Singapore.
Kaya hindi talaga niya maiwasang kiligin ngayon dahil sa maraming missed call nito!
"Tawagan mo na kaya siya! Baka umiiyak na iyon!" anas pa nito habang namumula ang mukha sa kakatawa. "Baka magulat ka na lang, umuwi na lang bigla dahil sa iyo!" anas nito at muling nanukso sa kanya.
Lalong naramdaman ni Hanna ang pang-iinit ng kanyang mukha. Kunwa't niya itong inirapan.
"Puro ka kalukuhan. Sige na, magpapalit lang ako ng damit." Pagtataboy niya rito at nasa loob ito ng kuwarto niya.
"Sus! Ayaw mo lang ipakita sa akin kung paano ka kiligin sa harap ng isang Monte Velgo!" wika pa nito. Natawa si Hanna dahil namimilipit ito sa kilig bago lumabas.
Muling kumabog ang dibdib ni Hanna habang nakatitig sa sariling cellphone, hindi niya alam kung tatawagan ba niya ang lalaki o padadalhan na lang ito ng mensahe.
Ngunit bago pa siya makatipa, nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang tumatawag ito ulit! Para siyang tanga na biglang nagpalakad-lakad! Hindi niya agad masagot ang tawag nito!
Tumingin pa siya sa salamin, siniguradong hindi mapaghahalata sa mukha niya ang kilig dahil sa pagtawag nitong muli! Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at pinakalma ang sarili.
Nanginig pa ang kamay niya nang sagutin ang tawag nito thru video call. At ganoon na lang ang pagkagat-labi ni Hanna dahil hindi maipinta ang guwapong mukha nito.
Lalo tuloy kinikiliti si Hanna sa isiping apektado ito dahil lang sa 'di niya pagsagot sa tawag nito kanina.
"Baby, what's wrong? Kanina pa ako tumatawag sa iyo, bakit hindi mo sinasagot?" lalong sumimangot ang mukha nito.
Pigil na pigil ni Hanna ang mapangiti. Lalo niyang naramdaman kung gaano niya kamahal ang lalaki! Gusto niyang umasa na kahit papaano, may nararamdaman narin ito sa kanya.
"Sorry, nakalimutan ko kasing dalhin itong cellphone ko kanina.." mahinang wika niya at marahan pa siyang yumuko.
Nang maramdaman niya ang pagpapakawala nito ng buntong-hininga. Na tila ba nakahinga ito ng maluwag dahil sa isinagot niya.
"Akala ko pa naman sinasadya mong hindi sagutin ang tawag ko. Akala ko, nagsawa ka na sa akin."
Uminit ang magkabilaang-pisngi ni Hanna dahil muli niyang nasilayan ang matamis na ngiti sa labi nito.
Nasa mga mata rin nito ang kapilyuhan.
Talagang siya pa ang magsasawa?
Lihim na napalunok si Hanna.
"Pinag-alala mo 'ko." Muling sumeryoso ang mukha nito. "Nakauwi ka na ba?" wika pa nito.
Marahan siyang tumango.
"Kauuwi lang namin."
Tumango ito. Nailang na naman si Hanna dahil sa mga titig nito. Kung bakit hindi siya masanay-sanay!
Hindi niya kasi alam kung hanggang kailan ito magiging ganoon sa kanya. Natatakot siya na baka isang araw, sabihin na lang nito na itigil na nila ang ugnayan nilang 'yon
"I miss you.."
Tila may kung anong tumusok sa gitna ng tiyan ni Hanna.
"Hindi mo ba ako namiss?" tanong nito nang manatili siyang tahimik.
Hanggang sa marahan itong tumawa.
"Bakit hanggang ngayon nahihiya ka pa rin? H'wag mong sabihing nahihiya kang sabihin sa akin na namimiss mo rin ako?"
Nakagat ni Hanna ang ibabang labi.
"Namiss rin kita!"
Gustong mapapikit ni Hanna dahil sa sinabi niya. Ngunit nakita niya ang paglamlam ng mga mata nito at ang paglunok nito. Tumiim din ang mga titig nito na para bang may gusto itong sabihin.
"H'wag mo nang kakalimutan iyang cellphone mo, lagi kitang tatawagan," ani nito.
Para siyang batang masunurin na tumango rito. Pakiramdam niya, parang may malalim na relasyon sa kanilang dalawa.
Ramdam niya ang libo-libong kiliti sa katawan! Nakikita niya ang dating nobyo sa katangian nito ngayon.