KUMUNOT ang noo ni Hanna nang marinig ang mahinang tili ni Zandra. Araw ng Linggo ng araw na iyon. Pagkatapos niyang magbihis, agad din siyang lumabas ng kuwarto. At ganoon na lang ang pagkagulat ni Hanna kung sino ang kausap nito! Awtomatikong namula ang mukha niya! Ramdam niya rin ang kakaibang kilig na gumapang sa katawan niya! Ikinurap-kurap pa niya ang mga mata at baka nagkakamali lang siya! Ngunit hindi! Totoong nasa harapan ng pinto ang lalaking si Kenneth Monte Velgo! Talagang pinuntahan siya nito! Hindi rin niya akalaing nakauwi na ito galing ng Singapore! Ngiting-ngiti ito. Napalunok si Hanna at hindi alam kung anong gagawin! Para siyang tanga na nabalisa. Ngunit natawa ang kaibigan niya ng magsalita si Kenneth. "P'wede ba akong pumasok?" "Ay, sorry po Sir Kenneth! Sa s

