NAMANGHA si Hanna nang makita kung gaano kaganda ang malaking talon! Ang lakas ng lagaslas ng tubig na bumabagsak paibaba. "Ang ganda!" Manghang pinagmasdan niya ang buong kapaligiran. Napakalinaw ng tubig at parang kay sarap maligo! "Gusto mo bang maligo?" Napalingon si Hanna. Nakatitig sa kanya si Kenneth habang may ngiti sa labi. Lihim na humanga si Hanna at nakapamulsa ito, tila isa itong modelo sa tindig nito! Minsan gusto niyang magtanong kung may nobya na ba ito? Curious lang talaga siya at never pa niyang nakitang may kasa-kasama itong babae. "Wala naman akong damit at saka nakakahiya naman kung maliligo akong kasama ka!" wika ni Hanna na may ngiti rin sa labi. Muli niyang pinagmasdan ang napakagandang talon. Hindi niya pinansin ang tikhim nito. "Hanna.." Na siyang ikin

