PINAGMASDAN ni Hanna ang sarili sa salamin. Simpleng dress ang isinuot niya at pupunta siya sa bahay ng mga Monte Velgo. Kanina pa ramdam ni Hanna ang kakaibang kaba at pati mga kamay niya tila nanlalamig ang mga iyon. Nang bumukas ang pinto. "Wow! Bagay na bagay sa iyo! Lalo kang gumanda sa dress na 'yan, at kitang-kita ang kaseksihan mo!" Papuri nito sa kanya. Tahimik siyang umupo sa gilid ng kama. "O, bakit malungkot ka? Hindi ka ba masaya na makikilala muna ang pamilya ni Sir Kenneth?" tanong nito at umupo rin sa tabi niya. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Hanna. "Kinakahaban ako, Zandra." Ngunit ang totoo, higit pa sa kaba ang nararamdaman ni Hanna, may kaakibat na takot! Dahil pakiramdam niya, may hindi magandang mangyayari sa pag-apak niya sa bahay ng mga Monte Ve

