KUMAWALA ang malakas na tawa ni Hanna ng kilitiin siya ni Kenneth! Nasa loob sila ng kuwarto ng mga oras na iyon. "T-tama na!" Awat ni Hanna at halos pangapusan na siya ng hininga. Hinihingal na napatingin siya sa guwapong mukha nito. Ngiting-ngiti ito habang titig na titig sa kanya. Agad din siyang pinaibabawan at 'di na naman pinalagpas ang labi niya. Buong pananabik na hinalikan nito. Napaungol pa si Hanna at bigla nitong sinipsip at marahang kinagat ang ibabang labi niya. "Ang ganda mo!" Lihim na kinilig si Hanna. Habang tumatagal, naglalaho na rin ang hiya niya sa harapan nito. Ipinapakita niya kung gaano siya kasaya sa tuwing kasama ito. Simula nang magbakasyon sila sa beach resort na pag-aari nito at mapagkuwentuhan ang tungkol sa buhay nila, lalong naging malapit sila s

