M O N T E - V E L G O - C O M P A N Y
Pasimpleng kinurot ni Hanna ang tagiliran ng kaibigang si Zandra. Kanina pa siya nito kinukulit.
Kung bakit hindi nito makalimot-kalimutan ang pagpunta ni Kenneth sa Apartment nila. Nakaraang Linggo pa iyon, ngunit araw-araw pa ring pinapaalala sa kanya na para bang sobrang espesyal ang ginawa ng lalaking iyon sa kanya.
"Tumahimik ka nga, may makarinig sa iyo!"
Pinandilatan pa niya ito ng mga mata ngunit lalo lang itong ngumiti. Mukhang ito pa yata ang kilig na kilig!
"Hindi naman nila kilala kung sino ang tinutukoy ko!" pabulong nitong sagot sabay hagighik ng mahina.
Napapitlag pa si Hanna at sinundot siya nito sa tagiliran.
"Ayaw pa kasing aminin, kilig na kilig naman 'yan!"
Akmang magsasalita siya nang biglang bumukas ang pinto ng Department nila. At ganoon na lang ang pagkataranta ng mga kasamahan niya nang makita si Kenneth!
"Oh my gosh!" sambit ni Zandra.
Biglang napayuko si Hanna, nang sa kanya ito napatingin. Ramdam niya ang pamumula ng kanyang mukha at tila nakangiti na naman ang guwapong pagmumukha nito.
Hindi niya nga maintindihan at madalas 'ata itong bumisita sa Department nila. Para tuloy palengke sa loob dahil 'di maiwasang kiligin ang mga kasamahan niya. Hindi alam ng mga ito na siya ang palihim na kaharutan ng lalaking kinababaliwan nila!
Wala na siyang maintindihan sa sinasabi ng head nila. Hindi siya mapalagay sa kinauupuan at ramdam niyang sa kanya ito nakatingin!
Labis tuloy siyang kinakabahan! Lalo na't panay sundot ni Zandra sa tagiliran niya na para bang ipinapaalam nito, na sa kanya nakatutok ang paningin ni Kenneth Monte Velgo!
Labis ang hiling ni Hanna, hindi iyon mapansin ng mga kasamahan niya. Kaya, kuntudo yuko siya upang malaman ng mga ito na hindi siya interesado!
Alam naman nilang hindi pumupatol sa empleyado ang boss nilang si Kenneth. Ngunit hindi siya mapalagay dahil ramdam niya ang mga tingin nito!
Kung minsan, gusto niya itong pektusan. Ayaw nitong ipaalam kahit kanino na may ugnayan silang dalawa, ngunit masyado naman itong pahalata! Ayaw naman siguro nitong machismis silang dalawa!
Lalo na't naalala niyang iniingatan nito ang kompanya.
Bali-balita sa buong mundo na babaero itong tao, ngunit madalas, hindi naibabalandra ang mukha ng mga naging babae nito. At mukhang sinasadya iyon ng lalaki para maiwasan ang problema sa negosyo nito.
Minsan na niyang nakita ang mga naging ka-fling nito. Sa mga news o magazine. Mga kilala sa lipunan. Anak ng Mayor, anak ng Gobernador, minsan pa ngang nabalitaan niya na naging ka-fling nito ay anak mismo ng Presidente!
Ngunit walang patunay na totoo nga iyon!
Karamihan sa kanila, mga sikat na modelo at ang ilan, mga artista pa! Ang iba naman, Doctor, o anak ng pinakamayaman sa buong mundo!
Kung minsan, sumasakit ang ulo ni Hanna dahil masyadong umiingay ang pangalan nito, hindi dahil sa galing nito bilang Chief Executive Officer, kundi sa pagiging babaero nito!
Ang ipinagtataka niya, simula yata ng magkaroon sila ng ugnayan kahit palihim pa iyon, wala yata siyang nababalitaang may ka-fling itong iba!
O sadyang inililihim lang nito dahil naririndi na rin ito sa mga tsismosong reporter! Araw araw ba naman itong inaabangan kung ano nang balita!
Palibhasa, malaki kita ng mga ito dahil sikat itong bilyonaryo! At talagang tanyag ang pangalan nito 'di lang sa pagiging babaero nito, bagkus sa galing nito sa negosyo.
Kaya nga, isa sa pinakasikat na kompanya ang pagmamay-ari nito. Nalaman niya ring nasa ibang bansa, namamalagi ang magulang nito. Ipinagpapasalamat naman iyon ni Hanna dahil tiyak na makikilala siya ng mga ito.
Kung bakit nangangamba siyang makita ng mag-asawa, samantalang wala naman siyang ginawang masama. Naalala pa niyang natutuwa ang mga ito sa tuwing pumupunta siya sa hacienda ng Don Miguel
ISANG pitik sa harapan niya ang nagpakurap kay Hanna. Si Zandra na tila nagtaka dahil sa pagkakatulala niya.
"Anong nangyari sa'yo? Ang lalim naman yata ng iniisip mo, nagpaalam na lahat-lahat si Boss Kenneth, nakatulala ka lang diyan."
Doon lang napansin ni Hanna na wala na nga si Kenneth. Bumalik na sa tahimik ang loob ng Department nila.
"May iniisip lang ako."
Tumikhim ito.
"Iniisip mo ba kung saan ka na naman niya dadalhin mamaya?"
Biglang napalinga-linga sa paligid si Hanna.
Isang hampas ang ibinigay niya sa kaibigan.
Sobrang daldal talaga nito. Hindi na nito naisip na baka may makarinig dito! Talagang malilintikan siya, mawawalan siya ng trabaho dahil dito!
"Ang ingay mo! Kapag may nakarinig talaga sa iyo, makikita mo!" sumimangot na siya. 'Agad naman itong humingi ng paumanhin, ngunit nasa labi pa rin nito ang panunukso.
Alas singko ng hapon.
Napahinto sa paglalakad si Hanna nang marinig niya ang pag-vibrate ng cellphone niya.
"Baby, wait mo 'ko sa parking lot."
Ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ni Hanna.
Ito yata ang unang pagkakataon na pinapahintay siya nito sa mismong parking lot!
Hindi ba nito naisip na posibleng may makakita sa kanilang dalawa? Napalunok na lang si Hanna.
"Sino 'yang katext mo?"
Bago pa niya maiiwas ang cellphone, nabasa na nito ang mensahe na galing kay Kenneth.
At parang tanga na napatalon-talon ito! Talagang sinundot-sundot na naman siya sa tagiliran.
"Grabi, haba ng hair mo, bestie! Sana all na lang!"
Uminit ang magkabilaang-pisngi ni Hanna. Ramdam din niya ang kilig at tila lume-level up yata ang ugnayan nilang dalawa!
Saan na naman kaya siya nito dadalhin?
May kung anong kiliting sumundot sa tiyan ni Hanna. Isang Linggo rin yatang hindi siya nadiligan!
"Hindi kaya, sa parking lot kayo magbebembangan --" Bigla niyang natakpan ang bibig nito. Pulang-pula ang mukha ni Hanna.
Hanggang sa kumawala ang malakas nitong hagalpak. Inis na iniwan niya ito, ngunit rinig pa rin niya ang halakhak nito.
"Joke lang! Ingat ka ha? Baka hindi ka na naman makapasok niyan bukas!" pahabol pa nito.
Lalong namula ang buong mukha ni Hanna. Hirap talagang magkaroon ng pasaway at baliw na kaibigan!
Ang totoo, wala itong kaalam-alam na fling lang ang relasyong mayroon sila ni Kenneth.
Buong akala nito, totoong mahal siya ng lalaki kaya grabi na lang ang kilig nito para sa kanya.
KABADO si Hanna habang hinihintay si Kenneth sa parking lot. Hindi pa kasi ito sumasagot sa tanong niya kung nandoon na ba ito.
Hanggang isang tikhim ang nagpalingon kay Hanna. Isang lalaki na napaka-pormal ng suot.
"Nasa loob na ho si boss, Miss Hanna," wika nito.
Hindi siya nakakibo. Ngayon lang niya ito nakita, ibang driver yata ang nakilala no'n ni Hanna.
"Naghihintay ho si Boss Kenneth sa loob ng sasakyan, Miss Hanna," muling bigkas nito.
Napansin yata nito na hindi siya natitinag sa kinatatayuan niya. Bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang pag-vibrate ng cellphone niya.
"Trust him, baby. Tauhan ko siya."
Nagsend pa ito ng emojie na tila natutuwa sa reaksyon niya. "Hop in." Pangalawang mensahe nito.
Hanggang sa huminto sa harap nila ang mamahaling sasakyan. Pansin ni Hanna, na paiba-iba ang sasakyan nito.
Marahil upang hindi mahalatang siya ang nasa loob ng sasakyan. Talagang maingat din ang babaerong ito, sa isip-isip ni Hanna.
Pagkabukas ng sasakyan, ang simpatikong ngiti ang sumalubong sa kanya, maingat pa siyang inalalayan ng tauhan nito.
Nagulat si Hanna nang pagkaupong-pagkaupo niya, kaagad siya nitong dinukwang at hinuli ang mga labi niya!
"Damn, kanina pa ako nagpipigil," anas na bulong nito.
Hindi makatingin si Hanna at dalawang tauhan nito ang nasa unahan! Pakiramdam niya, nakikita ng mga ito ang pinaggagawa ng boss nila!
Nang marinig niya ang mahinang tawa nito.
"So, puwede ka nang tumitig sa akin," pilyong wika nito. Nagulat si Hanna at bigla yatang sumara ang nasa harapan!
"Nasaan sila?"
Ngunit ramdam niyang umaandar na ang sasakyan. Lalo itong napangiti sa naging reaksyon niya.
Hanggang sa ipinaliwanag nito na may remote control ang sasakyang gamit nila. May sarahan sa harap na maaaring hindi makita ng mga ito ang ginagawa sa likuran!
Ganoon na lang ang pagkamangha ni Hanna. Naisip niya tuloy na napakamahal ng sasakyan na sinasakyan nila!
Doon lang din niya naalala na mahaba ang sasakyang iyon na kagaya ng sinasakyan ng mga sikat na artista!
Nang biglang sumagi sa isip ni Hanna: Hindi kaya iyon din ang ginagamit nitong sasakyan kapag sinusundo ang babae nito?
Nang maramdaman niya ang paghaplos nito sa hita niya. Lihim na napalunok si Hanna. Mukhang hindi na naman siya makakatakas sa kamandag nito! Halata sa mukha e!
"Saan tayo pupunta?"
"Sa langit!" pilyong wika nito.
Inirapan niya ito na siyang ikinatawa nito ng mahina.