ISANG tawa ang pinakawalan nito na ikinapula ng mukha ni Hanna. Kung bakit tila laging nanunukso ang mga mata nito sa tuwing tumititig sa kanya.
Nangingislap ang mga iyon - na para bang masayang-masaya itong nakikita siya, o sadyang ganoon lang ito sa lahat ng babae?
Sa loob ng tatlong buwan na ugnayan nilang dalawa, masasabi niyang 'di pa niya ito lubos na kilala. Ibang-iba na ito sa lalaking nakilala niya noon, sampong taon na ang nakalilipas.
"Why do you still seem shy around me? Don't you know that you become even more beautiful in my eyes whenever your face turns red?"
Isang simpatikong ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Lalo tuloy pinamulahan si Hanna sa sinabi nito.
"Bolero!"
Inirapan niya ito. Pilit na pilit niyang itinatago ang kilig na gumuguhit sa buong katawan ni Hanna!
"Paanong hindi ako mahihiya at pamumulahan, titig na titig ka sa akin. Hindi tuloy ako makakain ng maayos."
Lalo itong napangiti. Napaiwas nang tingin si Hanna at bigla itong dumila na tila siya ay inaakit!
Pakiramdam ni Hanna, lalong umiinit ang pakiramdam niya! Ngunit pinagpapawisan ang katawan niya.
Dala marahil ng kaba at tensyon dahil nasa harapan niya ito. Aaminin niyang libo-libong kilig ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
Ikaw ba naman puntahan ng isang CEO para lang ipagluto? At talagang mukhang walang balak umalis kaagad-agad.
"Hindi ka pa rin masanay-sanay. Tatlong buwan na tayo, oh. Mas malala pa nga rito ang ginagawa ko sa tuwing binibembang --"
Nang biglang naibuga ni Hanna ang tubig na nasa bibig niya sa mukha nito. Kandaubo rin siya.
"Oh my!" sambit ni Hanna.
Nanatili lang itong nakapikit. Taranta naman siyang napatayo upang punasan ang mukha nito.
"I-im sorry --" Nang bigla nitong hawakan ang kamay niya. At saka ito dahan-dahang dumilat.
Napaawang ng labi si Hanna ng bigla itong ngumiti. May nakakatuwa ba sa ginawa niya? Hindi makapaniwalang natitigan niya ang guwapong mukha nito.
"Anong nakakatawa?" tanong niya.
Kaagad niyang dinampot ang tissue at pinunasan ang mukha nito. Lalo lang natuwa ang expression nito. Titig na titig na naman sa kanya.
"Alam mo bang sa dami ng naging babae ko, ikaw lang itong mukhang hindi sanay sa dirty talk? Samantalang pumayag ka namang magpa-bembang sa akin --!" Nang takpan niya ang bibig nito.
Yumugyog ang balikat nito, tanda na pinipigilan nitong matawa ng malakas. Inis na hinampas niya ito sa braso.
"Ang bastos mo!" asik niya habang namumula ang mukha. Pakiramdam ni Hanna lalong sasama ang pakiramdam niya dahil sa kalukuhan nito.
Alam niyang masayahin itong tao - marahil iyon ang galawan ng isang babaero. Ang paggamit ng mapang-akit at matamis na pananalita sa mga kababaihan.
"Sorry, nahampas kita," agad niyang turan.
Lalo itong napangiti ngunit kaagad ding umiling. Iyon kasi ang unang pagkakataong nahampas niya ito.
Alam niyang wala siyang karapatan na umasal kasintahan nito, ngunit minsan 'di niya matiis - ang pilyo-pilyo kasi nito. Labis ang kalukuhan.
Kung hindi lang yata niya ito naging nobyo, sampong taon na ang nakalilipas, nungkang patulan niya ito.
Sa itsura nito, malabong sumeryoso sa isang babae. Ngunit dahil sa pagmamahal niya na hanggang ngayon nasa puso pa rin niya, nagawa niyang magpabihag ulit dito.
Umaasa si Hanna na magkakaroon ng magandang relasyon ang ugnayan nila ngayon. Umaasa siyang matatandaan siya nito o darating ang araw na aaminin din ito sa kanya.
Gusto niyang malaman ang lahat.
Kung nagpapanggap lang ba ito dahil sinusubukan lang siya? O sadyang may nangyaring aksidente noon kaya hindi siya nito natatandaan?
Marami siyang gustong itanong.
Ngunit sa tatlong buwan ng pagkakaroon nila ng ugnayan, tila hindi pa iyon sapat upang buksan niya ang nakaraan. May takot siyang nararamdaman at 'di niya malaman kung bakit.
Pakiramdam ni Hanna, oras na magsimula siyang magtanong tungkol sa nakaraan, mawawala ulit ito sa kanya.
Sinikap niyang makapagtapos dahil binalak niyang hanapin ito dito sa Maynila. At laking tuwa niya ng matagpuan ang kompanya ng mga ito.
Iyon nga lang, malaking surpresa nang makita niyang tila siya isang stranghera sa paningin nito.
Umasa siya na matatandaan siya nito, ngunit ilang beses naman lang silang nagtalik hindi niya makitang nagpapanggap ito sa kanya.
Walang lumalabas sa bibig nito na posibleng magkaroon siya ng kaalaman na nagpapanggap ito sa harapan niya.
Ngunit laking pasalamat pa rin ni Hanna at nagustuhan siya nito, kahit nalaman niyang hindi ito pumapatol sa mga empleyado nito.
Dahil ba, nararamdaman nito ang ugnayan nila noon?
"Okay lang, paminsan-minsan hampasin mo ako. Sigurado naman akong hampas 'yan ng pagmamahal."
Napabalik sa ulirat si Hanna dahil sa sinabi nito.
"Kumain ka na lang kaya, gutom lang yan," wika ni Hanna. Inihamba niya ang kutsarang may lamang pagkain sa bibig nito. Talagang kinilig si Hanna dahil tinanggap nito iyon.
Daig pa nilang magkasintahan na ang lambing-lambing sa isa't isa! Never niya iyong ginawa dito! Kaagad siyang umiwas ng tingin.
Akmang babalik siya sa upuan ng magulat siya nang kabigin nito ang baywang niya at paupuin sa kandungan nito.
"Here.."
Napalunok si Hanna. Susubuan din siya nito?!
Gosh!
Paasa yata ang lalaking ito?
Hilig-hilig magpakilig - ang ending, baka umiyak lang siya oras na pagsawaan na sya nito?
"Ako na --"
"Tsk. Kakainin mo o ikaw ang kakainin ko?"
Namula na naman ang mukha ni Hanna. Kitang-kita na naman niya ang kapilyuhan sa mga mata nito.
Gusto niyang kurutin ang tagiliran nito. Ang hilig magpa-wet!
Kainis!
Tahimik niya iyong isinubo sa bibig niya. Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito.
"That's my girl!" sabay ngiti at kindat nito.
Kung bakit sa oras pa ng pagkain, nagpapakilig ang lalaking ito. Kanina pa 'ata masayang-masaya ang guwapong mukha nito.
Sumubo na rin ito nang kaniya gamit ang kutsara niya. Bale isang pinggan lang din ang gamit nilang dalawa.
Kanina pa kinikiliti si Hanna. Ngayon lang ito nangyari.
Sa tuwing lumalabas kasi sila, um-o-order lang ito ng pagkain at hindi naman dumating sa puntong nagsusubuan sila. As in, ngayon lang.
Para bang may malasakit din ito sa mga babae nito. Bumalik ang kalungkutan sa puso ni Hanna. Kung ganito ito sa lahat ng babae, hindi siya dapat kiligin at umasa.
Nang ilapit nito ang kutsara sa bibig niya.
Umiling siya.
"Busog na ako."
"Paano kang mabubusog, e, nakakailang subo ka palang naman kanina?" wika nito.
Lumunok si Hanna.
"Wala na akong gana."
Nakahinga siya ng maluwag nang pakawalan nito ang baywang niya nang tumayo siya.
"Fine. Kailangan mong uminom ng gamot, baby."
Tumango siya.
Lihim na napakagat-labi si Hanna at talagang inubos nito ang pagkaing nasa pinggan niya.
Mayaman itong tao, pero hindi maarte.
Makalipas ang apat na oras.
"Hindi ka pa rin ba uuwi?" tanong ni Hanna.
Kumunot ang noo nito.
Nasa sala sila ng mga oras na iyon. Prente pa nga itong nakaupo na para bang wala pa rin talaga itong balak umalis.
"Pinapauwi mo na ako?"
Napaiwas nang tingin si Hanna.
"Baka may mga gagawin ka pa --"
Nang hawakan nito ang kamay niya. Pinisil-pisil pa nito at talagang dinala pa sa labi nito.
"Wala akong gagawin."
Uminit na naman ang magkabilaang-pisngi ni Hanna nang pagsaklupin nito ang kamay nilang dalawa.
"Dito muna ako. Gusto kong manatili sa tabi mo." Sabay sandal ng ulo nito sa sofa at ipinikit ang mga mata. Laking pasalamat ni Hanna at 'di nito nakita ang kilig sa mukha niya.
Labis siyang nagtataka at binibigyan siya nito ng ganitong oras. Samantalang p'wede naman nitong puntahan ang ibang babae nito?
Bakit nag-aaksaya ito sa kanya? 'Di naman niya ito mapagbibigyan. Nang biglang manlaki ang mga mata ni Hanna. Hindi kaya umaasa itong..
Nang bigla niya itong titigan.
"Kung umaasa kang mapagbibigyan kita, ngayon --"
Napahinto si Hanna nang bigla itong mapamulat ng mga mata at tumingin sa kanya.
"What do you mean?"
Nagpipigil itong mapangiti. Kunwa'y naman niya itong inirapan.
"Gusto mo yatang manatili dahil umaasa kang mabebembang mo ako --!" Nang bigla itong humalakhak.
Pakiramdam tuloy ni Hanna, napahiya siya.
"Are you serious?" sambit nito.
Umiwas siya nang tingin. Nang maramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya.
"Baby, kahit naman mahilig ako sa bembangan, hindi ko iyon gagawin ngayon. Hindi ako masamang tao na kahit masama ang pakiramdam mo, bebembangin ko," ani nito.
Tinitigan niya ito.
Sumeryoso na ang mukha nito. Natigilan si Hanna nang marahan nitong haplusin ang mukha niya.
"Gusto kong ipakita sa'yo na hindi lang puro s*x ang habol ko sa iyo. May pakialam din ako sa kalusugan mo. Gusto ko ring masigurong magiging maayos na ang pakiramdam mo, bago ako umalis. Lalo na't wala pa ang kaibigan mo."
Napalunok si Hanna.
"May malasakit din ako sa mga babae ko, hindi lang init ng katawan ang iniintindi ko."
Na siyang lihim na ikinadismaya ni Hanna. Buong akala pa naman niya, may kakaiba na itong nararamdaman sa kanya.
So, ganoon pala talaga ito sa lahat ng babae nito?
Marunong ding magmalasakit?