KABANATA 40

1443 Words

GANOON na lang ang pagkagulat at kasiyahan ni Kenneth nang makitang nasa rancho si Hanna! Kasama nito ang ama-amahan. Tila tinuturuan si Hanna kung paano magpakain ng kabayo. Kaagad siyang bumaba kay Horsey at halos takbuhin niya ang distansya ng dalaga. Hindi rin nakaligtas kay Kenneth ang suot nito. Fitted na pants na talaga namang ikinalunok ni Kenneth! Bakat na bakat ba naman ang bilugan nitong p'wetan! Nakalugay din ang mahabang buhok nito, kaya naman dalagang-dalaga itong tingnan! "Mang Kanor!" Sabay na napalingon ang mag-ama. Matamis na ngiti ang nakapaskil sa labi ni Kenneth. Sinulyapan niya rin agad si Hanna. Lihim na namang napalunok si Kenneth nang makita ang magandang mukha nito. "Hijo.." "Magandang umaga ho.." Bumaleng siya kay Hanna, ngunit nakayuko na naman ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD