ISANG hapon, naabutan ni Hanna ang kanyang ama-amahan na nakaupo sa maliit na sala. Tahimik siyang lumapit at nagmano dito, agad din siya nitong inutusang magbihis at sinabihang bumalik 'agad at may mahalaga itong sasabihin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ng kakainang kaba si Hanna lalo na't napaka-seryoso ng mukha nito at nakakunot-noo pa. Pagkabihis, sinulyapan niya ang kuwarto ng kanyang ina. "Maupo ka, Hanna." Napalingon si Hanna Rose, nakatingin ito ng matalim na tila galit na naman kahit wala naman siyang ginagawang masama. Lihim na napalunok si Hanna bago dahan-dahang lumapit. Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. Hanggang sa maramdaman ni Hanna ang paninitig nito sa kanya. "May ipapagawa ako sa iyo, Hanna." Kung bakit tinambol ang dibdib ni Hanna sa

