PAGKALABAS na pagkalabas ni Hanna sa kanilang paaralan, natanaw niya 'agad ang sasakyan nila Kenneth. Hanggang sa bumukas ang bintana at kinawayan siya ng binata. Isang ngiti ang kumawala sa labi ni Hanna at kaagad ding lumapit. Sa ilang Linggong lumipas, unti-unti nang naglalaho ang pagkailang at hiyang nararamdaman ni Hanna. Masasabi niyang para na silang magkaibigan ni Kenneth. Walang araw na hindi siya nito kinakausap na hindi siya mapapangiti. Masasabi niyang masayahing tao si Kenneth, lagi itong nakangiti at lagi ring nagbibiro. Hindi rin maitatanggi ni Hanna na magaan ang loob niya sa binata. Kahit kailan, hindi niya naramdaman na posible siyang mapahamak sa kamay nito. Mas nararamdaman pa nga niya ang kapayapaan at kaligtasan sa t'wing kasama ito. Pakiramdam tuloy ni Hanna,

