LUMIPAS ang mga araw at Linggo.. Lalong napatunayan ni Hanna kung gaano nga kaseryoso si Kenneth sa kanya. Kahit sa umaga, hinihintay na siya nito sa labasan para sabay na silang tumungo ng paaralan. Lagi rin siya nitong binibigyan ng halik sa noo na hindi maitatanggi ni Hanna, na labis siyang kinikilig! May pagkakataon nga lang na nalulungkot siya dahil alam niyang may malaking kailangan siya sa binata kaya ginagawa niya ang lahat upang magtiwala ito sa kanya at pagbigyan ang hihilingin niya rito. Natatakot siya, ngunit kailangan niyang gawin ang ipinag-uutos ng kanyang ama-amahan, at alang-alang na rin sa ina. Sa susunod nang buwan ang kanyang kaarawan at maglalabing-apat na taong gulang na siya! At iyon ang araw na balak niyang sagutin si Kenneth, dahil kailangan na niya ang tulo

