NAGTAKA si Hanna nang mapansing wala pa ang sasakyan nila Kenneth. Nagpalinga-linga siya, ngunit wala pa roon ang sasakyan ng mga ito. Sandaling napayuko si Hanna habang nakatayo, iniisip kung hihintayin pa ba niya ang mga ito. Kung bakit bigla siyang nakaramdam ng hiya dahil alam niyang pumayag siyang magpaligaw dito! Paano pala kung sinubukan lang siya nito dahil napapansin nitong iba na ang galawan niya? At dahil pumayag siya, kaya hindi na siya pinuntahan pa nito. Marahil, nadismaya ito sa ginawa niya! Dahil itinuring nga naman siya nitong little sister! Wala sa sariling humaba ang nguso ni Hanna, habang nakayuko at sinisipa-sipa ang may kalakihang bato. Ramdam niyang nakaramdam siya ng kalungkutan. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya, bago napagpasyahan na umuwi na lama

