"Dessa, pansin ko lang ha. Bakit pabalik-balik 'yong pangit na lalaking Santi dito?" tanong ni Pektong habang umiinom ng Mr. Milk. Kasalukuyan silang nakaupo sa labas ng tindahan nila Edyssa. Kaagad na napairap si Sheena. "Makapangit 'to akala mo naman super guwapo ni hindi nga nakaabot sa kalingkingan ni, Fafa Santi," asik ni Sheena. Kaagad na nagtaas ng kilay si Pektong at inayos ang buhok nito. Pinaiit nito ang kaniyang mata at tinitigan si Edyssa. "Kung ako lamang ay iyong pipiliin Edyssa. Ipapatikim ko ang langit na walang hanggan" saad ni Pektong at ngumiti. Napaikot naman kaagad sa mata niya si Sheena. "Ay naku! Baka matuluyan pa sa langit. Muta mo nga hindi mo makuha-kuha si, Edyssa pa kaya? Umayos ka, Pektong ha," saad ni Sheena. Natawa lamang si Edyssa sa gilid habang nakati

