Chapter 22

1563 Words

Nakatingin sa punong halos wala na ang mga nagluluntiang dahon. Iilan na lamang ang natitira. Nalagas na at tanging isang dahon tuyo ang nananatili. Sana ay hindi dalhin ng hangin. Sana'y huwag madala ng ulan. Sana'y mahulog dahil sa iyon ay oras na para mahulog at hindi dahil sa dumaang unos. Dumaan ang malakas na hangin at ang nag-iisang dahon ay biglang natangay nito palayo. Tumulo ang luha niya dahil sa hindi maipaliwanag na lungkot at dalamhati. Ang punong minsa'y masagana ngayon ay unti-unti na ring nagiging itim sa katandaan. Maging ang mga ugat ay unti-unti nang nauubos ng anay. Naghihinagpis ang kaniyang puso dahil sa katotohanang ang tao ay tulad din ng puno. Darating ang panahon na lahat nang nasa ibabaw ng mundo ay malalagas at temporaryo lamang kaya't may hangganan. "Anak,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD