Kinakabahan ang dalaga habang nakaupo sa loob ng clinic. It's been three days since nakauwi sila. Katabi niya si Santi na hindi alam ang gagawin. May ginawa lang na test ang ob-gyne na nag-check sa kanila. Bigla na lang kasi siyang hinimatay kanina. Napahawak siya sa kamay ng binata nang lumabas sa isang silid ang doktora . Kaagad na nginitian sila nito at umupo sa kaniyang table. "Congratulations, you are three weeks pregnant," wika nito at ibinigay ang resulta sa kanila. Kaagad na napatayo ang binata at napasuntok sa ere. "Yes!" ani nito at napatingin sa taas. Pinipigilan niya ang luha niyang tumulo. Tiningnan niya si Edyssa na hindi pa rin makapaniwala. Tinabihan niya ito at niyakap nang mahigpit. "Thank you so much, I love you," madamdaming saad ng binata at hinalikan ang ulo

