Chapter Thirty-five "May rage blackout iyang si Saint. Kapag sobrang galit o na trigger ang emosyon niya ay name-mental blackout siya, hija. Hindi niya alam kung anong nagagawa niya. May mga nagagawa siya na hindi niya nare-realize agad hanggang sa makalimutan n'ya." Pagkatapos sabihin ni Saint kagabi iyon ay iniwan na niya ako sa kwarto. Kinabukasan ay kinausap ako ni Manang, narito kami ngayon sa balcony ng kwarto ko. Hindi ako umalis kagabi kahit pa sinasabi na nito na ibinibigay na niya sa akin ang freedom ko. Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Tiyak kong oras na tumapak ako sa labas na walang Saint sa tabi ko ay ta-target-in ako ng mga kalaban ng asawa ko. "Hija, hindi naman ganyan si Saint. Sadyang may mga nangyari sa nakaraan na nakaapekto sa present niya. No'ng kalmado na siya k

