Chapter Twenty-nine "Sit!" isang salita ngunit agad sinunod ni Islao, iyong lion ni Saint. Hays. Ang weird tawagin sa gano'n pangalan lalo't alam kong sa kaibigan ni Saint iyon. "Stand up," sumunod din naman agad. Napangiti ako saka maingat na hinagod ang ulo nito. Malambing ito. Habang si Mackenzie ay may distansya pa. Ngunit nang lumapit ito ay ipinatong nito sa hita ko ang ulo niya kaya marahan ko na ring hinagod iyon. "Gusto n'yo bang palitan ko ang pangalan ninyo? Parang nakakahiya namang tawagin kayong Islao at Mackenzie. Anong sasabihin ko kapag ano... Islao, kiss mo ako? Mackenzie, hug kita. Ang weird 'di ba? Palitan ko na lang kaya ang name n'yo? Islao, gusto mo bang name ay Chichay? Mackenzie, gusto mo bang name ay Chichay?" maamo ang mga matang nakatingin lang ang mga ito sa ak

