Chapter Fifteen Sandwich ang breakfast ko habang umuusad ang sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami patungo pero hindi na naisingit mag-breakfast sa mansion. Nagulat na nga lang ako na inabutan ako nito ng lunch box na may sandwich. Hawak pa nito ang bottle na no'ng una'y tubig ang akala ko'y laman no'n. Pero gatas pala na ikinatuwa ko. Alam na alam ni Manang ang kailangan ng sikmura ko sa umaga. "Pagbalik natin ipaalala mo nga sa akin na mag-thank you kay Manang," ani ko habang ibinabalik dito ang bottle na may gatas. "Why?" "Sa pag-prepare niya ng sandwich and milk ko," tugon ko rito. Tinitigan ako ng lalaki. Pero hindi naman na nagsalita pa. Ilang oras na biyahe bago kami nakarating sa isang gusali. Pumanhik kami kasama ang ilang tauhan nito. Mukhang helicopter ang sasaky

