Chapter Seven
Gaano kagago ang lalaking iyon? Well, iniwan lang naman niya ako sa labas ng kwarto. Nakahiga ako sa malamig na sahig. Pinaninindigan ang desisyong Hindi pumasok ng kwarto ko. Sinong papasok doon kung may tigreng naghihintay? Wala! Mas lalong hindi ako. Kaya kong matulog dito. Dito lang ako.
Unti-unti kong naramdaman ang antok hanggang sa nakatulog na ako. Ngunit naalimpungatan ako ng umangat ako bigla. Pero dala ng antok ay hinayaan ko lang.
Nang nagising ako'y may yakap-yakap na akong mabalahibong mainit-init. Ang sarap yakapin. Mabalahibo? Mabagal kong naiproseso sa utak ko iyon. Ngunit nang nag-sink-in sa akin kung ano iyong mabalahibo na iyon ay kahit hindi pa ako nakadilat ay bumaba na ako ng kama. Pagdilat ko'y walang lingon-lingon na tumakbo ako patungo sa pinto at lumabas. Anong ginagawa ko sa kwarto? Sa pagkakaalam ko'y nasa sahig ako 'di ba? Bakit katabi ko na iyong tigreng iyon? Grabe ang kilabot na nararamdaman ko. Tapos paglabas ko ng pinto ay nakatayo sa tapat ng pinto ko si Saint Lucchetti na may katabing lion.
Nananaginip ba ako? Kaso no'ng nakita ko ang ngipin ng lion na para bang nais ipakita ang gagamitin niyang panglapa sa akin ay na-realize ko na hindi ito panaginip.
Napalundag ako kay Saint at mahigpit na yumakap sa leeg nito. Wala akong pakialam kung masakal ito sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Damn it!" inis na ani ng lalaki at sinubukan akong alisin sa pagkakayakap ko. Pero mas hinigpitan ko pa ang yakap ko pati na ang binti ko'y ipinulupot ko sa kanya. "Woman!" asik nito. Pero nagbingi-bingihan ako. As in, wala talaga akong naririnig. "Edwardo!" sigaw ni Saint. Agad lumapit ang lalaki na tinawag nitong Edwardo. Binuksan nito ang pinto at pinalabas ang tigre roon. Saka niya isinama ang dalawang alaga ni Saint. Saka lang ako bumaba ng Wala na si Edwardo at ang dalawang mabangis na alaga ng lalaki. "Are you crazy?" asik ng lalaki sa akin. Tinitigan ko ito.
"Malapit na, Lucchetti! Malapit na akong mabaliw dahil sa mga pinaggagawa mo sa akin." Pikon na pikon kong sagot dito. "Ang sama mo talaga. Paano kung nilapa ako ng mga alaga mo? Eh 'di patay ako!"
"Hindi ba't gusto mo ng mamatay?"
"Kung sa mabilis na paraan... pwede. Pero kung lalapain muna ako ng mga alaga mo... mararamdaman ko ang lahat ng sakit... no way!" napabuntonghininga ang lalaki.
"Ayusin mo ang sarili mo at magtungo ka sa dining room," sabay talikod nito. Kung may suot lang akong tsinelas ay tiyak kong nabato ko na ito. Nakakainis kasi.
Bumalik ako sa kwarto. Deretso banyo para maligo. Habang busy ako sa banyo ay naririnig ko na sila Jeky.
"Cecilia, nakahanda na sa kama ang damit na isusuot mo. Bilisan mo d'yan dahil baka mainip si boss," tiyak na kapag nainip iyon ay parurusahan na naman ako. Kaya nagmadali na ako. Nang natapos akong naligo ay nagsuot ako ng robe at binalot ng towel ang basa kong buhok. Nang lumabas ako'y naghihintay na si Jeky at Manang sa akin.
Kaya ko namang magbihis pero tinulungan pa rin nila ako. Ultimo sa pagtuyo ng buhok ay in-assist pa rin nila ako.
"Ang ganda-ganda mo, Cecilia," hindi napigilang puri ng matanda. Tapos na nila akong ayusan. "Halika na," pati sa pagtayo na kaya ko naman ay umalalay pa si Jeky.
Dinala ako ng dalawa sa dining room. Naroon si Saint at busy sa diyaryong hawak niya.
"Eat," cold na utos nito. Tahimik naman akong kumain. Napapapikit sa tuwing sumasagad ang masarap na pagkain sa dila ko.
Nang natapos ako ay tumayo na si Saint.
"Follow me," at agad itong tumalikod.
"Sunod na, ineng. Baka magalit na naman iyon kung mabagal ka," ani ni Manang kaya naman nagmadali ako sa pagsunod sa lalaki. Nakarating kami sa labas ng mansion. May sasakyan na naghihintay roon.
"Sakay," utos nito sa akin. Sumakay naman ako. Bago ito lumulan. Nang umusad ang sasakyan ay may maskara itong iniabot sa akin. "Wear it."
Kulay puting maskara iyon na parang gano'n din kay Saint pero kulay lang ang pinagkaiba.
Mahigit isang oras na biyahe at nakarating na kami sa pribadong parking lot ng isang hotel. Nang bumaba si Saint ay bumaba rin ako. Nang lumakad ito ay sumunod lang din ako. Hindi ako nagtanong kung saan kami pupunta at kung ano ang gagawin namin. Tahimik lang ako. Pagdating namin sa isang silid ay kami na lang dalawa ni Saint ang pumasok. Lumakad pa ito at may binuksan na pinto. Sunod lang din ulit ako. Isang event hall ang bumungad sa amin. Narito kami sa second floor habang nasa unang palapag ang mga tao at nagkakasiyahan. Madilim ang parteng ito at tiyak na hindi kami pansin ng mga tao. Sa tinapatan pa naman namin ay naroon ang table ni dad. Kung dati'y ako palagi ang kasama niya sa mga event. Ngayon ay sina Vernice at Mama Alora na.
"Look at them, Cecilia Celestia," pumwesto sa likuran ko si Saint. Tumukod sa railings ang dalawang kamay nito kaya nakulong ako sa pwesto ko. "Panoorin mo kung paano ibandera ng ama mo ang mga sampid sa buhay ninyo," napakagatlabi ako sa sinabi nito. Nakikita ko naman. Kung gaano kasaya si daddy na ipakilala ang 'mag-ina' niya sa mga business partners niya.
"Aba'y finally ipinakilala mo na sa amin ang mga nagpapasaya sa puso mo, Drew," iyong nagsalita ay isa sa business partner ni papa. Private talaga ang relationship ni dad at ni Mama Alora. Kahit mga importanteng tao sa business ni dad ay hindi talaga niya ipinakilala ang mag-ina. Ngayon lang talaga. Ngayong wala na ako sa poder niya? Napahawak ako sa railings. Humigpit ang kapit ko roon.
"Iniisip mo bang napilitan lang ang ama mo no'ng ibinigay ka niya sa akin?" bulong ni Saint sa tenga ko. Alam kong sinasadya ng lalaki na gisingin ang galit sa puso't isip ko. Pero hindi naman na nito kailangan gawin pa iyon. Nag-uumapaw na ang galit sa puso ko... dati pa pero ngayon kasi'y hindi na kontrolado pa. "Walang namilit sa kanya, Cecilia Celestia. Ibinigay ka niya kapalit ng mag-ina niya. Sila ang pinili niya... never ikaw," ani nito.
Never ako. May luhang pumatak mula sa mga mata ko. Mapait ang naging ngiti. Sa likod ng maskarang ito ay isang luhaang babae na paulit-ulit binigo ng sariling ama. "Makinig ka sa kanila... pakinggan mo kung gaano ka-proud ang ama mo sa kanila."
"Itong si Vernice ang magma-manage ng business kapag hindi ko na kaya pa. Wala akong ibang naisip pasahan ng mga negosyo kung 'di ang anak kong ito."
"Mukhang matalino ang anak mo---"
"Matalino talaga. Kaya proud na proud ako sa anak kong ito. Alam kong mas mapalalago pa niya ang nasimulan kong negosyo."
"Naiisip mo na ba kung ano ang gagawin mo sa kanila?"
"Pababagsakin ko sila, Saint. Magdurusa sila sa ginawa nila sa akin." Seryosong tugon ko sa tanong ng lalaki.
"Good. Pero hindi ka makakapaghiganti kung mahina ka, Cecilia Celestia."
"Magpapalakas ako, Saint. Hindi mananatili itong Cecilia na mahina at walang silbi at kahit magmakaawa pa sila na patawarin ko sila... hindi nila makukuha sa akin ang pagpapatawad."
"Very good, Cecilia Celestia," bulong nito saka kinabig ako at giniya na paalis sa pwesto namin.
Nakabalik kami sa parking lot. Tahimik lang ako. Nang nakasakay na at umusad na ang kotse ay nilingon ko si Saint.
"Pwede bang umiyak?" tanong ko rito. "Gusto ko lang ibuhos ang luha ko ngayon," ang bigat-bigat kasi sa dibdib at hindi nakakatulong sa akin iyon. Lalo't pinipigilan ko ang sarili ko na mailabas iyon.
Hindi sumagot ang lalaki. Yes siguro ang meaning ng 'di nito pagsagot. Inalis ko ang maskara ko. Saka umatungal ng iyak na ikinaiktad ni Saint dahil sa gulat.
"Damn it!" ani pa nito sabay sapo sa dibdib niya. Halatang nagulat ito pero dahil may maskara ay hindi ko nakita ang reaction ng mukha niya.
"Huhu... ang sama-sama nila sa akin," wala akong pakialam kung ang pangit kong umiyak. Basta iiyak ako. Kahit pa nga gulat na gulat si Saint ay wala akong pakialam.
"Alam mo kung bakit masama sa 'yo ang mga taong iyon?"
"Bakit?"
"Kasi mahina ka. Inaapakan ka nila kasi hindi ka marunong lumaban. Walang silbi."
"Ang sakit naman ng mga salita mo, Saint. Sobra ka naman," parang batang pinunasan ko ang basang pisngi ko. Pagod na ang isip kong unawain ang ama, pagod na ang puso kong mahalin pa ito. Tama na. Nakuha niya akong talikuran... kaya ko ring gawin iyon.
"Because you deserved to hear those words from me. Baka matauhan ka, Cecilia. Walang kwenta." Sobrang sama ng tabas ng dila ng lalaking ito. Pero ano pa nga bang aasahan ko... demonyo ito. Wala talagang magandang salita na maririnig dito.
Nanahimik ako.
"Oh, anong iniisip mo?" puna nito sa akin.
"Mamaga sana iyang itlog mo dahil sobrang gaspang ng ugali mo," sagot ko. Sinabi talaga ang nasa isip. Ang driver na tahimik lang kanina ay hindi napigilang napabungisngis. Pero agad itong nanahimik no'ng narinig na ang pagkasa ng baril ni Saint.