Chapter Seventeen "Saint, sikat ka rito. Artista ka ba rito? Polpoliko ka ba rito?" "Polpoliko?" "Oo, polpol na politiko." "Tsk. No, Cecilia. I own this island." "Sa 'yo ito? Angas! Kung mamamatay ka ba'y maiiwan sa legal wife mo ito?" "What?" curious lang naman. Nagtatanong lang. "Curious lang naman," sagot ko rito. "Kung mamamatay ako ay isasama kita, Cecilia." "Luh! Hindi pwedeng ikaw lang? Sige, kung mamamatay ako ay sasama ka rin." "No. Ikaw lang. Hindi ako sasama---" "Ang unfair naman no'n, Saint. Dapat fair," tuloy lang kami sa paglakad ni Saint. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nag-e-enjoy naman ako sa paglalakad. Pero mas masaya siguro kung hindi ko siya kasama. Nang natapat kami sa ramen house ay hinila ako ni Saint papasok. "Boss!" agad na saludo ni Saint

