Chapter Twelve "Hindi po ako tanga, ma'am. Napilitan lang po akong nagpakasal sa kanya. Shotgun wedding po ang atake," amin ko sa ginang habang si Saint Luther Lucchetti ay nanlaki ang mata. Bakit? Hindi naman niya ako in-briefing sa mga dapat kong sabihin dito. Sinabi lang niya kung sino ang dapat kong iwasan. "What?" gulat na ani ng ginang saka pinalo ang dibdib ng anak niya. "Ouch!" reklamo ni Saint. "Anong kagaguhan ito, Saint Luther?" agad na umatras si Saint at inakbayan ako. Bahagya rin nitong pinisil ang balikat ko. Alam kong warning iyon. Naku po! Lagot na naman ako. "I'm just kidding, ma'am," bawi ko baka sakaling makaiwas pa sa punishment ng lalaking nakaakbay sa akin. Na-relax naman ang ginang na para bang napanatag ito na hindi nga shotgun wedding ang nangyari. "Hon! Hon

