Chapter Sixty-one "Road trip tayo?" katatapos kong kumain nang ice cream ng yayain niya ako. Dahil wala naman kaming ibang gagawin ay agad akong sumang-ayon. Siguro naman this time ay wala nang magiging aberya. Nang lumabas kami ay dinaanan ko si Mochi. Nang kunin ko sa kulungan ay hindi naman umangal si Saint. Hinayaan niya akong bitbitin ko ang kambing. Motor lang ulit ang sinakyan namin. Si Saint ang driver at kami naman ang back ride niya. Mahigpit kong hawak ang kambing na kahit behave naman ay ingat na ingat pa rin ako. Baka kasi tumalon. Nang nadaanan namin ang mga kambing na nakapastol sa gilid ng kalsada ay nag-ingay si Mochi na ikinahagikhik ko. "Nakita n'ya iyong mga kalahi niya, Saint," aliw na aliw na ani ko. "Hindi ka man lang nag-hi, Saint." "Kalahi ko ba iyon?" tanong

