“The answer is no. Hindi ka aalis dito.” Hinigpitan pa ni Luis ang kapit kay Simone. Pakiramdam niya ay tatakbo na naman ito. Mahihirapan na naman siyang mahanap si Simone kapag pinabayaan pa niya itong mawala sa paningin niya. He paused to think kung bakit nga ba ayaw niya itong umalis? Sigurado naman siyang panalo na siya sa usapan nila ng mga kapatid nang madala niya doon si Simone. Saka na lang niya iisipin kung bakit. Ang importante ay mapigilan niya ang binabalak. “Kapag nag-thank you aalis na kaagad? Hindi ba pwedeng grateful lang?” He looked at her at hindi ito makatingala sa kanya. He knew she was lying. “Kilala kita. Believe me, kahit maiksing panahon pa lang tayo nagkasama, kilala ko na ang mga banat mo. You’re about to run away again. Sila maloloko mo, pero ako hi

