Chapter 25

2123 Words

  “Anong ibig mong sabihin na nagpunta si Nanay kay Fabro?” Nangangatal ang buong katawan ni Simone habang kausap si Lemuel. Nasa labas sila ng ICU kung saan nakaratay si Sylvia. Nag-aagaw buhay ang ina niya dahil sa iba’t-ibang kumplikasyon dala ng karamdaman nito. Humina na ang immune system ni Sylvia at inatake ito ng Pulmonya dahil kahit na may sakit at malakas ang ulan ay sumugod ito sa Rancho Ramirez upang kausapin ang matandang mas masahol pa sa hayop sa sama ng ugali.   “Doon ko siya pinuntahan. Kung hindi ko pa siya sinundan doon ay baka doon na siya—“ Ilang minuto ring hindi umimik si Lemuel bago ito nagpatuloy, “Kahit malakas ang ulan at inaapoy siya ng lagnat, ipinahabol siya sa mga aso nang tumanggi siyang umalis doon sa bahay nang hindi siya kinakausap ni Fabro. Mabuti na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD