Nahimasmasan si Simone matapos ang ilang minutong pananamantala ni Luis sa kahinaan niya. Nang maka-recover siya ay ipinamalas niya sa binata ang isa pang source of fun niya bukod sa pagsasayaw. Mabilis ang kilos ni Simone. She rolled over and switched position with Luis. Ngunit pinaikot pa niya ito hanggang sa nakadapa na ito at nakalapat ang mukha sa kama habang nakaipit sa likod at hawak naman ni Simone ang brasong ilang minuto lang ay nakayakap sa kanya. “What the hell!” Sigaw ng binata habang napapasigaw rin sa sakit ng pagkakadagan ni Simone sa mukha at likod at kaliwang braso nito. “Masyado kang nawiwili ng kakahalik sa’kin! Hindi pa pasko kinukubra mo na ang gusto mong regalo!” Sinubukang iangat ni Luis ang ulo at katawan mula sa kama ngunit matindi ang pagkakaipit s

