“Noah, nagpapasundo kasi si Sayuri sa airport. Can I take the night off?” While she was stretching to cool down from their practice ay nagpaalam na siya sa officer in charge nila. Nagtagumpay si Simone na makuha ang pansin ng First Soloist nila at mentor na si Noah sa pamamagitan ng pagbanggit sa pangalan ni Sayuri. “Bakit saan ba siya nagpunta?” Simone had to smile at the obvious irritation on his voice. Parang aso at pusa man ang dalawang ito tuwing magkikita ay napansin ni Simone na lagi namang nakatuon ang atensiyon ni Noah kay Sayuri. “Nagpunta ng Singapore para makipagkita sa nawawala niyang jowa na si Enrico.” Kung noong una ay napalingon lang si Noah kay Simone para tanungin kung nasaan si Sayuri, nang mabanggit ang pangalang Enrico ay full attention na ang ibinigay ni

