TEP 07 : Rosas

2709 Words
"Tangina mo rin! Gago!" sigaw ni Vince. "Mamatay ka na! Basura ka lang naman dito eh! Kutong lupa na nag-anyong unggoy!" pabalik na sigaw ng kaniyang kaaway. "Pare tama na. Abangan mo nalang mamaya sa kanto. Doon mo bugbugin para bukas hindi na makapasok. Nako kapag nakita kayo ngayon ni Ms. Terror ay mapupunta na naman kayo sa Guidance Office. Tara na!" pangungumbinsi ng isa niyang barkada. Wala na ngang nagawa si Vince at sumama na lang sa kabarkada papasok sa kanilang silid. Naisip niyang aabangan nalang talaga niya sa kanto ang mortal niyang kaaway. ・・・ "Sir mali po ang A dahil mas tamang sagot ang D. According to Wiki ay pantay lang ang porsiyento ng mga babae at mga lalaki. Makikita rin sa linyang pantay ang guhit." "Is that so Mr. Gonzallgia?" "Excuse me, Sir." "Yes, Mr. Manalastas?" "Not every information on the internet are advisable to use and verified... Based on my research, according to the second edition of basic statistics book by the author Elizabeth B. Pareño ay mas mataas ang porsiyento ng lalaki kaysa sa babae. Kung titignan niyong mabuti ang line ay bahagyang-bahagya itong tabingi. So the correct answer is A. Thank you." napanganga naman sa kaniya ang klase. "Excuse me, Sir. Hindi rin naman lahat ng libro ay tama. May mga kamalian din ito katulad ng nasa internet." "Woaah..." manghang sigaw ng klase dahil nagsisimula na naman silang mag-init. "So sinasabi mo ba Dracula- Este Matthios na ang school natin ay naglalagay ng librong may maling konteksto sa ating library? Tsk. Nakakahiya naman kila Sir na harap-harapan mong pinamumukha sa kanila ito. Nako... lagot ka kay Ms. Librarian... Tsk." "Woaah!" mas lalong lumakas ang sigawan ng mga kaklase. "Silence! Tama naman na may mga kamalian pa rin sa bawat pagkukuhanan ng mga sites pero nasa inyo na iyon upang tignan nang mabuti kung tama ba ito. Gayunpaman ay tama naman ang napansin ni Mr. Vincent dahil kung pagbabasihan nga nang mabuti ay hindi nga pantay ang linya. So the correct answer is A." Muli na namang tumaas ang kilay ni Matt sa kayabangan ni Vince pero mas nanaig ang paghanga niya sa binata dahil sa angking talino nito. ・・・ "Aray! Tangina!" sigaw ni Matt nang biglang may nanghablot sa kaniya habang naglalakad sa eskinita pauwi galing eskwelahan. "Hindi pa ako tapos sa iyo kanina eh. Papansin ka talaga eh noh?!" si Vince matapos bahagyang sakalin ang lalaki. "V-Vince..." "Ano nasaan ang angas mo?!" "Ang guwapo mo talaga sa malapitan..." "P-Puta?! Bakla ka ba?!" "Anong toothpaste mo? Masyadong mabango ang hininga mo..." "Hoy gago! Kanina ang tapang mo ah! Nababakla ka na ba?!" "Tsk. Nakapamanhid mo talaga bahala ka riyan. Tabi!" "Hoy gago! Huwag mo kong tinatalikuran! Humanda ka sa akin bukas!" "Humanda ka rin sa akin! Dapat kayanin mo ako ha! Haha!" Naiwang nakatayo si Vince at inaalam ang mga nangyayari. Sa eskwelahan ay lagi siyang iniinis ni Matt pero biglang nagbago ito at biglang naging maayos ang pakikitungo sa kaniya. 'Anong nangyari doon?" ・・・ "Pare bakit pumasok ka pa? Sana sinamahan mo nalang mama mo. Anong lagay ni tito?" Kagabi lang ay biglang naalerto sila sa balitang naaksidente raw ang kaniyang ama habang pauwi ito galing trabaho. Magdamag sila ng kaniyang ina sa labas ng ospital habang hinihintay ang amang kaagad na inoperahan. Umabot ang madaling araw at saka lumabas ang doktor. Successful naman daw ang operasyon ng kaniyang tatay pero kailangan pa rin nitong manatili sa ospital. Mahabang gamutan din daw ang kailangan sa kaniyang ama para gumaling ito. Mananatili na muna si Vince sa tabi ng mga magulang pero kailangan niyang pumasok sa kaniyang klase kahit hapon lang siya pumasok at nag-half day lang. Natulog lang siya noong umaga dahil inantay pa muna nilang magising ang ama at saka siya naligo't pumasok sa eskwela. "Kailangan eh. Malaking puntos ang test ngayon ni Ms. Terror. Baka bumagsak ako ngayong semester dahil lang doon. Ayaw rin niyan sa second chances at patay talaga ako niyan. Pagkatapos nito ay susubukan kong lumusot sa guard para makabalik sa ospital dahil itong klase lang naman ang papasukan ko pagktapos ay uwi na. "Sige tulungan ka nalang namin lumusot." ・・・ Hindi rin naman gaanong nakapag-focus si Vince dahil ngarag siya sa puyat at kaunting tulog. Hindi rin siya masyadong nakapagbasa dahil magdamag silang nasa ospital. "Guard kailangan ko ngang bumalik sa ospital! Andoon nga ang tatay ko! Ang kulit mo naman eh. Dali na! Naghihintay rin nanay ko r'on!" "Sir hindi nga po pupuwede magpalabas ng estudyante dahil oras pa ng klase! Cutting na maitatawag 'yan. Kung gusto mo lumabas ay maghanap ka na lang ng prof na mahihingan mo ng e-" "Kuya kasama ko siya at nasabi ko na kay papa 'to. Makakalabas na ba kami?" boses ito ng lalaking hindi niya napansing nasa likod niya. "Sige po S-Sir Matt. Oh labas ka na S-Sir." Hindi na niya nilingon ang lalaking tumulong at saka lumabas sa gate. Hindi pa siya nakakalayo ay nakarinig siya ng mga mabibigat na hakbang. "W-What are you d-doing? B-Bakit mo ako sinusundan?!" "Wala na ngang thank you naninigaw pa. Tsk." "Edi thank you! Alis na!" "Tsk. Bakit diyan ka naglalakad? Sumabay ka na sakin dala ko kotse ko. Ayoko kasing maulit yung pang hahablot sa akin. Haha." "Yabang mo! Bahala ka!" "Hoy! Sumabay ka na! Hahatid kita! Napakaarte mo!" "Ngayon lang to ah! Kung hindi lang ako nagmamadali eh.." "Tara sa parking lot..." "Nasaan na ba 'yong kotse mo! Napakayabang mo." "Tsk. Hahatid na nga kita andami mo pang sinasabi. Nagkotse lang naman ako, anong mayabang doon?" "Paano eh ginamit mo pa talaga iyang pagiging anak ng may-ari ng school para lang magmayabang. Tsk." "Ano bang pinaparating mo? Tinutulungan ka na nga eh. Isipin mo nga paano ka makakalabas? Tsk!" "Isipin mo rin ang lagay ko na tinutulungan ng sariling kaaway! Parang minamaliit mo ako!" "So balewala pala ang pagsasakripisyo ko? Mapupunta lang pala sa wala lahat ng puwedeng gawin sa akin ni Daddy dahil ginamit ko na naman ang pangalan niya. Anong puwede kong gawin para mabago ko ang pananaw kong kaaway mo pa rin ako? Tsk." Titig lamang ang nasagot niya sa binata. Hindi rin naman nagtagal ang titigan nila at saka pinaandar na rin nito ang kaniyang kotse. Tahimik lang sila buong biyahe papunta sa ospital. "S-Salamat. Mauuna na ako ah." si Vince noong nasa tapat na sila ng ospital. Tango naman ang isinagot ni Matt. Mukhang galit ang binata sa kaniya. Hindi pa man nakakalayo si Vince ay bigla rin siyang bumalik sa kotse ng lalaki at kinatok ang pinto nito. "Oh, mayroon kang naiwan?" "A-Ahm... G-Gusto mong p-pumasok?" "Haha! Iyon lang naman ang iniintay ko! Tara!" sigaw nito at biglang nawala ang busangot sa mukha. Lumabas sa kotse si Matt at tumungo sa compartment. Nagulat si Vince ng ilabas nito ang isang boquet ng roses. "Hmm... A-Alam kong hindi ito tamang oras pero ibibigay ko na rin... Kanina ko pa dapat ito ibibigay kaso wala ka kaninang umaga. Nabalitaan ko nalang na may nangyaring masama pala. A-At... S-Salamat na rin dahil hinayaan mo akong samahan kita. Tara baka naghihintay na si Tita..." "B-Bakit may flowers ka p-pa... Para saan 'to? Huy! At saka anong tita?! Hindi naman kita barkada!" "So anong gusto mo? Mama?" ngisi nito. "Gago! Binabading mo na naman ako! Tara na nga! Ang barako mo tapos magsasabi ka ng cheesy at corny lines! Kingina!" "Tsk. Bakit ka nagagalit?! O... Galit-galitan ka lang para maitago ang kilig mo?! Ha! Haha!" "Baliw!" singhal ni Vince. Dumaan ang tatlong minutong pasikot-sikot at saka nila narating ang okupadong silid nila. Nasaksihan nila kung paanong natutulog nang mahimbing ang ama habang nasa gilid nito ang ina. "M-Ma..." "O-Oh Vince andiyan ka na pala... Oh... Bakit ka may hawak na bulaklak?" "Ah-" "Hindi pa patay ang papa mo! Siraulo ka talaga!" "A-Ah! Hindi! P-Para sa inyo talaga 'to... P-Para sa inyo t-talaga... B-bigay iyan ni M-Matt... Matt p-pasok ka..." "Oh may kasama ka pala. H-Hi... Nako hijo pasensiya kana at medyo makalat ang paligid..." "A-Ah... Okay lang po ako t-tita... M-Matthios po pala..." "Hmm.. kabarkada ka rin ba nitong si Vivi ko? Tsk! Ang guwapo mong binata at baka naiimpluwensiyahan ka ng anak ko!" "Ma!" "Haha! Sige upo na kayo... Bibili lang ako ng gamot sa labas dahil hinihintay lang talaga kitang dumating... Kayo muna rito ah..." "Hmm... Vivi pala ah!" "Shut up! Si mama lang naman ang makulit na tawag nang tawag sa'kin ng ganiyan. Tsk!" "Tsk. Medyo nagtatampo rin ako ah. Para sa'yo iyong mga bulaklak eh." "Malamang caught in the trap na ako! Iyon nalang ang naisip ko!" "So kung hindi pala nakita ng mama mo iyon ay itatabi mo? Aw." "Shut up. Siyempre itatapon ko iyon after mong umalis. Tsk." "Tsk. How's your dad by the way?" "Okay naman na. Madaling araw na natapos ang operasyon. Kaninang umaga lang din siya nagising. Tapos ako diretso sa school na agad." "Bakit kapa pumasok? Tsk." "Malamang si Ms. Terror may pa test. Ayokong bumagsak. Hindi nagbibigay ng special test 'yon." "Gusto mo ba ipatalsik ko?" "Yabang mo. Tsk!" "Haha... Pinagagaang ko lang iyang nararamdaman mo... If bahagyang okay na ang papa mo... Ikaw kamusta ka?" "Ito naiinis kasi may isa riyan binabakla ako. Tsk!" "Haha... I'm happy that you're a bit fine now. Kanina galit na galit ka kay Kuya Junjun eh ginagawa lang naman niya trabaho niya." "Tsk. Trabaho-trabaho! Dapat ay alam niya kung kailan siya dapat maging istrikto at maluwag." "Andito naman ako... Tsk! Gonzallgia for 3 points! Haha!" "Tsk. Sumbong kita sa tatay ko eh." "Tito gising ka na oh! Ako nga po pala si Matt-" "Shut up! Baka magising 'yan!" "Ang cute mong mamula." "Ang cute mong tirisin." Hindi nagtagal ay bumalik din ang kaniyang ina. Dala nito ang mga reseta at mga gamot na binili. Hindi rin nagtagal ay kailangan na rin na bumalik ni Matt sa eskwelahan dahil may pasok pa ito. Lumiban lang daw siya sa isang subject niya para samahan si Vince. Nagkausap din sila ng ina ni Vince na kung kakailanganin nila ng tulong ay handang tumulong ang pamilya nila Matthios. "A-Ahm sige rito nalang..." Si Matt noong nasa parking lot na muli sila. "Salamat ah... Sa paghatid, sa bulaklak, at sa pagpapagaang ng dibdib. Hindi man maganda ang unang pagtatagpo natin... Tinulungan mo pa rin ako..." "Thank you rin dahil tinanggap mo ako..." Nagkakahiyaan pa silang magpaalam sa isa't-isa sa mga pagtatagpong iyon. Hindi sila magkatinginan at tila inaantay ang isa na magsalita. Habang nasa biyahe kanina papuntang ospital ay sinuri lahat ni Vince ang mga pagtatagpo nila ng binata. Masyado silang mainit na dalawa kapag nagbabangayan pero may bumabagabag sa kaniya at iyon ang mga pagkakataong nahuhuli niyang malamyos na nakatitig sa kaniya si Matt at kapag napansin niya iyon ay biglang bubusangot ang binata na parang inaasar siya. Napagtanto niyang nahihirapan ang mga taong makuha ang atensiyon niya kaya inaasar nalang siya nito... Pero kapag nakatalikod naman siya ay roon lalabas ang paghanga ng lalaki. Lalo pang kumiliti sa loob niya ang biglaang pagbago nang ihip ng hangin. Sobrang bait ni Matt at handang magsakripisyo ng mga bagay para sa kaniya. Sobrang gaang din na kasama at masarap kausap. "Puwedeng manligaw?!" sabay nilang sabi. Nagkatitigan pa sila dahil sa gulat. Parehas na parehas ang kanilang isip. "Oo!" sabay nilang sagot. "Hahaha! Puta ang korni natin! Parang kahapon lang inabangan pa kita sa kanto!" "Parang kahapon lang din ay nagpaplano pa akong pakiligin ka!" "Puwede kitang maging nobyo?!" sabay nila muling bigkas. "Oo!" sigaw ni Matt. "Hindi pa!" taliwas na sabi ni Vince. "Huh? Bakit? Manliligaw ka sa akin tapos nung sabihin kong oo ako sa pagiging nobyo mo ay hindi ka naman sa akin?!" "Haha! Sinisigurado ko lang na akin ka talaga... At sa pagsagot ko naman ng hindi... Gusto ko lang makita kung papaanong manligaw ang isang Matthios. Haha!" "So... Jowa mo na ako pero ikaw hindi pa kita jowa?!" "Oo... Haha! At... Iyan din ang isang ugali ko... Ang maging magulo... Kaya ihanda mo ang sarili mo... Haha! Sige alis na... Baka mahuli ka sa klase... Ingat ka pabalik ng school... Liligawan mo pa ako." "Ang daya! Ikaw makikita mo kung paano kita ligawan pagkatapos ako ay hindi!" "Eh marupok ka eh. Haha! Don't worry... Araw-araw naman ka namang liligawan ni Vivi..." "Tsk. Hindi man lang ako kinilig. Tsk. Tsk." "Hindi naman kita papakiligin sa magiging relasyon natin eh." "Eh ano?! Bakit mo ako-" "Palilibugin lang kita. Haha! Ang c-cute... Mo rin kapag namumula." "Bye!" "Bye, Matt-Matt ko!" "Gago!" Ilang linggo rin silang nagtititigan lamang sa klase dahil kapag maraming tao ay kailangan muna nilang kumalma. Araw-araw naman ay tinupad ni Vincent ang pangakong panliligaw. Sinusulatan niya si Matt sa isang kapirasong papel ng kung ano-ano. May nakakakilig, mga pangako, mga liriko ng kanta, at mayroon ding malaswa. 'Have you seen a butthole wink?' 'Do you like to DRAW? Because I can put the D in RAW.' 'I want to spread ketchup on your body and put you between my buns.' 'You want to foot cuddle me so hard?' 'My d**k aches for your heart.' 'I'm not wearing any underwear today.' 'Can I lick mustard off of you after class?' 'I put this piece of paper in-between my balls. Sniff it. ;)' 'I'm taking yoga class. Do you want to know how flexible I am?' 'Are you a baker? "Cause you'vr got some big buns.' 'I want to taste your earlobes.' 'My right ball is much bigger than my left one. Want to see it?' 'You make my n*****s tingle.' Si Matthios naman ay nanliligaw pagkatapos ng klase. Hatid-sundo niya na rin si Vincen sa bahay nito. Sabay silang pumasok at umuwi. Mayroon pang pagkakataon na magnanakaw siya ng halik sa pisnge ng lalaki. Para silang mga teen ager na nagliligawan pero hindi iyon halata dahil matigas pa rin ang bulto nila at lalaking-lalaki ang mga gawain. Kapag silang dalawa lang ay saka lumalabas ang maamong katauhan nila at malanding pagkatao nila. Nang makabalik din sa bahay ang mga magulang ni Vince ay lagi siyang nakasuporta at nakaalalay. Mula sa paghatid mula sa ospital, sa mga pagbili ng gamot, at minsan ay sa pagluluto na rin. Kilalang-kilala na siya ng mga magulang ni Vince at anak na rin ang turing. Ang nanay at tatay nito ay malaki rin ang tuwa dahil sa wakas ay nakahanap si Vince ng kaibigang matino at hindi basag-ulo. "Woah... May pambayad ka?" "Oo naman... Nag-ipon ako noh." "Tsk. Iyang pera mo sa pagpapagamot nalang ni tito..." "Huwag ka mag-alala may ipon din ako para kay papa... At saka uuwi rin si kuya ko na galing Korea. May katulong na rin tayo at hindi na masiyadong mahihirapan." "S-Sige... Huli na 'to ah! Hayaan mong ako muna ang gagastos sa mga dates natin... Bumawi ka nalang kapag nakapagtapos na tayo..." "Sakay tayong ferris wheel!" "Okay. Tara!" Kasalukuyan silang nasa isang Amusement Park. Matagal nang hindi nakakapunta roon si Vincent dahil busy sa school at sa pag-aalaga sa kaniyang ama ganoon din si Matthios. "Ang lamig! 'Takte 'yong jacket ko nasa kotse." Gulat naman si Matt nang yakapin siya sa likod ni Vince habang umaakyat ang sakay nila sa ferris wheel. Nakikiliti rin siya sa bahagyang bigote ni Vincent nang magsimulang isiksik ng binata ang mukha nito sa kaniyang leeg. "Hoy anong ginagawa mo?" "Hmm... I'm addicted to your scent." "Hoy!" "Do you know... Kinausap ako kahapon nila mama't papa..." habang nakasiksik pa rin ang mga mukha sa leeg ng binata. "H-Hala bakit?" "They knew that we have something..." "s**t!" "Why? Are you that scared? "H-Hindi... Ikaw naman ang i-itatakwil nila eh. H-Haha!" "Kung itatakwil?" "H-Ha?!" biglang humarap si Matt sa pagkakatalikod at hinarap si Vincent. "Matt..." "Hmm?!" "I love you..." at saka hinaplos ni Vincent ang kaniyang pisnge. Nagdampi ang kanilang mga labi at malamyos na gumalaw. Magaling si Vince humalik kaya nadala na siya sa kapusukan. Hawak siya ng binata sa mukha at kusang naglakbay naman ang kaniyang mga kamay sa mga braso ng lalaki na pumuputok. "Haha... Ang cute mo namang habulin ang labi ko... Baka masanay ka niyan ha..." "Gago!" "Sa sobrang bait mo nabilog mo ang mga ulo nila. Haha! Noong nakumpira ko sa kanila ang mga hinala nila ay sobrang tuwa nila. Si mama ay napahalik-halik pa sa pisnge ko... Binata na raw ako. Haha! Binatang may gusto rin sa binatang nasa harap niya. Sa tingin mo binata na ba ako? Haha!" "H-Hey... Oo naman. Haha!" "So... Puwede na ba?" at hinimas ni Vince ang tumbok ni Matt. "Hmm... hindi na 'to ginagawa ng mga bata..." "Gago!" "Haha! Mamaya ka sa'kin! Haha!" "Hmm... Puwede na ba kitang maging nobyo?" "Gusto mo ba halikan muli kita para masagot? Hindi pa ba sapat iyon? Tsk. Nag-practice pa man din ako... Kahit girlfriend ko noon hanggang pisnge lang ang natatamo." "At kanino ka naman nag-practice?!" "S-Sa salamin? Haha! Kahalikan ko sarili ko kagabi..." "Hayok ka talaga noh?" "Oo. Nalibugan nga rin ako eh... Tigas tuloy ako kagabi. Haha!" "Weh? Patingin nga... Haha!" nanunuksong sabi ni Matt. "I love you, Matt..." habang nakatitig si Vince sa nobyo. "I love you, Cent..." at saka pinagpatuloy ang halikan. Hindi na nila pinansin ang paligid dahil alam naman nilang nasa ere pa rin ang sinakyan sa ferris wheel. 'But like every love story... There's always hindrance and sacrifices...'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD