"The more I dig into the rabbit hole, the more I discover disturbing secrets, the more I realize the horror of what human beings are capable of. The human mind is scarier than any uncanny creatures."
***
(*Trigger Warning)
"Ang galing ko, 'di ba? Hindi n'yo naaamoy ang baho ng bangkay? Bumili kasi ako ng air quality enhancer liquid sa sss. Itong enhancer na ito para talaga sa mga morgue. Tapos ihahalo mo roon sa aromatheraphy diffuser," nakangiting paliwanag ni Brandon na parang walang ginagawang masama.
"Ito Kassie oh. Vicks. Hindi ba naglalagay kayo n'yan sa ilong kapag humahawak kayo ng bangkay?" sabi pa nito na naghagis ng vicks vaporub sa kulungan. Tumama iyon sa bakal at tumalsik sa gilid.
Masama ang tingin na kumapit si Kassie sa rehas na bakal at sumigaw, "Nababaliw ka na!"
"Ikaw ang dahilan ng pagkabaliw ko," walang emosyon na sagot ni Brandon.
Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng lalaki.
"Minahal kita Kassie," sabi nito na nag-iba ang emosyon sa mukha. Naging malambot ang mga mata nito nang tumingin sa dalaga.
Napatingin si Gina sa babaeng kasama sa kulungan. Hindi niya kilala si Kassie at naguguluhan siya sa usapan nila.
"Hindi 'yan totoo!" giit ni Kassie. Binugbog siya kanina tapos sasabihin na mahal siya?
"Totoo 'yon pero mas minahal mo si Frederick!" nagalit na sigaw ni Brandon at dinuro siya. "Kasalanan mo kung bakit ako nagkaganito!"
Hindi sumagot si Kassie. Totoong minahal niya si Frederick. Bilang isang matalik na kaibigan o maaaring mas higit pa roon. Napagtanto niya kung gaano kahalaga si Frederick sa buhay niya nang mawala ito, pero hindi na maibabalik ang buhay na nawala.
"Ako ang buhay, ako ang narito sa tabi mo pero mas minamahal mo ang patay!" nanghihinakit na sabi ng lalaki na tinuro pa ang sarili.
"Hindi 'yon dahilan para gumawa ka ng krimen!" galit na sigaw niya. "At hindi mo ako totoong mahal Brandon! Ginamit mo lang ako para magkaroon ka ng access sa loob ng morgue! Ginamit mo ako para sa krimen mo!"
"Hindi 'yan totoo!" Napadabog si Brandon at nahulog ang mga bagay na nakasabit sa dingding.
"Wala akong pakialam!" nanggalaiti na sigaw ni Kassie. "Mas gugustuhin ko pang magmahal ng patay kaysa magmahal ng kriminal!"
Nag-e-echo ang mga boses nila sa loob ng basement. Naiingayan na si Gina sa mga sigawan nila.
"Ano bang motibo mo sa pagnanakaw? Sabihin mo na!" Hamon ni Kassie na matalim pa rin ang tingin sa lalaki.
Tumaas ang isang sulok ng labi nito. Tipid itong ngumiti na tila ba may naalalang nakakatuwang bagay. "Gusto mong makita, Kassie?"
"A-Anong ibig mong sabihin?" Nagtaka siya dahil ibang-iba ang ngiti ni Brandon ngayon. Nakakatakot ang ngiti nito na parang may gagawin itong kasuklam-suklam.
"Panoorin mo para malaman mo ang motibo ko!" sabi nito at humarap sa bangkay ni Trishia. "Hindi talaga si Trishia ang gusto ko kundi si Bernadette, pero pwede na ring pagtyagaan dahil maganda rin naman si Trishia."
Hindi pa rin maintindihan ni Kassie ang ibig-sabihin ng lalaki. Narinig niyang napasinghap si Gina sa likod. Napalingon siya sa dalagita. Takot na takot ang mukha ni Gina na umurong sa sulok. Nanlalaki ang mga mata at nanginginig.
Nag-alala siya na lumapit dito. Hindi man niya ito kilala pero inalo niya ito sa likod at niyakap. Sumubsob ang mukha ni Gina sa dibdib niya at napaiyak.
"Tignan mo Kassie!" Inagaw ni Brandon ang atensyon niya.
Lumingon si Kassie sa lalaki at namilog ang mga mata niya sa nakita. Hinubad ni Brandon ang pantalon at underwear. Kitang-kita niya ang private part ng lalaki at hindi man lang nahiya ito na magtakip.
"Oh my God," sambit niya at napasapo sa bibig. Humigpit ang yakap niya kay Gina.
Itinaas ni Brandon ang bistida ni Trishia. Nakatingin siya sa genitalia ng patay na babae. Hinawakan iyon ni Brandon, taas-baba na kinuskos niya ang bungad ng p********e ni Trishia. Syempre, wala namang magiging reaksyon ang bangkay.
Inabot ni Brandon ang lube na nakapatong sa mesa. Naglagay siya ng pampadulas. Nilagyan rin niya ng lube ang mga kamay at ipinasok niya ang daliri sa loob ng genitalia ng patay.
Naiiyak na si Kassie hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya pero ito ang totoo. Ito ang totoong Brandon. He's twisted and insane.
"Do you like it Kassie?" tanong ni Brandon na tumingin kay Kassie habang nilalabas at pinapasok niya ang daliri sa loob ng katawan ni Trishia.
"Isa kang baliw!" sigaw niya.
Ipinasok na ni Brandon ang maselang bahagi niya sa loob ni Trishia. "Iniisip ko na ikaw 'to, Kassie."
Nakakakilabot. Nagtayuan lahat ng balahibo sa katawan niya at parang hinalukay ang sikmura niya. Nararamdaman niya na gusto niyang masuka. Napatuptop ang dalawang kamay niya sa bibig.
"A-Ate, ayos ka lang po?" Nag-alalang tumingala si Gina sa kaniya.
Humiwalay siya sa pagkakayakap. Humarap siya sa gilid ng selda at dumuwal doon. Hindi na niya nakayanan ang kababuyan ni Brandon. Gusto niyang maligo. Gusto niyang tanggalin lahat ng koneksyon niya kay Brandon. Ang isipin na hinawakan siya ng baboy na ito, nandidiri siya sa sarili at gusto niyang magbuhos ng bleach sa katawan.
"Minsan ay may umaagos pang dugo sa bibig nila. Gustong gusto ko ring nakikita ito. Napakaganda ng kulay ng dugo." Nasasarapan sa ginagawa na sabi ni Brandon. Hinawakan niya ang malamig na dibdib ni Trishia at pinisil. Lalo nitong binilisan ang paggalaw.
Ilang minuto ang lumipas na binababoy lamang ni Brandon ang bangkay hanggang sa umabot na siya sa sukdulan at napaungol siya nang malakas. Ibinuhos niya ang pagnanasa sa loob ng bangkay. Pagkatapos ay lumayo siya sa katawan ng babae.
Iyak ng iyak si Gina at hindi makatingin sa lalaki pero naririnig niya ang ginagawa nitong kasamaan. Si Kassie naman ay nakakuyom ang mga palad at hindi niya maipaliwanag ang galit na nararamdaman.
"Masarap sa pakiramdam ang lamig ng bangkay at ang amoy. I found the smell of dead very erotic. Lalo na kapag maganda ang mukha." Nakangiting baling ni Brandon kay Kassie habang nagbibihis na ng panloob at pantalon.
"Naiintindihan mo na ba, Kassie? Hindi ako sasaktan ng mga patay. Mabibigay nila ang mga pangangailangan ko bilang lalaki. Naibibigay ng patay ang hindi kayang ibigay ng buhay na babaeng katulad mo!" Nanlilisik ang mga matang duro nito sa kaniya.
"You're mentally ill. I feel so disgusted!" Nagdabog siya at napapukpok ang kamay sa bakal na rehas.
Walang sinagot si Brandon.
"Napakababoy mo! Nagnanakaw ka ng bangkay para mapunan ang fetish o s****l fantasies mo. Baboy! Nakakadiri! Pwe!" Dumura siya sa gilid.
"Expected ko na 'yan. Hindi mo ako maiintindihan," malumanay na sabi. Ang bilis magbago ng emosyon nito. "Pero hindi na kita kailangan Kassie kahit mahal pa rin kita."
Sumukot ang mukha niya dahil sa pandidiri.
"Dahil mahal kita kaya kailangan kitang patayin. Ikaw rin." Tinuro nito si Gina.
Napahikbi lang ang dalagita at hindi makapagsalita dahil sa takot.
Napalingon si Kassie kay Gina. Naawa siya para dito. Bumalik ang mga mata niya kay Brandon. "Huwag mo siyang idadamay rito Brandon!" pagbabanta niya.
"Papatayin ko rin siya pero uunahin kita. Hindi mo maibibigay ang gusto ko dahil buhay ka pa. Pero kapag patay ka na, maibibigay mo rin ang pangangailangan ko. Hindi ako titigil hanggat hindi napapasaakin ang katawan mo!" nagnanasang sabi nito.
Napanganga si Kassie. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Papatayin nga siya ni Brandon para maangkin nito ang katawan niya.
Kumuha ang lalaki ng surgical saw sa loob ng kabinet. Malamig ang mga mata na tumingin siya sa mata ni Kassie. Nakita niya na nakakaramdam na ng takot ang dalaga. Lumapit siya para buksan ang selda.
Napalunok si Kassie. Ito na ba? Dito na ba matatapos ang buhay niya? Pero kung mamamatay siya ngayon, makakasama na niya si Frederick sa kabilang buhay.
"A-Ate..." Nanginginig ang mga kamay na kumapit si Gina sa laylayan ng damit niya.
Napalingon siya sa dalagita at naawa siya rito. Napakabata pa niya para maranasan ito at mamatay. Hinawakan niya ang kamay ni Gina at nagkaroon siya ng determinasyon na lumaban.
Hindi dapat siya sumuko at magpatalo sa takot. Kung nandito si Frederick, siguradong sasabihin ng binata na lumaban at magpakatapang. Ayaw niya maging duwag. Gusto niyang humarap kay Frederick sa kabilang buhay na may dignidad.
Determinado ang mga mata na tumingin siya kay Brandon. Binubuksan na nito ang lock ng kulungan.
Biglang tumunog ang phone ni Brandon na nasa ibabaw ng mesa. Napalingon silang lahat doon. Tumalikod ang lalaki at sinagot ang tawag.
"Dr. Lambert? Ikaw pala 'yan... Bakit daw?... Kailangan ako ngayon ni Director?... Wow..." Pakitang-tao na ngiti nito. Kunwaring masaya ito sa tono ng pananalita. Mukhang sanay na sanay nang magpanggap si Brandon. "Ganoon po ba?... Sige... Pupunta na ako.. Bye..."
Pinatay nito ang phone at isinuksok sa bulsa. Nakasimangot at masama ang tingin na bumaling ito sa kanila. "Swerte pa kayo. Na-extend pa ang oras ng buhay n'yo, pero hindi ako magtatagal sa ospital. Babalikan ko kayo."
Nakahinga nang maluwag sina Kassie at Gina. Salamat at magkakaroon pa sila ng oras para mag-isip kung paano makakatakas. Sinundan nila ng tingin ang lalaki. Inilapag nito ang surgical saw sa mesa. Binuhat ang bangkay ni Trishia at ipinasok sa loob ng freezer. Pinatay nito ang ilaw at umakyat ng hagdan.
Halos mabulag sila sa sobrang dilim pero mabuti na lang at may dala si Kassie na phone sa bulsa. Kinuha niya iyon at binuksan ang flashlight. May malaking basag na rin ang screen protector niya.
"Walang signal?" pansin niya. Hindi rin pala siya makakatawag ng tulong o makakapag-chat sa mga otoridad.
"Opo ate. Wala pong signal dito," sagot naman ni Gina. Pinunasan niya ang dungis ng mukha gamit ang mga kamay.
"Paano ka napunta rito?" tanong ni Kassie.
Hindi sumagot si Gina. Nagbaba lang siya ng tingin. Ayaw niyang sabihin na magnanakaw kasi sila at nahuli sila ni Brandon.
Iniba niya ang tanong. "Anong pangalan mo?"
"Gina po." Tumingin ang dalagita sa kaniya. "A-Anong petsa na po ngayon?"
"August 24."
Parang maiiyak na naman si Gina. "L-Limang araw na akong nandito..."
"Oh..." Hindi alam ni Kassie ang sasabihin. Awang-awa siya sa teenager. "Lagi bang ginagawa 'yon ni Brandon sa harap mo?"
Tumango ito. Naluluha na naman ang mga mata.
"H-Hinawakan ka ba niya?" kinakabahan na tanong ni Kassie. "Sana naman walang kasuklam-suklam na ginawa si Brandon sa batang ito," sa isip niya.
Umiling ang dalagita. "P-Pero natatakot po ko sa kaniya." Kinagat nito ang ibabang labi. Pinipigilan nito ang mga hikbi pero patuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata.
"Huwag kang mag-alala. Ilalabas kita." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Gina. "Naiintindihan mo? Lalabas tayo!" Niyakap niya ito nang mahigpit. "Lalabas tayo rito, Gina!"
"God, alam ko na nakikinig ka. Please, ligtas mo kami." Pinikit ni Kassie ang mga mata at nanalangin habang yakap niya si Gina. "Huwag niyo pong hayaan na manalo ang kasamaan. Tulungan n'yo po kami na makalabas dito, Diyos ko."
Naalala niya si Frederick. Naimulat niya ang mga mata at nakaramdam ng pangungulila na makasama muli ang minamahal.
"Frederick, kung nasaan man ang kaluluwa mo. Sana iligtas mo kami." Pinikit niya muli ang mga mata. Sinabi niya sa isip at puso ang lahat ng gusto niyang sabihin. "Tama ka Frederick, sana nakinig ako sa 'yo. Hindi ko nga kilala si Brandon. Patawarin mo ako. Pero sana... sana... dumating ang kaluluwa mo rito at tulungan mo kami. Pakiusap Frederick... Fred, I lov--- "
"Kassie..."
Ano iyon? Parang naririnig niya ang boses ni Frederick. "Fred?!" Nakapikit pa rin na tawag niya. "Ikaw ba 'yan, Fred? " tanong muli niya.
"Kassie, ako nga ito," sagot nito.
Lumingon si Gina sa labas ng rehas at kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.
Nakaramdam si Kassie ng katuwaan. Napangiti siya. Naririnig niya ang kaluluwa ni Frederick. Nakapikit pa rin siyang nagsalita, "Fred! Ikaw nga! Dumating ang kaluluwa mo!"
"Kassie, idilat mo ang mata mo! Anong ginagawa mo?"
"Fred, ayoko! Minsan lang magbigay si God ng milagro. Baka hindi ko na marinig ang boses mo kung imumulat ko ang mga mata ko!" Umiiling siya habang nakapikit pa rin.
"Bruha! Anong sinasabi mo?!"
Nakarinig si Kassie ng mga kaluskos.
"Fred, ang hirap buksan!" —boses ni Jobert.
Kumunot ang noo niya.
"Kuya, doon po sa loob ng kabinet may plier!" Boses naman iyon ni Gina.
Minulat na niya ang mga mata at tumingin sa pinagmumulan ng mga boses. Napanganga siya sa nakikita. May dalawang lalaki na pilit na binubuksan ang lock ng selda.
Jobert at Frederick?