KABANATA 10: SA GARDEN

2078 Words
Hindi makapaniwala si Kassie sa narinig pero hindi pwedeng magsinungaling si Mauro. Tumalikod siya, lumayo sa dalawa at humarap sa lababo. Hindi siya makatingin kay Dr. Pierro na ngayon ay nag-aalala sa kaniya. Si Mauro ay nagmamaktol pa rin sa trolley bed. "Pakawalan n'yo na ako!" Nairita si Dr. Pierro sa ingay nito kaya binalik niya ang ball gag sa bunganga ng lalaki. Samantala pinipigilan naman ni Kassie ang damdamin ngunit hindi niya magawa. Napasapo siya sa dibdib at hindi na napigilan ang mapaiyak. Nagpaunahang tumulo ang mga luha sa mga mata niya. "Ano ito? Niloko ako ni Brandon? Bakit niya ito ginagawa? Anong motibo niya? Pero kung si Brandon ang may pakana, siya rin ang dahilan kung bakit namatay si Frederick..." "Kassie..." Sa gitna ng kaniyang malalim na pag-iisip, nag-aalalang lumapit si Dr. Pierro at hinawakan ang likod niya. "Kailangan mong huminahon." "Paano ako hihinahon?!" Naiinis at umiiyak niyang baling sa doktor. "Niloko ako ni Brandon! Hindi ako makapaniwala." Napahikbi siya at napasapo sa bibig. "Oh my God! I was going to marry a criminal!" Hindi niya mailarawan ang galit na namumuo sa puso niya. Hindi niya mapapatawad si Brandon. Bibigyan niya ng hustisya si Frederick at ang sarili. Pinunasan niya ang luha sa mga mata. Determinado at seryoso na tumalikod siya at naglakad palabas sa pinto. "Kassie, huwag kang padalos-dalos!" awat ni Dr. Pierro sa kaniya pero hindi na siya nakinig pa. Dumiretso siya sa parking lot at sumakay sa kotse niya. Hindi na siya nakapagsuot ng seatbelt. Nagmaneho siya paalis sa mortuary. Sobrang bigat ng puso niya. Huminto muna siya sa tapat ng under construction na building. Gusto muna niyang ibuhos ang lahat ng sama ng loob. Naisubsob niya ang mukha sa manibela at napaiyak nang malakas. Namatay si Frederick at ang may kasalanan ay ang taong pinagkakatiwalaan niya — si Brandon. Sobrang sakit nailalabas na lang niya sa pag-iyak. Hanggang makaramdam siya ng pagod at nakatulog siya sa loob ng kotse. *** Hindi namalayan ni Kassie ang oras. Alasingko'y medya ng madaling araw siya nagising. Naalimpungatan siya sa ingay ng construction site. Nakatulog pala siya. Nakadama siya ng pag-papanic. Ano ba itong ginagawa niya? Bakit pa siya natutulog dito? Kailangan niyang kumilos ngayon. Nagmadali na siyang nagmaneho. Nasa mukha niya ang galit at determinasyon na mahuli si Brandon. Gaganti siya para kay Frederick at para sa sarili. Habang nasa biyahe ay kinuha niya ang phone at kinontak ang numero ni Brandon. Pero walang sumasagot sa kabilang linya. Nag-iwan na lang siya ng voice message. "Brandon, papatayin kitang hayop ka! Ako ang mag-o-autopsy sayo at ipapakain ko ang laman-loob mo sa aso!" nanggigigil niyang banta. Akma niyang papatayin ang phone pero may napansin siya sa messenger. Kumunot ang noo niya at nagtatakang binuksan ang mensahe. Tigilan mo na ang pag-iyak. Ako na ang bahala. --- Jobert Na-seen ni Jobert ang mensahe niya. Hindi lang iyon, nagreply pa ito sa kaniya! Napanganga siya. Kung nag-reply si Jobert, ibig-sabihin ay buhay pa ito. "Oh my God! Buhay si Jobert?!" bulaslas niya na napasapo sa bibig. Sinubukan niyang tawagan ito pero walang sumasagot sa linya kaya pinatay na niya ang phone. Pero kung buhay si Jobert, bakit sinabi ni Rica na patay na siya? Hindi kaya alam ni Rica na si Mauro ay kasabwat ni Brandon? At sinabi lang iyon ni Rica para lokohin si Mauro? At aware si Rica na buhay si Jobert? "Oo pwede nga," naisip niya, "May alam nga si Rica sa mga nangyayari, pero next time ko na kakausapin sina Rica at Jobert. Si Brandon muna ang uunahin ko!" Lumiko siya ng daan patungo sa short-cut. Kailangan niyang makapunta agad sa bahay ni Brandon. Isang beses pa lamang siya nakakapunta sa bahay ng lalaki pero nakabisado niya agad ang daan dahil malapit lang iyon sa Commonwealth. *** Sa wakas ay nakarating na rin siya sa bahay ng lalaki. Inabot nga lang siya ng ala-sais ng umaga. Maliwanag na sa kalsada. Inihinto niya ang kotse sa gilid ng daan. Tinignan niya muli ang holster sa pantalon. Sa kasamaang palad, ang hand gun na lang ni Dr. Pierro ang nandoon. Naiwan niya ang mga binili niyang self-defense weapon sa morgue. Hindi niya naalala na dalhin ang mga iyon dahil sa sobrang emosyon na naramdaman niya kahapon. Lumabas siya sa kotse at pumasok sa gate. Hindi naman inilo-lock iyon ng lalaki. Dire-diretso ang lakad niya at binuksan din ang pinto ng bahay. Mag-isang nakatira sa bahay si Brandon. Ang sabi nito sa kaniya dati, ang mga magulang nito ay nasa ibang bansa. Nag-iisa itong anak at hindi rin malapit sa mga kamag-anak. Ayaw nito ng katulong sa bahay at sanay itong mamuhay na mag-isa. Mas gusto nito ang ganoon dahil tahimik daw at walang sakit sa ulo. Pero naintindihan na rin niya sa wakas kung bakit mas pinili ng lalaki na mamuhay na mag-isa. Delikado kapag may nakaalam sa mga krimen na ginagawa nito. Naabutan niya si Brandon sa garden. Nagdidilig ng halaman gamit ang hose. "Brandon!" bungad niyang tawag. May halong galit sa boses. Nagulat si Brandon at lumingon sa kaniya. Pinatay nito ang tubig sa hose. "Walang hiya ka!" Tinutukan niya ng baril ang lalaki. Napanganga si Brandon. Napasinghap at nagulat sa kinikilos ni Kassie. Napataas ang dalawang kamay nito. Nakatingin ito sa baril na nakatutok. "K-Kassie, anong ginagawa mo rito? Bakit ---" "Nagmamaang-maangan ka pa! Huwag ka nang magsinungaling. Hindi mo ako maloloko. Nahuli na kita, Brandon!" "A-Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan!" sabi nito na tila naguguluhan sa sinasabi ng kaharap. "Magsabi ka na ng totoo!" nanggigigil na sigaw ni Kassie. Hindi siya naniniwala sa arte ng kausap. "K-Kassie nagkakamali ka. Kung anuman ang nasa isip mo, siguradong mali ka!" "Sinungaling! Nagsalita na si Mauro! Kinanta ka na ng mga alagad mo!" "Kassie, tingnan mo ako sa mga mata! Pakinggan mo naman ang sasabihin ko!" naguguluhan pa rin na sabi nito. Nagsusumamo ang mga mata. Natigilan si Kassie. Napatitig siya sa mga mata ng lalaki. Nakita niya ang sinseridad at pagmamakaawa sa mga mata nito. She also ask herself. Tama ba itong ginagawa niya? Paano kung niloko lang pala siya ni Mauro? Nang makita ni Brandon ang alinlangan sa mata niya, lumapit ito nang kaunti pero nakataas pa rin ang mga kamay. Napaurong siya. Nakatutok pa rin ang baril sa lalaki. "Kassie, please... Hindi ko maintindihan kung bakit ka narito. Hindi ko rin maintindihan ang sinasabi mo." Mukhang mabait na lumapit pa ito nang kaunti. "B-Brandon, ikaw ang tinuturo nilang nagnanakaw ng bangkay sa morgue. Bakit? Bakit mo 'yon ginagawa?" Hindi na niya mapigilan ang totoong nararamdaman. Naghalo ang galit at lungkot. Nagsimula na namang maluha ang mga mata niya. "Pinagkatiwalaan kita!" "Kassie, alam mong mahal kita! Bakit ka naniniwala sa kanila?" Natahimik siya. Nanatili lamang na nakatitig sa mata ng lalaki. Totoo ba iyon? Wala siyang nakikitang pagkukunwari sa mga mata nito. "Baka nga... Baka nga naloko ako ni Mauro..." Nakikita ni Brandon na unti-unti na siyang lumalambot. Nakalapit ito at hinawakan ang kamay niya. Nagulat siya pero hindi nakakilos. Naramdaman niya na unti-unting ibinababa nito ang mga kamay niya na may hawak na baril. "Baka... Baka naman... Hindi talaga si Brandon ang notorious robber?" Naalala ni Kassie ang numero sa cellphone ni Mauro. Numero iyon ni Brandon. "Hindi! Si Brandon talaga ang mastermind ng nakawan!" Bago pa man tuluyang maibaba ang kamay niya, muli niyang tinututok iyon kay Brandon at kinalabit niya. Binaril niya ito pero naibaling agad ng lalaki ang kamay niya sa kaliwa. Dumaplis lang ang bala sa balikat nito. Hindi ito napuruhan! Buong lakas na inihampas ni Brandon ang hawak na hose sa ulo niya. Natumba siya at nagkaroon ng gasgas ang gilid ng mukha. Mukhang nagkaroon na rin siya ng bukol. Nakadapa na siya ngayon sa damuhan. Hindi siya makatayo dahil nahihilo sa ginawa ni Brandon. Lumapit ang binata at inapakan ang kamay niya na may hawak na baril. "Ah!" Napasigaw siya sa sakit. Pinilit niya na tanggalin ang paa ng lalaki o higpitan pa ang kapit sa baril pero sobrang sakit. Nadudurog na yata nito ang kamay niya. Yumuko ito at pilit na kinuha ang baril sa kamay niya. Sinubukang pigilan ng kaliwang kamay niya ang kamay ng lalaki pero lalong diniinan ni Brandon ang apak sa kanang kamay niya. "Ah!" Napatili muli siya sa sakit. Nakuha na ni Brandon ang baril at tinanggal nito ang paa sa kamay niya. Napaupo siya at hinaplos ang kamay na namumula. Nagiging purple na iyon at mukhang nabali rin ang kuko niyang nagdudugo. "Subukan mong sumigaw Kassie at isusunod kita kay Frederick," pagbabanta ni Brandon. Tinutukan siya ng baril sa ulo. Masama ang tingin na bumaling siya sa lalaki. Umupo si Brandon at tinitigan siya sa mga mata. Pinapakita ng lalaki na hindi ito natatakot sa kaniya. "Sinabi ko naman sa 'yo, 'di ba? Ayaw ko na mapahamak ka pero ikaw ang nagpapahamak sa sarili mo," mukhang nang-aasar pang sabi nito. Sa galit ni Kassie dinuraan niya si Brandon sa mukha. Napapikit naman ang hinayupak. Hindi nito iyon inaasahan. Parang dinuraan niya ang pagkatao at p*********i nito. Nangigigil sa galit na sinakal siya nito at hinila patayo. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa kamay ni Brandon. Hindi siya makahinga na pilit tinatanggal ang kamay ng lalaki pero mas malakas ito sa kaniya. Kinaladkad siya ni Brandon papasok sa loob ng garden house. Hinagis siya nito sa loob. "Hah..." Umuubo na umupo si Kassie sa kahoy na sahig at napahawak sa nasaktan na leeg. Hinahabol niya ang hininga sa sakit na nararamdaman. Narinig niya na sumara ang pinto ng garden house. Napalingon siya kay Brandon na ngayo'y nasa tapat na niya at tinututukan siya ng baril sa ulo. "Huwag kang sisigaw ng tulong!" pagbabanta ng lalaki. Hindi siya nagsalita. Masama lang ang tingin niya. "Hindi pa kita papatayin ngayon. Papahirapan muna kita at paulit-ulit na gagahasain. At kahit patay ka na, gagahasain pa rin kita!" Inabot ng lalaki ang tuwalya na nakasabit sa dingding at pinunasan ang mukha na may dura ni Kassie. "You're full of sh*t," mura ni Kassie. May nang-aasar na ngiti na inangat niya ang middle-finger. "Ganito ka." Naiinis na sinabunutan siya ni Brandon. "Ah!" Ungol ulit niya na nasaktan at pinilit na tanggalin ang kamay ng lalaki. Hila-hila nito ang buhok niya habang kinakaladkad siya sa sahig. Nakita niya na may trap door doon. Binuksan iyon ng lalaki at bigla siyang tinulak papasok. "Ah!" Ganoon na lang ang tili at ungol niya nang mahulog siya sa madilim na hagdan patungo sa basement. Nagkabali-bali yata ang buto niya habang nahuhulog. Bumagsak siya sa malamig na semento. "Ohhhh..." halinghing niya. Hindi siya agad nakatayo dahil sa natamong mga sugat at gasgas. Marahan lang siyang gumagalaw sa sahig. Dinadama ang katawan niya. Pumasok si Brandon sa loob ng trap door. Bumaba rin ito ng hagdan. Nilagpasan nito si Kassie na nakadapa sa sahig. Dumiretso ito sa switch at umilaw ang flourescent lamp sa kisame. Inangat ni Kassie ang mukha at nakita niya ang itsura ng loob. May freezer doon at nakabukas ang isang drawer. Kita ang paa ng bangkay sa b****a ng lalagyan. Kung ganoon, dito pala tinatago ni Brandon ang mga ninanakaw. Dumako ang mga mata niya sa trolley bed na nasa kanan. Nakahiga roon ang katawan ng isang babae. Mahaba ang buhok, nakabihis ng dress at naka-make up pa. Kung ganoon, mukhang binibihisan at nilalagyan din ni Brandon ng make-up ang mga bangkay. Naramdaman niya ang kamay ni Brandon sa likod. Hinila nito ang damit niya at pilit siyang pinapatayo. Nanghihina na napatayo siya pero muli siyang bumagsak nang maramdaman ang sakit ng binti. "Tumayo ka!" Sinabunutan ulit siya ni Brandon at muling hinila patayo. Napilitan siya na tumayo at tiniis na lamang ang sakit ng katawan. "Tignan mo. Mas maganda pa sayo si Trisha!" giit ni Brandon na nakatingin sa bangkay na nakahiga sa trolley bed. "Hindi ka kawalan sa akin, Kassie!" "D-Demonyo ka Brandon. Napakasama mo!" panlalait lamang niya. Kinaladkad siya ni Brandon papasok sa loob ng maliit na selda. Hindi niya napansin na may kulungan pala roon. Tinulak siya ni Brandon at nasubsob siya sa matigas na semento. Nagdugo ang labi niya. Napaungol siya at napahawak sa bibig. Napatingin siya sa daliri na may bahid ng dugo. "Ayos ka lang po?" Napatingin si Kassie sa babaeng lumapit sa kaniya. May nakakulong pala roon. "Gina at Kassie, pakinggan n'yong dalawa ang sasabihin ko." Napalingon silang dalawa kay Brandon. Nakangiti sa kanila ang demonyito na tila may naisip itong magandang bagay. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD