KABANATA 16: PAALAM KASSIE

2344 Words
Hindi sila makapaniwalang nakatayo pa si Brandon kahit sinagasaan na nila ito. "He's still alive!" gitlang sabi ni Frederick."Matagal talagang mamatay ang masamangdamo!" Hinila siya ni Kassie at magkahawak-kamay silang tumakbo sa kalsada. Dinampot ni Brandon ang baril na nasa lupa at pinaulanan sila ng bala. "Sh*t!" Napapayuko sila dahil sa takot na matamaan ng bala. Sa katangahan at pagkataranta ay napatid si Kassie. "Tayo!" Hinila agad ni Frederick ang babae. "Ah ouch!" ungol ni Kassie at napahawak sa nasaktan na binti. Naalala niya ang bali sa paa nang mahulog sa hagdanan ng basement. Napagtanto niya na hindi siya makakatakbo nang mabilis dahil sa pinsala. "H-Hindi ko kaya, Fred!" "Anong hindi mo kaya?" Lumingon si Frederick at nakitang palapit na sa kanila si Brandon. Wala siyang ibang pagpipilian. Buong lakas na binuhat niya ang dalaga —in bridal-style. Tiniis niya ang sakit ng mga sugat. "Ha?!" Napasinghap naman ito dahil sa ginawa niya pero kumapit ito sa leeg niya. "Bullsh*t! Ang bigat mo!" reklamo niya. Natataranta na siya sa sitwasyon nila, dumoble pa ang pasanin niya. Literal na dumoble ang pasanin niya dahil bitbit pa niya ang babae. "Sinabi mo bang mataba ako?!" "Wala akong sinasabing mataba ka!" Lumingon si Kassie at nakita na humahabol si Brandon sa kanila. "Nakakatakbo pa rin ang hinayupak? Bilisan mo Fred! Maaabutan na tayo ni Brandon!" "Easy for you to say!" reklamo pa niya na tagiktik na ang pawis sa noo. Bumabagal na ang takbo nila. Naramdaman na muli ni Frederick ang hapdi mula sa mga sugat niya. Hindi pa magaling ang pinsalang na natamo niya noong nakaraan. "Ah! Urgh!" Siya naman ang napatid at pareho sila ni Kassie na lumagapak sa lupa. "Ah!" Napatili ang dalaga. "F-Fred!" Nakita nito na may dugong tumatagas sa binti niya. "P-Pasensya na. Hindi ko na kaya," sabi niya na tila hirap na hirap na sa mga nararamdaman niyang sakit. Pareho silang hinihingal na umupo roon sa maduming kalsada. Hindi nila alam kung anong gagawin. Tumingin si Kassie sa mga mata ni Frederick. Nag-aalala ang mga mata nila, hindi para sa sarili, kundi para sa isa't isa. Nagising ang natutulog na fighting spirit ni Kassie. Nagkaroon siya muli ng determinasyon na lumaban. Hindi siya papayag na may mamatay sa kanilang dalawa. May mga dapat pa silang pag-usapan pagkatapos nito. "Kassie!" Napalingon sila nang biglang sumigaw si Brandon. Malapit na sa kanila ang lalaki. Pero napanganga sila sa nakita. Hindi nila inaasahan ang mga luhang dumaloy sa mga mata ng kalaban. Umiiyak ito. Marunong palang umiyak ang masamang tao? "B-Brandon?" "Kassie, m-minahal kita pero ito ang sinukli mo? Mas gusto kong mamatay ka kaysa mapunta ka sa ibang lalaki! Hindi ako papayag na mapunta ka kay Frederick!" nanghihinakit na sabi nito. Itinutok muli ang baril sa kanila. "Isa kang malaking baliw! Hindi na ako babalik sa 'yo. Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa mga bangkay na ninakaw mo. Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo kay Gina!" tugon naman niya. "Kaya tumigil ka na sa kahibangan mo, Brandon!" "Tanggap ko na 'yan! Pero hindi ako papayag na mapunta ka kay Frederick!" nanggigigil na sagot nito na tumingin sa karibal. "Buhay ka pa palang kutong-lupa ka?!" "Dadaan ka muna sa bangkay ko Brandon bago mo mahawakan si Kassie!" matapang na sabi. "Very good. Iyon naman talaga ang plano ko. Uunahin kita at isusunod ko si Kassie. Gagawin ko nang totoo ang kamatayan mo!" pagkasabi niyon ay binaril na nito si Frederick. "Fred!" Iniharang ni Kassie ang katawan. Siya tuloy ang natamaan ng bala. "Ah!" "Kassie!" Malakas na sigaw ni Frederick at sinalo ang natumbang katawan ng babae. Nahintakutan siya. Hindi pwedeng may mamatay sa kanilang dalawa. "K-Kassie, please..." Nag-aalala niyang tawag ngunit tila naghihingalo na ang kasama. "Fred..." "Kassie, huminga ka! Huwag kang bibitaw!" Naiiyak na sabi niya na tinanggal ang buhok na tumatakip sa mukha nito. Niyakap niya ito nang mahigpit. "Huwag mo kong iiwan!" "F-Fred... I-Im sorry..." huling sabi bago ipinikit ang mga mata at tuluyan nang nawalan ng ulirat. "No... No... No!" Naramdaman ni Frederick na nag-init ang mga mata niya. "D-Don't die! Please stay with me! Kassie!" sigaw niya at mahigpit na niyakap ang katawan nito pero hindi na gumagalaw ang babae. "H-Huwag mo kong iwan, Kassie!" Napasinghot siya kasabay ng pagtulo ng luha sa pisngi. "Kassie! Hoy!" Nakatingin lamang si Brandon sa kanila. Tumutulo rin ang luha sa mga mata nito pero walang bahid ng pagsisisi na pinatay nito si Kassie. "Please..." pagmamakaawa pa rin ni Frederick na hindi pinapakawalan ang katawan nito. Nairita si Brandon. Bakit nagmamakaawa si Frederick sa isang patay na hindi naman siya maririnig? Nagbago na naman ang emosyon ni Brandon. Nagalit nanaman at dinuro ang karibal. "Frederick!" Napatingin si Frederick sa lalaki. Nagbabaga rin ang mata niya sa galit. "Isusunod na kitang hampas-lupa ka!" sigaw ni Brandon. Matalim na tumingin lamang si Frederick at hindi sumagot. Naglalaban lang ang mga mata nilang dalawa. "Iputok mo!" nakahandang sabi ni Frederick. Wala na siyang balak na manatili sa mundo ngayon na wala na si Kassie. Kakalabitin na ni Brandon ang baril at ipinikit ni Frederick ang mga mata. Isinubsob niya ang mukha sa balikat ng babae. Dying with her is not bad at all. Pero marami siyang pinagsisihan. Hindi man lang niya nasabi rito ang totoong nararamdaman niya. Ngunit alam niya sa sarili na hindi dapat sumuko. May oras pa siya para magsalita. Kahit hindi marinig nito dahil wala na itong buhay ngayon. At least nasabi niya ang totoo. Bahala na ang hangin ang magdala ng mensahe niya sa langit. "I love you..." ibinulong niya. "Mamatay ka na!" parang baliw na sigaw naman ni Brandon na kakalabitin na ang baril. Bumalik ang paningin niya kay Brandon. Huminto ang puso niya at hindi man lang nakakilos. Kahit ano palang gawin mong pagpapakatapang, nakakatakot pa rin ang mamatay. Lalo na kapag nasa harap mo na ang kamatayan. Ipinikit niya muli ang mga mata. Hinintay na lamang niya ang katapusan niya. Ngunit lumipas ang tatlong segundo ay wala siyang naramdaman. Bagkos naramdaman niya na may malakas na hangin na dumaan. Wala siyang naramdaman na tama. Wala rin siyang narinig na putok. Nakarinig lang siya ng malakas na busina ng sasakyan. Muli niyang minulat ang mga mata at tumingin sa harap. Saktong pagtingin niya, nakita niya ang isang ten-wheeler truck na tumalilis. Nagulat siya sa nasaksihan. Nasagasaan si Brandon ng truck at tuloy-tuloy lang ang takbo ng malaking sasakyan. Na-hit and run si Brandon! Napanganga siya nang humagis ang isang putol na paa nito sa harap niya. Saglit na dumaan ang katahimikan. Nakaawang ang bibig niya dahil sa gulat. Ang bilis ng mga pangyayari."He died? God save the day, I guess?" tanong niya sa sarili. Naramdaman niya na kumislot si Kassie at umungol. "Ha?" Napasinghap siya at napatingin dito. "W-What? Kassie? Hindi ka pa patay?" "H-Hindi.." Nagmulat ito ng mata. "A-Ano nang nangyari?" Nahimasmasan na umupo ito, sapo-sapo ang sugat na natamo. Napansin nito ang putol na paa sa gilid. Napagtanto niya agad na patay na si Brandon. "Anong naganap?" "Akala ko wala ka na!" Sa halip na sagutin ang mga tanong nito. Iyon ang nasambit niya. "Ngayon, alam mo na ang naging feeling ko nang kunwaring namatay ka?" Sa gitna ng hirap ay nagawa pa nitong magbiro at ngumiti sa kaniya. Hindi siya sumagot sa tudyo nito, kinabig niya ito at muling niyakap. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Nakahinga siya nang maluwag dahil wala na si Brandon. Naiiyak siya dahil ang dami nilang pinsala sa katawan at mahapdi pa. Pero iisa ang namayani na emosyon, masaya siyang nakaligtas silang dalawa. Nakangiti lamang si Kassie. Pagod na pagod siya at anumang oras ay makakatulog siya sa balikat ni Frederick. Ligtas na sila, wala na dapat alalahanin kahit marami pang dapat ayusin. Kapag tama na ang pagkakataon, pag-uusapan nila ni Frederick ang mga bagay na dapat na pag-usapan. Pero sa ngayon, she'll enjoy this moment. To feel him, to hear him, to see him, and to be with him again-- this is what she wanted. *** Lumipas ang tatlong araw. Nasa hospital pa rin si Kassie at nakaupo sa kama. Nakatingin siya sa bukas na bintana at nanonood sa puting kurtina na sumasabay sa malakas na ihip ng hangin. Maganda ang panahon ngayon. Bughaw ang langit at mataas ang sikat ng araw. Masarap pa sa pandinig ang mga huni ng ibon sa labas. "What a peaceful day. Everyone needs a day like this," banggit niya sa sarili habang nakatingin sa kalikasan. Hindi siya nalulungkot sa private room na ito kahit mag-isa siya. Minsan lang siya magkaroon ng break na katulad nito. Natapos na rin sa wakas ang bangungot, kaya sana naman maging maayos na ang mga susunod na araw. Nakarinig siya ng katok. "Pasok po," sabi niya. Bumukas ang pinto at pumasok si Jobert, kasunod niya si Frederick sa likod na may dalang bulaklak. Napangiti si Kassie nang makita ang binata. "Kayo lang pala. Akala ko si Manalaysay nanaman," biro niya. Dumadalaw kasi ang mga pulis sa kaniya para magtanong tungkol kay Brandon. "Hindi ka pa ba tinitigilan ng interview ng mga pulis?" Lumapit si Frederick at umupo sa gilid ng kama. "Hindi nga, eh. Naiirita na talaga ako sa kanila. Saka sila dumadating kapag hindi sila kailangan," reklamo niya. "Jobert, si Gina nga pala kamusta na?" Bumaling siya sa lalaking nakatayo lamang sa gilid ng pinto. "Okay na Kassie. Gusto niyang dumalaw sa 'yo pero may appointment pa raw siya sa psychiatrist," paliwanag ni Jobert. Nakahinga nang maluwag si Kassie nang marinig iyon. Pagkatapos ng mga pangyayari, marami ang naantig ang puso sa kwento ni Gina. Kumalat sa social media ang balita tungkol kay Brandon. Marami ang nag-donate ng pera para mapagamot ang trauma at PSTD ng bata. Nakapagbayad na rin sa hospital sila Gina at nakasama na niya muli ang nanay niya. Nakita na rin ang mga labi ng mga kaibigan niyang sina Albert at Ethan sa basement ni Brandon. Naiburol ang dalawa at nabigyan ng maayos na libing. Nagkaroon si Gina ng pangalawang pagkakataon sa buhay. Huwag na sana niyang ulitin ang magnakaw. Matuto na siya sa pagkakamali at huwag sasayangin ang pagkakataon na binigay sa kaniya. "Iyong sumagasa kay Brandon hindi pa nila nakikita," wika naman ni Frederick . "Huwag na sana nilang idamay ang truck driver. Kung sinuman siya, sinagip niya ang buhay natin," komento niya. "Oo nga pala. Kamusta ka na, Fred? Magaling ka na ba talaga?" "Oo naman. Ikaw?" "Ako pa. Malakas akong babae." Pagmamayabang niya na pinakita ang muscle sa braso. Nauna kasing lumabas si Frederick sa ospital. Maayos naman ang kalagayan nito kahit may mga natamong sugat. Mas malakas ang resistensya nito kumpara sa kaniya. Siya kasi ay kailangan pang manatili sa ospital dahil nakaplaster pa ang paa niya, may bali rin ang tadyang niya at may tama pa siya ng baril. Nilagnat din siya dahil sa inspeksyon. Noong tumatakas sila kay Brandon, hindi nila naramdaman ang sakit. Pagkatapos ng laban saka lang nila naramdaman ang hapdi. Hindi na halos maalala ni Kassie kung paano sila nakaalis sa kalsada. Nakatulog kasi siya sa bisig ni Frederick. Ang kwento ni Frederick, may concern citizen na nakakita sa kanila, huminto at tumawag ng tulong. Pagkatapos, dumating ang paramedic at mga pulis, saka sila sinakay sa ambulance. Lumingon si Frederick kay Jobert na nasa likod. Naramdaman ni Jobert na kailangan na niyang umalis para makapag-usap ang dalawa. "Ehem, maiwan ko na kayo ha?" anito at lumabas sa pinto. "Kassie, para sa 'yo." Iniabot ni Frederick ang bouquet ng bulaklak sa kaniya. Napangiti siya at kinuha iyon. "Salamat." Tinanggal muna ni Frederick ang bara sa lalamunan. "K-Kassie, may sasabihin ako." "Yes?" "B-Baka mawala pa ang pagkakataon na ito. Hangga't may oras pa ako, sasabihin ko na..." Hinintay ni Kassie ang sasabihin ng lalaki. Mukhang kabado naman ito na huminga pa nang malalim. Inipon nito ang lahat ng lakas ng loob at matapang na sinabi, "M-Mahal kita noon pa. N-Naduwag lang kasi ako. Hindi ko masabi sa 'yo ang totoo. Kaya hayun... n-naunahan ako ni Brandon." Natigilan itong magsalita. "I mean... h-huwag na nating pag-usapan si Brandon. Ay ano bang sinasabi ko!" Napasapo ito sa ulo. Nahihiyang nabawi nito ang tingin at napayuko. Hindi napigilan ni Kassie ang mapabungisngis dahil sa kulay kamatis na mukha ng kaharap."Huwag kang mag-alala. Narinig ko naman ang sinabi mo." Matamis siyang ngumiti. "Nag- I love you ka rin sa 'kin noong akala mo patay na ako, 'di ba?" Nanunukso pa niyang sabi. "Ha? Sinabi ko ba 'yon?" biro ng binata. "Hoy grabe ka. Mas sweet 'yon kaysa sa sinasabi mo ngayon." Hindi pa rin mapalis ang saya sa mukha niya. Naaaliw rin siyang makita ang nahihiyang pagmumukha ni Frederick. Aasarin niya ito buong maghapon. "Pero seryoso ako, Kassie. Sana payagan mo kong ligawan ka," diretsong sabi ng lalaki na umaasang hindi siya tatanggi. Hindi muna siya sumagot. Nakangiti niyang ibinaba ang tingin at nag-isip. Pinaglaruan ng mga kamay niya ang petals ng bulaklak. Sa isip niya, nangyari ang lahat ng ito dahil nagmadali siya sa pag-ibig. Katulad ni Gina, dapat din siyang matuto sa pagkakamali. Hinintay ni Frederick ang magiging sagot niya. Dumaan ang saglit na katahimikan sa pagitan nila. May naalala siya na isang bagay. Inabot niya ang side table at binuksan ang drawer. Kinuha niya roon ang coin purse niya. Inilabas niya ang engagement ring na ibinigay ni Brandon. "Here it is. Anong gusto mong gawin ko rito?" Ipinakita niya ang singsing at itinapat sa mukha ni Frederick. Napangiti si Frederick at sinabing, "Itapon mo!" Sumunod siya sa utos at itinapon sa bintana ang singsing. Tumilapon ang singsing sa labas ng bintana. Wala sa kaniya kung sinuman ang makapulot o saanman mapunta ang basura na iyon. "I'll take that as a yes?" Ngumiti si Frederick sa kaniya. "It's a yes." Tumango siya. Sa katuwaan ay niyakap siya ng lalaki. Gumanti siya ng yakap dito. "Sa tingin ko naman ay mahal din kita pero let's take it slow, okay?" sabi niya na abot-tainga ang ngiti. "Slowly but surely." Malambing na tugon ni Frederick na tumingin nang diretso sa mga mata niya at inalapat ang noo sa noo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD