"Let me guess, red velvet cupcake?" I turned to Brixz who's leaning on the counter with his hands crossed over his chest, wearing a black apron.
"What? It'll be delicious, promise." Sabi ko at muling binalingan ang recipe ng cupcake na tinitingnan ko. "Plus, you promised." I whispered with my lips pouted, still looking at the gadget's screen.
"Pa'no kung ayoko?" I instantly turned to him who's arrogantly looking at me with a smirk on his lips. Is he challenging me this time?
"Then don't! I'll make it on my own. Then you do yours. There’s a guide naman here." Kung ano man 'yang gagawin mo, bahala ka diyan.
"Akala ko ba gusto mong tikman yung gawa ko?" I turned to him and caught him looking at me so arrogantly with a smug smile on his lips.
"I didn't say anything like that. 'Wag mo nga akong kausapin. Nabibwisit ako sayo." Hinanda ko na ang mga gagamitin ko para sa lulutuin ko nang hindi nililingon si Brixz.
"Loser follows the winners demand. Gusto mo?" Sinulyapan ko saglit si Brixz na tinataas ang manggas ng suot niyang longsleeve.
Napatigil ako at napaisip saglit. "Ang cliche mo, but sure. Why not?"
Let the game begin Brixz. Just so you know, mas ginaganahan lang ako dahil sa hamon mo.
We separately worked with our cupcakes. Hindi man marunong pero mukha namang matino ang ginagawa ko. I followed the instructions and took the exact measurements of each ingredient.
Habang tutok na tutok sa hinahalong cupcake batter ay nakaramdam ako ng malagkit na bagay sa kanang pisngi ko kaya naman binitawan ko ang rubber spatula na hawak ko.
"Brixz." I called him without looking at him as I grit my teeth while I held onto the counter.
"Hmm? Bakit? Suko ka na? Gaganti ka?" Rinig kong sabi niya.
I abruptly turned to him and glared at him who's busy with his batter. Nilingon kong muli ang mga ingredients na ginamit ko at ang batter ko mismo bago muling binalik ang tingin kay Brixz.
Patagong nilapitan ko ang lalagyanan ng harina ang kaliwang kamay ko habang nakatingin parin sa kaniya.
"Brixz, halika nga rito. I'll just fix your hair. It's blocking your eyes. Baka mapunta pa sa hinahalo mo." Naguguluhang nilingon naman niya ako habang nasa parehong posisyon parin na hawak hawak ang spatula at bowl ng hinahalo niya.
He dropped the spatula and strode towards me. Nang makalapit siya ay itinaas ko ang kamay kong walang harina para haplusin ang isa sa dalawang pisngi niya habang nakatingin diretso sa mga mata niya. He's staring at me so I smiled and took the opportunity to bring my left hand on his other cheek and smeared it with flour.
"Ayan ang gwapo mo na. Oo. Di ka na kulang sa pulbo." Sabi ko habang tumatango tango habang nakatingin sa pinapahiran kong pisngi niya na para bang kinakalat pa ito lalo sa pisngi niya.
"Ang ganda mo. Oo." Sunod kong naramdaman ang paghaplos niya sa kaliwang pisngi ko na may kasama pang pagpahid ng kung ano na namang malagkit na bagay. Aba. Talaga naman!
"Brixz." Sinamaan ko siya ng tingin at kinakabahang tumawa nang makita kong kinuha niya ang buong plastic ng harina habang nakatingin at nakangiti sa akin ngunit parang walang epekto ang pagbabanta ko sa kaniya nang humakbang siya palapit sa akin kaya umatras ako nang hindi siya masyadong mapalapit sa akin.
A squeal left my mouth when he threw a handful of flour on me. Pinunasan ko ang harinang napunta sa mukha ko lalo na sa mata talukap ng mga mata ko. I attempted to open my eyes after I wiped my eyelids and hissed and instantly closed them when I felt it sting.
"Rubyane." Rinig kong nagaalalang tawag ni Brixz.
Narinig ko ang mahihinang pagbulong at pagkaluskos ng mga gamit sa paligid ko nang may biglang humila sa palapulsuhan ko kaya napatigil ako sa pagkuskos ng mga mata ko.
"Wag mong kamutin. Masakit?" Agad ko namang nakilala ang boses at nagsimulang magpalo kahit na walang makita dahil sa mga matang nakapikit at hindi maimulat.
"Masakit? Are you kidding me, Brixz?! Malamang masakit!" I frustratingly said while I smack his chest.
"Tumigil ka nga muna. Calm down, Rubyane. Huminahon ka." He tried to stop me by gripping my wrists strong enough to stop me from resisting and gentle enough not to harm and bruise me.
Malalim ang paghinga ko habang nakakuyom ang mga kamay ko. I exhaled and calmed myself down, my eyes still shut.
"Akin na." Without a word, he opened my right eye by pushing my eyelid upward using his index finger while his thumb pushed the lower part of my eye.
My eyes closed as a response when he blew right on my eye. Pumikit pikit ako at saglit na kinamot ang kanang mata ko.
"Yung isa? Masakit pa?" Nilingon ko si Brixz na nagaabang sa isasagot ko.
"f**k you, Brixz." Iyon lang ang nasabi ko habang pinupunasan ang mukha ko gamit ang wet tissue na dala dala ko.
"Oh, wow. Ganiyan ka pala ah." Manghang tanong niya na ikinatingin ko sa kaniya na para bang nasisiraan na siya ng ulo.
"Tao lang din naman ako na nagkakamali kaya kung iniisip mong perpekto ako? Sinasabi ko sayo layuan mo ako ngayon pa lang." Pagbabanta ko habang madiin na ang pagkakapunas sa mukha ko dahil sa panggigigil.
"Akin nga." He snatched the wet tissue and started to gently wipe ng face.
Kunot noong nakaharap ang mukha ko sa kaniya habang nakatingin sa hikaw niyang umaagaw sa atensyon ko.
I heard him sigh. "Bakit naman kita lalayuan kung gusto ko ngang mapalapit sayo?" He said but I didn't give it much attention as I was both focused and curious with his earrings that it was already too late for me to stop myself from touching the two small hoops hanging on his ear.
He flinched with the sudden contact but then eventually relaxed when he realized that I was only playing with his earrings.
"When did you get this?" I asked as I softly played with the hoops.
"Bakit? Bagay ba?" I just hummed as a response while I continued to touch them.
We decided to resume in making the cupcakes after we cleaned ourselves up. Nilagay na namin sa loob ng isa sa mga oven nila dito ang gawa naming dalawa bago namin sinimulang gawin ang frosting at fillings ng cupcakes namin.
Brixz obviously didn't need assistance while I was assisted by one of their chefs including Brixz who was constantly checking up on me. Minutes passed when we heard a short 'thing' sound from the oven indicating that the cupcake batters are already cooked.
Nang mailabas ang mga tray kung saan inilagay ang mga gawa namin ay hindi ko mapigilang hindi mamangha.
Brixz' work was in perfect shape. Sakto lang ang bawat sukat ng batter niya sa bawat cup kaya hindi ito umapaw.
My eyes turned to the tray that one of the assistants took out.
"Not bad?" Sinamaan ko ng tingin si Brixz na parang hindi pa sigurado sa sinabi niya.
"I-I mean, pwede na." Pareha lang 'yon ah?!
Binalingan kong muli ang gawa ko na halos umapaw na ang iba mula sa tray habang ang iba naman ay kulang at flat. Kung bibilangin ang mukhang matino at maayos tignan doon ay wala pa sigurong lima ang mabibilang.
We dived into the next step after we took the tiny cakes out from the tray. If I were asked which was my favorite part from my first baking experience then it would be the part where I decorated both the cupcakes and Brixz' ugly face.
"Brixz, pa-pic. Please?" I said and even used puppy eyes just for him to look at me like I just ruined his day.
"No. Ayoko. Pagkatapos mo 'kong pagsamantalahan." Sabi niya habang nakasimangot at masama ang tingin sa akin sa kabila ng mga frosting na inilagay ko sa mukha niya na ikinatawa ko.
"Patawa ka. Ngiti ka nga." I said then took a selfie with him looking so done with me while I smiled teasing him before I took a pic of my cupcakes decorated with red frosting that looked like roses.
Sa huli ay kinuhan niya rin naman ako ng litrato kasama ang mga gawa ko. We took several photos together with the help of one of the store's assistants before we get ourselves cleaned.
"Patikim nga." Brixz suddenly said as I was busy checking our photos.
Kumuha siya ng isa sa mga gawa ko at kinagatan. I watched him chew on my cupcake as I anticipated for his commentary.
I kept my phone and asked. "Yummy?"
He suddenly coughed which made me stand up from my seat. "Grabe naman 'to. Hindi ba yummy?" Tanong kong muli habang hinahampas ng bahagya ang likod niya na ikinatawa naman niya habang umuubo.
"Yummy." Sabi niya na dinugtungan pa ng maikling pagtawa.
We stepped out of the bakery with two boxes of cupcakes. Papunta na kami ni Brixz sa parking lot nang mapadaan kami sa isang arcade.
"Talagang uuwi na tayo? Ano? Yun lang? Ang boring naman ng date natin kung gano'n."
"Date? Nino? Natin? Alam mo Brixz, isa kang malaking joke. Funny ka. Tara na nga." Sabi ko at bumigay na rin, nauna pang pumasok sa loob ng palaruan.
He suddenly placed his arm around my shoulder as we entered the arcade. Pinuntahan namin ang counter kung saan pwedeng bumili at magpapalit ng tokens at tickets para makapaglaro at makapagbilang ng mga ticket para ipalit sa mga premyong nakalantad.
I waited for Brixz as he went to line up for the tokens. Nasa tapat ako ng isang malaking glass wall kung saan nakalantad at makikita ang mga nakahilerang premyo habang hinihintay siyang bumalik.
I was looking on the displayed prizes when someone held my wrist which made me panic. Kakalasin ko na sana ang pagkakahawak nito sa akin nang makita ko kung sino ang nakahawak sa akin.
I stopped wiggling my hand and relaxed. Hinayaan ko siyang hawakan ako at dalhin sa kung saan man niya gusto.
"Marunong ka?" Nangaasar na tanong ko at humalukipkip habang pinapanood siyang maghanda para sa lalaruin.
"Alam na alam mo ang sagot diyan, Rubyane. Wait ka lang." Nagmamalaking saad niya. Naalala ko tuloy bigla ang ginawa kong pagsigaw doon sa Marikina na ikinatingin ng mga tao sa akin.
"Buti naman naalala mo pa. Alam mo naman na siguro ang gagawin mo diba? Pa'no nga ulit 'yon? Tawagin mo lang pangalan ko, sure win na." I glared at him despite the fact that my cheeks are blushing while he smirked at me.
"You're so mayabang." Sa sobrang inis ko ay hindi ko na alam ang pinagsasasabi ko. Bahala nga siya diyan!
"You're so pabebe." Panggagaya niya sa tono ko na sinabayan pa ng pagbaliko ng kamay na siyang naging dahilan ng pagtama ng kamay ko sa braso niya.
He just laughed it off which made me furious and started to smack him continuously but rather than getting hurt he laughed even more like it wasn't painful but ticklish instead.
Maya maya pa'y nagsimula na siyang maglaro habang nakahalukipkip naman akong nanunood sa kaniya sa likod niya.
Brixz is a good player. Dire diretso ang pagpasok ng bola sa ring kahit pa gumagalaw galaw na ito sa magkabilang gilid.
I sighed and looked around the place. Dahil wala naman akong magawa, might as well play?
Nilapitan ko ang isa pang basketball machine na nasa kaliwang tabi ng basketball machine na gamit ni Brixz. Sinulyapan niya ako saglit nang makita ang ginagawa ko na para bang nagtataka. I inserted one token and waited for the game to begin.
"The winner decides the price?" I asked and instantly grabbed one ball when the balls dropped from the barrier that's keeping it intact together.
"Sus, sige ba! Game!" Napangisi naman ako sa agarang sagot niya at nagsimula ng magshoot ng bola sa ring.
Rinig ko ang bawat pagtama ng bola sa ring dahil sa ginagawa naming pagbabato para mashoot ang mga ito. I glanced at Brixz' score and panicked when he scored higher than me. Dahil sa pagmamadali para mahabol ang score niya ay dire diretso na ang bato ko na hindi naman pumapasok sa ring.
Malapit ng matapos ang oras ngunit mas lamang parin si Brixz sa akin. I exhaled and kept throwing more balls even if the score was to high to surpass.
Brixz chuckled when the time stopped. "Nice try, Arandia." Masama ang tingin ko sa ring nang guluhin niya ang buhok ko na mas lalo kong ikinainis.
I stomped my feet and crossed my arms over my chest.
"Yan ka na naman. Wag ka ng magdabog. Nagmumukha kang bulate niyan." I groaned. Ang kulit! Kagigil din talaga 'tong lalaking 'to! Ginulo pa buhok ko!
"Kasi naman eh! Bahala ka nga diyan." Nagdadabog na tinalikuran at iniwan ko siya roon.
"Teka lang naman, nagtatampo ambebe ko." And just like that, he managed to wrap his left arm on my shoulders.
Bebe mo mukha mo!
I rolled my eyes at him and jerked his arm on my shoulder. Inalis naman niya ang braso niya kaya naglakad na muli ako at napatigil nang mapadaan sa isang dance machine.
"Try it. Gusto mo?" Tiningnan ko saglit si Brixz bago muling tiningnan ang dance machine at ang paligid.
Ang daming tao, nakakahiya!
“Ayaw mo o nahihiya ka lang? Bawal ‘yan. Ako nanalo eh. Dalawang beses pa. Alam mo na siguro yung una kong wish?” Sabi niya kaya napalunok ako at tiningnan ang machine na walang tao.