I stretched my feet on the ground to push the swing backwards to swing me back and forth as I looked at the plants and flowers around me. Hindi masyadong mainit sa pwesto ko dahil nasa lilim naman ng puno nakapwesto ang swing na inuupuan ko kaya hindi ako masyadong nasisinagan ng araw.
This place is our school's secret garden. Sa likod ito ng building namin kaya hindi agad makikita pag pasok dahil ang unang makikita ay iyong ground floor na may basketball ring dahil doon madalas nag basketball ang boys tuwing P.E. namin.
I sighed as the wind blow against me, blowing the heavy feeling away. Nakakapit ako sa magkabilang kadena na nagsisilbing tali ng swing na inuupuan ko habang gumagalaw ang inuupuan ko.
Wala kaming klase ngayon dahil may program at activities na ginawa ang mga SSG officers namin. I was offered a position at one party before pero tinanggihan ko na dahil sumali naman na ako last year.
“You’re here. Again. Iiyak ka na naman ba? You surely remind me of someone.”
Binalingan ko ng tingin ang nagsalita na nasa gilid ko. Sinundan ko siya ng tingin nang umupo siya sa swing na tabi ng sa akin.
A girl walked in front of me which caught my attention and sat at the swing beside me. Those blank and dark eyes. It's Sav.
Maganda si Savannah pero may pagkataray lang ang itsura niya lalo na kapag blanko lang ito at walang ekspresyon. Yung tipong nakatingin lang siya sayo pero parang hinuhusgahan ka na niya sa tingin pa lang niya kahit na hindi naman.
She has snow white skin and dark black layered long hair. Her sharp arched brows made her look even more intimidating.
"You know what?" My brow raised and turned my head to look at her who was still staring in front.
"What?" Mataray na tanong ko.
"You're lucky." She said it like she was afraid to be heard but I still heard it even though it was only a whisper.
Tama ba ang narinig ko? Bakit....Bakit parang ang lungkot ng pagkakasabi niya? She looks sad and when I looked at her eyes, there was nothing to see but emptiness, darkness and loneliness. Tila nawala ang impression ko sa kaniya na mataray at matapang ngayong nakita ko siya ng malapitan. This time she looks weak underneath that strong facade.
Hindi na muna ako nagsalita at nagantay sa sasabihin pa niya.
"You're smart, talented, and famous for being a teacher's daughter." Aniya na ikinakunot ng noo ko lalo na't iba ang dating ng pagkakasabi niya sa akin. It's like she's taunting me.
Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang pagiging anak ng teacher ako. Feeling ko kasi hindi totoo ang pinapakita nila sa akin dahil alam nilang anak ako ng teacher. Na baka natatakot silang maging totoo sa akin o biru biruin at asar asarin ako dahil baka magsumbong ako. But it seemed like Brixz didn't mind. Ang kapal ng mukha eh.
A part of me hates that fact. Minsan nga, naiisip ko....na baka matataas ang grades ko dahil pala kay Mommy. Na hindi ko naman pala pinaghirapan ang mga numerong nasa card ko kahit na alam kong pinaghirapan ko naman talaga ang mga iyon.
"She must be really proud of you." Sabi niya dahilan para makuha niya ang atensyon ko. No, I don't think she is though, Sav.
Naalala ko bigla ang nangyari noong Sabado. I remembered how I distracted myself just to stop myself from letting my nervousness get through me the whole day.
"So, how's your grades, Jadie? Nakita mo na?" Tanong ni Daddy sabay sulyap sa akin pati kay Mommy bago sumubo.
We're here in the dining area eating our dinner. Nauna ng umuwi si Mommy at halos magkasunod lang din silang dumating ni Daddy.
"Yes, she's doing great, actually. She's in the Top 3, Top 2 siya. Pero yung math....hirap siya. Am I right Jadie?" Paninigurado ni Mommy na ikinalunok ko naman bago tumango.
"By the way, nakita ko yung my day ng Tita Ive mo. Her daughter just received a merit certificate and a few more awards. Manghahakot. Pati na rin ang pinsan mo sa kapatid ng Daddy mo. Remember Zara?" Tukoy niya sa pinsan kong kasing taba ko rin dati. "Let's just say that.... she's stunning. Marunong ng magmake up at magayos ayos."
What now? One medal doesn't satisfy them?
I nodded while I kept my eyes on my plate as I sulkily played with my food with the spoon and fork that I was holding.
"Do better, Jadie. Okay? Konti na lang naman ang nilamang ng Top 1 niyo sa'yo. I'm sure you could top that."
Ramdam ko ang pamimigat at paninikip ng dibdib ko. I've been studying, reviewing and doing advanced readings, reciting, minsan nga halos ako na ang gumawa ng activities namin sa groupings eh. But it seems like all of it wasn't enough.
And now that I saw my grades for the 3rd Quarter, I don't think it was enough to satisfy my parents. Sure I was a little disappointed at myself kasi alam ko namang ginawa ko lang ang best ko pero patagal ng patagal ay natatanggap ko na rin ang mga numerong nasa card ko pero mukhang kahit anong gawin ko ay makikita at makikita nila ang pagkukulang ko.
"Bakit? Naiinggit ka?" Diretsahang sabi ko habang nakatingala sa mga nagtataasang puno rito.
"Yes." Agarang sabi niya na ikinatingin ko sa kaniya. W-what?
"Everyone sees you as the perfect daughter. The best example. A model student. Nasa tarpaulin ka pa nga diyan sa labas eh, sa may gate. Yung sa school advertisement." Sabi niya habang ako naman ay nakatingin lang sa kaniya.
"I hate you for being so perfect—"
"I'm not perfect, Sa—"
"Oh, don't be such a plastic, Jadie. I know how flattering it must be to hear." Handa na sana akong magsalita para ipagtanggol ang sarili ngunit napatigil din nang tumayo siya at hinarap ako. I saw a flash of sadness in her eyes as she looked at me pero agad rin iyong nawala at napalitan ng kadiliman.
"Siguro nga hindi. But I would give up anything to have...." She trailed but then she stopped midway and let out a deep breath.
"Set yourself free, Arandia. Be reckless enough to fight for yourself. Nasayo lang ang susi. Have the courage to open your own cage." Sabi niya bago ako iniwang magisa.
At tila ba isang gatilyo ang mga katagang iniwan niya sa akin dahilan para magsilabasan ang mga luha sa mga mata ko.
How can I be free from their cage if I myself can't free myself from my own cage. Parang may parte sa sarili ko na nangangamba at natatakot na ibuka ang mga pakpak at lumipad ng malaya. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin mula sa labas ng mundong nakasanayan ko. I've been sheltered from my parent's choices that it made it so hard for me to get out from my comfort zone.
Lahat ay nakaasa sa mga magulang mula pagkabata. I've been leaning on their decisions that I can't even make my own. Gusto ko namang kumawala sa tuwing alam ko na ang mga gusto ko pero sa pagkakataong iyon ay parang may humihila sa akin at pinipigilan akong makalaya.
I want to rebel but I know that my decisions will disappoint my parents. Gusto kong umalpas pero alam kong hindi magugustuhan iyon nila Mommy at Daddy. I want to do things freely and to follow what I want pero alam kong hindi iyon ang gusto ng mga magulang ko para sa akin. Lalong lalo na si Mommy.
Mataas ang expectations niya sa akin kaya naman ginagawa ko talaga lahat ng gusto niya para hindi siya madisappoint sa akin. I want to prove them that I can be successful in what I want with my own. I want to breath and fly with my wings spread free, pero hindi na muna siguro ngayon. Huwag muna siguro ngayon.
Iniyak ko na lahat bago pa man ako balikan ni Talia na kagagaling lang ng room namin para kunin ang mga wallet at cellphone niya. She asked me if I cried since my eyes were red and puffy but I just told her na nakulangan ako sa tulog.
We went to the basketball court of our building, just beside the open field where the booths are aligned at the sides. Nakita rin namin si Adie na kasama ang mga kaklase niya at nagbabantay ng booth nila kaya inaya na naming sumama sa amin ni Talia. Marami naman sila roon at hindi naman masyadong marami ang tao dahil may klase pa ang ibang grae levels.
"Girls, pahiram muna si Jadie ah?" Tanong ni Nyx na may kasamang babae na lumapit sa amin.
"Excuse me. Para saan? Ano—wait! Where are you taking her?" Rinig kong tanong ni Talia nang hatakin ako ni Nyx.
Nagpahatak naman ako kay Nyx nang hilahin niya ako dahil akala ko ay kailangan niya ng tulong ko pero gano'n na lang ang pagtanggi ko at pagmamadaling pagkalas ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko nang hilain niya ako papunta ng Marriage Booth. Goodness! Hindi pa ko ready magpakasal! Bata pa po ako!
"Go na Aidan!" Sigaw niya nang maipwesto ako sa harap ni Brixz.
"Uy, teka! Wala namang ganiyanan." Sabi ko sabay peke ng tawa.
I saw Talia and Adie walking towards our direction. Si Nyx naman ay may kausap na isa sa mga SSG officers habang ang dalawa pa sa tatlong kaibigan ni Brixz maliban kay Aidan ay nanonood sa amin habang kumakain ng sandwich mula sa snack booth ng Grade 9 students.
May ibang usisyoso at usisyosa na nakikinood sa amin na mga kabatch din lang namin ngunit dahil sa rami nila ay nakuha na rin namin ang atensyon ng iba at nakinuod na rin dito sa amin. I even saw Dark and Sorin watching us with Talia and Adie who is looking at us mischievously.
"Game! Meron bang tumututol sa kasalang ito?" Malakas na tanong ni Aidan dahil medyo maingay na rin dito dahil sa mga nanunuod.
Nyx handed me a flower crown and asked me to wear it so I did and a bouquet of fake flowers while Kyro pinned a red rose at Brixz' polo on his left chest.
"Wala!" Halos sabay sabay na sigaw ng mga nanonood na alam ko ay mga kabatch rin namin habang may mga naglalakihang ngisi sa labi.
"Ako po father, tutol ako." Kunot noong sabi ko na ikinatawa at hiyaw ng mga nakikinig sa amin dito.
"Swerte mo naman at ako ang mapapangasawa mo." Mayabang na sabi ni Brixz habang ang mga kamay ay nakapaloob sa mga bulsa ng navy blue slacks niya.
"Malas." I said with my arms crossed over my chest, contradicting what he said that once again, made the crowd go wild.
Brixz leaned towards my ear and whispered. "Wait for the honeymoon then." Brixz smugly said as his warm breath blew on my neck and backed off with an annoying smirk on his lips. Napaismid na lamang ako at inirapan siya.
"I'm afraid that there won't be one with you." Pambawi ko naman.
Pinatahimik na ni Nyx ang mga estudyante nang magsipag hiyawan sila dahil baka sitahin kami ng mga teachers dito dahil may klase pa ang mga bata and worst! Baka sitahin pa kami ng principal sa kaingayan namin.
"Do you, Rubyane Jadelyn Arandia, take Pyrrhos Brixz Anderson as your husband?" Hindi po father.
The crowd started to chant 'I do' as they impatiently wait for my answer. Sino ba'ng may pakana nito at nang masapak ko? Isa lang, hindi masakit, promise.
"I do." Sabi ko sabay irap kay Brixz na nakangisi sa akin.
"Wag ka ngang ngumiti." Naiiritang sabi ko na ikinatawa naman niya.
"Mrs. P." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
"Misis kong pikunin." Sabi niya kaya hinampas ko na siya sa braso niya na agad naman niyang ininda habang nakangisi pa rin sa akin.
Muling nagingay ang mga nanonood dahil sa sinabi ni Brixz at inasar asar na naman kaming muli. Itong si Brixz naman game na game naman na sabayan ang pangaasar nila sa amin.
"Tama na 'yan." Ani ni Aidan dahilan para mapatingin muli kami sa kaniya at mapatigil sa pagaasaran.
"Do you, Pyrrhos Brixz Anderson, take Rubyane Jadelyn Arandia as your wife?" Tanong ni Aidan.
"I do, handa akong magpasakal—este, kasal sa babaeng may amazonang asal." Mabilis na tumama muli sa kaniyang braso ang aking kamay dahil sa sinabi niya na ikinatawang muli ng mga nanonood. Lakas makapangasar ah!
After that, they handed Me and Brixz a braided rope twine string cord as a ring.
Nilahad ni Brixz ang kamay niya sa akin na para bang hinihingi ang kamay ko. I hesitantly reach my left hand to him. Napalingon ako nang maingat niyang hilahin ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya na nakatingin na pala sa akin dahilan para maginit ang pisngi ko.
Stop looking at me!
He neatly and loosely tied a knot around my left wrist using the short rope twine string cord. Tiningnan ko pa ito ng ilang saglit bago ginaya ang ginawa niya sa akin.
"I now announce you, husband and wife. you may now kiss the bride." Anunsyo ni Aidan na ikinahiyaw muli ng mga nanguusisa rito sa amin. Tingin ko naman 'yon talaga ang hinahantay nila eh.
Sino ba ang nagbayad at nagregister sa'min dito ni Brixz at nang mahampas ko?
I looked around and noticed that there were more and more people, maybe because it is already recess time of the lower levels.
Namula ang pisngi ko sa kaalamang maraming tao ang nasa paligid namin. Ano ba kasing ginagawa ko rito? Nakakahiya! Ang daming tao!
Hindi na namin pinaunlakan pa ang pangaasar nila sa amin at kumuha na lamang kami ni Brixz ng litrato sa marriage booth dahil kasama raw iyon sa binayaran.
"Dikit pa!" Reklamo ng ilan dahil halos isang metro ang pagitan namin ni Brixz dahil sa paglayo ko sa kaniya.
I gasped when Brixz suddenly grabbed my arm and pulled me closer to him. Ipinatong niya ang braso niya sa balikat ko na ikinatingin ko naman doon habang nakakunot ang noo ko ngunit napatingin din sa harap ng tawagin nila ako.
After the picture taking, some of the students who watched us clapped their hands and congratulated us like a real married couple. Sinakyan na lang namin ni Brixz ang kalokohan nila na mas lalo naman nilang ikinatuwa.
Inaya ko na rin sila Adie at Talia na umakyat since wala naman na kaming ibang ginagawa rito.
Hindi rin sila matahimik sa pang aasar sa akin habang paakyat kami sa hagdan dahil sa ayos namin ng 'Asawa' ko raw sa printed copy ng picture namin kanina. They gave us a copy at ang sabi ni Brixz ay siya na raw ang magtatago dahil iisang copy lang ang binigay, hindi na ako tumanggi dahil hindi naman importante sa akin iyon.
"To Jadie! Nasan si Jadie?" Napalingon kami nila Adie at Talia sa mga lalaking naglilibot ng tingin at tila may hinahanap sa may pinto ng room namin.
"Uy, anong meron? Ba't hinahanap ka ng mga 'yon? May kasalanan ka ba?" Tanong ni Adie na ikinailing ko naman.
We quickly went towards them, once we reached their side they quickly noticed us and turned to us. Nakuha agad ng bouquet ng iba't ibang mga tsokolate at pink na rosas na hawak ng isang lalaki na kasama nila ang atensyon ko.
"Jadie." I lifted my gaze back up to Meir who was scratching the back of his neck while looking down at the bouquet he was holding which made my brows knot in curiously.
"Uhm...may nagpapabigay." Sabi niya sabay lahad sa akin ng bouquet na ikinangiti ko naman bago inabot at tinanggap ang bouquet na hawak niya. I’m sure that it’s him.
"Pakisabi na lang 'thank you' ah?" I happily said as I hugged the bouquet with one arm. My eyes started to water as I felt my nose become runny.
I do like chocolates and roses pero kung ako ang tatanungin? Mas gusto ko yung pinaghihirapan na regalo o kaya kapag may ibibigay sa akin. Maybe handmade roses? Allergic pa man din ako sa ganito.
"Padaan." Nawala ang tingin ni Meir sa akin at nalipat sa likod ko kaya nilingon ko rin ang nagsalita.
It was Brixz who was wearing a serious face. He looked at me from the side and then at Meir before he opened the door and went in with his friends. Narinig ko pa ang binulong ni Kyro nang dumaan siya sa harapan ko.
"Ang bagal kasi."