Chapter 5

3085 Words
"Gusto mo?" Napalingon ako sa nagsalita dahilan para umangat ang isang kilay ko. "Malamang, kaya nga ako nandito. Tsaka, Sinusundan mo ba kami?" I asked as I look at the different flavored ice creams in front of us. Nandito kami sa ice cream parlor na kaunting lakad lang ang layo mula sa school namin. Nagkayayaan kasi kami na pumunta rito, biglaan kaya medyo matagal tagal ding pamamaalam ang nangyari kay Mommy kanina. "Jadie, nakapili ka na?" Nilingon ko si Adie na dinidila dilaan na ang coned cookies and cream ice cream niya. Beside her is Dark who was busy with his phone. They're sitting at a six chaired table with Talia na tahimik lang na kumakain sa ice cream niya. "Mint chocolate chip po, Miss." Sabi ni Brixz sa nagtitinda. "Ikaw?" He suddenly turned to me asking that question which startled me. "Huh? Ako?" Tanong ko sabay turo sa sarili habang nakatingin sa kaniya na nakatingin din ng diretso sa akin. "K-kahit ano na lang." Tumikhim ako at nahihiyang nagiwas ng tingin dahil sa naging reaksyon ko at muling tumingin sa harap ng maiwasan ang kaniyang mga mata. Hindi ko naman kasi alam kung anong masarap diyan. Unang beses ko pa lang naman kasi pumunta rito at hindi rin naman kasi ako masyado sa ice cream. Mom doesn't really like me going out too much. Kaya minsan lang ako nakakagala. "Miss, isang strawberry cheesecake rin po pala. Medium po yung dalawa." Napalingon ako kay Brixz nang sabihin niya iyon habang siya naman ay nakatingin lang sa harap at naghihintay. "Ba't dalawa? Ang takaw mo naman." I said and crossed my arms over my chest as we waited for our ice creams. "Bakit? Akala ko ba gusto mo? ‘Wag kang magalala masarap naman yung strawberry cheesecake." He turned his whole body to me with his hands on his waist. "Babayaran kita." Humalukipkip ako at tiningala siya. "Wag na, kawawa ka naman kasi, tulong ko na 'yon sa nangangailangan." Oh, d*mn you, Brixz! After a while of waiting, the worker came back with the two cups of ice creams that Brixz ordered. Nagbayad at nagpasalamat na muna kami bago pumunta sa lamesa naming magkakaibigan at umupo roon. "Oh, asan yung sayo? Hindi ka nagorder?" Tanong ni Talia nang mapansing wala akong hawak na ice cream. "Ito." Brixz suddenly handed me the strawberry cheesecake flavoured ice cream. Tinanggap ko naman iyon habang nakatingin sa kaniya sa kabila ng pagkagulat at pagkalito. Brixz removed his bag from his shoulders and sat on the chair on my right side. “Ruby, yung bag mo.” Sabi ni Brixz kaya naman binigay ko na sa kaniya ang bag ko. He placed it on the chair right beside him with his bag since that was the only remaining chair on our table that wasn’t occupied. “Kuha lang ako ng kutsara.” Paalam ko sa kanila. Akmang tatayo ako upang kumuha ng kutsara sa may counter area ngunit hindi pa ako nakakatayo nang itusok ni Brixz sa gilid ng ice cream ko ang kutsara. "Malinis 'yan kakatanggal ko lang ng plastic." Agarang sabi naman niya bago nagsimulang kumain. And so? "Okay? Wala naman akong sinasabi." I sat back and looked at Talia as I felt her eyes on me and Brixz. Ano na naman kayang iniisip nito? I scooped a spoon full of ice cream that Brixz bought at napatango tango nang malasahan ito. It's good. Hindi ko pa kasi ito natitikman dahil dalawang flavors pa lang naman ng ice cream ang natitikman ko. Hindi rin naman kasi ako masyado sa ice cream dahil mas gusto ko ang tsokolate. And out of the two flavors of ice cream that I tasted.....I think this one's my favorite of all. "Masarap?" "Hmm?" I glanced at Brixz with a spoon on my mouth. His gaze went from the spoon on my mouth and hid a smile before it went back to my face. May nakakatawa ba? I hummed yes with a little nod and smiled. Susubo pa sana ako nang may biglang maalala. "Madalas ka ba rito?" Tanong ko dahil parang kabisado na niya lahat ng mga ice cream flavors na meron dito nang umorder siya kanina. Nakita rin kasi namin siya kanina na nakasunod sa amin kanina kaya akala ko sinusundan niya kami rito kaya naman medyo na curious ako kung nalalalagi ba siya rito. "Hindi naman. Bakit?" I averted my eyes from him and looked at my ice cream instead. He's eyes were piercing through me. Malalim ang kaniyang tingin at nakalulunod. I can't match his gaze when he's staring at me so intently. Na para bang interisadong interisado sa sasabihin ko. He's attention was all on me and it's overwhelming. Nang mapansin niyang masyado na siyang nakatitig sa akin ay nagiwas siya ng tingin sa akin. "Wala. Mahilig ka pala sa ice cream? Siguro natikman mo na lahat ng flavors dito." I said and scooped another spoon full of ice cream. Hindi ko inaakalang kahihiligan ko rin pala ang ice cream. Since that day, I'll always go to that particular ice cream parlor just to buy the same flavor I tasted the very first time I went there. Pumupunta ako doon kapag may achievement akong nagagawa lalo na kung aalis kami nila Talia. It served as my prize. My favorite. We went up to our room and prepared for our career orientation. Walang Senior High School dito sa school namin. Our school welcomes speakers from different schools to offer us the best they could offer and to persuade us to study in their school. Lahat ng Grade 10 ay bababa sa ground floor since sa rooms dapat ng Grade 7 students ang orientation dahil naka wood wall dividers ang rooms nila at binubuksan lamang iyon kapag may parents and students orientation at carrier orientation pero may klase kasi sila ngayon. "We offer the complete strands for Academic Track in senior highschool, GAS, HUMSS, STEM and ABM...." The speaker said. "Jadie, sure na talaga ako." Masayang sabi ni Talia sa gilid ko. I just glanced at her and once again looked at the speaker. Good for you then. She's talking about the strand and track that she is going to take. Her dream is to become a fashion designer. She's talking about the strand and track that she is going to take. Her dream is to become a fashion designer. "Ikaw. Do you know what you want?" Mahinang tanong niya na ikinatigil ko. I wasn't expecting that. I sighed. "Alam mo naman ang sagot ko diyan, Talia." I said and shifted on my seat. Hindi ko alam. Iyon lang ang masasagot ko sa tanong na iyon. Decision making really is difficult and as day passes by my time runs out. Nawawalan na ako ng oras pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong gusto ko. Maybe I've been relying on my parent's decision than to rely on myself to make my own decision. I really admire Savannah. She knows what she wants, she fights for what she thinks is right. She's free. Madalas naming mabalitaan na nakikipagaway siya either sa labas ng school o kung minsan ay sa loob pa mismo ng school premises. She's one of the school bullies pero hindi pa naman umaabot sa puntong nakikipagaway na siya sa mga lalaki. There's this one time na nagkataon na tumambay ako sa likod ng school namin malapit sa secret garden namin. I will never forget what she said to me that time. "Ang ingay." Napatigil ako sa kahihikbi nang may marinig kaya napatingin ako sa paligid. May quiz kasi kami kanina sa math and sadly, I didn't even reached the passing score. Inaalala ko tuloy ang mga posibleng sasabihin ni Mommy kapag sinabi ko ang tungkol sa quiz namin ngayon. Or maybe i'll just keep this a secret? "Ano bang ginagawa mo rito?" I stopped looking around when my eyes caught Savannah's. Napatigil pa siya nang makita ang itsura ko pero agad din namang ngumisi at humalukipkip. "Anong iniiyak iyak mo?" She irritatingly asked then glanced at the paper I was golding which contains our quiz earlier. "None of your business." Matabang na sabi ko sabay punas sa mga pisngi ko habang nakaupo sa isa sa dalawang swing dito. "You're crying because of that? What a wimp." Hindi ko siya sinagot at pinunasan na lamang ang basang pisngi ko. "Don't reach for something you can't, Arandia." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi mo alam ang sinasabi mo." "Oh, I'm telling you, Arandia. Mapapagod ka rin. You tried your best but the only thing they'll ever see is your mistakes and failures. They will never be content and will ask for more as you fulfil more of their expectations." Iyon ang sabi niya bago niya ako iniwan doon at nakatulala. Hindi ko alam pero may parteng nagbago sa pananaw ko kay Sav noong araw na iyon. She resists and that made her free. Malaya siya, hindi katulad ko na nakakulong. Hindi kayang gumawa ng sariling decision at sunod sunuran. Ang hirap kumawala, ang hirap maging ako. "Para sa'n ba 'to?" I saw Brixz in my peripheral vision holding my blotting paper with a curious look on his face like a kid looking at a weird object that he hasn't seen before that made me smile. "Para sa mukha." Maikling sabi ko habang nakatingin sa sarili sa salamin na hawak habang sinusuklayan ang buhok ko bago pinagsalikop at itinali ng ponytail. Lunch time namin ngayon kaya wala pang nagbabantay sa amin. Maingay at kalat kalat na naman kaming muli. Sila Kyro na nag jajaming sa gilid, sila Nyx na naglalaro ng mafia, at mga patagong gumagamit ng cellphone sa loob ng bag. The usual classroom vibe. "Ano? Ikukuskos mo 'to sa mukha?" Nagtatakang tanong niya sabay kuha ng isa. I laughed I fixed my hair. "Syempre hindi. Ano ka ba? Try mo ipalo sa mukha mo." Nangingiting sabi ko. "Wews, sige nga. Halika rito, try ko sayo nang malaman ko kung epektib nga." He grabbed my jaw and gently turned my face to his so I could face him. Napatigil ako nang magkatitigan kami saglit. "Bitaw nga. Istorbo ka." Sabi ko sabay alis aa kamay niyang nakahawak sa mukha ko dahil ramdam ko ang pagiinit ng magkabilang pisngi ko sa ginawa niya. Hinayaan niya na rin naman ako at muling kinalikot ang hygiene kit ko. Pulbo, blotting paper, suklay, alcohol, hair oil at pabango lang naman ang laman no'n sa loob. I have another hygiene kit for my red days so I have nothing to worry about. "Goodness!" Naiinis na sambit ko nang hilain ni Brix ang tali ko dahilan para malugay ang buhok ko bago ginulo gulo ang buhok ko. Ang galing! Ang galing lang! Umalis rin siya pagkatapos ng ginawa niya sa tabi ko at iniwan na lang ang gamit ko sa ibabaw ng armchair niya. I took my kit and was about to put it back in to my bag when Brixz went back and snatched my kit from me. "Hoy!" Umupo si Brixz sa upuan niya na nasa tabi ko at muling inagaw sa akin ang kit ko. "Paipit." Sabi niya habang hinahalungkat ang kit ko. I sighed and rolled my eyes as a response. Tumayo ako at pumwesto sa likod ng upuan niya. Umayos rin naman siya ng upo at dumekwatro. I lightly brushed his hair using my fingers. Malambot at malinis ang buhok ni Brixz at hindi naman masyadong magulo kaya hindi na ako nahirapan. Nahirapan nga lang ako kaunti dahil sa kagagalaw niya sa ulo niya. I lightly pulled his hair just enough for him to feel and stop moving. Pambawi lang. Para kasing bata! Pero maya't maya ay gagalaw muli siya at maglilikot. Kanina pa sana kami tapos dito kung 'di lang siya galaw ng galaw! Umuulit tuloy ako! "Oo na! Aray! Tangi—" "Wag mo akong murahin." Mataray na sabi ko. Kanina ko pa kasi sinasaway at sinasabihan hindi matigil tigil daig pa bata sa kalikutan! "Mumurahin ba kita? Tangi kasi 'yon." Sabi niya na ikinakunit naman ng noo ko. Tangi? Okay, if that's what he wants me to believe. "Jadie, ako rin." Sabi ni Arlo nang matapos kong ipitan si Brixz. I did his hair while Brixz went to his friends. Habang iniipitan ko si Arlo ay pansin ko ang pagsulyap sulyap ni Brixz sa akin kahit na kasama niya ang mga kaibigan niya. Later on, after I finished tying Arlo's hair, Brixz walked towards me while scratching his head making his hair mess up. "Paipit uli." Sinamaan ko siya ng tingin habang tinaasan naman niya ako ng kilay. I sighed while he sat at the floor beneath me. "May kuto ka na ata eh. Baka gusto mo suyuran din kita." I said as my fingers brush his soft brown hair. Lumingon siya ng bahagya at may malaking ngiti pa sa labi. "Pwede?" Aba! Ilang minuto rin ay dumating na ang sunod naming teacher pagkatapos ng lunch namin kaya nagsibalikan na rin kami sa kaniya kaniyang mga upuan namin. Hindi ko rin inabala pang magipit ng buhok at sinuklayan na lamang ito dahil nagsimula na ring magsalita si Miss Maranna ang subject teacher namin sa English. "Yes, Nyx?" Tawag ni Miss Marianna kay Nyx nang itaas niya ang kamay niya para simulan ang debate. Debate was our lesson last meeting at sinabi rin ni Miss Marianna last time na ngayon daw ang debate namin. It's about perfection as a standard and it's existence. By group ang debate. Tapos na ang Round 1 at kasisimula lang rin ng Round 2. And it looks like Nyx is the other groups representative and my opponent for this round. The debate is also served as our project this last quarter sa English kaya naman pinaghandaan na namin ito ng husto. "Perfection is a quality of being free from flaws. Being perfect is the state where one is excellent, without mistakes and defects. Like pieces that match, where mistakes are not seen." Sabi ni Nyx na ikinatango tango naman ni Miss Marianna. Itinaas ko ang kamay ko at tumayo ng matawag. "I believe that perfection does not exist, Ma'am. Perfection is only a word that everyone fails to possess for it doesn't exist. Everyone makes mistakes, everyone has their own kind of imperfections." I sternly said as I firmly stood on my stand. At this point, medyo natutuwa ako sa lesson namin at sa naging sagot ko dahil medyo relate rin ako sa debate topic namin. This caught my interest since I felt like the topic is somehow connected to me. "I beg to differ, Miss Arandia." Sabi ni Nyx habang nakatayo at nakatingin sa akin na ikinahiyaw naman ng mga kaklase ko. I think she just caught their attention. "Perfection is achievable. We can work our way to perfection as it is the general standard in everything." General standard in everything? Napangisi ako nang may maisip ngunit nakinig na lamang ako at hinayaan muna siyang matapos magsalita. "We can always work our way to perfection if we really do want to." Sabi niya na medyo ikinasangayon ko naman ngunit hindi na ako nagsalita. I don't want to say I agree even just the slightest bit dahil matatalo ako. Sa debate kasi ay kailangang matatag ka sa ipinaglalaban mo. And once you agree then you loose even if it was just a slip of the tongue. Hindi pwede, dahil ang ibig sabihin lamang noon ay sang-ayon ka sa sinasabi ng kabilang panig. That is why we use expressions that disagrees to another person's statement and listen carefully. "I don't see it that way, Miss Hernandez." Ramdam ko ang mga mata ng mga kaklase namin sa akin nang sabihin ko iyon dahilan para malipat ang attention nila sa akin. "Perfection is just an illusion. An illusion, an idea of being flawless. Even the most successful people in the world once or twice failed, maybe even a lot more times before they became successful." Tumigil ako saglit at huminga ng malalim bago muling nagsalita. "We all come short, we all make the wrong decisions at times, there will be imperfections along the way because, like what I have said earlier, perfection doesn't exist and it is not the general standard but the general idea for humanity." Seryosong sabi ko bago bumuntong hininga at tipid na binigyan ng ngiti ang sarili dahil sa naging sagot. Pagkatapos niyon ay hinayaan naman kami ni Miss Marianna na magbigay ng tigiisang idea bilang pagsasara at pagtatapos ng debate namin, closing remarks kumbaga. She was really happy about the successful debate and that we were able to apply what she thought us. Nagpalakpakan kaming lahat ng inanunsyo ni Miss Marianna ang nanalo at nakakuha ng mataas na puntos, ang grupo namin. After that, she told us to get ready for our next meeting before she bid us goodbye and left the room. Last subject namin ang English na hawak ni Miss Marianna kaya naman nang lumabas siya ay nagsimula nang magkagulo ang mga kaklase ko. "Kinabahan ako sayo! Ba't naman kasi ang seryoso mo masyado? Feeling ko tuloy ang nonsense ng pinagsasabi ko kanina." Sabi ni Nyx nang magkasalubong kami. "Lah, ikaw rin naman ah. Muntik na nga akong magagree kanina eh." Nangingiting sabi ko. Totoo naman kasi. "Edi sana nagagree ka 'di ba? Congrats nga pala sa inyo! Grabe kaba ko kanina." She said and sighed with her right hand over her left chest which made me laugh. Malapit na kaming matapos sa paglilinis nang pumasok ang adviser namin sa room. Pagkatapos ng ilan pang minuto ay natapos na rin kami sa paglilinis. Pumunta na ako sa Building 1 nang i-dismiss na kami ni Miss Yvonne pagkatapos niya kaming paalalahanan para sa intrams namin next week at card day para sa distribution of cards for 3rd Quarter sa Sabado. Tulad lang rin ng normal na mga araw ay hinantay ko lang rin na matapos si Mommy sa ginagawa niya bago kami umuwi. I told her what happened during our debate at our English subject earlier. Tinanong niya ako kung tungkol saan daw ang debate namin at kung ano ang mga sinabi ko. And I'm glad that she somehow looked satisfied when I told her that we won the debate. Kaya imbes na umuwi ay dumiretso na kami sa bahay para sabihin kay Daddy ang nangyari at sabay sabay na kami kumain sa labas. Okay lang naman sa akin dahil matagal na rin ang huling kain namin sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD