EVERYONE is happy, of course who wouldn't. Graduation is something you worked hard for. Hindi ka naman makaka-akyat kung hindi ka nag aral ng mabuti, if you didn't passed all your exams and activities.
Cierra is with her classmates, as the guest speaker sharing his experience through inspirational speech. She's already bored.
"Hays, ang dami naman sinasabi niyan. Ano ba ang pakialam natin kung na-fail niya ang ilang subject niya noon, pero nag valedictorian parin siya? Is that even something to be bragged about." walang ganang sabi ni Kia sa tabi niya, minsan talaga ay grabe ito nagsalita. Masyado itong prangka.
"Being a valedictorian means a lot, though. It's something you should be proud of."
Kia let out a sarcastic laugh. "Don't you find it funny? You know that there's more deserving to that place. How can a guest speaker who fails his subject before, standing in front of us proudly saying that he's a valedictorian at inilaban sa principal nila na mas deserving siya than the other one who's running for that place? Don't you find it unfair uh? Cierra? Katulad ngayon. Ikaw dapat ang valedictorian natin 'di ba. But what happened? Dahil lang sa magsasama ang graduation ng Southeast and Northwest, you're left behind? They chose the candidate of Northwest rather than you! Because of what? Because she's the daughter of the dean! That's how school works!" She's almost shouting
Ang mga kaklase nila ay napatingin sakanila, may mga ilan din na galing sa Northwest ang napatingin sa gawi nila.
But Kia words hit her. Kia is right, wala siyang nagawa nang sabihin ng mga itong ang anak ng dean ang valedictorian nila. Who is she to fight for herself, kahit anong laban niya. Wala rin namang mangyayare. Wala siyang kapangyarihan sa school para ilaban ang sarili niya.
Hinayaan niya, because she knew the truth! Hindi kailan man mawawala ang katotohanan na siya lang nakakaalam. na siya dapat ang nasa pwestong iyon, at hindi ang taong ngayon ay nagsasalita na sa harap nila.
Ang anak ng dean.
After the ceremony, unti-unti nang umalis ang iba, while Cierra went to her mother to give her a kiss. May trabaho pa ang mommy niya, she's already happy dahil kahit papaano ay umattend ito kahit hectic ang schedule nito sa opisina.
"I'm so proud of you, sweetie. Sorry if mommy couldn't join you to celebrate your graduation, but promise kapag gumaan na ang schedule ko sa trabaho, we'll celebrate together okay." her mother said.
Cierra with teary eyed, "It's okay Mom! Besides po, pupunta ako kila Kia."
"Basta, umuwi ka ng maaga. Magpahatid ka okay, kung hindi kita masundo." anito
Cierra nodded.
Nang makaalis ang mommy ni Cierra ay sakto namang pagdating ng mga kaibigan niya.
"Let's go?" tanong ni Kia, she nodded.
Nakarating sila sa bahay nila Kia, hindi ito ang una niyang punta rito, but the house is really big.
Maraming sasakyan ang nakaparada, ang ilan ay pamilyar dahil nakikita niya ito sa school nila.
"Oh, hi girls!"
It was Summer who's shouting, she's wearing a blue two piece. She's already wet. Mukhang galing na ito sa pool at sinalubong lang silang dalawa ni Kia.
"Nauna ka pa sa may bahay ah" she teased her.
Tumawa naman ito, "Well, feel at home"
Umiling nalang ang dalaga atsaka sila sumunod ni Kia sa kaibigan nilang parang model kung maglakad na naka two piece lang.
Everyone is greeting and congratulating them, she's doing the same thing. Iniwan na siya ni Kia, at sinabi nitong aasikasohin niya lang ang pagkain.
Kaya naman tumungo si Cierra sa guest room na itinuro ni Kia sakanya, madalas si Cierra rito, dahil narin sa mga madalas nilang overnight.
Kinuha niya one-piece swimsuit niya sa kanyang bag.
She quickly put it on, atsaka niya kinuha ang floral tube dress niya at isinuot. Lumabas din siya agad sa kwartong iyon.
Nang makarating siya sa pool area, everyone seems having fun.
"Cierra Frizla?"
Tinignan niya ang lalaking tumawag sa pangalan niya, the guy is handsome. He looks familiar.
"Hi?"
"Oh, hey! I'm Vincent De Silva" the man said.
Oh sh!t! It's him.
"Cierra Frizla, nice to meet you"
Vincent smiled. "You look beautiful, anyways congratulations."
"Thank you, same to you."
Cierra can feel the awkwardness between them, hindi naman kase siya nakikipag usap sa mga lalaki. So she doesn't know how to start a conversation or how to approach the man in front of her.
"Aren't you going to swim?"
She looked at him. "Uhm, maybe later. How about you?" tanong niya.
Before Vincent could answer, her friend suddenly showed up.
"Hoy, kayo ah! Andoon ang party bakit nakatayo kayo riyan?" May nakakalokong ngiti sa labi ni Summer.
Kahit hindi na alamin ni Cierra, with her friend malice smile. She can tell what's with her thoughts.
"See you, Cierra." Vincent said, before leaving.
Umalis narin siya sa pwesto niya at nagtungo sa mga pagkain, alam niya na nakasunod sakanya ang kaibigan niyang may mapanuring tingin.
"Ikaw ah, akala ko ba hindi mo type?" tanong nito.
"Nakita mo lang kaming magkasama, kung ano ano na iniisip mo" she answered.
"Of course! He was smiling like he just won the lottery, so did he confess?" Summer curiously asked
Umiling nalang siya, with Summer mauubos lang pasensya mo kakapaliwanag na walang something sainyo ng isang tao.
Mabuti nalang ay tinantanan na siya ng kaibigan niya, kaya naman umupo siya sa isang table malapit lang din sa pool area, pero mas unti ang tao rito.
She's quietly eating her food, when someone sat in the vacant chair beside her.
"Are you enjoying?" Vincent asked.
Tumingin siya sa binata, mukha naman itong mabait, pero sayang lang dahil wala sa plano ni Cierra ang mag nobyo.
She sipped in her drink. "Vincent, I don't want to be harsh. But, don't waste your time with me." aniya.
Natigilan naman ang binata sa sinabi nito.
"Why?"
"Because I said so."
"Hindi pa nga natin sinusubukan?"
"Wala naman tayong dapat subukan e. Sorry." sabi niya at iniwan ang binata para pumasok sa loob ng bahay nila Kia.
Pero nagulat nalang siya ng bigla itong sumunod sakanya at mas nanginig siya sa kaba ng bigla siya nitong hinila papasok sa isang kwarto. She wants to scream para humingi ng tulong pero agad na tinakpan ni Vincent ang bunganga niya.
Gusto niyang maiyak sa takot ng isandal siya nito sa pader. Madilim ang kwarto kung nasaan sila. Kahit anong pumiglas niya ay hindi siya makawala dahil mas malakas at matangkad sakanya ang binata.
"H-help" she was gasping for air.
Narinig niya ang malademonyong tawa ng binata. "Walang makakarinig sayo. They're busy partying. Kung sana ay hindi mo ako nireject edi sana nanliligaw ako ng maayos sayo." maangas na sabi ng lalaki sa harap niya.
Naramdaman niyang hahalikan siya ng lalaki nang iiwas niya ang mukha niya. Pero kasabay non ay ang malakas na sampal na pinakawalan ng binata sa pisngi niya.
"You want it rough huh?"
Hindi niya pinansin ang binata. Pero sa isip-isip niya ay sana bigla nalang itong bumulagta sa harap niya. She started crying ng maramdaman niya ang kamay nitong humahaplos sa bewang niya.
Please someone help me, bulong ng isip niya.
Ilang minuto pa ay hindi na niya maramdaman ang binatang nakahawak sakanya, hindi niya alam kung anong nangyare. But she could hear someone asking for help.
Pero hindi na niya iyon pinansin dahil agad niyang hinanap ang pinto gamit ang kamay niya. Before she could leave the room. Someone grabbed her. Sisigaw na sana siya ng maramdaman niyang hindi iyon si Vincent.
Humahaplos sakanya ang isang kamay na pamilyar sakanya. Someone is gently caressing her waist.
"I f*****g hate it when someone's touching you. Touching what's mine." bulong nito sakanya bago ito nawala.
Ang lakas niya kaninang tumakas sa kwarto ay nawala at napasandal siya sa pintong hawak niya.
Who are you? What are you? What do you want?
Nakita niyang lumiwanag ang kwarto dahil sa tunog ng pagbukas ng pinto. She can clearly hear gasped from people behind her. Unti-unting nanghihina ang katawan niya dahil sa halo-halong naramdaman niya kanina.
"Cierra? O my god! Cierra what happened? Are you-" hindi niya natapos ang sasabihin ng kaibigan ng bigla nalang siyang nawalan ng malay.
CIERRA could hear voices from the room where she is. Ilan doon ay pamilyar sakanya.
"Impossible! Cierra couldn't do that! Hindi niya pinatay si Vincent. Look we all saw the video! Hinila siya ng Vincent na iyon sa kwarto." rinig niya ang nagtatagis na boses ni Summer.
"Calm down, Summer. Look we should wait for Cierra to wake up. Tinawagan ko narin si Tita Clare she's on the way. Calm down will you! Stop answering that phone of yours." Kia said.
She slowly opened her eyes. Nakita niya ang puting kisame. Tumingin siya sa paligid niya. Nasa kwarto si Summer at Kia ang mga kaibigan niya.
"Nasaan ako?"
Naunang lumapit sakanya si Kia. "Nandito na tayo sa house niyo. Dito ka namin dinala after you passed out. Delikado kase sa hospital. Vincent parents are looking for you. They're mad." sagot nito sakanya.
"Anong nangyare? Bakit galit ang parents niya? What happened?" naguguluhang tanong niya sa mga kaibigan niya. She saw the questions in her friends face.
"Kami nga sana ang magtatanong. What happened? Did you killed him?" tanong ni Summer na ngayon ay nakalapit narin sakanya.
Agad siyang umiling. She didn't killed Vincent. But she's sure that the man who helped her in that room killed Vincent.
"What do you mean? You didn't killed him? Then who?" Kia asked.
Hindi siya ang pumatay...
Pero paano niya sasabihin? Paano niya sasabihin sa mga ito na may ibang tao sa kwartong iyon. How could she possibly tell them that she wasn't the one who killed him.
Hindi na napigilan ni Cierra ang nga luha niya. Siya ang madidiin na pumatay sa binata dahil siya lang ang nadatnan ng mga ito roon.
Paano niya sasabihing hindi siya ang pumatay rito kung siya mismo hindi alam kung sino ang pumatay rito. How? Hindi niya kilala ang lalaking bigla nalang dumating at nawala sa kwartong iyon.
No name. No Face. That man is completely stranger!
Bumukas ang kwarto kung nasaan sila at inuluwa roon ang mommy niya.
"Sweetie! How are you? Nasaktan kaba? Tell me?" sunod-sunod na tanong nito sakanya ng makapasok ito at makalapit sakanya.
Umiling siya sa mommy niya. "Mommy, hindi ko po siya pinatay. I can't do that." para siyang batang nagsusumbong sa mommy niya.
Niyakap siya ng mommy niya, she buried her face sa balikat ng mommy niya saka umiyak.
"I know sweetie. I know you, you can't do that. Calm down. Let me handle this okay." tumango siya sa gitna ng pag iyak.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa mommy niya ng magsalita si Kia.
"Tita, may mga pulis po sa labas. They're looking for you."
Tumayo ang mommy niya. "Stay here okay. Kakausapin ko lang iyong mga pulis sa labas."
She nodded.
Nang makaalis ang mommy niya ay lumapit sakanya ang mga kaibigan niya.
"I'm sorry" she said.
Kunot noong tumingin sakanya ang mga kaibigan niya. "What for?" Kia asked.
"I'm sorry, dahil baka madamay pa kayo sa nangyare."
Hinawakan ni Summer ang kamay niya saka diretsong tumingin sa mata niya. "Naniniwala kami sayo, alam namin na hindi mo iyon magagawa. Let's wait for the investigation. But please kapag handa kana i-kwento kung anong nangyare. We're all ears, Cierra." seryosong sabi ni Summer.
Tumango siya. "Thank you."
Ilang oras din ang tinagal ng mga kaibigan niya saka nagpaalam sakanyang uuwi muna. Si summer ay hinahanap na ng parents niya. While Kia has to be home dahil under investigation ang bahay niya kung saan nangyare ang insidente.
Napatingin si Cierra sa balcony niya ng makitang bukas ito. Kung noong nakaraan ay takot siya, ngayon desidido na siyang alamin kung sino ang taong iyon. Taong laging nagpaparamdam sakanya.
Naglakad na siya, bago pa man siya makaapak sa balkonahe ng kwarto niya ay agad na bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok doon ang mommy niya.
"Sweetie? What are you doing?" tanong nito sakanya habang may pagtataka sa mukha.
"Magpapahangin lang po sana, mommy."
Isinara niya ang glass door ng balkonahe niya saka bumalik sa kama niya agad namang lumapit ang mommy niya.
"Nakausap ko ang mga pulis with the investigator. They want to talk to you? Is that okay with you sweetie? Okay ka naba? Kase kung hindi, I won't force you."
Nakikita niya ang pag aalala sa mukha ng mommy niya. Huminga siya ng malalim.
"Kakausapin ko po sila mommy. Don't worry na po. I am innocent." pagpapagaan niya sa loob ng kanyang ina.
Kailangan niyang harapin ang kasalanang hindi siya ang gumawa. Pero sino nga ba? Sino ang pumatay kay Vincent?
Sino siya?