PROLOGUE
Cierra quickly went back to the bench kung nasaan ang kanyang bag nang sabihin ng kanilang trainor na tapos na ang practice.
They're practicing their graduation song.
"Cierra, nabalitaan mo naba?" tanong ng kaibigan niyang si summer na kararating lang sa tabi niya, malaki ang ngiti nito sa labi na para bang may magandang balita sakanya.
Cierra looked at her confused.
"Si Cierra pa talaga ang tinanong mo, maliban sa makakapal niyang libro wala na siyang pake sa ibang bagay." singit naman nang bagong dating din na kaibigan pa nilang si Kia.
Umiling si Summer na para bang nadi-dissapoint. "Grabe naman Cierra! Kalat na sa buong campus na magsasabay ang graduation ng Southeast atsaka Northwest!" kinikilig na sabi nito.
So ito nga ang kanina pang pinag uusapan nang mga nadadaan niya sa hallway.
"Okay, mauna na ako." Paalam ni Cierra, atsaka naunang naglakad sa dalawa.
"Wala ka man lang reaksyon? As in none?! Grabe isn't that a big news? Look bihira magsama ang dalawang campus ano! Kahit nga noong foundation day, hindi natin sila nakita. At saka alam mo bang andoon ang mga varsity player, thinking about it. Ugh kinikilig ako." walang tigil na sabi ni Summer habang sumusunod sakanya.
Hindi nalang niya ito pinansin, panigurado lahat ng babae sa campus ay kinikilig na sa balitang iyan. But not Cierra. She doesn't care about anything else! Especially guys.
Hindi naman din talaga niya ika-kaila na nasa Northwest ang mga varsity player. Habang nasa campus naman nila ang mga Cheerleaders sa Southeast. Iisang campus lang naman din ito, pero bihira talaga magsama. Dahil may kanya-kanyang head ang NW at SA.
"Cierra, hindi ba gusto ka ni Vincent? Yung basketball captain sa Northwest." Summer asked.
"Why?"
"He's handsome, mukha naman siyang mabait. Plus! Matalino."
"What are you trying to say?" she asked her.
Narinig niya ang munting tawa nito sa tabi niya.
"Well, I heard he has a crush on you." kinikilig na sabi nito.
"So what?"
"Anong so what? You know what tatanda kang dalaga talaga! Argh" inis na sabi nito at nilagpasan siya.
Umiling nalang si Cierra, at mas binilisan ang lakad para makahabol sa kaibigan niyang palabas na sa campus. Nang makalabas siya sa gate ay nakita niya ang kaibigan niyang sumakay sa kotse na sundo nito.
Nang mawala na sa paningin niya ang kaibigan ay nagsimula na siyang maglakad, natanggap niya kase ang text ng mommy niya at sinabi nitong hindi siya masusundo dahil may kailangan itong tapusin sa trabaho.
Medyo sanay narin siya, dahil madalas naman talagang hindi siya nasusundo ng mommy, medyo dumidilim narin kaya mas binibilisan niya ang lakad niya.
Nang medyo nasa kalsada na siya na malayo ang pagitan ng mga street lights ay kinakabahan man mas binilisan niya ang paglalakad. Pakiramdam niya ay may sumusunod sakanya, pero sa tuwing titingin siya sa likuran niya ay wala namang tao.
Hindi narin kase masyado dinadaanan ang lugar na ito, masyado itong madilim at walang masyadong bahay. Hindi mapakali ang puso ni Cierra, pakiramdam niya ay malapit na sakanya ang presensyang nararamdaman niya.
Her heart is pounding so fast, she's sweating. She's not afraid of ghost. Iba ang nararamdaman niya, hindi niya mawari kung tao ba ito o ano.
Mas binilisan nalang niya ang lakad niya, she's almost running sa sobrang bilis nang lakad niya.
Until a hand captured her waist. She wants to scream, pero hindi niya maibuka ang bunganga niya. She want to ask for help. Cierra is gasping for air because of the person behind her holding her waist. Nawawalan siya nang hangin sa sobrang lakas ng t***k ng puso niya sumasabay ang sobrang takot sa pagkatao niya.
She closed her eyes, naramdaman niya ang mainit na hiningang dumadampi sa leeg niya, it's like the guy behind her is holding hisself not to kiss her neck.
"P-please let me go" halos pabulong na sabi ni Cierra, she tried her best to compose those words.
Naramdaman niya ang unti-unting pagbitaw sakanya nang taong nakahawak sa bewang niya, after a seconds the presence of someone vanished.
Napaupo siya sa sobrang pangangatog ng mga tuhod niya na kanina pa gustong bumigay sa takot sadyang nakahawak lang sa bewang niya ang taong yon.
Cierra let out her tears na kanina niya pa pinipigilan.
"Cierra, honey! What are you doing there?" a woman shouting.
Cierra looked up and saw her mother running towards her with worry in her face.
"Honey, what happened? Why are you crying?" her mother asked.
Gusto sabihin ni Cierra ang nangyare, but knowing her mother. Siguradong mag aalala ito nang sobra sakanya.
She shaked her head. "Wala po mommy,"
Mukhang hindi naniniwala ang mommy niya. "Are you sure"
She nodded.
Hindi na muling nagtanong ang mommy niya, inalalayan siya nitong tumayo atsaka sila sabay na pumasok sa kotse.
"Oh god! Mabuti nalang at naisipan ko na dumaan dito. Look at you! Kung hindi pa ako dumaan, you're still there crying." her mother said.
She smiled. "Mom, I'm good. I got scared lang po sa daan"
Her mother sighed. "Next time, mag commute ka kung hindi kita masusundo okay! Ayoko na mauulit ang nangyare kanina. I'm sorry, sweetie"
"Yes, Mom. Sorry for making you worry."
Ngumiti lang ang mommy niya, nang makarating sila sa bahay nila ay agad siyang nagtungo sa kwarto niya at sinabi sa mommy niya na busog pa siya. She throw herself to the bed.
Who is he? Why did he do that? Cierra was about to close her eyes, when a familiar presence filled her room. It's like someone is watching her.
Tumayo siya at tinungo ang balcony ng kwarto niya, napansin niyang nakabukas ang glassdoor dahil nililipad ang white curtain na nakaharang dito. Dahan-dahan siyang lumapit dito, ang puso niya ay sobrang lakas ng t***k, the fear earlier is consuming her again.
Napansin niya ang anino sa likod ng kurtina niya, agad niya itong hinawi kasabay ng pag tunog ng phone niya. Halos mapatalon pa siya sa gulat sa tunog nito. Wala namang tao sa balcony niya, kaya sinara niya na ito at tinungo ang phone niya.
Nang tinignan niya ang caller, it was Summer.
"Cierra, this won't take long. I'll just remind you to sleep early. Because tomorrow is our graduation day! Don't stare to much sa libro mo okay!" sunod sunod na sabi nito sa kabilang linya.
She laughed, "Okay, ma'am. Anything else?"
"Well, may celebration after the ceremony sa bahay nila Kia. You can't say no! Cierra, it's Kia." nagsusumamong sabi nito sa kabilang linya.
Kia is going back to states, doon na nito itutuloy ang college life niya. Because her family is there.
"Yes, I know. Don't worry, magpapaalam ako kay mommy."
"Okay, bye! Good night, see you tomorrow!" She lively said before ending the call.
EVERYONE is happy, of course who wouldn't. Graduation is something you worked hard for. Hindi ka naman makaka-akyat kung hindi ka nag aral ng mabuti, if you didn't passed all your exams and activities.
Cierra is with her classmates, as the guest speaker sharing his experience through inspirational speech. She's already bored.
"Hays, ang dami naman sinasabi niyan. Ano ba ang pakialam natin kung na-fail niya ang ilang subject niya noon, pero nag valedictorian parin siya? Is that even something to be bragged about." walang ganang sabi ni Kia sa tabi niya, minsan talaga ay grabe ito nagsalita. Masyado siyang prangka.
"Being a valedictorian means a lot, though. It's something you should be proud of."
Kia let out a sarcastic laugh. "Don't you find it funny? You know that there's more deserving to that place. How can a guest speaker who fails his subject before, standing in front of us proudly saying that he's a valedictorian at inilaban sa principal nila na mas deserving siya than the other one who's running for that place? Don't you find it unfair uh? Cierra? Katulad ngayon. Ikaw dapat ang valedictorian natin 'di ba. But what happened? Dahil lang sa magsasama ang graduation ng Southeast and Northwest, you're left behind? They chose the candidate of Northwest rather than you! Because of what? Because she's the daughter of the dean! That's how school works!" She's almost shouting, ang mga kaklase nila ay napatingin sakanila, may mga ilan din na galing sa Northwest ang napatingin sa gawi nila.
But Kia words hit her. Kia is right, wala siyang nagawa nang sabihin ng mga itong ang anak ng dean ang valedictorian nila. Who is she to fight for herself, kahit anong laban niya. Wala rin namang mangyayare. Wala siyang kapangyarihan sa school para ilaban ang sarili niya.
Hinayaan niya, because she knew the truth! Hindi kailan man mawawala ang katotohanan na siya lang nakakaalam. Na siya dapat ang nasa pwestong iyon, at hindi ang taong ngayon ay nagsasalita na sa harap nila. Ang anak ng dean.
After the ceremony, unti-unti nang umalis ang iba, while Cierra went to her mother to give her a kiss. May trabaho pa ang mommy niya, she's already happy dahil kahit papaano ay umattend ito kahit hectic ang schedule nito sa opisina.
"I'm so proud of you, sweetie. Sorry if mommy couldn't join you to celebrate your graduation, but promise kapag gumaan na ang schedule ko sa trabaho, we'll celebrate together okay." he mother said.
Cierra with teary eyed, "It's okay Mom! Besides po, pupunta ako kila Kia."
"Basta, umuwi ka ng maaga. Magpahatid ka okay, kung hindi kita masundo." Anito
Cierra nodded.
Nang makaalis ang mommy ni Cierra ay sakto namang pagdating ng mga kaibigan niya.
"Let's go?" tanong ni Kia, she nodded.
Nakarating sila sa bahay nila Kia, hindi ito ang una niyang punta rito, but the house is really big.
Maraming sasakyan ang nakaparada, ang ilan ay pamilyar dahil nakikita niya ito sa school nila.
"Oh, hi girls!"
It was Summer who's shouting, she's wearing a blue two piece. She's already wet. Mukhang galing na ito sa pool at sinalubong lang silang dalawa ni Kia.
"Nauna ka pa sa may bahay ah" she teased her.
Tumawa naman ito, "Well, feel at home"
Umiling nalang ang dalaga atsaka sila sumunod ni Kia sa kaibigan nilang parang model kung maglakad na naka two piece lang.
Everyone is greeting and congratulating them, she's doing the same thing. Iniwan na siya ni Kia, at sinabi nitong aasikasohin niya lang ang pagkain.
Kaya naman tumungo si Cierra sa guest room na itinuro ni Kia sakanya, madalas si Cierra rito, dahil narin sa mga madalas nilang overnight. Kinuha niya one-piece swimsuit niya sa kanyang bag.
She quickly put it on, atsaka niya kinuha ang floral tube dress niya at isinuot. Lumabas din siya agad sa kwartong iyon.
Nang makarating siya sa pool area, everyone seems having fun.
"Cierra Frizla?"
Tinignan niya ang lalaking tumawag sa pangalan niya, the guy is handsome. He looks familiar.
"Hi?"
"Oh, hey! I'm Vincent De Silva" the man said.
Oh sh!t! It's him.
"Cierra Frizla, nice to meet you"
Vincent smiled. "You look beautiful, anyways congratulations."
"Thank you, same to you."
Cierra can feel the awkwardness between them, hindi naman kase siya nakikipag usap sa mga lalaki. So she doesn't know how to start a conversation or how to approach the man in front of her.
"Aren't you going to swim?"
She looked at him. "Uhm, maybe later. How about you?" tanong niya.
Before Vincent could answer, her friend suddenly showed up.
"Hoy, kayo ah! Andoon ang party bakit nakatayo kayo riyan?" May nakakalokong ngitisa labi ni Summer.
Kahit hindi na alamin ni Cierra, with her friend malice smile. She can tell what's with her thoughts.
"See you, Cierra." he said, before leaving.
umalis narin siya sa pwesto niya at nagtungo sa mga pagkain, alam niya na nakasunod sakanya ang kaibigan niyang may mapanuring tingin.
"Ikaw ah, akala ko ba hindi mo type?" tanong nito.
"Nakita mo lang kaming magkasama, kung ano ano na iniisip mo" she answered.
"Of course! He was smiling like he just won the lottery, so did he confess?" Summer curiously asked
Umiling nalang siya, with Summer mauubos lang pasensya mo kakapaliwanag na walang something sainyo ng isang tao.
Mabuti nalang ay tinantanan na siya ng kaibigan niya, kaya naman umupo siya sa isang table malapit lang din sa pool area, pero mas unti ang tao rito.
She's quietly eating her food, when someone sat in the vacant chair beside her.
"Are you enjoying?" Vincent asked.
Tumingin siya sa binata, mukha naman itong mabait, pero sayang lang dahil wala sa plano ni Cierra ang mag nobyo.
She sipped in her drink. "Vincent, I don't want to be harsh. But, don't waste your time with me." aniya.
Natigilan naman ang binata sa sinabi nito.
"Why?"
"Because I said so."
"Hindi pa nga natin sinusubukan?"
"Wala naman tayong dapat subukan e. Sorry." sabi niya at iniwan ang binata para pumasok sa loob ng bahay nila Kia.
Pero nagulat nalang siya ng bigla itong sumunod sakanya at mas nanginig siya sa kaba ng bigla siya nitong hinila papasok sa isang kwarto. She wants to scream para humingi ng tulong pero agad na tinakpan ni Vincent ang bunganga niya.
Gusto niyang maiyak sa takot ng isandal siya nito sa pader. Madilim ang kwarto kung nasaan sila. Kahit anong pumiglas niya ay hindi siya makawala dahil mas malakas at matangkad sakanya ang binata.
“H-help” she was gasping for air.
Narinig niya ang malademonyong tawa ng binata. “Walang makakarinig sayo. They're busy partying. Kung sana ay hindi mo ako nireject edi sana nanliligaw ako ng maayos sayo.” maangas na sabi ng lalaki sa harap niya.
Naramdaman niyang hahalikan siya ng lalaki nang iiwas niya ang mukha niya. Pero kasabay non ay ang malakas na sampal na pinakawalan ng binata sa pisngi niya.
“You want it rough huh?”
Hindi niya pinansin ang binata. Pero sa isip-isip niya ay sana bigla nalang itong bumulagta sa harap niya. She started crying ng maramdaman niya ang kamay nitong humahaplos sa bewang niya.
Please someone help me, bulong ng isip niya.
Ilang minuto pa ay hindi na niya maramdaman ang binatang nakahawak sakanya, hindi niya alam kung anong nangyare. But she could hear someone asking for help.
Pero hindi na niya iyon pinansin dahil agad niyang hinanap ang pinto gamit ang kamay niya. Before she could leave the room. Someone grabbed her. Sisigaw na sana siya ng maramdaman niyang hindi iyon si Vincent.
Humahaplos sakanya ang isang kamay na pamilyar sakanya. Someone is gently caressing her waist.
“Call my name when you need my help. It's Primo, baby.” bulong nito sakanya bago nawala.
Ang lakas niya kaninang tumakas sa kwarto ay nawala at napasandal siya sa pintong hawak niya.
Primo? Who are you?