Chapter 1

919 Words
Chapter 1: The Top Secret Mission Ako si Brylle Mondragon, 25 taong gulang, at isa akong secret agent. Sa murang edad, naging parte na ako ng mga misyon na hindi pwedeng ipagsabi kahit kanino. Ang alam lang ng mga tao sa paligid ko ay isa akong simpleng estudyante—snob at tahimik. Ngunit ang totoo, sa likod ng maskara ng pagiging ordinaryo, ay isang buhay na puno ng panganib. Sa araw na ito, pinatawag ako ni Major sa opisina niya. Siya ang tumayong ama ko matapos mapatay ang mga magulang ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin natutukoy kung sino ang salarin. Pagkapasok ko sa opisina, nakita kong seryoso ang ekspresyon ni Major. May masama na agad akong pakiramdam. “Bakit, Major?” tanong ko habang nakahalukipkip. “Brylle, alam mo na siguro kung bakit kita pinatawag. Napag-usapan sa itaas ang nangyari kahapon. Hindi natin nahuli si Mr. Ching dahil mukhang wala ka sa tamang kondisyon sa misyon mo. Ito ang unang beses na pumalpak ka, at alam mo kung bakit ikaw lagi ang pinipili namin—dahil magaling ka.” Malalim ang kanyang buntong-hininga. “Pero kailangan mo munang magpahinga. Take a one-month leave, at ibigay mo sa akin ang lisensya mo.” “Ano? Major, seryoso ka ba? Dahil lang sa isang beses na pumalpak, ganito agad?” Halos sumabog na ako sa galit. “Bakit hindi niyo na lang gawing forever leave para mawala na kayo ng agent na magaling?” Hindi siya natinag. “Isang buwan lang, Brylle. Magpahinga ka. At oo, kukunin ko rin ang baril mo.” “Ang OA niyo naman. Porket hindi nahuli si Mr. Ching, ganito na agad?” Tumayo ako at padabog na ibinagsak ang lisensya at baril ko sa mesa niya. “Fine! Isauli niyo na lang yan kapag na-realize niyo ang pagkakamali niyo!” Habang papalabas ako, tinawag niya ulit ako. “Brylle, may bago kang misyon.” Napahinto ako. Hindi ko inasahan iyon. “Anong ibig mong sabihin?” Umupo ako pabalik sa harap niya. “Ito ang bagong misyon mo,” sabi niya sabay abot ng isang folder. “Protektahan ang isang pamilya at alamin kung sino ang pumatay sa kanila.” Ang Target: Xianelle Santos Ang bagong misyon ko ay hindi kasing simple ng inaakala ko. Ang pamilya ng mga Santos—isa sa pinakamayayaman sa bansa—ay naging biktima ng isang brutal na krimen. Pinatay ang mag-asawang Xian at Niela Santos sa isang staged na car accident. Ngunit ang kanilang anak, si Xianelle Santos, ay nanatiling buhay. “So, ako ang magiging bodyguard niya?” tanong ko habang tinitingnan ang larawan ng dalaga. Bata pa siya sa itsura—halos nasa early 20s lang. Maganda, maamo ang mukha, at halatang sanay sa marangyang buhay. “Hindi lang ‘yan, Brylle,” sagot ni Major. “Habang binabantayan mo siya, hanapin mo ang nawawalang susi na iniwan ng mga magulang niya. Mahalagang makuha natin ‘yun bago pa ang mga pumatay sa kanila.” Tiningnan ko ang larawan ng susi. Kakaiba ito—intricate ang disenyo at mukhang may malaking halaga. “Okay, madali lang ito. Bantayan si Ms. Santos at hanapin ang susi. Anong catch?” “Madali? Maliit ang tingin mo sa misyon na ito, Brylle. Ang babaeng babantayan mo ay makulit at may pagka-immature. At kung hindi ka niya magustuhan, tapos na agad ang misyon mo.” Tinapik niya ang mesa. “Walang palpak, Brylle. Maging maingat ka.” Pagdating ko sa mansion nila, bumungad sa akin ang malawak na lupaing parang mula sa isang pelikula. Modernong disenyo ang bahay—halos puro salamin at bakal ang mga pader. Nakakalula ang yaman ng pamilya. Pagpasok ko sa sala, isang katulong ang sumalubong sa akin. “Maghintay lang po kayo rito, tatawagin ko si Ms. Xianelle,” sabi niya. Tumango ako at umupo. Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako sa sobrang pagod. “Excuse me, gising,” malumanay na boses ng isang babae ang gumising sa akin. Pagdilat ko, bumungad ang mukha ng pinakamagandang babaeng nakita ko sa tanang buhay ko. Maninipis ang kilay, mapupulang labi, at mala-porselanang balat. Perfect ang features niya. “Pasensiya na. I think pagod ka kaya nakatulog ka. Pero mas okay siguro kung sa kwarto mo ka magpahinga,” sabi niya, sabay ngiti. Napatingin ako sa kanya. “Pasensiya na, Ms. Santos. Ako po pala si Brian Mondragon, ang bagong bodyguard mo.” “Brian, huwag mo na akong tawaging ‘Ms. Santos.’ Xianelle na lang,” sagot niya. “At gusto kong malinaw tayo—ayaw ko ng bodyguard. Hindi ko gusto ang may taong nakasunod sa akin parang aso. So, hangga’t maaari, huwag kang magpapahalata.” Napangisi ako. “Understood, Xianelle. Pero kung ayaw mo ng bodyguard, sigurado akong ayaw mo rin ng gwapong nakatingin sa’yo mula sa malayo.” Tumawa siya. “Gwapo? Siguro kung titigil ka sa pagiging mayabang, mas maniniwala ako.” Napangiti ako. Mukhang magiging interesante ang misyon na ito. Ngunit hindi ko alam, sa kabila ng ngiti niya, may mabigat na misteryong nakatago sa puso ni Xianelle. --- ABANGAN... “Jayvee, are you happy now? Looking at me that I am miserable” napatingin ako sa kaniya, may mga nabubuong luha sa mga mata nito. At amoy alak! Ibang klase talaga pag anak ng mayaman, they can drink everytime they wanted to. Sino naman kaya si Jayvee? A/N: Sino nga ba si Jayvee sa buhay ni Xianelle? At ano ang lihim na itinatago ng kanyang pamilya? To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD