Prologue
Prologue
Nandito ako ngayon sa isang mamahaling restaurant, isang lugar na tila ginawa lamang para sa mga mayayaman. Bukod sa mamahalin ang bawat putahe, napakaganda rin ng paligid—kakaibang ambiance na nagbibigay ng aliwalas sa kabila ng tensyong nararamdaman ko. Dito ko napiling makipagkita sa isa sa mga malalaking personalidad na nagmamando ng drug operations sa Pilipinas. Nagpanggap akong isa sa kanilang mga kliyente para ma-infiltrate ang grupo at matukoy ang mga kasabwat, kabilang na si Mr. Brandon Ching, isang Tsinong lider ng sindikato.
May kasama akong mga pulis na nagpapanggap bilang mga bodyguard ko. Lahat ay nasa tamang posisyon, handang sumalakay anumang oras. Wala nang kawala ang mga demonyong ito.
“Are you ready, Brylle?” tanong ni Major sa kabilang linya, ang boses niya ay puno ng kumpiyansa ngunit may halong pag-aalala.
“I am,” sagot ko ng matatag. “Sisiguraduhin ko na ang kulungan ang bagsak nila.”
Nakita kong may pumasok na grupo ng mga lalaki, at ang pinuno nila ay walang iba kundi ang target namin—si Mr. Ching. Sa unang tingin pa lang, alam kong siya na iyon. Malalaki ang katawan ng kanyang mga tauhan, halatang mga bihasa sa trabaho nila. Lumapit sila sa mesa kung saan ako nakaupo. Tumayo ako, inilahad ang kamay ko, at ngumiti.
“Mr. Brandon Ching,” bati ko sa kanya habang iniabot ang kamay ko para sa isang handshake. Inilabas ko ang pekeng ngiti na matagal kong pinraktis.
“Where is the money?” tanong niya agad, diretso sa punto. Talagang walang paligoy-ligoy.
“The money is in the bags. But before we proceed, let’s talk about something first. Take a seat and eat,” alok ko, pilit na ngumingiti habang tinitingnan ang bawat kilos ng mga tauhan niya.
“I don’t need that. Time is gold, and I don’t want to waste it with someone like you,” sagot niya nang malamig, tinatanggihan ang alok ko.
“As expected,” bulong ko sa sarili ko. Hindi na rin ako nagulat. Kung ayaw niya ng maayos na usapan, handa ako sa gulo.
“I know, Mr. Ching. Time is gold to me, too. But let’s be honest—I don’t trust you. For all I know, baka may mga tao kang nakatago diyan, handang patayin ako matapos makuha ang pera ko,” sagot ko, nagpakawala ng isang pilit na tawa para mapanatili ang palabas.
“If you want to talk, visit my house. But for now, let’s finish this transaction. Give me the money, and I’ll give you the drugs. Let’s not waste time. This place is too dangerous for this kind of business,” aniya.
“Huwag mong pilitin, Brylle. Hindi ka niya mapapatay dito, nasa public place kayo. Arestuhin mo na!” boses ni Major sa earpiece ko, halatang balisa.
Nagpakawala ako ng pilit na ngiti. “Okay, Mr. Ching, here’s my money. Where’s the package?” senyas ko sa isang tauhan kong pulis na magdala ng maleta.
“Drop the ‘drug’ word,” utos niya, malamig ang tingin. “Open the bag. Gusto kong makita kung totoo ang pera mo.”
“Tuso ka talaga,” inis kong iniisip habang pilit na pinipigilan ang sarili. Tumango ako at sumagot, “Sure. Guys, open it.”
Binuksan ng mga tauhan ko ang maleta. Sa halip na pera, baril ang laman nito. Agad naming itinutok sa kanila ang mga armas. Napahinto ang mga taong nasa paligid, ang gulo ay nagdulot ng takot sa buong restaurant.
“Walang gagalaw!” malakas kong sigaw habang ang mga kasamahan kong pulis ay nagsilabasan mula sa mga sulok ng restaurant, tinutukan ang mga tauhan ni Mr. Ching, at inagaw ang kanilang mga armas.
“Tapos ka na, Mr. Ching. Matitigil na ang mga iligal mong gawain dito sa bansa namin,” sabi ni Major, puno ng determinasyon.
Ngunit sa halip na matakot, malakas na tumawa ang matanda. “HAHAHAHAHA! Mga hangal! Hindi ako ang tunay na Mr. Ching. Ang transaksyon na ito ay bahagi lang ng laro namin,” natatawa niyang sabi.
Napako ako sa sinabi niya. Kahit sa larawan, siya talaga ang nasa impormasyon namin! “Maskara lang ang suot ko, mga tanga!” dagdag pa niya.
Walang warning, may biglaang pagpapaputok ng mga baril sa labas ng restaurant. Napilitang magtago ang lahat.
Agad akong tumakbo palabas at nakita kong may tatlong lalaki sa loob ng isang sasakyan, kasama ang isang matanda na kamukhang-kamukha ng hinahanap namin. Siya ang tunay na Mr. Ching!
“Mr. Ching!” malakas kong sigaw habang pinagbabaril ko ang sasakyan. Isa sa mga tauhan nila ang natamaan, pati si Mr. Ching, pero hindi ko matukoy kung saan. Sa kabila ng lahat, mabilis silang nakatakas.
Wala akong nagawa kundi ang magpigil ng galit. Sa unang pagkakataon, nabigo ako.
“We will meet again, Mr. Ching,” sabi ko sa sarili ko, puno ng galit at determinasyon.
---
ABANGAN...
“Alam mo na kung bakit kita pinatawag, Brylle,” sabi ng Chief habang tinitigan ako ng diretso sa mata. “Nabigo ka kahapon. Ang unang beses mong pumalpak sa misyon.”
Alam ko na ang susunod niyang sasabihin.
“Take a one-month leave. Magpahinga ka. At isuko mo muna ang lisensya mo.”
Ang mga salitang iyon ang bumagsak sa akin nang husto. Paano makakabawi ang isang magaling na secret agent kung tinanggalan siya ng tungkulin dahil lamang sa isang pagkakamali?
To be continued...