CHAPTER 16

1847 Words
Ej's POV. Maaga akong nagising ngayon, ewan baket. 5am pa lang ay gising na ang diwa ko kaya wala akong choice kundi ang bumangon at pumunta ng cr para mag-hilamos. Pagtapos ko maghilamos, bumaba na ako at binuksan na lang ang TV para manood ng morning news. Hindi ko na binuksan ang ilaw kaya ang tanging liwanag lang sa TV ang nagsisilbing ilaw ko. "Akala ko ba bibitiwan niya na ang pagpopolitiko?" sabi ko sa aking sarili nang ibalita nanaman ang about sa eleksiyon. "Siguro nga mahirap talaga itigil pag nasimulan mo na." Nang mabwisit ako dahil puro patayan na ang nasa balita ay pinatay ko na ang TV. Lumabas na lang ako para diligan ang mga halaman. Nagwalis walis na din ako pati sa tapat ng bahay namin dahil masiyado ng madaming dahon doon. Nang matapos ko ang mga ginagawa ko ay bumalik ako sa loob ng bahay, 6am na kaya binuksan ko na ang kurtina ng bintana namin para pumasok na ang liwanag. Papunta na sana ako sa kusina nang makita kong pababa si Aimee habang kinukusot pa ang mata niya, inaantok pa ata. "Hey good morning." bati ko sa kaniya at pumunta na sa Ref. para maghanap ng pwedeng kainin. "good morning din." sabi niya at naupo sa tapat ng mesa. Nilabas ko ang cereal at gatas, kumuha na din ako ng Tasa at kutsara para samin ni Aimee. Nilapag ko yon sa mesa tiyaka naupo. "Kanina ka pa gising?" tanong ni Aimee habang nilalagyan niya ng gatas ang kaniyang cereal. "Oo, tinamad ako magluto hehehe sorry." sabi ko at nag peace sign pa. "Maganda din to para hindi tayo puro kanin at pandesal." sumangayon ako sa sinabi niya. "Mukang uulan nanaman." Turo ni Aimee sa langit. "Oo nga eh, dapat pala hindi na alo nag-dilog." Sandaling katahimikan ang bumalot samin, si Aimee ang bumasag don. "Panoorin mo yung Tale of Nokdu, magamda promise." Masayang sabi niya. "Tapos mona?" Tanong lo. "Oo naman, ako paba? hahahaha, kaya ko atang wag pumasok manood lang ng kdrama eh!" "Ayoko na panoorin." Nagulat naman siya sa sinabi ko. "Baket?!" "Napanood mo na eh, kukulitin mo lang ako about don hanggang sa makwento mo na buong story, hay nako Aimee!" Natawa naman siya sa sinabi ko. Totoo yon! Lahat ata ng kdramang pinanood niya sakin ay nakwento niya na bago ko pa matapos! "Naligo kana?" Tanong niya. "Hindi pa, naghilamos lang ako." sagot ko. "Sana umulan para walang pasok." aniya. "Sa lahat ng ayaw pumasok, ikaw yung nag to-top 1." sabi ko. "Beauty and brain with a little bit lazyness." "And bitchy attitude." dagdag ko sa sinabi niya. Napuno kami ng kwentuhan habang kumakain. Ngayon na lang ulit na,in nagawa to dahil sa transferee kami. Busy siya maghabol at magreview ng mga dapat reviewhin. Napansin ko din na hindi na nasundan yung pagtu-tutor ni Lhorence, dahil siguro don sa nangyari ay hindi na nila tinuloy yon. Okay din yon, ayoko ma stress. Pagtapos namin kumain, si Aimee ang nag-hugas. Aakyat na sana ako para maligo nang biglang umulan, nagkatinginan pa kami ni Aimee. Umakyat ako sa kwarto ko at nagselpon na muna, paniguradong wala nanamang pasok nito. Etong linggo kasi ay makulimlim ang langit, halos hindi na namin madama ang init ng araw. Nung nakaraang linggo naman ay saglit lang umulan. Binuksan ko ang selpon ko at hindi na nagulat nang makita ang chat sa gc na wala ngang pasok. --GC-- ASTER -ANNOUNCEMENT! WALANG PASOK NGAYONG ARAW DAHIL SA BIGLAANG PAGDATING NG BAGYONG CEVA. HINIHILING NG PAMUNUAN NG CRYPTOPIA UNIVERSITY ANG INYONG KALIGTASAN KAYA MINABUTI NA NAMING HUWAG KAYO PAPASUKIN. NAWA'Y MANATILI KAYO SA INYONG MGA BAHAY AT GAWIN NA LANG ANG MGA TAKDANG ARALIN. -Mr. Jeseno C. Gosa principal/Dean YOSHIE -YEHEEEEY!- ATENWORD -Wow sana all masaya.- RHYJEIL -Kung may pinaka malungkot dito sino kaya yon?- ATENWORD -ROGER! HAHAHA HINDI MAKIKITA SI ASTER!- ROGER -MGA GAGO.- RHYJEIL -Ayaw ni Aster sa nagmumura Rujer! HAHAHAHAHAHAHA- ASTER -Kakaltukan kita jan Rhyjeil!- RHYJEIL -Naka lock kwarto oo ble!- ATENWORD -HAHAHAHAHAHA. Napa iling na lang ako sa usapan sa GC, papatayin ko na sana ang selpon ko nang magchat ulit si Aster. ASTER -Btw guys, I know that y'all won't like this idea but I think it's better now than never. I'd like to invite you all here in our house for the meeting that I'd like to have. Since there's no classes for today, I think all of you can come here and don't worry, our house is safe.- RHYJEIL -wow, kaya pala bigla kang lumabas ng kwarto mo at nagpalinis ng bahay.- ASTER -Maligo kana leche!- ATENWORD -Yun oh! pwede ka nang mamanhikan @Roger Salazar ROGER -Tanginamo.- RHYJEIL -HSHSHSHSHSHSHSHSHSHS- ATENWORD -HSHGAUHSJWJMSJSLWLX- ASTER -So guys? If okay lang sa inyo, react lang kayo ng 'like' -Wala nang magchachat, ireremove ko! -So kung may hindi papayagan or hindi makakapunta, please pm me. -Ang may hindi alam ang bahay ko ay papasundo ko doon sa malapit sa school natin na park, 10am kitaan sa park, ang alam ang bahay ko dumiretso na kayo dito. Yun na ang last chat niya, nagantay pa ako ng onti dahil baka magchat pa bago ko pinatay ang selpon ko. Pinuntahan ko si Aimee na nasa kwarto niya na. "Aimee, aalis ako mamayang 9" bungad ko nang makapasok ako sa kwarto niya. "San punta? wala daw pasok ah." sagot niya ng hindi man lang ako nililingon. She's busy typing something on her phone, mukang seryoso. "Kina Aster, may meeting kami, lahat kami." sabi ko at naupo sa kama niya. "Ano yan?" tanong ko. "Assignment, buti namam at aalis ka, bibilis ang net." Natawa namam ako dahil don. "sige na, Lock mo yung gate para hindi kana loobin hahahahajaha." pang-aasar ko pa sa nangyari kagabi tiyaka dali daling lumabas ng kwarto niya dahil naka-amba na ang panghampas niyang unan. Pagbalik ko sa kwarto ko, hinanda ko na lang muna ang dadalhin at susuotin ko mamaya dahil maaga pa. 8am nako maliligo. Nahiga ako sa kama at kinuha ang selpon ko. Nakita kong may text si chingchong kaya agad ko iyong binuksan. Chingchong; -hey u coming? -At Aster' house I mean. -Ej? Me: -Slr, oo pupunta ako, ikaw? Chingchong: -ofc. Sabay na kita sa kotse, I know her house. Me: -Good yan, hindi nako maglalakad hahaha. Chingchong: -be there at 9. Me: -okay. Nilapag ko ang selpon ko sa study table at tiyaka nagligpit ligpit muna ng kung ano anong mga kalat dito sa kwarto ko habang wala pang alas-otso. Nang mag alas-otso ay pumunta na ako ng cr para makaligo. Pagkaligo ay sinuot ko na ang maong skirt ko na color black at yellow shirt, tinuck in ko yon sa skirt at tiyaka nagsuot ng sinturon para hindi plain tignan, sinuot ko na din ang rubber shoes kong black. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin bago pumunta kay Aimee para ipa braid ang buhok ko. "Aimee, patirintas." dirediretso lang ako pumasok at umupo sa gilid ng kama niya. "Wow, papatirintas ka pa? meeting lang pupuntahan mo day, hindi birthday party." sabi niya pero tumayo pa rin siya para kumuha ng suklay at riyo kaya napangiti ako. Hinati niya sa dalawa ang buhok ko, dikit anit na tirintas ang ginawa niya sakin. Nang matapos ay pinaharap niya ako sa kaniya. "Ang cute mo, hindi ka mulang maldita." Puri niya na may konting pintas -,- "Susunduin ako ni Ezekiel, baba nako ah?" "Kaya namam pala nagpaayos pa ng buhok!" pang-aasar niya. "Ano naman konek non?! Tss, gusto ko lang magmukang ready para kina Aster." sabi ko. "oke oke!" obviously not satisfied with my answer "Thank you!" Pagkasabi ko non ay bumaba na ako. Selpon at wallet lang ang dala ko, nasa bulsa ko ang selpon at hawak hawak ko naman ang wallet ko. Balak ko sana magdala ng bag kaso tinamad ako. Paglabas ko ng bahay ay nagulat ako dahil nandon na si Ezekiel, naka sandal siya sa kotse niya. Nang makita niya ako ay napa-ayos siya ng tayo. Naka maong pants siya at Tshirt na black, naka rubber shoes den siya. "Anjan ka na pala, bat hindi ka nag tetext?" sabi ko ng makalapit ako. "I did." Dali dali kong kinuha ang selpon ko at tinignan ito. Nakita ko ngang may text siya kaya nahihiya ko siyang nilingon. "Sorry hehehehe." "No it's okay I just got here too, btw you look good." Pagkasabi niya non ay binuksan niya na ang pintuan ng kotse niya kaya hindi ko na pinansin ang sinabi niya at sumakay na lang. "Seatbelt." paalala niya bago umikot at pumunta sa driver's seat. "Hindi naman masiyado malayo bahay nila mula dito, but since maulan, need natin agahan alis." sabi niya at tiyaka pinaandar ang kotse. "9 ko din naman balak umalis, sa park sana ako didiretso kaso nagalok ka na, edi sayo nako sumabay. Salamat ah." "Madadaanan na din kasi kita kaya walang anuman." Nan mag 9:20 ay nabasag ang katahimikam dito sa loob ng kotse dahil sa tunog ng selpon namin. It's a chat from Aster. --GC-- ASTER -Sino na nasa park?- JINWHEI -ako po- KLORIE -ako din- YOSHIE -Otw na sis- ANTONYO -andito na din ako, pati yung ibang classmate natin nandito na, nasa 15 na kami dito. - ATENWARD -Kasama ko si Roger, OTW NA- -may sinasabi si Roger, sa wakas daw makikita niya na bahay ng mapapangasawa niya HAJAJAJAJAJAJAJ- RHYJEIL -malaki brad, malaki pa jan sa ano mo HAHAHAHAHA.- EZEKIEL -Otw, I'm with Ej.- Napatingin ako ka Ezekiel dahil hindi oo expected na magchachat siya. ANTONYO -ay! another LOVETEAM!!!!!!- ATENWARD -Witwiw, I smell samting spishi!- ASTER -AYIEEEEEE- YOSHIE -AYIEEEE SHIP SHIP!- Nagkatinginan kami ni Ezekiel at sabay na lang natawa. Maiisue ang mga kaklase ko pota. Tinago na namin ni chingchong ang selpon namin at nag-pokus na lang siya sa pag da-drive. Ako naman ay sumilip na lang sa bintana. Lumipas ang ilang minuto ay nagsalita si chingchong. "Malapit na tayo." aniya "Malaki ba talaga bahay nila Aster?" "Oo, ayan na oh." sabi niya sabay turo sa malaking gate. Pinagbuksan kami ng Gate kaya pumasok na ang kotse namin. May Fountain sa gitna at pathway sa magkabilang gilid pagpasok ng gate, patungo yon sa isang Malaking bahay or should i say Mansyon. Kulay Dirty White ang Mansyon kaya hindi masakit sa mata. Hininto ni chingchong ang kotse sa tapat ng mansyon at naunang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. "Dito mo talaga iiwan ang kotse mo?" takang tanong ko. "Hindi, may magdadala niyan sa parking." sagot niya sabay lingon sa gilid at bato ng susi sa lalaking naka polong Blue at black pants. "You've been here?" tanong ko pa. "Yes, that's why I already know this place. Birthday ni Rhy, nandito ako." sagot niya. Napatango naman ako. Naglakad na kami papasok ng mansyon, hindi pa man kamo nakakalapit sa pintuan ay bumukas na iyon at bumungad si Rhyjeil. "Hello Ej!! Hello Ezekiel!" "Hi" sabay naming bati ni Ezekiel. "Welcome to our house Ej!" Masiglang ani ni Rhy. "More like mansion." Sabi ko naman. Pareho naman silang natawa ni Ezekiel dahil sa sinabi ko. . . . . . To be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD