Ej's POV.
"Papasundo pa lang namin ang mga kaklase natin ng bus, sila Awi nandito na." sabi ni Rhy, nandito kami ngayon sa loob ng bahay nila, binabagalan ko lang ang lakad ko dahil pinahmamasdan ko ang paligid.
May stairway sa kanan at kaliwa papunta sa 2nd floor nila. Display lang ang nasa gitna. Pag tumingala ka naman ay makikita mo sa dingding ng second floor ang mga family portrait nila.
Nakita kong lumiko sila Rhy at Ezekiel kaya sinundan ko na sila. Ang nilikuan namin ay papunta sa kusina, abala ang mga kasambahay nila sa paghahanda ng sandamakmak na pagkain sa mahabang lamesa. Nakaupo na don sila Awi at Roger.
"Hi lovebirds!" bati ni Awi ng makita niya kami.
Ngumiti lang ako at umupo sa tabi ni Awi. Pero napigilan agad ako ni Ezekiel at siya ang naupo sa tabi ni Awi. Nginitian niya lang ako at sinenyas na maupo na don sa katabi ng bangko niya kaya naupo na ako.
"Padating na din siguro si Yoshie." si Rhy.
"Angas, siya naunang magsabi na Otw na pero nauna pa kami dito." sabi ni Awi sabay kuha ng nuggets na hinanda siguro para sa maagang dadating.
"On the water pa lang yon HAHAHAJAH" sabi naman ni Roger.
"Palibhasa ay may gusto ka sa kambal ko kaya kayo nauna dito eh HAJAJAJAJ." pangaasar ni Rhy kay Roger na ansama na ng mukha.
"Ma-issue kayo jusko." naiiritang saad ni Roger.
"Nadagdagan nga tayo, pareho namang tahimik." pagpaparinig ni Awi.
"Hehehe, hi." yun lang ang nasabi ko.
Ilang minuto din kami nag-antay. Naka handa na ang lahat ng pagkain ng makarating ang mga kaklase namin.
"Sosyal! Bus talaga ang pinangsundo samin!" Pag-iingay ni Yoshie papasok dito sa kusina. Nang makita niya ako ay agad siyang umupo sa tabi ko.
"Kaya naman pala nagtagal, sumabay pa sa bus." si Awi.
"pake mo!" singhal ni Yoshie sa kaniya kaya natawa na lang ako.
Dumating si Aster na mukang masaya dahil kumpleto na kami. Siguro ay nasa 30 kami dito ngayon. Yes, ganon kalaki at kahaba ang mesa.
"Helloooo!!" masayang bati ni Aster at naupo na sa dulo ng mesa, nasa gilid naman niya naupo si Rhy. tinignan ko ang mga kaklase ko dahil may kaniya kaniya na silang ginagawa. Ang iba ay nahihiya ang iba naman ay Feel at home, nangunguna na don si Awi. "Madaming nagpaalam sakin na hindi sila makaka punta ang iba pa nga ay parents nila ang nagchat sakin kaya naintindihan ko naman. Kain muna kayo them punta na tayo sa Guest House para doon na makapag meeting." sabi ni Aster at isinenyas na kumain na kami.
"Take note! Guest House hinde Guest room! hahahahaha." Nagtawanan naman kami lahat dahil sa sinabi ni Yoshie.
Andaming naka handa sa mesa na putahe. May pritong manok, hatdog, itlog, Ham, kanin, adobo, menudo at mga tinapay, AS IN 'MGA' andami ding palaman. Hindi ko alam ang kukunin ko, mag-uwi na lang kaya ako? hehehehe.
"Eat" bulong sakin ni Ezekiel.
"Wait lang, di ko alam kakainin ko eh." sagot ko sa kaniya.
Nagulat ako ng bigla niyang lagyan ng konting kanin at Dalawang pandesal ang pinggan ko. Nilagyan niya din ako ng adobo sa tasa at egg and ham sa pinggan. Dahil sa ginawa niya ay nagtinginan samin ang mga kaklase ko.
awkward.
"Okay na to." pigil ko sa kaniya ng binalak niya pa akong bigyan ng menudo.
"Ayieeeeeeeee" Malakas na asar ni Yoshie kaya nagsunudan ang mga kaklase namin sa pangaasar.
kingina.
Tinignan ko si Ezekiel at nakangiti lang siya habang sumusubo.
"hehehehe." Yun na lang at sinimulan ko na ang pagkain ko.
Siguro ay mag aalasdose na kami nakaalis doon sa hapag-kainan dahil nag kwentuhan pa sila habang nagpapababa ng kinain. Naglalakad na kami ngayon papunta sa likod ng Mansion nila Aster, dahil papunta kami sa likod non, mas lalo kong nakita ang laki ng bahay nila mula sa labas.
Pagdating namin sa likod ng bahay nila, nagulat ako dahil may tatlo pang bahay doon pero maliit lang. siguro yan yung Guest House nila.
Nakakatuwa dahil may Mansion din naman kami, pero wala kaming tatlong Guest House. Guest room lang meron kami na nasa loob ng Mansion. Ano kaya trabaho ng mga magulang nila?
Doon kami pumasok sa bahay na nasa Gitna. Malawak ang loob non at may malaking lamesa sa gitna, may second floor pa yung bahay, siguro ay mga kwarto ang naroon.
"You look like a lost child." Bulong sakin ni Ezekiel.
Tinignan ko naman siya at nginitian. "May mansion din kami, pero walang Guest House."
"I know." maikling sagot niya.
"Tss, Ofcourse you know."
Nakatayo kaming lahat sa gilid ng mesa dahil hindi namim alam kung uupo pa don, Kulang ang bangko.
"Ahm guys, sa lapag na lang tayo maupo. Hindi tayo kasya sa mesa." Sabi ni Aster at nagtanguan naman kami. "Boys, paki-alis nga itong mesa, pakilagay na lang doon sa gilid." turo ni Aster sa Sulok malapit sa pinto.
Kumilos naman agad ang mga lalaki, siyempre tumulong din si Ezekiel don. Habang inaayos ng boys ang mesa don sa gilid, kami namang girls ay Naupo na sa lapag, tumabi sa akin si Yoshie at si Rhy namam sa kabilang gilid ko. Pero agad siyang pina-usog ni Ezekiel at si Ezekiel nanaman ang tumabi sakin.
"Protective." Bulong ni Rhy.
"ulol." banat naman ni Ezekiel.
Pareho kaming natawa ni Yoshie.
Nang kumpleto na kami at naka upo na ang lahat, inutusan kami ni Aster na gumawa ng bilog kaya pabilog kaming naka upo ngayon. At dahil naka skirt ako ay hindi ako komportable. Nang mapansin yon ni Ezekiel, agad niyang nilabas ang scarf niya at ipinatong sa hita ko. Kinurot naman ako ni Yoshie sa tagiliran.
"Para talaga kayong mag-jowa." Bulong niya pa.
"Friend." sabi ko.
"More than friends Ej!"
"Edi bestfriend."
Nang tumingin samin si Ezekiel ay agad kami umayos ng upo na parang walang pinag-usapan.
May kinuha si Aster na maliliit na papel mula sa bag niya at isang ballpen. "So guys, I'm going to give this to you." turo niya sa papel. "susulat niyo dito kung sino ang gusto niya na sumali sa Mr. and Ms. CU." pagkasabi niya non ay nagtinginan samin ni Ezekiel ang mga kaklase namij na ipinagtaka ko.
Sana mali ang iniisip ko.
"Paikutin niyo na lang ang ballpen, dalawa lang tong nadala ko. hehehehe." Tumayo si Aster at isa isa kaming binigyan ng maliit na papel. siya muna ang nagsulat tapos ay binigay niya sa katabi niya hanggang sa umikot ang ballpen at matapos kami lahat magsulat.
I Vote Yoshie for Ms. CU and Awi for Mr. Cu. tinupi namin ang papel at ibinigay iyon kay Aster. I was nervous because of the look that they're giving to me and Ezekiel. It's not that I don't wear dresses or heels, BUT STILL! I DON'T DO CONTEST.
"WoW Alam na agad kung sino ang isasali natin." sabi ni Aster nang mabuklat na nila ni Rhy lahat ng papel. "Ezekiel and Elice." tawag samin ni Aster.
PLEASE NO--
"Please make us proud." pagkasabi nom ni Aster ay napapikit na lang ako. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko na parang kinikilig pa.
"Nice one Ej!!!" sabi pa ni Yoshie sa gilid ko.
"Ayieeeeee33." sabay sanay na sabi ng mga kaklase ko
*face palm*
Tinignan oo si Ezekiel na parang natutuwa pa sa nangyari. Samantalang ako ay namomroblema. Ano itatalent ko?!!!
"Hehehe bakit ako?" tanong ko.
"Bawal na mag no! hooooo." sabi ni Rhy kaya nagpilit na lang ako ng ngiti.
"So okay na tayo sa candidates, Sino ang pwedeng magayos kay Ej--"
"Sino pa ba? edi ako!!" putol ni Yoshie sa sasabihin ni Aster. "Maganda naman si Ej, madali lang yan ayusan." magiliw niyang sabi sabay tingin sakin. Medjo nahiya naman ako kaya ngumiti na lang ako.
"Ayan! puro ka make up pero sa math yung sagot made up!" Sabat ni Awi sa usapan kaya magtawanan ang mga kaklase ko. Pati na rin ako ay natawa kaya sinamaan ako ng tingin ni Yoshie.
"sorry hahaha." nag peace sign pa ako sa kaniya.
"Okay okay, Si Ezekiel, sino willing mag make up jan? foundation lang yan tas kontimg tint, 'wag na si Yoshie kay Ej na siya aayusan niya pa ng buhok yan." kontra agad ni Aster ng gusto sanang mag volunteer ni Yoshie.
Walang nag-tataas ng kamay sa kanila. Marunong naman ako non kaso baka hindi pumayag si Aster. Marunong ako kung foundation lang hehehe. "Ako na lang." presinta ko.
"ha? eh aayusan ka nga ni Yoshie." sabi ni Aster.
"Foumdation lang naman yon, pagtapos ako ayusan, aayusan ko na si Ezekiel." sabi ko.
"O-okay." nagaalinlangan pang sagot ni Aster.
Natapos ang meeting bandang alas kwatro na. Pinagusapan pa nila ang about sa gagawing sulisit at kung sino ang may kakilalang rentahan ng gown. Dapat ay si Aster na lang sana ang mag poprovide ng lahat kaso agad siyang pinigilan ng mga kaklase namin at sinabing mag-sulisit na lang daw. Sinang-ayunan naman ni Aster yon dahil mas okay daw yon para lahat ay may partisipasyon. Ang mga wala naman sa meeting nayon ay sinabihan na daw ni Aster na gumawa ng mga banners ors anything na pede gamitin sa pag chi-cheer. Mag aambagan din ng 50 pesos ang bawat isa samin, but 50×50 is 2,500 lang and kulang yon para sa pagbili ng mga susuotin ko. Sabi ko naman ay hihingi na lang ako ng tulong sa ate ko at sumangayon naman sila agad. Pinag meryenda muna kami ni Aster bago paalisin.
Ngayon ay nasa kotse na kami ni Ezekiel. Nagmamaneho siya kaya hindi ko muna kinakausap. Maya maya ay himimto ang kotse at pagtingin ko sa harap ay nakita ko ang pila ng mga sasakyan.
traffic.
"Traffic."
gaya gaya, buti hindi ko ini-voice out!
"Oo nga, umuulana pa." sabi ko at tumingin sa labas ng bintana, natatakpan ma ng patak ng ulan ang view ko dito tss.
Nag-vibrate ang selpon ko, may tumatawag.
On phone~?
"hmm?" sagot ko sa tawag ni Aimee.
"San kana? lumalakas ulan." dinig ko ang pag-aalala sa tono ng salita niya.
"Nasa biyahe pa, traffic nga eh." sabi ko. Tumingin ako kay Ezekiel at nahuli ko siya nakatingin sa akin. Agad siyang nag-iwas ng tingim sa akin.m
"ah so you're still with Ezekiel?" tanong niya.
"oo." sagot ko.
"Okay, magtext ka pag pauwi kana ah?" sabi niya
"Oo sige, Kumain kana ba?"
"kanina pa, buti pala hindi kita inantay hahahaha."
"sige, bye na."
"Bye-"
Pinatay ko na ang tawag tumingin ulit sa harapan. Hindi man lang umuusad ang mga sasakyan.
"Mall muna tayo." Nagulat ako sa sinabi ni Ezekiel.
"Eh?"
"Jan oh." Turo niya sa mall na nasa kanan. "Patila lang ng ulan at traffic."
"osige."
kinanan niya ang kotse at pumasok sa parking lot ng mall. Nag text ako kay Aimee na baka gabihin ako, hindi ko na hinintay ang reply niya at itinigo na ang selpon ko. Pagpark ng kotse ay bumaba na agad ako at kahit nasa parking lot kami ay malamig dahil sa hangin.
"U okay?" sita sakin ni Ezekiep nang makita niya ako na niyakap ang sarili.
"Oo, tara pasok na tayo."
Pumasok na kami sa Mall. Naglalakad kami ngayon sa loob at hindi alam kung saan pupunta nang may bigla akong naisip na bibilhin.
"Punta tayo don." turo ko don sa stall na may pangalan na 'Beauty And Care.'
Tinignan naman ako ni Ezekiel. "Babae kana?" Tanong niya habang natatawa pa.
"Tss, bibili ako ng make up na gagamitin ko sa contest. Makapal na ang mukha ko kung yung gamit pa ni Yoshie ang gagamitin ko, wala na ngang bayad."
"Okay."
Pagpasok namin sa loob ay naagaw ni Ezekiel ang atensyon ng mga sales lady. "Sir, how can I help you?" sabi pa nung isa kaya napakunot ako ng noo.
"Muka bang nag lilipstick yan?" seryosong tanong ko don sa sales lady. Kita naman ang gulat sa mukha niya nang tignan niya ako. Agad siyang napayuko sakin at nagsorry. "Tss."
Pumasok ako sa may bandang dulo kung nasaan ang mga make up. Hindi ako makapili ng kulay kaya tinawag ko yung isang sales lady para tanungin kung may bago silang labas na Liptint.
"Miss?" tawag ko pero nakay Ezekiel na nasa likod ko ang atensyon nung babae. Tinignan lo si Ezekiel at nginitian niya lang ako. "Miss, bebentahan mo ba ako oh papatanggal kita sa trabaho mo?" Kalmado pero may diin kong sinabi yon. Nagulat naman yung sales lady, kahit si Ezekiel ay nagulat.
"H-ha? as if na kaya mo?" Mataray pang sumagot yung babae.
Ampota, lakas ng loob.
Tinawag ko yung isang sales lady at sinabi na bibilhin ko lahat ng nakalabas dito sa stall ngayon, Nanlaki ang mga mata niya ag parang hindi makapaniwala kaya binigay ko yung black card ko.
Etong babae naman na mataray ay Nanginginig na sa takot.
"Sapat na ba na binili ko lahat ng nandito para matanggal ka? o..." Nilapitan ko siya ng dahan dahan kaya napaatras siya. "Gusto mong bilhim ko tong stall na pinagtatrabuhan mo, matanggal ka lang?"
Kita ko ang takot sa mata niya at napangisi ako dahil don. "S-sorry po ma'am, maawa po kayo sakin. May pamilya po akong pinapaka--"
"May pamilya ka pa lang pinapakain, landi ang inaatupag mo imbes na pagtatrabaho." Kalmado na ako nang sinabi ko yon. Sinenyasan ko siya na tumayo at agad naman siyang sumunod. "Tulungan mo yung kasama mo magbalot." Agad siyang pumunta sa counter at kumuha ng mga paper bag tiyaka nagbalot.
"H-huy." tawag sakin ni Ezekiel.
"Oh?"
"okay ka lan-"
"Bakit naman hindi?"
Tinignan niya na lang ako tiyaka ngumiti.
Nang nabalot na lahat ay pumunta na ako ng counter para sa pin ng card ko. Halos hindi makatingin sakin yung saleslady kay ngumisi ako. Siguro ay nasa kinseng paper bag ang dala ko, kinuha ko lang yung lima at binigay na lahat kay Ezekiel yung iba para siya ang magbuhat.
"San mo naman gagamitin lahat ng to?" Tanong ni Ezekiel ng makalabas kami ng stall.
"Bibigay ko kay Yoshie, yung iba kay Aimee, Yung magugustuhan ko sakin." sagot ko.
"Hehehe, grabe ka pala magalit."
"Tss, San na tayo? may gusto ka ba bilhin?" tanong ko sa kaniya pero tinignan niya lang ang mga dala namin. Nagulat ako ng kunin niya ang dala ko.
"Ilalagay ko muna to sa kotse, masiyadong madami." Sabi niya.
"Sige Cr lang ako, Magkita na lang tayo sa National." Tinanguan niya na lang ako tiyaka naglakad palayo.
Dumiretso ako sa cr dahil naiihi na ako. Nang makaihi ako ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin tiyaka lumabas. Nag vibrate ang selpon ko kaya tinignan ko ito at nakitang tumatawag si ate Alexis.
Shit.
On phone~?
"a-ate?" sagot ko sa tawag.
"Hoy, lalagyan ko sana card mo, Bat ganon kalaki ang bawas non?! Nasan ka?! Ano binili mo ha?!" dire diretso niyang tanong.
binagalan ko ang lakad ko papuntang National.
"Make up ate." sagot ko ulit.
"Make up lang?! Tas umabot ng handred handred tawsan ang nabawas sa card mo?! ano ba binili mo, buong stall?!" Gigil na gigil na siya. Halos maimagine ko na ang mukha niyang nanggigigil. hehe
"Opo."
"Anong opo?!" takang tanong niya.
"buong s-stall binili ko." pahina na ng pahina ang boses ko.
"what??!!" sa sigaw niyang yon ay nailayo ko ng bahagya ang selpon ko sa tenga ko. "Why?! Buong katawan mo ba memake upan mo? maganda kana hoy!"
"Mahabang storya ate hehehe, paliwanag ko na lang sayo mamaya ha? busy ako eh. Labyu missu!!"
"hoy! ngayon mo pali--"
Hindi ko na tinapos ang sasabihin ni Ate at pinatay ko na ang tawag. Nakita ko na kasi si Ezekiel sa may National. kumakaway pa sakin. Nang makalapit ako ay nginitian ko na lang siya.
"Sino kausap mo?" tanong niya.
"Ate." sagot ko.
"Ahh sige tara pasok na tayo may naisip nakong bilhin." aniya.
Tumango ako at sabay na kaming pumasok sa loob. Bumili siya ng sketch pad at iba't ibang uri ng lapis. Bumili din siya ng yellow pad at isang Notebook, pati paper clip at iba pang clip bumili din siya. Ako ay Ballpen at papel lang ang binili tiyaka mga pwedeng gamitim pang design.
"So, uwi na tayo? are you hungry? We can eat before we go home." sabi ni Ezekiel nang makalabas kami sa National dala ang mga pinamili namin.
"Busog pa ako sa kinain natin kina Aster, uwi na tayo."
"So, we spend our day 6 in Aster's house and shppping into this mall."
"Bukas ko na lang sagutan ang dapat sasagutan ko ngayon, baka pag may nalaktawan kasi ako ay magkulang ang grade ko sa First grading." I said.
Pagkasabi ko non ay naglakad na kami papuntang parking lot. Humina ang ulan pero malamig pa rin. Tahimik na kami sa biyahe ni Ezekiel. Naalala ko nanaman yung nangyari don sa Beauty and Care.
Tangina kase, bat ba may malalandi sa paligid?!
"Ayos ka lang?" tanong ni Ezekiel, napansin niya sigurong napapikit ako at nahilot ang sintido ko.
"Oo, pagod lang siguro." sagot ko at ngumiti naman siya.
Ilang minuto lang tinagal ng biyahe at nakarating din kami sa subdivision. Gusto pa sana ako tulungan ni Ezekiel na ipasok sa bahay ang mga paper bag pero tinanggihan ko na.
Baka hindi naka bra si Aimee tss.
Pagpasok ko ay sinalubong agad ako ni Aimee, kahit na gulat siya ay tinulungan niya pa rin ako sa mga dala ko. Nilapag namin yon sa mesa dito sa sala.
"Anyare gurl? Hinakot mo lahat ng make up ah?" panimula niya.
"Buong stall kamo, Tss." sabi ko na parang nagsisisi na sa ginawa ko.
"Eh baket nga?" tanong niya ulit.
Kinuwento ko kay Aimee ang nangyari, wala akong niliban para hindi na siya magtanong.
"Woah, Nagselos ka?!"
O_O?!?!
"Ano?!" gulat na tanong ko.
"Nagselos ka?! kase ganiyan yung mga napapanood ko eh! Yung pupunta sila sa ganyan ng jowa niya tas may mga babae na titingin kaya gaga--"
"Kaka kdrama mo yan! hindi ko naman gusto si Ezekiel, bat ako magseselos?!"
"Kaya nga, bakit nga ba?!"
ampota.
"Ewan ko sayo."
Binuklat ko ang mga paper bag at kinuha lang ang nagustuhan kong tint at dalawang powder. Kumuha na din ako ng pabango at ilang facial wash at mask. Sinabiham ko si Aimee na kumuha din ng mga gusto niya ay ang matitira ay may pagbibigyan ako.
Hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya yung abput sa pageant. Siguro mamaya na lang. Naligo ako at nagpalit ng pambahay kong damit, Tinry ko yung isang facial wash at nakaka refresh naman siya.
Nang mag alas-nuebe ng gabi ay bumaba ako para kumain. Umakyat din ako nang natapos ako, si Aimee ang naghugas at naglinis buti na nga lang at hindi siya nagrereklamo.
Pagakyat ko ay pinatay ko na ang ilaw, chinarge ang selpon ko at hinayaan na ang sarili na makatulog.
.
.
.
.
.
See You on The Next Chapter!! Love You all.