CHAPTER 9

2904 Words
Ej's POV. Halos mabato ko ng unan ang alarm ko ng bigla itong tumunog, pinagsisi-sihan ko nang 5am ako nag alarm. Gusto ko sana ipagluto si Aimee dahil siya na lang lagi ang nagluluto para samin kaya ngayon ay maaga ako gumising. Pero gusto ko baguhin ang desisyon ko dahil inaantok pa ako! Kagabi pag-uwi ko galing kina Ezekiel lutang na lutang ako, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang nakita kong reaksyon sa mukha ni Kiel. Flashback~ "I missed him too." Pagkasabi niya non ay bumalatay sa kaniyang mukha ang lungkot at pangungulila niya, para siyang bata na inagawan ng candy sa itsura niya. Nilapag niya sa lamesa ang tray na may lamang cake at juice, inaya niya ako kumain ngunit tahimik kami sa pagkain namin. "Hey?" I try to get his attention, tumingin naman siya sakin. "Gaano mo ako kakilala?" Nilakasan ko na ang loob ko don. "Knowing Kaze isn't enough reason for you?" Sagot naman niya. "Eh bakit ayaw mo magpakilala sakin? I want to know you." Sabi ko naman. "I told you, that's your punishment." Sagot ulit niya, tumigil na siya sa pagkain at ganoon din ang ginawa ko. "Punishment for what?" "For a sin." "What sin?" Na iirita nako! "It's not actually your fault, but you're involve, so yeah." "Bat ako involve? Asan yung may kasalanan?" "Dead" he said it like it's not big deal. "W-what?" "You didn't get it? It's a sin made by you and Kaze, and the only punishment is for you to remember me." He sounds mad but he's trying to calm himself. "Okay, uuwi nako gabi na." Tumango naman siya sa sinabi ko. Niligpit lang namin ang mga ginamit namin at bumaba na, hindi ko maiwasan mapatingin sa kaniya habang nag-aayos siya at ako naman ay nagaantay sa kaniya sa labas ng pinto. Puno ng lungkot at hinanakit ang mababasa sa mga mata niya, pero nang humarap na siya sakin, nginitian niya lang ako. Nang nagba-bike naman kami ayntahimik kami, gabi na at tahimik na den ang dinadaanan namin, pero nagawa niya pa rin akong ngitian at hintaying makapasok sa bahay namin na parang hindi kami nagkaron ng seryosong usapan kanina. Pagakyat ko sa kwarto dumiretso na agad ako sa kama, hindi nako naligo at hinayaan ko na lang ang sarili ko na bumagsak ang katawaan sa higaan at binalot ng isipin tungkol kay Ezekiel, ni-hindi ko namalayan ang oras ang tagal ng pagkatitig ko sa kisame, namalayan ko na kang na 3am na ng madaling araw bago mapagdesisyonan na matulog. End of flashback~ 2hrs. Lang ang tulog ko! Tangina kasi ni Ezekiel grr. Kahit na inaantok pa ako, I decided to wash myself first before cooking. Sana lang hindi ako magkasakit neto, puyat? Tas naligo? Ayos, kita kita na lang sa impyerno. Hindi ko muna sinuot ang pamasok ko dahil nga magluluto pako, baka mangamoy ulam ako sa school. Bumaba nako at pumunta sa kusina, dahil alasingko pa lang ng umaga ay medjo madalim pa, ang ilaw lang muna sa kusina ang binuksan ko, nilabas ko na ang mga kakailanganin ko para magluto ng nilaga. Mga bente minutos den ako naghihiwa ng sangkap, dinamihan ko ang luto ko para mamayang gabi ay iinitin na lang to. Inaantay ko na lang ngayong kumulo ang niluluto ko kaya naisipan ko munang mag selpon. Sumandal ako sa may lababo at kinuha ang selpon mula sa bulsa ko. Pag open ko ng f*******: ay nagulat ako dahil nakita ko ang 'story' ni Ezekiel, pinindot ko iyon at tumambad ang kinuha niyang picture kanina bago kami magsimula sa tutor kuno, may caption pa iyon na "Day 1". Ewan ko kung ano pumasok sa isip ko at naisipan kong mag reply doon. Nagreply ako ng "hilig mo mag countdown." Nangisi na lang ako sa sarili ko. Pinatay ko na ang lutuan dahil kuto na ang nilaga, mag a-alasais media na kaya naisipan ko nang mag handa sa hapakainan, gantong oras nagigising si Aimee para maghanda pero pansin kong hindi pa siya gumigising. Himala! Kasalukuyan kong hinahanda ngayon ang pinggan nang tumunog ang selpon ko, nilapag ko muna ang hawak kong pinggan bago kunin abg selpon ko. Medjo nabigla pako dahil online na si Ezekiel at may reply na siya. Ezekiel Reyes ? ? ••• Active now ? ?‍♂️haha good morning. Morning din?‍♀️ ?‍♂️Aga mo nagising ah? Same lang sayo?‍♀️ ?‍♂️what ya doin'? Preparing breakfast?‍♀️ ?‍♂️ow, okay see you at school! I just reacted 'like' to his reply at tinago na ulit ang selpon ko, tinuloy ko na ang paghahanda ko bago umakyat sa kwarto ni Aimee para gisingin siya. *TOK TOK TOK* "Aimee! Kain na tayo." Sigaw ko, pero wala akong nakuhang sagot kaya kinatok ko siya ng mas malakas. "Aj! Papasok nako ah?" Sabi ko muna bago pumasok sa kwarto niya. Pagpasok ko ay nagulat pa ako dahil talukbong na talukbong siya ng kumot! Narinig ko pa siyang humihikbi kaya nagmadali ako pumunta sa kama niya at hinila ang kumot na nakabalot sa kaniya. "Hoy tangina Aimee! Bat ka umiiyak? Ano nangyari? Ayos ka lang?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya habang niyuyugyog siya, inupo ko siya para makita ang mukha niya. "Bakit Aimee?" "S-si ano k-kasi" nauutal pa siya tapos ay sisinghot tas magpupunas ulit ng luha. "Ano?! Sino? Si Lhorence? Anong ginawa? May sinabi ba sayo?" "H-hindi" sagot niya. "Eh ano nga?!" Nagaalala na talagang tanong ko. "Si Wang So! Iniwan siya ni Hae soo!! Waaaaaah" umiyak na siya na parang bata, at eto ako hindi ko alam kung babatukan ko siya o sususntukin. "Tangina ka." Yun na kang nasabi ko at napahawak sa sintido mo. *singhot singhot* "teka, bat ka ba nandito?" Biglang tanong niya. Amputa. "Kakain na tayo." Mahinahon kong sabi, nasa gilid pa rin ako ng kama niya. "H-ha? Anong oras naba?" "6:30" "Ano?!!" Napa iwas pako dahil sa lakas ng bibig niya. "Oo ala sais na, bumaba na tayo." "Ni-hindi pa nga ako natutulog Ej!!" Sigaw nanaman niya. "Aba! Kasalanan ko ba na tinapos mo yang Scarlet Heart kesa matulog?! Tanginanyan, kaya pala alasais na himala ng langit at lupa hindi kapa bumababa." Ngumuso naman siya na parang bata kaya hindi ko den matiis, napa-pikit na lang ako at tumayo mula sa kama niya. "Kumain na muna tayo, nag-luto ako, pagkakain matulog ka, wag kana pumasok." Pagkasabi ko non ay lumabas na ako sa kwarto niya. Ngayon niya talaga tinapos yung Kdrama nayon. (A/N: Scarlet Heart ryeo, KDRAMA YON, READY KAYO NG TISSUE PAG MALAPIT NIYO NA MATAPOS YON HAHAHA.) Tangina talaga. Pag upo ko nakita ko si Aimee na pababa ng hagdan, kinukusot niya pa ang mata niya. Pag upo niya sa tapat ko hindi ko alam kung mabubwiset ako matatawa ako sa itsura niya! Nangingitim ang mata niya, halos hindi niya madilat. Jusko. "Papasok ako." Biglang sabi niya habang kumakain na kami. "Andami kong papasa na assignment! Nakakainis!" Dagdag niya pa. Natawa naman ako sa kaniya. "Kdrama pa hahahahaha." Nang matapos kami kumain, siya ang nag-hugas, ako naman nagluto eh! Umakyat na siya sa kwarto niya para maligo, ako naman ay umakyat din para mag-bihis. Friday naman ngayon kaya naisip kong jogging pants na black na may dalawang white line sa gilid at plain white T-shirt ang sinuot ko, medjo malaki pa sakin ang T-shirt. Yung Fila na puti ko na lang ang sinuot kong rubber shoes. Pagkatapos ko mag bihis bumaba na ako. Tinignan ko ang sala kung may liligpitin dahil inaantay ko pa si Aimee, wala naman ako nakitang kalat. Pag-baba ni Aimee, lumabas na kami at inayos ang bike namin, sinigurado naming sarado lahat ng dapat isara bago nag pidal papuntang school. Pag dating namin sa scbool ay gaya ng dati, dumiretso na kami sa kaniya kaniya naming room. Pag-dating sa room ay sinalubong nanaman ako ng maingay na kambal, si Ezekiel nandon na sa kanjyang upuan, nagbatian lang kami saglit at tinuon na sa harapan ang atensyon. Lahat ng guro ay present ngayon, gaya kahapon, pinauna ko na si Aimee umuwi, payapa ngayon ang pag-aaral ko dahil nakinig ako. Si Ezekiel ay pag nasa room hindi mo makakausap, pwera na lang kung siya kakausap una. He's so serious when we're at school, yun ang napapansin ko, sabi ni Rhyjeil maingay yan sa mga kaibigan niya pero sa school ay seryoso siya. Natapos lahat ng subject at inaantay nanaman ako ni Ezekiel sa mga nakaparadang bike, nagpaalam muna ako kay Aster bago bilisan ang lakad papunta kay Ezekiel. "San si Lhorence?" Tanong ko sa kaniya habang inaayos ang bike ko, siya ay nakasakay na at handa ng magpidal. "Siya ba mag tututor sayo?" Note the sarcasm! "Hindi, hindi mo kasabay?" "Sabay sila ni Aimee." Naayos ko na ang bike ko at inaya na siya magpidal. Kagaya kagabi ay nalalayuan pa rin ako sa bahay nila, pero tinatandaan ko naman ang nga nililikuan at nadadaanan namin para sa susunod ay hindi nako magpapahatid pauwi. Pagdating namin sa bahay nila ay nilagay ko na ang bike ko sa tinuro niya kahapon, inabutan namin si Lhorence nanasa sofa at nanonood sa netflix, hindi ko nga lang alam yung palabas. "Hi ulit Ej!" Bati ni Lhorence pag-pasok namin. "Hello din." Bati ko naman pabalik. Nginitian niya naman ako at ang kambal niya, nakakatuwa si Lhorence dahil para siyang masiglang bersyon ng kapatid niya. Ngayon lang ako nakakita ng kambal na magkaiba ang personalidad, interesting. Naupo muna ako sa sofa nila na nasa harap ng inuupuan na sofa ni Rence. Nilabas ko ang mga gamit ko at tinignan ang mga notebook kung may assignment, masaya kong binalik sa bag ang mga notebook ko nang makita na walang assignment. Si Kiel ay nandon sa kusina, tumitingin tingin sa ref naghahanap siguro ng makaka- ?!! "Kiel, may nilaga pa sa bahay namin, madami kasi akong niluto kaninang umaga, gusto mo doon naman tayo samin kain? Doon na din mag-aral, para na din kay Aimee at rence?" I suggested. Nakita ko naman ang kaginhawaan sa mata ni Ezekiel. "Good idea, wala akong mahanap na lulutuin dito." Sabi niya bago isara ang ref. Nilingon niya naman si Lhorence, "bihis kana, kina Ej daw tayo, bibihis lang ako." Dagdag niya at tiyaka umakyat sa kwarto niya. Sinenyasan naman ako ni Lhorence na aakyat na din siya para mag-bihis, tinanguan ko naman siya. Nandon lang ako sa sofa at nag-aantay sa kanila, nang makababa sila ay umaalingasaw ang bango nila sa buong bahay. Tss, parang hindi pink yung kwarto ah. Haha. Paglalabas ay pinigilan ako ni Ezekiel na kunin ang bike ko, kotse na lang daw ang gamitin namin, umo-o naman ako, buti na lang at nagkasiya ang bike ko sa kotse nila. Nang maihinto ang kotse sa harapan ng bahay namin ay nakita ko si Aimee na dali-daling lumabas ng bahay, may hawak siyang kutsilyo sa magkabilang kamay niya. Lumabas ako ng kotse, binaba naman agad ni Aimee ang hawak niya at lumapit sa akin na nanlalaki ang mata. "Hoy! San ka galing sino ya-" naputol ang sasabihin niya nang makita kung sino ang kasama ko. "Hala, kayo pala yan hahaha." "Hi aimee!! ^__^" bungad agad ni Lhorence sa kaniya. "Hello! Tara pasok." Sabi niya at pinagbuksan kami ng pinto. "Your house is clean." Sabi ni Ezekiel, kumakain na kami ngayon. "Nakakahiya naman kung kababae naming tao tas magulo bahay hindi ba?" Sarkastikong sagot ni Aimee sa kaniya. Natawa naman si Lhorence, tumango tango lang si Ezekiel. Pagtapos namin kumain ay si Aimee nanaman ang nag-hugas, sinamahan naman siya ni Lhorence. Relationshit goals amp. "San tayo?" Tanong ni chingchong sakin, nasa sofa siya, ako naman ay pinatay ang TV "Study room o dito nalang, you choose." Sagot ko. "Dito na lang." Sabi niya Tumango naman ako. "Ge, bihis lang ako wait moko jan." Ngumiti naman siya bilang sagot, pumunta ako kina Aimee sa kusina. "Sa study room na kayo, dito na lang kami." "Okay!" Masiglang sagot ni Aimee. Kinuha ko ang bag ko na nasa sofa at umakyat na sa kwarto ko, napagdesisyonan kong maligo ng mabilis at tiyaka nagbihis ng short at Over sized shirt na color yellow, my short is black btw. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko pa si Lhorence na nasa labas ng kwarto ni Aimee, siguro ay inaantay niya ang babae. "Inaantay ko lang si Aimee hehe." I know. "Sige, malinis ang study room kaya magiging komportable kayo don." "Mm, salamat. ^__^" Nginitian ko na lang siya at tiyaka bumaba na sa may sala, nakita ko na nakalatag na ang mga gagawin namin ni chingching pag-baba ko. "Picture." Sabi niya. Tumango naman ako at uupo na sana sa katapat niyang sofa ng pigilan niya ako. "Dito ka, di ka abot ng camera." Sabi niya at tinapik tapik pa ang tabi niya. Sumunod naman ako at umupo sa tabi niya para mag picture, I smile naturally again, pagtapos non ay tinago niya na ang selpon niya. Hindi nako umalis sa tabi niya dahil tinatamad na akong tumayo. "I guess this is so easy for you." Sabi niya "What's that?" "Part of speech." He said then he laughed. Nakitawa na din ako, madali kang naman talaga dahil tinuro na to grade 9 and isa pa, nung huminto ako ay nag-seself study ako. Even if he knew that I already know the lesson, he still explain it to me, nakinig naman ako :>. Nang matapos niya i-explain lahat ay binigyan niya ako ng quiz na 1-30, pumunta siya sa kusina habang sinasagutan ko yon. Habang nasa kusina siya ay nakita ko den na bumaba si Lhorence, they're doing some drinks, buti na lang at may Tang pa sa ref. Hehe. Umakyat na ulit si Lhorence, si Ezekiel ay pumunta sakin at naglapag ng mango juice. "Drink." "Wait, matatapos nato." Sagot ko. Nang matapos ko ay binigay ko sa kniya ang papel ko, napatingin din ako sa orasan at nakita kong 8:30 na. "You're good." Sabi niya. "It's because I've learn that before." I said. "Btw." I looke at him. "You are, 18 yrs old right?" I nodded. "Eh ikaw?" Tanong ko den sa kaniya. "19." Sagot niya. "Late nag-aral or huminto? "Huminto." "Why?" "How about you? What's your reason? I bet you also stopped that's why you're still in grade 10?" Pabalik niyang tanong. Napahinto naman ako sa pagliligpit ko ng mga gamit at tiyaka siya hinarap. Nakasandal siya sa may gilid ng sofa at nakatingin sakin. "Guilt? Hahaha." I faked my laugh. "Hm" "And you?" "I changed my identity." He answered. "W-what?" Binago niya? Kaya naman pala hindi ko siya makilala eh tss. "I didn't change my face dude, just my name, age, everything but not my face." He said that. "Aah, kung malalaman ko ba dati mong name sa tingin mo maalala na kita?" Tanong ko. "Oo, kaya ikaw na bahala pano ko hahanapin hahahahahaha." At ayon, ang tawa niya na parang hindi seryoso ang usapan. "Kilala ko ba magulang mo?" "Hindi, I didn't introduce them to you, because we're busy back then." "Ano naman ang kina bi-busyhan natin non?" "You're busy protecting your beloved Kaze, and I'm busy watching the both of you while tearing up." ........ Hindi ko alam kung sasagot ba ako o ano, nakatingin siya ng diretso sa akin, seryoso ang mukha niya pero ang mga mata niya ay punong puno ng emosyon, sakit, lungkot at galit, nasa mga mata niya lang iyon. Sht. "W-what do you mean?" I asked nervously. "Nevermind hahahaha sorry for reminding you of him." Pekeng peke ang tawa niya. Alam ko sa sarili ko na hindi ko man lang nabigyan pansin ang pag-babanggit niya sa pangalan ng mahal ko, tanging ang mga emosyon lang na nakita ko sa mukha niya ang napansin ko. Fck why?! "Hey, are you okay? I'm sorry." Doon lang ako bumalik sa reyalidad. "A-ah h-hahah, no it's okay." This is so awkward I swear. "So, tapos na tayo, hmm akyatin ko na ba sila Lhorence don? Baka tapos na din sila." Sabi niya, obviously changing the topic. "Wag na, ako na aakyat don." Sabi ko at tumayo na para umakyat, tumayo naman din si Ezekiel para itabi na ang pinaginuman namin. "You can leave it there." Bilin ko pa nang makita na huhugasan niya iyon, sumunod nan siya sakin at sumandal na lang siya sa may gilid ng pintuan. Umakyat na ako para pumunta sa study room, hindi na ako kumatok dahil alam kong nag-aaral lang naman sila. Pero mali ata ang alam kong yon. What the f**k? Inabutan ko na magkatabi si Aimee at Lhorence, nakatingin sila sa isa't isa at nagbabadiya ang paghalik ni Lhorence. Mukang hindi pa ata nila nadadama ang presensiya ko kaya bago pa man dumampi ang labi ni Lhorence sa kaibigan ko ay lumapit na ako sa kaniya at sinuntok siya sa mukha! Kitang kita ang pag-atras ni Aimee na nasa bangko habang nangingibabaw ang gulat sa mga mata niya, si Lhorence naman ay napadukdok sa lamesa, nagkalat sa lapag ang juice na nandito pati ang mga papel na gamit nila. Narinig ko ang mga hakbang ni Ezekiel sa hagdan, senyales na paakyat siya at papunta dito sa amin. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa lalaking to kung natuloy ang halik nayon! Wala pa ngang label, halik agad amputa. . . . . . To be continued~ A/N: WAAAAAAW ARAL WITH KISS GUSTO NUNG DALAWA HAHAHAHAH. See you on the next chapter! I love y'all!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD