CHAPTER 8

2974 Words
EJ'S POV. Nagising ako sa malakas na katok ni Aimee, alas syete (7am) na kaya tumayo na ako para ayusin ang pinag-higaan ko at tapos non, pumunta nako sa banyo para maligo. Nang makaligo nako ay nagbihis nako ng T-shirt na red at high waisted na pants, naka tuck in ang shirt ko. Kinuha ko ang mediyas kong black, pati na rin ang Fila kong Red. Inayos ko ang buhok ko sa isang pusod, naglagay bg pulbo at liptint, at nagpabango. Pagkatapos lahat ng non ay bumaba na ako Naabutan ko si Aimee na nasa sofa at nagseselpon, "kumain kana?" "Oo kain kana jan." Sagot naman niya. Kumain nako at hinugasan ang pinagkainan tiyaka pumunta kay Aimee para kalabitin siya. "Tapos nako tara na." Pagkasabi ko non ay nauna nako lumabas para ayusin ang bike namin, sumunod naman agad sakin si Aimee. "Tuloy kayo ni Kiel mamaya? San kayo?" Tanong ni Aimee habang inaasikaso yung bike niya. "Sa kanila daw, kayo?" Sagot ko. "Oo ata, tanong ko pa mamaya." "Pag jan kayo sa bahay ay wag na wag mo papapasukin sa kwarto ko yang Lhorence, mukang malikot, wag syang mag kakamaling buksan ang kwarto ko ah." Habilin ko pa. "Oo na, tara na." Kasalukuyan na naming pinaparada ngayon ang bike namin ng makaramdam ako ng pagtulo sa ulo ko. "Umaambon Ej, bilisan mo jan." Singhal sakin ni Aimee, nagmamadali na siya sa pagparada ng bike niya. Ganon din ako, pero saktong matapos kami ay lumakas ang ulan at nataranta kami ni Aimee, patakbo na sana kami ng biglang may payong na sumulpot sa ulunan namin pareho. Si Lhorence ay pinayungan si Aimee at sinenyasan naman niya ko na mauna na sila kaya tinanguan ko na lang, nag angat naman ako ng tingin kay Ezekiel sakto namang nakatingin na din siya sakin. "Alam mong umulan kahapon tas hindi mo man lang naisipan magdala ng payong, tsk tsk tsk." Sabi niya at sinamaan ko naman siya ng tingin. "Lalakad tayo o magpapalate tayo para sermonan moko?" Singhal ko sa kniya. "Your choice." Aniya at tiyaka tumawa, nang makita niya na seryoso ako ay huminto siya sa pagtawa. "Tara na baka malate tayo." Naglakad kami papunta sa building, hinintay ko pa siya isara ang payong niya- wait, nasabi ko ba na pink payong niya? Hahahahaha he's so gay. "What's funny?" O_o?! "Muka kang engot, pinipigilan mo tawa mo." Aniya pa. "Ah hahaha, kalalaki mo kasing tao pink payong mo hahahaha favorite mo ba pink?" Hindi ko na napigilan sarili ko, usually kasi blue or green or black ang fave ng boys right? So ano to no choice? Hahah- "Yes." Biglang sambit niya pagsara ng payong niya, humarap pa siya sakin. "Yes what?" I asked. "My favorite color is pink." Sabi niya at nauna na maglakad. Wtf? Srsly? Woah, konti na lang iisipin ko ng bakla talaga to. "Oy hintayin moko."humabol ako sa kaniya at sabay na kami ngayong umaakyat sa hagdan, "Galit ka ba? Hehehe sorry na, ngayon lang kasi ako nakakita ng lalaking paborito ang pink, well nakakita na pala ako but they are g-gay." Pagkasabi ko non ay huminto siya sa paglalakad, nasa koridor na kami malapit na sa room. "I'm not gay ok? May rason ako bat pink ang paborito ko tss." Muka siyang iritang irita haha. "Ok fine, sorry na wag kana magalit." Yun na lang sinabi ko at nagpatiuna na siyang maglakad kaya nauna siyang pumasok ng room. "Tss tampo na yan, teka, ano bang pake ko?" Sabi ko pa sa sarili ko at naglakad na. Pagpasok ko ng room ay binati agad ako ni Rhyjeil at Aster, nginitian ko lang sila. Nasa pintuan pa lang ako ng room, nakaabang na agad ang dalawang to, tinignan ko naman si Ezekiel at ayan na siya, ang pagiging seryoso niya kaya nakilala siya sa school tss. Umupo na ako sa tabi niya at nilabas ang selpon ko dahil wala pa namang teacher. "Hey." Tawag pansin ni Ezekiel sakin, "sa bahay tayo mamaya, g?" Tinutukoy niya ang about sa tutor kuno. "Ah, sige sabay na tayo umuwi, tetext ko na lang si Aimee na hindi ako uuwi." Sagot ko. "Lhorence will be there, is it okay with you?" "Why? Hindi niya tututor si Aimee?" "Nah, may lakad siya with my parents." Sabi niya, nagtaka naman ako dahil bakit si Lhorence lang. "Ah yeah, it's a private matter." "Ah okay." Sakto namang dumating na ang teacher kaya natahimik na ang klase. . . . . . Aimee's POV. Nasa room na kami at eto nanaman si Lhorence na nakayuko kahit may teacher sa harapan, weird lang dahil mula kaninang pinayungan niya ako ang tahimik niya na, may part sakin nagaalala pero mas nagingibabaw ang pagkalito ko dahil masyado naman yata akong mabilis para mag-alala, I mean, kakakilala lang namin nung Monday pero yung pag-aalala ko ay parang prends na prends na kami haha. Natapos ang first subject namin which is math, sunod na ang Science, pero malelate daw ang teacher dahil may meeting daw. Naisipan ko na kalabitin si Lhorence dahil binabalot nako ng pag-aalala. "hey" agaw atensyon ko sa kaniya, nilingon naman niya ko pero nasa ibabaw parin ng kamay niya ang ulo niya. (Basta gaiz nasa d3sk si Lhorence BABABABBA) "ayos ka lang?" Tanong ko, nanlaki naman ng bahagya ang mata niya at tiyaka ngumi, umalis siya sa pagkakayukyok at nakapanga-lumbabang hinarap ako, nandoon pa rin ang ngiti niya. Tss dapat hindi ko na tinanong eh. "Nag-aalala ka no?" Nakakapangloko ang tono niya! "H-ha? Hindi ah, pansin ko lang antahimik mo." Tss halata bako masyado?! "Eh bakit puno ng pag-aalala ang nakikita ko jan sa mga mata mo?" Napaiwas ako ng tingin sa kaniya, "andami mong alam psh." Yun na lang ang nasabi ko. "Mi-meet ko ang parents ko mamaya." Sabi niya, naging seryoso ang tono niya. Eh bakit mo sinasabi sakin? Okay na nga yan, baka may problema sya at wala siyang mapag-sabihan hihi. "And ayoko ng dahilan kung bakit kailangan ko silang i-meet." Dagdag niya at mapait na ngumiti. "Can I ask?" I asked nervously. "No, wag muna ngayon tss we're strangers." Sagot niya at natawa pa ng malakas. Kapal, strangers eh siya nga itong feeling close sakin psh! Inirapan ko lang siya at sakto naman na dumating na ang teacher namin. . . . . . Ej's POV. Nung nag vacant ako ay tinext ko na lang si Aimee na hindi ako uuwi ng maaga dahil sa tutor, alam ko kasi na may klase pa siya kaya hindi nako nag-abalang tumawag. Natapos ang mga sumunod na subject ko at nag-iwan ng mga assignment, gagawin ko na lang sa bahay nila Kiel. Inaayos ko na ngayon ang bag ko dahil uwian na, siguro ay nakauwi na si Aimee dahil laging late magpalabas tong T.H.E teacher ko. Inaantay naman ako ni Aster sa labas ng room, sabay kami bumaba pero hindi sa pag uwi. Paglabas ko ay inabutan ko si Aster na may kausap sa phone kaya nagantay din ako saglit sa kaniya. "Uy sorry hahah tumawag si mama." Sabi niya, pinasok niya na ang selpon niya sa bag niya. "Okay lang, tara na?" Aya ko at tumango naman siya. Naglalakad na kami ngayon papunta sa bike ko, nakita ko si Ezekiel na nakatayo na don at inaantay ako. "Sabay kayo ni Ezekiel diba?" Tanong ni Aster "Oo tutor eh." Sagot ko. "Aaaahhh sige ayan na sundo ko." Sabi ni Aster "Oh? Naka kotse ka? Eh si Rhyjeil?" Tanong ko, nakita ko kase ang kotse na dark green sa labas ng gate. "Nanjan na sa loob, baka naglalaro ng ML hahahah." Sagot naman niya nakitawa naman ako. "Sige na bye!" Sabi niya pa at kumaway, kinawayan ko na din siya at tiyaka pumunta kay Ezekiel. "Tagal niyo, nagluto kayo?" Bungad agad ni Ezekiel, naayos niya na ang bike niya, ako naman ay kasalukuyan nang inaayos ito. "Hoy." Tawag pansin niya. "Hinde, chikahan lang tss." "Waw ha, kanina lang ah tawang tawa ka sa usapan niyo ni Aster, ngayon ay sinusungitan mo na ako." Sabi niya pa kaya medjo natawa ako Ang kyut niya hahaha- Sino yung kyut? Aish! "Tara na" aya ko at nagpatiuna nang mag pidal kahit hindi ko alam saan ang bahay niya. Nang nasa subdivision na kami pinauna ko na siya, hindi ko naman alam bahay nila eh. Nadaanan na ang bahay namin pero hindi pa rin kami humihinto, nag dirediretso pa kami tapos lumiko sa kaliwa, dire-diretso ulit at lumiko ulit sa kanan, nilagpasan namin ang tatlong bahay tiyaka kami huminto. Jusme, ang layo neto samin ah tsktsk. Halos katulad lang ng amin, wala ring nabago, ang iba kasing mga bahay dito binabago nila ang disenyo ng bahay, pero ang amin ni Ezekiel ay halos walang nabago. Ang amin ni Aimee ay nagkaron lang ng halaman sa may garahe dahil wala naman kaming kotse, ang kina Ezekiel ay may kotse ang garahe nila at may mga palamuti sa gate. Pumasok na kami sa may gate at itinuro naman ni Ezekiel kung saan ko pwede ilagay ang bike ko, sinunod ko naman siya agad. "May kotse pala kayo eh, bat hindi mo ginagamit?" Tanong ko out of curiousity. "Mahal ang gasolina." Sagot naman niya. "Eh ano silbe niyan?" "Pag pupunta kami sa bahay nila mommy, yan ang gamit namin."sagot niya. "Ah ganon." Yun na lang nasabi ko at ngumiti naman siya tiyaka ako inaya pumasok. Pagpasok ay alam mo agad na lalaki ang nakatira dahil gray at white lang ang pintura ng loob, nakita ko si Lhorence na nasa sofa at nanonood ng TV. "Oh, hi Ej!" Bati ni Lhorence, nginitian ko naman siya bilang tugon. "May pagkain jan sa ref, initin mo na lang." Sabi ni Lhorence kay Ezekiel, "akyat nako liligo." Dagdag pa niya at tiyaka umakyat sa kwarto niya. "Ano oras ba alis non?" Tanong ko kay Ezekiel na kasalukuyang iniinit ang pagkain, ako naman ay naupo sa sofa. Wala namang ibang tao eh, tiyaka parang bahay ko den kaya medjo komportable hehe. "Alas otso (8pm), matagal maligo yon, matagal din mamili ng damit kaya kumilos na agad." Sabi niya, tumango tango naman ako at inilabas ang notebook ko sa mga subject na may assignment at ginawa muna iyon. "Tara muna dito kain." Aya niya. "Akala ko hindi moko aayain, nagugutom na din ako eh hehe." Sabi ko at tumayo na tiyaka pumunta sa may lamesa ng kusina nila at nupo. "Ikaw na maghanda ah? Ako bisita dito hahaha." Tumawa lang siya, naghanda na siya ng pagkain namin. Habang kumakain ako ay nararamdaman ko ang tingin ni Ezekiel sakin, huminto ako sa pagkain at tinignan siya. "Ang creepy mo! Nakatingin ka sakin habang sumusubo ng pagkain tss." Nagulat naman siya tiyaka tumawa. "Natutuwa lang ako sayo, dumadaldal ka na pag kasama ako." Sagot naman niya. "Ayaw mo non, it means nagiging komportable nako sayo." Sinabi ko yon na nagmamalaki sa kaniya tiyaka tinuloy ang pagkain ko. "Komportable ka naman talaga sakin, kinalimutan mo lang." Sagot naman niya, inirapan ko lang siya at kumain ulit. "Kumain ka naman ng vacant ah, muka kang gutom hahaha." "Buhay ko ang pagkain, wala kang magagawa." "Okay fine." Pagkakain ay naghugas siya ng pinggan at ako naman ay bumalik sa sofa para gawin ang assignment ko, 7:30 na ng bumaba si Lhorence mula sa kwarto niya. "Aalis nako hoy." Sigaw niya sa kapatid niya. "Aalis nako Ej, pasabi na lang kay Aimee na wag siya mag-alala hahaha." Sabi naman niya sakin kaya tinawanan ko na lang siya. "Gagamitin mo yung kotse?" Tanong Kiel sa kambal niya. "Natural, ano tatakbo ako papunta don? Tss." Sagot naman ni Lhorence sa kaniya kaya natawa ako ng bahagya. "Yeah yeah." "Sige na aalis nako, bye Ezek, bye Ej!" Sigaw pa ni Lhorence palabas ng pinto, narinig ko ang pag-alis ng kotse nila kaya alam ko na naka-alis na si Lhorence. "Akyat kana." Ani ni Kiel. "Ang sagwa ng tawag sayo ng kapatid mo no? Hahaha Ezek? Pero kyut." Sabi ko habang binabalik ang mga gamit ko sa bag. "Tss, mas okay nako sa Ezek, kesa naman sa 'chingchong' mo." Ginaya niya pa talaga ang boses ko! "Di wow!" Sabi ko at naunang umakyat sa taas, si Chingchong ay nagaayos pa sa kusina. Katulad lang talaga ng samin ang bahay nila, hindi ko nga lang alam saan ang study room nila, binuksan ko ang pinto sa may kaliwa ko hindi ako pumasok, sinilip ko lang, nakita ko ang picture ni Lhorence na nakasabit malapit sa may bintana, kulay blue ang pintura ng kwarto ni Lhorence. Lumipat naman ako sa kwarto na nasa kanan ko, inaasahan ko na ito na ang study room. Binuksan ko ito at gaya kanina ay hindi ako pumasok, sumilip lang ak- O_O?!! Pink ang pintura ng kwarto nato?! Tf? Akala ko nag-bibiro lang si Kiel na pink ang fave color niya pero totoo pala? Wtf? He's so ga- "Sana pumasok kana lang, nahiya kapa." Nagulat ako sa boses na nagibabaw at naisara ko ng malakas ang pintuan ng kwarto na sinisilip ko. Inayos ko ang sarili ko at humarap kay Kiel. "Hinahanap ko kasi ang study room niyo, heheheh sorry." Saad ko at nag peace sign pa ako. "Tss nandon sa dulo oh." Turo niya sa may kwarto na nasa dulo. Napatango naman ako at maglalakad na sana pero pinigilan niya ako. "Jan na tayo, yan na pinasok mo eh." Sabi niya sakin at nilagpasan ako, pumasok siya sa kwarto niya at naiwan akong kukurap kurap. . . . . . Ezekiel's POV. Pumasok nako sa kwarto ko, hindi ko alam kung matutuwa ako sa mukha niya o maiinis dahil KWARTO ko lang naman yung sinilip niya. Tss. Hindi dapat kami dito eh, kaso kahapon ay may pumunta na kaklase ni Lhorence dito sa bahay at sa study room nag liwaliw, tinamad nako linisin yon kaya nilipat ko na lang ang mga kakailanganin namin dito sa kwarto ko, kinuha ko den ang isang lamesa at dalawang upuaan mula sa study room at inilagay dito sa kwarto ko, nilgay ko yon sa may tabi ng bintana para naman kita ang buwan at preskong hangin ang malanghap namin, mas masarap magaral pag ganoon. Inaayos ko na ang mga gagamitin namin sa mesa, si Ej ay palinga linga sa kwarto ko, muka siyang bata na pumunta sa amusement park hshshs. "Hoy, maupo kana dito oh." Tawag ko sa kaniya, lumingon naman agad siya at naupo na don sa mesa, "alam ko naman na madali na lang sayo to, may babasahin lang ako sayo tapos ay sasagutin mo, ngayon ay may babasahin akong kwento tapos may sasagutan ka, bibigay ko mamaya pag tapos ko magbasa." Pagpapaliwanag ko sa kaniya "Tangina, elementary bako?" Tanong niya. "Tss, stop cursing, ayon ang sabi ni Ms. Sumusunod lang ako." Sagot ko naman. "Okay fine." Umirap pa siya bago itinuon sa mesa ang paningin. "Oh ano?" "Picture muna tayo." Sabi ko "Tss oo nga pala, tara na, tas simulan na natin to, baka gabihin ako anlayo neto samin." Nag picture kami, at napangiti naman ako, natural lang ang ngiti niya, hindi halata na ayaw niya ng ginagawa niya. Pagtapos nang ginawa ko sa selpon ko ay itinago ko na sa bulsa ko, tinignan ko siya at inaayos niya na ang upo niya, nilabas ko na ang storya na binigay ni Ms. Na babasahin ko at kailangan niyang sagutan iyon. Nag- umpisa nako magbasa at siya naman ay nakatitig lang sa akin. . . . . . Ej's POV. Kasalukuyan na ngayong nagbabasa si Ezekiel, hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kaniya, sakto lang ang kapal ng kilay niya, ang mga mata niya ay kung titignan mo ay parang antamlay pero bumagay naman sa kaniya, may bigote siya pero hindi makapal kaya nag mukha siyang matured, ang labi naman niya ay normal lang din ang kapal, hindi ganoon ka perpekto ang mukha niya pero attractive tignan, pero sa di malamang dahilan ay nagtataka ako kung bakit kahit anong pilit kong alalahanin ang mukha niya, ay wala talagang pumapasok sa memorya ko. "Nakikinig kaba?" Bumalik ako sa reyalidad dahil sa boses niya. "Oo tss." "Muka kasing busy kakasuri sa mukha ko, ano naalala mo na ba ko? Hahahaha." "Kapal mo boi, tuloy mo na yan." Ganon na nga ang ginawa niya, pinagpatuloy niya na ang pagbabasa and this time ay nakinig na ako. Nang matapos niya ang babasahin ay may inilabas siyang folder, kinuha niya ang lonh bond paper at inilapag sa harapan ko. "Sagutan mo yan, 1-15 lang yan, I'll give you 30 mins. May kukunin lang ako sa baba." Sabi niya at tumayo na tiyaka lumabas ng kwarto. Yung mga tanong parang tanga lang, pang elementary pota, sinagutan ko na agad yon at wala pang kinse minutos natapos kona yon, si chingchong hindi pa bumabalik kaya naisipan ko munang tumayo at inilibot ang mata ko. Nakakatuwa na pink ang pintura ng kwarto niya pero dama mo pa rin na lalaki ang may ari, bukod sa plain na disenyo ng kama niya ay maamoy mo din ang pabango ng lalaki. Ang orasan na nasa dingding ay kulay gray (A/N, KUNG 'GREY' ANG SPELL NON AY SORRY HAHA KAYO NA MAG ADJUST.) Ang lagayan ng mga damit niya ay Gray den ang kulay, buti na lang at may salamin iyon at hindi nag mukang natamlay ang kulay. Bumalik ako sa upuan ko at tumingin sa labas ng bintana, buti at naisipan nuyang buksan iyon, napatingin nanaman ako sa langit at nakita ang buwan at mga bituin na nasa paligid neto, isama na ang mga ulap. Sht, I missed you again. "You missed him." Npatingin ako kay Ezekiel na may hawak hawak na tray. "Me too." Kung ganon ay pati si Kaze ay kakilala niya? What the actual f**k? "I missed him too." . . . . . See you on the next chapter! A/N: ano ba spell non? Gray o grey? Ksksksk k bye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD