EJ'S POV.
Pag-akyat ko ng kwarto ay dumiretso ako sa cabinet ko at kumuha ng damit, kinuha ko ang hoodie ko na white at jogging pants kong black, kumuha na din ako ng sando panloob, malamig naman dahil sa lakas ng hangin at ulan kaya okay lang ang suot ko haha. Nilagay ko lang sa kama ko ang susuotin ko at nagpunta na sa cr ng kwarto ko para maligo, pag-tapos ko maligo ay nagbihis na ako tinignan ko muna ang orasan, 9:44 na kaya naisipan kong bumaba ulit.
"May lakad ka?" Tanong ni Aimee pagbaba ko.
Naupo muna ako sa sofa na katapat ng TV, si Aimee ay nasa pangisahan lang na sofa nakaupo sa gilid ng inuupuan ko. "Wala" simpleng sagot ko at nanood din ng balita.
"Eh bat ganiyan suot mo? Para kang aalis, naligo ka pa talaga." Sabi niya pa habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
Tss, masama na ba maligo ngayon? Ano ba mali sa suot ko? Malamig eh!
"Malamig eh." Sagot ko ulit.
"Malamig na nga naligo kapa? HAHAHAHAHAHA kung ako sayo wala nang liguan."
"Tss kaya walang tumatagal sayo eh, ambaho mo."
"Ikaw nga walang jowa niyeta to psh!"
Natawa na lang ako at binalik na sa TV ang atensiyon ko.
Maya maya lang ay nakaramdam ako ng gutom, nakita ko ang oras at mag a-alas onse na wala din akong almusal kaya siguro nagugutom ako. AlTang na ang kain ko neto tss,
ano yung 'AlTang'? Almusal-Tanghalian hahahahah.
"Kumain kana?" Tanong ko kay Aimee
"Hindi pa, baka sa labas ako kumain mamaya, tinatamad ako magluto Ej senysa na hehe." Sagot naman niya.
-,-
"Sige labas lang ako ah? Nagugutom nako." Sabi ko.
"San ka kakain?" Tanong niya.
"Baka mag mall ako, umuulan mahirap kumain sa tapsilogan." Sagot ko.
"Ah sige ingat." Sabi niya at nanood na ulit ng TV.
Tumayo na ako at umakyat sa kwarto para kumuha ng payong, pati na rin pera siyempre. Pagpasok ko sa kwarto, nakita ko ang selpon ko na naka ilaw, may notif. Ata. Binuksan ko ang selpon ko at nakita ang madaming chat ni Ezekiel! Sunod sunod nanaman ang 'Hi' niya tss, pinindot ko ang call dahil tinatamad ako mag reply.
"Ano number mo?" Bungad ko sa kaniya, hinihingi ko yon dahil wala namang wifi sa labas ng bahay at sa mall kay pano ko siya kakausapin diba, ayoko din maubos ang load ko sa tawag sa messenger, malaki bawas sa load non lol.
"Why? Messenger is not enough?" Tanong niya.
"Yes, malaki bawas sa load, pupunta ako ng mall kakain." Sagot ko naman.
"Ok I will message you my number." Sagot niya ulit at siya na ang nagbaba ng tawag.
Tumunog ulit ang selpon ko, nakita ko ang message ni Ezekiel. Sinave ko ang number niya at idinial iyon.
"Eto number ko save mo na." Sabi ko at ibaba ko na sana ang selpon ko ng pigilin niya ako. "Bat?"
"Pupunta kang mall diba? Kakain?" Tanong niya.
"Oo bakit?"
"Sama ako."
O_o?!
"Ok sige palabas pa lang ako." Sagot ko.
"Text kita pag malapit nako, labas kana." Sabi niya at ibinaba na ang tawag.
Kinuha ko na ang dapat kong kunin at bumaba, binuksan ko ang pinto, sumalubong sakin ang malamig na hangin at ulan, hindi na masiyado malakas ang ulan, binuksan ko ang payong ko at lumabas. Hindi na ako ganon katagal nagantay dahil nag text na si Ezekiel na malapit na siya, naaninag ko na siya kaya lumabas nako ng gate namin, sinara ko muna yon bago humarap sa daan.
"Hey!" Sabi ni Ezekiel.
"Hey din" sabi ko at medjo natawa siya -,-.
Tinignan ko siya at- pucha!
"Its not planned." Depensa niya agad.
Magkapareho kami ng suot! Naka white na hoodie den siya and jogging pants ba black, ang tsinelas ko ay puti ang kaniya ay itim.
Tss ano bayan! Muka kaming magjowa lol.
"Okay lang yan, wag mo na lang hilingin na sana ay walang naka-ganyan sa mall, muka tayong sasayaw." Sagot ko.
"Hahaha yeah right, lets go?" Sabi niya.
"Wag moko englishin, kakain tayo hindi pupunta sa event tss." Sabi ko.
Tumawa naman siya at naglakad na kami palabas ng subdivision, paglabas ay sumakay kami ng jeep punta sa mall, mabilis naman kaming nakapunta doon.
"Pangatlong araw niyo na sana sa school namin, sayang umulan." Sabi ni Ezekiel, kasalukuyan kami ngayong naglalakd sa mall at naghahanap ng kakainan. "Tuloy pa tutor?" Tanong niya.
"Kung humina ang ulan mamaya ay pwede natin ituloy, kung hindi baka bukas na lang." Sagot ko.
"Okay."
Napag-disisyonan naming sa Jollibee na lang kumain, sinabi ko na Spaghetti, chicken at ice cream ang order ko kay Ezekiel, pinahabol ko pa ang fries. Siya ang pumila para umorder at ako naman ay naghanap na ng upuan, hindi naman siya masiyadong nagtagal at nagpunta na sa upuan namin. Dala dala niya na ang order namin at dahan dahang inilapag iyon sa mesa
"Gutom ka?" Bungad niya sakin pagupo niya.
"Oo, hindi pako nag aalmusal."
"Ah ganon? Sige kain na tayo." Sagot niya.
Habang kumakain ay napapaisip ako. Bakit kaya hindi ako naiilang na kasama siya? Pangatlong araw pa lang simula ng makasama or makita ko siya, kahapon lang kami naging 'friends' kuno pero parang taon na kaming magkaibigan tss. Hindi ko namalayan ang sarili ko nahinto pala ako sa pagkain at titig na titig nako sakniya!
"What?" Takang tanong niya dahil nahuli niya akong nakatitig sa kaniya.
"Wala hehe." Naisagot ko na lang at nagpatuloy na ulit sa pagkain.
"You're not 16 am I right?"
O_O? Tss.
Nagulat ako sa tanong niyang iyon kaya naibaba ko ang kutsara at tinidor, ganon din ang ginawa niya, pinagkrus niya pa ang kamay niya tiyaka sumandal sa upuan at diretsong nakatingin sakin.
"Well, yeah I'am not." Sabi ko at tinignan siya. "How did you know?"
"Simabi sakin ni Rhyjeil that you're 16 years old and I bet that its not true." Taka ko siyang tinignan ng diretso at napangisi pa siya nang makita ang pagtataka sa mukha ko. " 'Cause I'm not 16 either." Sabi niya ikinagulat ko.
"So, hindi lang pala kami ni Aimee ang nagbabawas ng edad hahaha." Natawa talaga ako seryoso hahaha, we did that para makapasok sa school nayon.
"Yeah right, they're not accepting a grade 10 student with an age of 17 and above, I wonder why." Sabi niya pa at kumain na ulit.
"Because that's not the right age I guess, I mean if 17 or 18 ka then grade 10 ka palang meaning non ay late ka nag-aral? So gusto ata nilang maging perpekto ang school nayon at ipa-mukha na walang repeater sa kanila? Haha funny."
"You're smart." Sabi niya at sumubo ng pagkain niya, ako ay sumubo muna bago magsalita or should I say magyabang.
"I know." Simpleng sagot ko.
"I already know too." Sagot niya nagpatigil sa akmang pagsubo ko ng kutsara.
He's really weird, why he's acting like he already know me? And if he really do, why the fck I didn't know him? s**t.
"Hey, pede mag tanong?" Agaw ko sa atensyon niya.
Tinignan naman niya ako at nang makita na seryoso ako ay ibinaba niya ang kutsara at tumingin sa akin.
"Hm?" Sagot niya.
"Do I know you? Or, do you know me? Since when?" Diretsong tanong ko sa kaniya.
"No." Sagot niya.
"No, what?" Naiirita kong tanong.
"You don't know me." Sagot niya dahilan para mapatingin ako sa mga mata niya ng seryoso. "But I know you." Dagdag niya na nagpalaki ng mata ko. "I already said that, why are you so shock?" He chuckled.
"Pano? Sino ka? Kilala moko pero hindi kita kilala? And since when, wala ka nga sa alaala ko, hindi ko mahanap ang mukha mo sa mga cabinet na nasa utak ko." Dirediretsong sabi ko pero tinawanan niya lang ako.
"Maybe my face is in that cabinet, but its locked, that's why you can't open it hahahaha." Ha! At talagang natawa pa siya.
"So I need a key?" Pinatulan ko na ang biro tss.
"I dont think so, the key is already gone, you need a axe, so you can break it." Seryoso niyang sabi kaya napamaang ako.
"Where's the axe?" I asked seriously.
"The lesson plan." He said that before laughing, ang ibang nandito ay tinitignan na kami kaya sinamaan ko siya ng tingin para matahimik, agad naman siyang nanahimik, pero maya maya kang ay nagsalita ulit. "I'm serious tho, the lesson plan is the axe, magkakasama tayo dahil itututor kita, siguro tapos non ay maalala mo na kung sino ako? Hmm." Sabi niya.
"That's why you count the days, you looked excited." Sabi ko naman.
"20 days because its 3 weeks, I count the days not because I am excited lol." He said.
"3 weeks? Then its 21."
"Its 20, Day 1 is today, walang tutor tuwing sunday, 3 weeks from now test na natin. Baka nakakalimutan mong 2nd grading na kayo pumasok, pero anyway, its 20 days." Dire-diretsong sabi niya, ako naman ay nagbibilang sa utak ko.
Day 1 ngayon? Let me see, wed, thur, fri, sat, mon, tues, wed, thur, fri, sat, mon, tues, wed, thur, fri, sat, mon, tues, wed, thur, fri, sat. Sus, 22 days yon eh, bobo neto.
"Its 22! Stupid." Sabi ko at napatingin naman siya sakin parang nakatingin siya sa walang kwentang bagay. "What?" Inis na singhal ko.
"Sa 3rd week, friday exam, saturday result ng exam, tss bobita." Sabi niya at inirapan ako.
He's so gay.
"Ok!" Inis na sabi ko at kumain na ulit.
Pagkakain namin ay lumabas na kami ng Jollibee, palabas na sana kami ng mall ngunit nakakalokong lumakas ang ulan, as in! Lumakas pota, masisira ata ang payong pag sumugod diyan. Gaya namin ni Ezekiel, may mga tao din na nakatayo malapit sa exit ng mall na nagdadalawang isip kung susugod sa ulan dahil sa lakas neto.
Fck! Ano naman gagawin namin neto sa mall kung nag i-stay kami? I dont like shopping, sayang pera.
"Ano gagawin natin dito?" Tanong ni Ezekiel.
"Tanong din yan ng utak ko eh pota." Sabi ko at napatingin siya.
"You cursed, you're still a bad girl." He giggled.
"You really know me huh?"
"Told you." Sabi niya pa
"Saan nga tayo neto? Tss." Pag-mamaktol ko, naisipan ko munang tawagan si Aimee. "Tawagan ko muna Aimee ah? Jan ka lang baka lamunin ka ng ulan." Habilin ko sa kaniya, natawa naman siya at tinanguan ako. "Mag c-cr ako, mag cr ka na lang din kita tayo don" tinuro ko ang upuan na nasa gitnaan ng mall, nandon kasi ang fountain, oo! May fountain sa loib ng mall tss.
"Sige." Sagot niya.
Pumunta ako sa cr, umihi muna ako bago pumunta sa may salamin at naghugas ng kamay tiyaka kinuha ang selpon sa bulsa ko. Yung payong ko pala ay naiwan ko kay Ezekiel haha, parang tanga dalawa payong niya. Idinial ko na ang numero ni Aimee.
On Phone ?
"San kana oy? Ang lakas ng ulan, makakauwi ka pa ba? Jan kana tumira sa mall BWAHAHAHAHAH." Bungad agad sakin ng madaldal nato.
"Oo at dadalhan moko ng unan." Sabi ko naman.
"Pakyu hahahah." Sabi niya.
"Gago, baka pahinain ko muna ang ulan at tiyaka ako uuwi tss, kasama ko pa naman yung chingcho--"
"Kasama mo si Ezekiel?!!"
Nailayo ko pa sa tenga ko ang selpon ko dahil sa ingay ng bungaga nitong babaita nato.
"Oo oo kasama ko potangina ang ingay mo, nag eco sa cr ang boses mo."
"Kasama mo sa cr si Ezekiel? The f**k Eli-"
"Gago hindi, kasama ko sa mall, nag cr lang ako saglit."
"Ahhh, yan pala yung hinihintay mo kanina sa gate, buti pala hindi kita nilabas, hindi ko din napansin ang pagsulpot niyan."
"Naaninag ko na siya malayo pa lang kaya lumabas nako sa gate tss."
"Ah, oh eh bakit ka tumawag?"
Amputa, para ipaalam na hindi ako makakauwi, hindi ba obvious?
"Para sabihin na mamaya pako makakauwi."
"Pake ko? Kahit ata wag kana umuwi wala akong pake sayo, and besides, may kasama ka naman na lalaki, kaya naman siguro niyang sumuntok ano?" Nakakaloko ang tono niya, natawa pa siya.
"Ok fine." Sabi ko at ibinaba na ang telepono.
Palabas nako ng cr ng makasalubong ko ang pamilyar na mukha na nasa pintuan ng cr, papasok siya, nakayuko siya papasok ako naman ay nakahinto dahil sa kabang nararamdaman ko. Bumabalik nanaman lahat nang nangyari noon, s**t. Nakayuko siya kaya hindi niya namalayan ang presenya ko, nabangga niya ako dahilan para mahulog ang selpon ko, buti na lang at naka case yon.
"Ow, sorry hij-" natigilan siya ng inabot niya sakin sa selpon at nakilala kung sino ako. "Ikaw pala yan hija, long time no see." Sabi niya at nginitian ako. "Pasensya na, hindi kita napansin, buti at walang sira." Iniabot niya sakin ang selpon ko, hindi ko alam kung magsasalita ako o hindi.
"S-salamat p-po." Sinubukan kong hindi mautal pero nabigo ako. "T-tita." Sambit ko ng akmang papasok na siya.
"Bakit hija?" Tanong niya.
"Sorry po." Hindi ko napigilan ang luha ko, kusang tumulo ang mga ito.
"Hija" bumuntong hininga siya bago magsalita ulit. "Hindi ako galit sayo, hindi ko kayang magalit sa babaeng minahal ng anak ko, kahit ano pa ang dahilan." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko bago ipagpatuloy ang sasabihin niya. "Nangyari na, huwag mong hayaan balutin ka ng nakaraan na hindi naman talaga ikaw ang may kasalanan, sapat na ang pagsisi, palayain mo na sa nakaraan ang 'yong sarili." Tapos non ay niyakap niya ako at pumasok na siya sa cr. Ako ay naiwang tulala doon.
Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang matuwa dahil nawala ang kaba ko.
tunay na napakabait ng mama mo Kaze, hindi man lang siya nagtanim ng galit sa akin kahit alam nilang ako ang dahilan ng pagkawala mo.
Bumalik ako sa katinuan nang may humawak sa balikat ko, tinignan ko iyon at hindi na nagulat ng si Ezekiel iyon, nakatingin siya sa mata ko na puno ng pagaalala at pangamba. Sa hindi malamang dahilan ay tinignan ko din siya at pilit inaalala kung sino siya,
Sino ka ba? Ang mga tingin na yan ay pamilyar sakin ngunit hindi ko malaman kung sino ka, bakit kailangan na ganiya ka mag-alala sakin, bakit ang pakiramdam ko ay napakagaan kahit na hindi naman kita kilala? Natatanga ako Ezekiel.
"Hey, are you okay? What happen? Did someone hurt you inside? Hey answer me." Inalog, alog niya pa ako, pero ang luha ko ay hindi pa rin mapigil, masaya ako dahil nawala ang kaba ko nang makita ko ang mama ni Kaze, pero nalulungkot ako dahil naalala ko nanaman ang pangyayari sa nakaraan. "Why- why are you crying? Hey come on let's talk somewhere, they're watching us." Patungkol niya sa mga tao sa mall. Dinala ako ni Ezekiel sa may parking lot nasa bandang dulo iyon, pag nag park ka ay may pasukan sa mall sa may parking lot, doon kami pumunta, tahimik doon at tanging mga kotse ang makikita. "Okay tell me now, what's up?"
"I'm jusy happy." I said it, but I guess he's nor convinced.
"You're fckng crying Elice, I'm worried, then you're going to say that you're just happy?" Halatang naiinis siya pero lamang ang pagaaalala sa tono niya.
Pinunasan ko muna ang luha ko bago magsalita. "I met someone from past." I look at him, he's so serious, halatang hinihintay niya na may sabihin pako kaya pinagpatuloy ko ang sinasabi ko "mother of someone I used to love to be exact, I thought she's mad at me because of what happen to her son, the person that I loved, but she's not so I'm happy." Pagpapaliwanag ko, seryoso pa rin ang mukha ni Ezekiel nang tignan ko siya.
"Ah si it's tears of joy?" He asked.
"Hindi." Sagot kobat natigilan siya, bumalik ang nag-aalalang mukha niya. "I'm hurt." Dagdag ko at nagunahan nanaman ang mga luha ko, halatang hindi alam ni Ezekiel ang gagawin niya kaya nginitian ko muna siya bago magsalita ulit. "Nasasaktan ako kasi bumabalik nanaman lahat ng nangyari sa nakaraan, naalala ko nanaman kung paano ko pabayaan yung taong mahal ko." Hindi ko napigilan at napahagulgol na ako.
Naramdaman ko na lang na yakap yakap na ako ni Ezekiel. "Your weak point." Sinabi niya iyon sa paraan na alam na alam niya na yon. "Your past, is your weakness." He's still hugging me. "It's not your fault, don't blame yourself Elice." He said it again like he knows everything.
Kumalas ako sa yakap niya at pinunasan ang mga luha ko, nang tignan ko siya ay nandoon pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya. "Alam mo? Kasalukuyan akong nilalamon ng kalungkutan, pero hindi ko maiwasan na paulit ulit itanong sa sarili ko kung sino ka talaga? Ano posisyon mo sa buhay ko, at bakit wala ka sa memorya ko." Napabuntong hininga naman siya.
"Hindi talag ako pwede jan sa memorya mo dahil masiyadong okyupado ng ibang tao yang isip mo noong panahon na gusto kong magpakilala sayo." Yoon na ata ang pinaka mahabang tagalog niya.
"Pano? May alam ka ba? About Kaze, about sa nangyari, kung bat siya wa-"
"Meron, kung ano ang alam mo ay alam ko rin, kung ano ang nakita mo sa mga oras nayon ay alam na alam ko." Nangilabot ako sa mga sinasabi niya, nakakapangilabot isipin na may taong kilala ako pero hindi ko naman kilala, feeling ko tuloy ay binabantayan ako. "Pero ayokong magpakilala, gusto kong hayaan yang memorya mo umalala kung sino ako."
"Unfair." Saad ko.
"Yes I know, I just want you to think about me everynight like, 'who the hell is thay guy?' Hanggang sa makatulog ka, gusto kong ako ang nasa isip mo, para makabawi ka sa kasalanan na ginawa mo sakin." Napakunot ang noo ko sa narinig ko, ano naman kasalanan ko? Tss. "And ofcourse you dont have any idea what's that sin right haha, goodluck then." Sinamaan ko siya ng tingin at tinawanan naman niya ako.
"Tss."
"I'm okay with your 'tss' thing, than seeing you crying for blaming yourself." Seryosong sabi niya, agad naman siyang ngumiti para mabago ang mood na nakapaligid saming dalawa mula pa kanina. "Let's go inside? Mainit dito sa parking lot." Sabi niya at sumangayon naman ako.
"Hintayin natin humina ang umulan, tapos umuwi na tayo." Sabi ko nang makaupo na kami katapat ang fountain, sa likod namin ang labasan at pasukan ng mall, marami paring tao doon na nagaantay sa pagtila ng ulan. "Tss mag aalasdos(2pm) na, meryenda na." Reklamo ko pa, katabi ko lang si Kiel at siya ay nakatingin lang sa fountain. Nang marinig niya ang sinabi ko ay nilingon niya ako.
"Meryenda mo alasdos? Tss alas-kwatro (4pm) ang akin." Sabi naman niya.
"Eh malapit na don yon no!" Singhal ko sa kniya.
"Ye ye, kung yan ang ikakatulog ng kaluluwa mo." Inirapan niya pa ako!
"Konti na lang iisipin ko nang bakla ka chingchong." Sabi ko ulit dahilan para manlaki ang mga mata niya.
"Ano?! Ako bakla? Yung itsurang to ay bakla sa paningin mo? May EO dito baka gusto mo magpatingin, tiyaka ano yung chingchong? Chingping chalapong chongchong? Tss." Salubong ang kilay niya habang sinasabi niya yon, pinagkrus niya ang kamay niya at sumandal sa upuan bago ibinalik sa fountain ang paningin.
"Hahaha ang kyut mo." Natatawa pang sabi ko, napatingin naman siya sakin at nawala ang pagsalubing kilay niya. "O-oh? Bat?" Inosente kong tanong.
"Am I cute?" Ngingiti ngiti niyang tanong.
Tss parang yon lang ampota.
"And handsome hahahahahaha." Tinawanan ko na talaga siya kasi naman yung mukha niya parang tanga!
"Yeah yeah, stop laughing." Sumeryoso ulit siya kaya napatigil ako sa pagtawa ko.
Lumingon ako sa labasan at napansin na tumila na ang ulan kaya inaya ko na si chingchong na umuwi, paguwi ay siyempre sinalubong ako ng tanong ni Aimee bago ako hayaang pumunta sa kwarto ko.
.
.
.
.
.
A/N: Hi!! Hahaha I'm so happy, eto yung first chapter na umabot ng 3k+ ang words that's why I am happy hehe.
Sorry sa mga misspell, hindi ko napapansin eh hehe.
Pag umabot talaga to ng 100 reads, ako na ang pinakamasayang author! Hahahahahaha labyuall muah muah.
Don't forget to stan BTS! If you don't like them or their faces, just try to listen to their songs hshs. Kung ayaw mo ng korean, may mga gumagawa ng english version ng kanta nila hehe
RECOMMENDED.
Euphoria- jungkook of BTS
Love Myself- BTS (kung english, ang isisearch mo ay "BTS Love Myself english version ;>."
Maganda naman lahat ng kanta nila hehe ang iba ay about BTS and ARMYs love for each other kaya hindi ko ma recommemd sa mga hindi ARMY hehe,
So ayon na nga diba binugaw ko na BTS hahaha, bye everyone! See you on the next chapter! Stay safe muah muah hihi, and stay with me!