CHAPTER 15

3484 Words
Ej's POV. "Ej!! Luto na ang breakfast, tayo kana jan!" Nang marinig ko ang boses ni Aimee ay agad akong tumayo at nagligpit ng pinaghigaan ko. Hinanda ko muna ang susuotin ko bago pumasok sa cr para maligo, pagkabihis ko ay tiyaka ako bumaba. Naabutan ko si Aimee na kumakain na kaya naupo na ako sa harapan niya, nakahanda na din ang pinggan at may laman na din kaya kakain na lang ako. "Ano oras ka umuwi kagabi?" Tanong ni Aimee nang makatatlong subo na ako. "9? ewan." sagot ko. "Aga ko nakatulog kagabi eh, hindi na kita naantay." "Aga nga, pagod ka?" "Hindi naman, basta nung naliligo ako unan na nakikita ko don sa sabon hahahahahahahaha." baliw amp. "May sakit pala si Lhorence?" "Oh? ano?" nagaalalang tanong ni Aimee. "Hindi ko alam eh, walang may alam actually, alam lang daw nila na may sakit si Rence pero hindi nila alam kung ano." "It's severe, I guess." napahinto pa siya sa pagkain nang sabihin niya yon. "Paano mo naman nasabi?" takang tanong ko. "Ayaw nila sabihin eh!" sigaw niya bigla. eh bat ka naninigaw?! tinignan ko lang siya, hinintay kung may sasabihin pa siya. "tinago nila sakit ni Lhorence, so it means malala yon or what." pagpapaliwanag niya. "Ask him." "Hindi niya nga sinabi sa mga kaibigan niya sakin pa kaya!!" "Tss." Pagtapos kumain, ako ang naghugas ng pinggan, si Aimee ang nagayos ng bike namin. Pagdating sa school nandon na agad sila Lhorence, kasama niya na ngayon si Ezekiel. "Hi Aimee! Hi Ej! ^__^" bungad agad samin ni Lhorence. Pagkaparada ng bike namin ay nagpaalam na sakin si Aimee na aakyat na sila ni Lhorence kaya naiwan kami dito ni Ezekiel. "Good morning." bati ni chingchong. "Good morning Chua." "Huwag ka maingay." bulong niya. "hahahahahaha, tara na." Umakyat na din kami ni Ezekiel papunta sa room. Pagdating namin don ay sinalubong agad kami nila Aster, si Rhyjeil ay inaasar si Ezekiel sakin pero tumatawa lang si chingchong. Pagupo ko sa tabi ni Ezekiel ay saktong pagdating ni Ms. kaya natahimik ang room. "Good morning class." "Good morning Ms. Cien." Pagupo namin ay may nilabas na Poster si Ma'am Cien. "woah, ang aga naman niyan ma'am." "oo nga ma'am." "sa 4th grading pa dapat yan maaaAAaAaaaAm" Sigawan ng mga kaklase ko. "Quite." mahinahon pero may diin na sabi ni Miss. "And it's 'miss'" dagdag pa niya. "This will happen on September, may oras pa para makapag-ready kayo and makapili ng isasali niyo." sabi ni Miss. "Ang Audition ay sa September 4, friday." sinulat niya yon sa board."pagtapos ng auditon ofcourse may ellimination, pagdedesisyon ang date non after ng auditon." "Pero Miss, bakit ang aga?" tanong ni Rhyjeil. "Hindi ko alam, nautusan lang kami." sagot ni Miss. "So? Get ready 10-2, dapat dito sa section nato makakakuha ng CU crown okay?" magiliw na sabi ni Miss. "yes miss!!" sagot namin. "That's all for today, I will leave early so you can have time to think who's going to be Mr. and Ms. CU!" pagkasabi non ni Miss ay umalis na siya kaya naghiyawan ang mga kaklase ko. "Contest equals to noclassesandfullofpapicturekaycrush day." bulong sakin ni chingchong. "Edi wag ka pumasok." sabi ko sa kaniya kaya natawa siya, tinignan ko naman siya with 'whats-funny-look. "Pag hindi ako pumasok sa mga araw nayon, pano na yung mga magpapapicture sakin? hahahahahaha." sabi ni Ezekiel, Napatingin samin amg mga kaklase namim dahil medjo napalakas ang tawa ni chingchong. Nang mapansin niya ay huminto siya sa pagtawa at tinignan ang mga ito. "Bawal bako tumawa?" tanong niya pa, nagilingan na lang ang mga kaklase namin tiyaka bumalik sa kaniya kaniya nilang ginagawa. "Hindi sila sanay sa tawa mo, tahimik mo daw kasi lagi." sabi ko sa kaniya. "Pano mo naman nasabi?" "Na chika na sakin ni Aster." "okay." Tumayo ako para magpahangin sa labas, masiyadong maingay ang mga kaklase ko. Paglabas ko ay nakakahiya mang sabihin, pero ang room lang namin ang maingay sa koridor ay tahimik. Pinagmamasdan ko ngayon ang mga estudiyanteng tumatakbo dahil late na, ang iba naman ay parang may-ari ng school ang lakad. "Hey" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Aster sa tabi ko. "Nagulat ba kita? hehehe sorry." "Okay lang." sabi ko. Lumingon naman ako sa room at nakitang kinukulit ni Rhyjeil si Ezekiel, nakakunot man ang noo ay tumatawa pa rin siya kahit papaano. "Nakakatuwa na umiingay na si Ezekiel." sabi ni Aster, nakasandal na rin siya at pinagmamasdan si Ezekiel at Rhyjeil ma nagkukulitan. "First day of school non, ang tahimik niya sobra, si Rhyjeil lang ang kausap nyan. Pinakilala siya sakin ni Rhyjeil, pero hindi na kailangan." huminga siya ng malalim tiyaka ngumiti. "Kilala ko na siya since 1st year High School, naging kaklase ko siya non pero hindi niya ako kinakausap, actually halos lahat naman ata? hahahahaha, then 2nd year, si Rhy naman ang naging classmate siya. Sabi ni Rhy masyado daw tahimik kaya kinausap niya, then ayon naging friends sila." "Sabi ni ching-- Ezekiel nag stop siya, bat magkaklase pa rin kayo?" I asked. "Huminto din kami ni Rhy dahil sa Daddy ko, nasa ibang bansa kami for 1 year, me and Rhy didn't expect na magiging kaklase namin si Ezekiel." sagot naman niya. "Hindi niya sinabi samin kung bakit siya nag stop, masiyado daw private, lalo siyang naging tahimik non hayst." dagdag pa niya. May kinalaman kaya ang paghinto ni Ezekiel samin ni Kaze? Tss. "Pasok na tayo sa loob?" aya sakin ni Aster kaya tumango na lang ako at pumasok na sa room. Pagpasok namin ni Aster, agad na umalis si Rhy sa upuan ko at pinaupo ako. Inaasar niya pa rin si Ezekiel hanggang sa makaupo siya sa silya niya. "Ano pinagusapan niyo sa labas ni Aster?" Tanong sakin ni Ezekiel, may dinodrawing siya na kung ano ngayon sa notebook niya. Yumuko muna ako sa desk ko pero sa kaniya ako nakaharap, ginawa kong unan ang braso ko. Mula dito sa pwesto ko ay kitang kita ko ang detalye ng mukha ni chingchong, seryoso siya sa dinodrawing niya. "Bakit, interesado ka?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya. Tumingin siya sakin at umirap bago ibinalik sa dimodrawing niya ang kaniyang paningin. Bakla. "Nakatingin kasi kayo sakin." O_O? hindi ko naman siya nakitang nakalingon samin, pano niya nalamam na nakatingin kami sa kaniya?! lololololol. "Lakas ng pandama mo ah." "So ano nga pinaguusapan niyo?" tanong niya ulit, "Ikaw." simpleng sagot ko, inalis ko na ang pagkakahiga ko sa desk at nakapangalumbabang hinarap si Ezekiel, nakatingin na siya ngayon sakin. Habang busy siyang titigan ang mukha ko ay sinilip ko ang dinodrawing niya. Woah! Isa iyong disenyo ng bahay, hindi kalakihan pero maganda ang disenyo. Namangha ako dahil diretsong diretso ang pagkakaguhit non kahit hindi ko naman nakitang naglabas siya ng ruler. "Ganda niyan ah." puri ko sa drawing niya. "Hindi mo yan natatandaan?" biglang tanong niya, binigyan ko maman siya ng nagtatakang tingin."Pinakita ko na yan sayo yan dati, mas maayos nga lang jan ng konti yung drawing." "Ha? kelan?" "Kinalimutam mo talaga lahat ng nakaraan mo tss, sabi mo pa nga non yan yung gusto mong design ng bahay niyo ni Kaze." "For real?" "Yes." Pinilit kong alalahanin ang senaryong sinasabi niya pero wala akong maalala. Sa hindi malamang dahilan, ang pangyayari kung saan namatay lang si Kaze ang bumabalik sa alaala ko dahilan para sumakit ang ulo ko at mapahawak ako dito. "Hey, are you okay?!" Nag-aalalang tanong sakin ni chingchong. "This is weird." sabi ko ng maka recover sa pagkasakot ng ulo. "Pag inaalala ko ang mga nangyari noon, tanging ang scene lang kung paano namatay si Kaze ang naalala ko, kahit noong nameet ko ang mama ni Kaze sa Mall, yung scene lang din nayon ang naalala ko." pahpapaliwanag ko kay Ezekiel. "I think you're not okay." "What do you mean?" "Nevermind." Magsasalita pa sana ako ngunit biglang natahimik ang room dahil next subject na pala, natahimik na din kami ni Ezekiel. --- Nasa T.H.E na kami ngayon, may meeting ang T.H.E teachers kaya wala kaming klase pero binilinan kami na magstay sa room hanggang sa mag uwian. Habang may kinukwento sakin si Aster, biglang nag vibrate ang selpon ko kaya nagpaalam ako kay Aster na sasagutin ko lang si Aimee, Lumabas ako ng room at doon inilabas ang selpon ko. On phone? "Wala kaming last subject, una nako uwi ah?" bungad ni Aimee. "Lagi ka namang nauuna umuwi baliw, wala din ako last sub. pero ayaw kami palabasan hanggat hindi pa uwian." "Ahh okayy sige uwi nako ah." "kasabay mo si Rence?" "oo byee!" pagtapos non ay pinatay niya na ang tawag, sakto namang pagbulsa ko ng selpon ang pagsulpot ni Ezekiel sa gilid ko. "Hi." bati niya. "Hello." bati ko naman pabalik. "Wala naman kayong teacher bakit hindi pa kayo lumalabas?" tanong niya pa habang nakamasid sa mga kaklase naming babae na may kaniya kaniyang ginagawa sa loob. "H'wag daw kami lalabas hanggat hindi pa uwian." sagot ko. "Eh bat ka nasa labas?" tanong niya ulit. "Tss hindi mo ba nakita? sinagot ko tawag ni Aimee kaya ako lumabas." "Ahh, pasok kana ulit, dito na lang kita antayin." "baka ma bored ka jan?" "hahahaha hindi." Nagpaalam na ako kay chingchong na papasok nako. Pagpasok ko ay sa upuan ko ako dumiretso, tinanaw ko pa so Ezekiel at nginitian niya naman ako tiyaka nag thumbs up. Dahil don ay napangiti din ako. Nawala ang tingin ko sa kaniya ng tumabi sakin si Aster at Yoshie "Muka kayong mag-jowa ni Ezekiel." sambit ni Aster. "Oo nga." si Yoshie, natawa naman ako sa kanila, muka silang naghihinala na ewan. Alam niyo yung itsura ng nanay pag tinatanong yung anak nilang babae kung may boyfriend na? Hahahahaha ganon itsura nila. "We're just friend." sagot ko sa kanila, medjo natutuwa pa rin sa mga mukha nila. "Sus! Lahat naman ng magjowa sa pagkakaibigan nagsimula." banat ni Yoshie. "Pero karamihan sa magjowa nagiging stranger na lang bigla." sagot ko naman. "Hindi naman lahat." si Aster "Kaya nga karamihan." sagot ko sa kniya. "Siguro kung magiging mag-asawa kayo ni Ezekiel, tahimik bahay niyo hahahahahaha." Yoshie. Nakitawa naman si Aster kaya sinabayan ko na sila, napalingon naman ako kay Ezekiel. Bahagya pa siyang nagulat dahil sa aksiyon ko pero nginitian niya pa rin ako. "Kanina pa nakatingin yan dito." sabi ni Yoshie dahilan para mabalik sa kanila ang atensiyon ko. "Baka ikaw ang tinitignan." pang-aasar ko na agad namang dinugtungan ni Aster. "At iniisip kung bakit ambobo mo sa math." Dahil doon ay nagtawanan nanaman kami. Naubos ata ang oras namin kakaasar sakin at kay Yoshie, inunahan na nila ko ni-hindi man lang ako sinabay sa pablabas ng room. Para daw magkaron kami ng time ni chingchong, mga baliw. Nakita ko pa silang kumaway kay chingchong kaya nginitian sila nito. Nang maayos ko na ang gamit ko ay lumabas na ako, agad naman ako sinabayang maglakad ni chingchong. "Ang daldal niyo." aniya. "Pag wala lang teacher kami nakakapagdaldalan ng ganon." sagot ko. "Hahahaha okay." Agad naming inayos ang bike at pinaandar yon. Nakipag karera ako sa kaniya ang this time siya ang nanalo. Ang daya kaya! hinaharangan niya ang dinadaanan ko. "Madaya ka! hinaharangan moko." pagmamaktol ko sa kaniya habang pinaparada ang bike ko. "Anong madaya don? hahahaha ang bagal mo kase." sabi niya at binelatan ako tiyaka nagpatiunang pumasok sa loob ng bahay nila. Tss parang bata, yan ba yung sinasabi nilang seryoso?! Pagpasok ko ay naghahanda siya ng pagkain pero ang mga sasagutan ko at babasahin niya ay nandon na sa lamesang nasa harap ng sofa. Nilapag ko lang ang bag ko sa sofa at tiyaka siya pinuntahan sa kusina. "Nasa kwarto na si Lhorence?" tanong ko nang mapansing walang sumalubong samin. "Obviously." maikling sagot niya habang nilalabas ang ininit niyang pizza. sino umuorder ng pizza? nung nakaraan donut. "Ahh, hindi na ata ako sanay na walang sumasalubong na masiglang Ezekiel hahahaha-" nahinto ako sa tawa ko nang pagtingin ko kay chingchong ay seryoso siyang nakatingin sakin. "b-bat?" "May gusto ka ba kay Lhorerence?" Tanong niya na ikinagulat ko. "Ikaw nga hindi ko gusto eh, Yun pa kaya?" diretso kong sagot sa kaniya. Inalis niya ang tingin sakin at inilagay sa Pinggan ang pizza. "Well, we have different personality." banat niya pa. "And you think I will like someone who has Lhorence' personality? You said you know Kaze?" banat ko naman. "He's masayahin like Rence." sagot niya tiyaka kinuha ang hinanda niyang pagkain at naglakad papunta sa sofa. Inilapag niya sa mesa ang Pizza. "But he's not babaero lke Rence." sabi ko at sinundan siya doon *clap clap clap* Sabay kaming napalingon ni chingchong sa pababang Lhorence habang pumapalakpak. "I-compare daw ako sa patay." sabi pa niya habang pumapalakpak pa rin. Dumiretso sa kusina, may tinignan siya sa ref. mukang hindi niya nakita ang hinahanap niya kaya tumingin tingin pa siya sa paligid. bumagsak ang paningin niya sa mesa namin kung saan nakalagay ang Pizza. nanliit ang mga mata niyang tinignan kami ni chingchong. "Kakainin niyo yung pizza ko nang wala man lang akong naririnig na 'thank you'" Kinuha ko na ang isang pizza at Kinagatan iyon tiyaka nangaasar na tinignam si Lhorence. "Bumili ka na lang ulit." sabi ni chingchong at kumuha din ng isa para kainin iyon "Tangina." bulong pa ni Lhorence na sa huli ay walang nagawa kundi bumalik sa kwarto niya. Pagakyat ni Lhorence ay tiyaka kami nagtawanan ni chingchong, halos makalimutan naming mag-aaral nga pala kami. About sa History ng Pilipinas ang binabasa ngayon ni Ezekiel sa akin. "Kasama yan sa exam?" Tanong ko kaya nahinto ang pagbabasa niya. "Nasa lesson plan, edi kasama." sagot niya at nagpatuloy sa pagbabasa. Nang matapos niya basahin ang lahat, binigyan niya ulit ako ng papel para sagutan, halos 30 minutos ang ginugol niya sa pagbabasa ng lesson. alas-siyete na pala. Pagkita ko ng papel na sasagutan ko ay nanlumo ako. Alam ko naman na may pagka matalino ako, pero ayoko ng fill in the blanks! "Hirap tss." Pagrereklamo ko. "Madali lang yan." si chingchong. Hindi ko alam kung sarcasm yung sinabi niya or what tss. "Nyenyenye." Tinawanan niya na lang ako. Natapos akong magsagot nung mag aalas otso na, jusko! halos isang oras ko sinasagutan tong mga tanong about sa History ng Pilipinas, hindi ata ako Pilipino eh. "Tapos kana?" tanong ni chingchong nang makababa na siya mula sa kwarto niya. Nakapagbihis na siya. "Oo kakatapos nga lang eh." sagot ko. Niligpit ko ang gamit ko at nilagay ko naman sa gilid ng mesa ang kaniya. Isinandal ko ang sarili ko sa sofa at inirelax ang ulo, tanging puting kisame na lang nila ang nakikita ko. Pinikit ko ang mata ko nang maalala yung panahon na nandon ako sa Ospital pagtapos ng aksidenteng nangyari kay Kaze. "Kamusta ang anak ko?" Narinig kong sabi ni Daddy, Obviously, he's talking to a doctor or nurse. I didn't open my eyes. Parang gusto ko na lang manatili dito, ayoko nang idilat ang mata ko dahil alam kong tutulo lang ang mga luha ko sa alaala na nangyari kahapon. "She's okay now sir, I suggest na manatili muna siya dito for weeks to rest." sagot ng babae na hindi ko alam kung nurse or doctor. "Thank you doc." pagkasabi non ni daddy ay nakarinig ako ng pagsara ng pinto, dahil siguro sa pag-alis ng doctor. "I'm sorry sir." Medjo nagulat ako dahil hindi ko expected na may iba pa palang tao dito. "No it's okay, Thank you for everything Chua." Naidilat ko ang mata ko. Pakiramdam ko ay nanaginip ako dahil sa alaalang bumalik sa isip ko. "You're there." sambit ko, napalingon sa akin si Ezekiel na kasalukuyang may dinodrawinh sa sketch pad niya. Binigyan niya lang ako nang nagtatakang tingin. "When I'm at the Hospital, pagtapos ng insidente kay Kaze." Nanlaki ang mga mata niyang tumingin sakin, pero nawala din agad iyon dahil napalitan ng kung anong tuwa ang nababasa kong reaksiyon ng mga mata niya. "Y-you remembered?" He asked. "Teka nga.." irita kong sabi kaya binaba niya muna ang sketch pad niya at inantay ako magsalita ulit. "anong you remembered you remembered?! Hindi ko matandaang nag-ka amnesia ako." "Wala namang nagsasabi sayo na nagkaamnesia ka eh." simpleng sagot niya kaya lalo ako nairita. "Eh ano yang 'you remembered' mo?" "tinatanong ko kung naalala mo na." potangina. "Eh hindi nga ako nagka amne-" "Hindi ka naman talaga nagka-amnesia, ikaw lang mismo ang sinadyang kalimutan lahat nang nangyari noon. Hindi ko nga alam sayo bakit sa lahat nang ititira mong alaala ay yun pang naaksidente kayo ni Kaze." dirediretso niyang sinabi iyon kaya nahinto ako sa pagsasalita. "Ha?" Huminga siya ng malalim bago magsalita. "Sarili mo mismo ang nagsabi sayo na kalimutan na ang nakaraan pero nakakalokong isipin na nagtira ka ng isa, yung pinaka masakit pa." Ilang sigundo din siguro kami nagkatitigan ni Ezekiel, may mababasang lungkot sa mga mata niya. Parehp kaming bumalik sa reyalidad nang sabay na tumunog ang selpon namin na nasa mesa. Nauna siyang kumuha at sumunod naman ako. Nag iingay ngayon sa gc ang mga kaklase namin, pinag-uusapan nila ang about doon sa pageant sa Mr. and Ms. CU. --GC-- RHYJEIL -sino pambato natin mga bobo?- ASTER -hoy manahimik ka!- ANTONYO -wala ka pala sa kambal mo Rhyjeil eh HAHAHAHAHAHA- ASTER -Okay guys tahimik muna, may announcement ako!- -Ang magiging bakanteng oras natin bukas ay magiging meeting natin. Mag bobotohan tayo kung sino ang magiging kandidato natin at kung sino ang mga bahala sa sulisit or anything na ka-kailanganin doon. Ms.Cien expect us to win so we need to do our best.- ROGER -President namin yaaaaAaAaaaan!- ATENWORD -Naku rujer, gusto mo lang si Aster eh HAHAHAHAHA.- Dahil sa chinat ni Awi (Atenword) ay nagkatinginan kami ni Ezekiel. "May gusto si Roger kay Aster?!" tanong ni chingchong. "aba ewan ko, ikaw tong kasama nila Aster since First grading eh." sagot ko. --GC-- RHYJEIL -may gusto ka jan? HAHAHAHAHA ampanget niyan.- ASTER -Tanga, kambal tayo edi panget ka rin? HAHAHAHA- ATENWORD -natahimik si Roger.- Biglang natahimik ang gc, buti na lang nagchat pa si Rhyjeil. RHYJEIL -si Aster din HAHAHAHAHA puntahan ko na kaya sa kwarto niya?- ASTER -leche ugok!- RHYJEIL -HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA- ATENWORD -HAHAHAHAHAHpAHGWJSHWJSJSJ- ASTER -Bye na, bukas na ang meeting. Ang magchat pa ay oreremove ko!- Dahil don ay natahimik na ang GC. kami ni Ezekiel ay natatawa na lang sa kagaguhan ni Rhyjeil at Atenword. "Kung si Aster kaya ang iboto natin bukas?" suggest ko. "Hindi papayag yon sigurado, hahahahahaha." "Bat?" "Batman." "namo!" Tapos ng asaran nayon ay nagpaalam na ako na uuwi. Hanggang sa pagpipidal ko pauwi ay iniisip ko kung bakit nandon si Ezekiel nung ma Ospital ako, at bakit siya nag so-sorry kay daddy? even daddy knows that he's surname is Chua that time, bakit parang ako lang ang walang alam?! Or Ezekiel was right, I unconciously forgot about that incident and only the part where Kaze and I had accident os left in my memory because of guilt?! Sa sobrang pag-iisip, muntik na akong makalabas ng subdivision. Pagpasok ko sa bahay, patay na ang ilaw dito sa baba kaya umakyat na ako. Naaninag ko na bukas pa ang ilaw ng kwarto ni Aimee, gising pa siya it means. Kumatok muna ako at hinintay kung sasagot pa siya, nang hindi ko narinig ang sagot niya ay magsasalita na sana ako nang mag vibrate ang selpon na nasa bulsa ko. On phone~? "Ej!! May kumakatok sa kwarto ko, asan kana? pauwi ka na ba?! Natatakot akooo, isang beses lang siya kumatok pero feeling ko masamang tao." pabulong pa siya magsalita kaya napakunot ako. "Anong sinasabi mo?!" irita kong sabi sa kniya. "Hala Ej! may narinig ako nagsalita sa labas huhuuu Ej!! may kasama ata-" "tanga." "ha? seryoso ako Ej! hindi to prank huhuhu." "bobo." "Ej naman eh!! naririnig ko talaga, mukang may kausap pa siya!" "inutil." "Ej-" Unti unti kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya para lalo siyang takutin. Hehehehe. "Omayghad Ej!" bulong niya sa telepono. "Binubuksan niya yung pinto!" "mangmang." hininaan ko na lang iyon dahil baka marinig niya ang boses ko. "EJ-" Tuluyan ko nang binuksan ang pintuan at tiyaka- "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Masamang tingin ang ibinigay sakin ni Aimee, nakita kong halos maluha na siya, siguro ay natakot talaga hahaha. "Kdrama pa! HAHAHAHA." pang-aasar ko pa. "Leche ka Ej!" "Hahahaha, kumain kana?" "Oo ikaw?" "Busog nako hahaha tinignan ko lang kung gising ka talaga." "Psh! matutulog na nga ako, nung papatayin ko na ilaw bigla kang kumatok!" "hahahaha okay, sorry na, sige na matulog kana goodnight!" "mama mo gudnayt!" narinig ko png sigaw ni Aimee nang makalabas ako. Pagpasok ko sa kwarto ko ay naligo na ako at nagpalit ng pantulog ko, chinarge ko ang selpon ko at nahiga na sa kama. Hindi nako nag-isip isip pa dahil baka kahit inaantok nako ay hindi ako makatulog. Maya maya lang ay nakatulog na din ako. . . . . . See You on The Next Chapter! Love You All OoO. Muah❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD