CHAPTER 5
Ezekiel's POV.
Napatay ko ang telepeno dahil hindi ko inaasahan ang sasabihin ko.
Psh antanga tanga mo kiel! Hindi ka niya kilala tss.
Tinignan ko pa ang convo namin, nagbabakasakaling mag chachat pa siya pero nabigo ako, nakita kong nag offline na siya.
Elice Montelava ? ? •••
Active 2 mins. Ago
Hindi nakalagay sa sss name niya ang second name niya, siguro ay ayaw niyang tinatawag siya don tss. Inilagay ko na ang selpon ko sa table na nasa gilid ng kama ko at natulog na.
*K_I_N_A_B_U_K_A_S_A_N*
Nagising ako sa malakas na katok ng kapatid ko.
*TOK TOK TOK*
"Gising na hoy! 7am na, una na ako ah?" Aniya.
O_O? Aga naman neto, tss makikipaglandian lang to eh.
Tumayo na ako, inayos ang kama ko at tiyaka dumiretso sa banyo para maligo. Paglabas ko nagbihis na ako ng uniform ko, kinuha ko ang selpon ko at inilagay iyon sa bag ko tiyaka nag desisyon na bumaba. Pag-baba ko, naabutan ko ang pandesal at choco spread sa kusina, kumain lang ako ng isa at iniligpit na iyon, hinuling tingin ko pa ang bahay bago isara iyon, inuha ko na ang bike ko sa pinag -pupwestuhan neto at nilabas ng gate, sinara ko na ang gate at tiyaka pinaandar na ang bike ko papunta ng school.
.
.
.
.
.
Ej's POV.
Pagkagising ko, 7:30 na, kaya nagmadali akong naligo at nagbihis ng black na oversized shirt at ripped jeans, sinuot ko na din ang white kong rubber shoes para maiba naman -,-
Pagbaba ko ay bihis na si Aimee, naka black pants siya at white na T-shirt na hindi ganon kaluwagan, naka tuck in yon sa pantalon yon. "Oh?! Pa-akyat pa lang sana ako sayo, ayoko kasing maistorbo ang tulog mo kaya nagantay ako hanggang 7:30." Sabi niya pa kahit wala naman akong balak itanong sa kaniya kung bakit hindi niya ako ginising, kahit kelan to ay ang daldal daldal.
"Kakain ka? May tira pang kanin at hatdog don oh." Anyaya niya.
"Hindi na tara na?" Aya ko sa kniya.
"Sige" sagot naman niya.
Pumunta na kami sa bike namin at inilabas iyon sa gate, sumakay na ako sa bike habang hinihintay siya magsara ng gate.
Naagaw ng pansin ko ang lalaking nag babike na paparating, papalabas siguro ito ng subdi, ang bahay kasi namin ay malapit sa exit ng subdi. Nang makilala ko ito ay tinawag ko si Aimee.
"Aimee! Bilis lika dito, iyon oh! Iyon ung Ezekiel." Sabi ko at nginuso ang papalapit na bike, palihim ko lang iyon ginawa dahil baka makita kami.
Si Aimee naman ay nanlaki ang mga mata sa nakita niya, tss oa. "Hala shete! Kamukhang kamukha niya si Lhorence, pero teka, dito nakatira yan? Edi dito den nakatira si Lhorence?" Sabi niya na halata ang excitement sa boses niya.
"Oo"sagot ko, at nagtago nang makita ko na palagpas na ang bike samin. Nang makalagpas na to at tiyaka ko hinarap si Aimee. Nakatingin naman ito sa akin na nagtataka. "Tss, pag nakita ako non ay sigurado akong kakausapin nanaman ako non." Singhal ko sa kniya.
"Wow! Ang ganda mo naman te!" Sabi niya pa.
"Tss tara na baka ma late tayo." Yaya ko
Nag pidal na kami papunta sa school, nang makarating kami sa school ni-park na namin ang bike namin sa tabi ng guard house kung saan din naka park ang ibang bike. Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng lalaki, malawak ang ngiti nito na nakatingin kay Aimee, tinignan ko to at nasisiguro kong eto yung Lhorence, dahil hindi naman magkakilala si Ezekiel at Aimee -,-
"Hi Aimee! ^__^." Sabi nito na parang galak na galak at nakita niya si Aimee.
Yuck, eww, new kalandian, new maiiwan. Psh
"O-oh? Hi Rence, hehe" bati naman ni Aimee na parang nailang pa. Ambabaduy niyo!
Napatingin sakin ang Lhorence at binigyan ko lang siya ng blangkong tingin. "Ah? Hello? ^__^" bati den nito sakin at ngumiti, pinigilan kong lumabas ang pandidiri sa mukha ko dahil nakikita ko sa kniya si Chingchong!
Si Ezekiel yon!
"Hi" walang ganang bati ko, binalik niya ang tingin kay Aimee.
"Hm, Lhorence, si Ej, bespren ko, siya yung transfer sa section 2." Pagpapakilala ni Aimee sakin. "Ej, si Lhorence" pagpapakilala naman niya dito sa Lhorence.
"Kambal mo yung Ezekiel?" Diretsong tanong ko, napatingin naman sa akin si Aimee sa gulat, hindi niya inaasahan na itatanong ko iyon agad, si Lhorence naman ay hindi nagulat pero natigilan siya.
"Oo, Ezekiel Reyes ng section 2, kambal ko :>" sagot niya naman, tinanguan ko lang siya.
"Sige, una na ko ah?" Baling ko kay Aimee, tumango naman siya. "Huwag mo landiin ang kaibigan ko, kung sa huli ay papaluhain mo." Diretso kong sabi doon sa Lhorence na unti unting nawala ang ngiti sa labi, nauna na ako sa kanila umakyat sa building dahil ayoko namang maging 3rd wheel.
Pagdating ko sa room, sinalubong agad ako ni Aster, naabutan ko naman si Rhyjeil na nasa upuan ko at kinukulit si Ezekiel, nasabi sakin ni Aster na magkaibigan daw yon, si Rhyjeil lang ang kaibigan ni Ezekiel dito bukod dito ay wala na.
Pumunta nako sa upuan ko, tinignan naman ako ni Rhyjeil na agad ngumiti sakin, malawak na malawak na ngiti! Psh.
"Hi Ej!!! ^__^" bati ni Rhyjeil at tumayo mula sa upuan ko para paupuin ako.
Pagkaupo ko ay tiyaka ako nagsalita. "Para kang si Lhorence." Sabi ko dahilan para mapatingin si Ezekiel sa gawi ko, kahit si Rhyjeil ay nagulat sa akin. Pinipigilan kong natawa at pinatili ang seryoso kong mukha HAHAH.
"Kilala mo si Lhorence J?" Tanong ni Rhyjeil, si Chingchong naman ay nakatingin din sakin at nagaantay ng sagot ko.
"Oo, kaklase ng kabigan ko, section 3." Sabi ko at napa 'aaaahh' naman si Rhyjeil.
"So kaibigan mo din yung transfer? Nice." Sabi sakin ni Rhyjeil. At bumaling naman siya kay Ezekiel. "Mukang may bagong haharutin ang kapatid mo Kiel, hahahahaha" tinignan naman siya ng masama ni Kiel.
Kinalibit ko si Chingchong at humarap siya sakin. "Pagsabihan mo ang kambal mo, pag nakita kong umiyak ang kaibigan ko at siya ang dahilan, gagantihan ko siya sa malinis na paraan, yung tipong walang maiiwang ibidensiya na ako ang may kagagawan." Diretso kong sabi sa kniya, kaya naman nanlaki ang mata niya at si Rhyjeil ay napa 'Oooohhhh'
Bumalik na sa upuan niya si Rhyjeil ako naman ay itinuon na sa teacher ang atensyon, pero sadjang sinsapian ata ako ng demonyo, hindi ako maka pag-focus sa pinagsasabi ni Ms. Cien, hindi ko den napipigilan ang ulo ko na lumingon sa labas ng bintana. Kahit na wala ng mga estudiyante na dumadaan dito, nalilibang naman ako sa puno na hinahangin.
"Paying attention to the trees, instead of miss?" Mahinang sambit ni Ezekiel, yung ako lang talaga makakarinig. Sinulyapan ko siya, nakay Ms pa rin ang paningin niya habang nag te-take down notes, kaya inirapan ko lang siya at narinig ko naman ang pag ngisi niya. "You can't pass the exam if you're not listening, are you that smart?" Dagdag niya pa.
Inis ko na siyang nilingon. "Bat ba ang hilig mo mangielam?" Mahinang tanong ko, siniguro ko din na siya lang ang makakarinig.
"I'm not nangingielam, I'm just concern." Aniya.
"Then, I don't need your concern." Diretsong sabi ko sa kaniya, napangiti naman siya habang papalit palit pa rin sa notebook at kay Ms. Ang paningin niya. "You keep on smiling at me, are you already inlove with me?" Ngisi kong tanong sa kniya.
Dahan dahan niya akong nilingon at seryoso siya! "What if..." ngayon ay nakatingin na siya ng diretso sa mata ko, pilit ko namang pinapanatili ang seryoso kong mukha. "What if i am?" Dagdag niya na nagpalaki sa mata ko, ikinatawa niya naman ito.
"f**k off, you're annoying me." Sabi ko pa na ikinatawa niya, naagaw naman niya ang atensyon ni Ms. Kaya kinabahan ako huhu, mapapagalitan pako neto eh.
"Mr. Reyes! Hindi ka nga late ngayon, pero bigla ka na lang tumatawa." Inis na sambit ni Ms. natahimik naman si Ezekiel na nilingon pa ako! "First time atang may dinaldal ka? At transfer pa? Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sayo." Dagdag pa no Ms, nag bungisngisan naman ang nga kaklase ko.
>>_>_<<
"At tiyaka, natutuwa ako sayo alam mo ba yon?" Tinignan ko siya. "Ikaw lang ang babaeng kinausap non sa school, bukod kay Aster,at sa mga teacher ay wala na" dagdag niya. "Baka sakaling magkasundo kayo." Sabi niya pa at nginitian ko niya ako, sinagot na lang din siya ng ngiti.
Tapos ng bwiset na balita na yon ay umalis na kami ni Rhyjeil sa office, dumiretso na kami sa classroom, si Rhyjeil ay walang ginawa kundi ang mag kwento ng mag kwento tungkol sa ugali ni Ezekiel habang inaantay umakyat ang mga estudiyante.
"Wag na wag mo nang kakausapin ang lalaking yon pag nakita mo nang salubong ang kilay, baka bigla kang paglamayan HAHAHAHAH" kwento niya pa, nginisihan ko na lang ito.
Nagdatingan na ang mga kaklase namin, bumalik na upuan niya si Rhyjeil dahil andito na si chingchong. Natapos ang tatlong subject ng hindi ko naintindihan ang mga lesson tss, inaayos ko ngayon ang gamit ko nang kalabitin ako ni Ezekiel.
"Oh?" Singhal ko, nasa mga gamit ko pa rin ang paningin ko.
"20 days" sabi niya.
"Huh?" Taka kong tanong
"20 days tayo magkakasama." Naka ngiti niya pang sabi.
-,-.
.
.
.
.
.
To be continued <3
CHAPTER 6
Ej's POV.
Hindi ko maintindihan ang sinsabi niya, tss bilang na bilang? Grrrrrrrrrrrrrrrr.
"Pake ko." Sagot ko na lang sa kaniya at kinuha na ang bag ko para lumabas na ng room, hindi pa man ako nakakalayo sa room ay may humawak na sa balikat ko dahilan para mapahinto ako. Nilingon ko ito at kusang nag-salubong ang kilay ko nang makita ko si Ezekiel ang may gawa non, ngayon ko lang nakita ang katangkaran niya dahil hindi naman kami nagkakasama, hanggang balikat niya lang ako, kaya kailangan ko pa siyang tingalain. Nung nakita ko kasi siya sa subdivision ay madilim kaya hindi ko ito napansin masiyado. "Ano ba?!" Inis na singhal ko sa kniya dahilan para mapatingin ang ilan naming kaklase na kakalabas lang ng room.
"Ansunget mo." Sabi niya, inalis niya ang kamay niya sa balikat ko at tumayo ng diretso.
Hinarap ko naman siya, hinintay ko muna makaalis ang mga kaklase namin, at nang masiguro kong kami na lang ang tao sa harap ng room ay tiyaka ako nagsalita. "First of all, I'm not masunget, nabubwiset ako sayo wanna know why?" Tanong ko pa, tinaasan naman niya ako ng kilay. "Feeling close ka kasi, hindi kita kilala pero kung kausapin moko ay parang sampung taon na ang friendship naten, ang hilig mo den mangielam sa mga bagay na dapat hindi na binibigyan ng pansin." Sabi ko sa kaniya at napabuntong hininga naman siya.
"Ok sorry, I'm sorry." Seryosong sabi niya, halos hindi siya makatingin sa mata ko habang sinasabi yon pero ramdam mo yung sinseridad sa sinasabi niya. "I-I just w-want to be friend with you." Utal niya pang sabi na ikinataas ng kilay ko, hindi siya makatingin sakin at parang nahihiya pang napahawak sa batok niya.
"Fine." Sabi ko, napatingin naman siya sakin na parang nagulat pa at nagsalita ako. "Let's be friend then." Dagdag ko pa at nginitian siya, siya naman ay parang hindi makapani-walang nakatingin sakin. Tss ang wirdo talaga neto.
"Really?" Paninigurado niya at tinanguan ko naman siya kaya mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya.
"Ok, we're friends, now let's go." Pagkasabi niya non ay inakbayan niya ako para maglakad, nagulat ako sa ginawa niya kaya tinapik ko ang kamay niya at agad naman niya iting inalis sa pagkakaakbay sakin.
"Papakilala kita sa bestfriend ko." Sabi ko dahil nararamdaman ko ang pananahimik namin papalabas ng building.
"Hmm yung kasama mo mag transfer dito?" Tumango ako. "Sige" sabi niya at nginitian ako. "Nga pala, si Lhorence." Sabi niya at nilingon ko naman siya. "H-hindi ko kasi alam kung trip niya ang kaibigan mo, sinabi niya sakin kagabi na seseryosohin niya daw yon eh" sabi niya na parang nahihiya pa.
"Hmm, madalas talaga yan sinasabi ng playboy para mapabihag ang puso ng babae." Sabi ko, napangiti naman siya sa sinabi ko. "Ayoko lang masaktan ang kaibigan ko, madami naging ka M.U non, pero wala pang nagiging jowa, karamihan sa naging ka M.U niya ay pinaiyak lang siya, pinaasa, ginamit, ganda lang habol sa kniya, at ayoko sa lahat ay nakikitang umiiyak yung taong mahalaga sakin, hanggat maaari ay gusto ko silang protektahan." Mapait akong napangiti, si chingchong ay seryosong nakikinig sa kwento ko, papalapit na kami sa mga nakaparadang bike at nakikita ko na si Aimee, kasama si Lhorence. "Siya, kahit siya na lang sana ay maprotektahan ko." Sabi ko kasabay ang pag buntong hininga.
"That's why I want you to be my friend." Seryosong sabi ni Ezekiel habang nakatingin sa kawalan at napapangiti pa.
"By any chance.." sambit ko oara mapatingin siya sakin, "do you know me?" Tanong ko, natigilan siya sa paglalakad kaya huminto din ako.
"Yes." Sabi niya na ikinagulat ko. "I know you, sadly you don't know me." Pagkasabi niya non ay nagpatiuna na siyang maglakad papunta kina Lhorence, ako naman ay naiwang tulala, sino ba siya?
Naglakad na din ako papunta sa kanila, tinignan ko si Aimee na mangha mangha dahil ngayon lang niya nakitang magkasama ang kambal. Ako man din ay ngayon lang din nakitang magkasama to, pero halata naman kung sino si Ezekiel at sino si Lhorence sa kanila, si Ezekiel ay kay seryosong awra, si Lhorence naman ay parang araw araw may pasko ang awra niya hahahaha.
"Aimee, si Ezekiel, bago nating bestfriend." Napangisi pako dahil nagulat yung kambal hahahahahahahahahahahahahahaha.
"Wow! 2nd day natin dito ay naka-bingwit agad tayo ng kambal, hahahahahahahaha." Malakas na tawa niya at sinabayan pa siya ni Lhorence, kami ni Chingchong ay nangisi lang sa sinabi niya.
"May isa pang kambal sa room namin, babae at lalaki yon, parehong maingay." Sabi ni Ezekiel na tinutukoy si Rhyjeil at Aster.
"Ah talaga? I want to know them." Masiglang sabi ni Aimee.
"Oo bagay kayong apat magsama-sama ang iingay niyo." Sabi ko.
"At bagay naman kayo niyan, pareho kayong tahimik!" sigaw pabalik ni Aimee.
Nagkatinginan kaming apat at sabay sabay na...
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH"
"Tara na nga, nagugutom nako." Anyaya ko.
Sabay sabay na kaming nagpidal papunta sa subdivision, mas nauna nga lang kami magpaalam dahil malapit lang sa bungad ang amin ni Aimee. Pinarada lang namin ang aming bike at pumasok na sa loob ng bahay, si Aimee ay dumiretso agad sa kwarto niya oara magbihis, ganon din ang ginawa ko, mas nauna lang sakin si Aimee dahil magluluto daw siya ng hapunan namin, wala naman daw siya masiyadong gagawin kaya kaya niya hinayaan ko lang siya at ako ay nanood na lang ng TV sa sala habang inaantay siya.
.
.
.
.
.
.
Ezekiel's POV.
Kasalukuyan naming ipinaparadang ang bike namin, nabubwiset nako kay Lhorence dahil kanina niya pako binibigyan ng nanunuksong tingin. Nang maayos ko na ang bike ko ay tiyaka ko siya hinarap.
"Anong problema mo?!" Singhal ko sa kaniya.
"Type mo yon no? Hehehe" nangaasar talaga ang tono niya!
"T-type? Hindi no! Tsh, sumunod ka na lang pag tapos kana jan." Singhal ko at pumasok na sa loob ng bahay, narinig ko pa na tumawa si Lhorence bago sumunod sakin.
Dumiretso ako sa kusina para magluto ng hapunan namin, si Lhorence naman as usual dumiretso lang sa sofa at nagbukas ng TV.
"2nd day pa lang ng mga yon sa school natin, parang hindi naman sila naninibago hahaha." Sambit ni Lhorence, tinignan ko lang siya at tinuloy ang pagluluto ko. "Balita ko ikaw daw ang magiging tutor nung EJ ah?" Tumango naman ako, "tss sana all! Bat sakin hindi pinapa tutor si Aimee? Psh." Bakas ang irita sa tono niya hahaha ble!.
"Edi itutor mo!"sabi ko, "luto na oh kain na tayo." Dagdag ko pa at tumayo na siya para maghanda ng pinggan namin. "Malinis ba study room natin?" Tanong ko kay Lhorence, kasalukuyan na kaming kumakain ngayon.
"Oo? Linisin mo na lang mamaya, teka wag mo sabihing dito mo pa itututor yon?" Tanong niya.
"Eh san mo gusto? Don sa bahay nila? Ansagwa non, dalawang babae silang nandoon." Sagot ko
"Aba eh mas masagwa dito! Dalawang lalaki ang nakatira! Tss kambal pa? Baka malito yon sino ang Ezekiel dto? Psh!" Natigilan ako sa sinabi ni Lhorence at napaisip.
oo nga no? Ah alam ko na! Hahahah.
"Gusto mo itutor si Aimee diba?" Tanong ko, daglian naman siyang tumango. "Edi dun ka sa bahay nila, dito naman kami ni Ej." Nanlaki ang mga mata niya na parang na excite pa sa sinabi ko.
"Antalino mo talaga! HAHAHAHAHAH G ako jan!" Sagot niya.
Natapos na kami kumain, siyempre siya ang naghugas, nauna na akong umakyat sa kwarto ko, pero bago dumiretso sa kwarto ay sinilip ko muna ang study room, pag-akyat mo kasi sa hagdan didiretso ka lang at ayon na ang study room, sa bungad naman ng hagdan ay may kwarto sa magkabilang gilid, sa kaliwa si Lhorence at sa kanan naman ang kwarto ko. Nilinis ko na din ang mga alikabok na nakita ko, sa kwarto na kasi kami madalas mag-aral kukuha lang kami ng libro tapos ay didiretso na kami sa kwarto namin, pag talagang kailangan ng matinding reviehan, nandito kami pero halos pag nag eexam lang yon, gaya ngayon, tapos ng week nato ay 3 weeks na lang at exam na, sa 3weeks nayon ay tututor ko si Ej, tss hindi ko alam kung bakit kailangan pang gawin yon, eh kayang kaya naman non mag-aral mag isa psh. Masiyadong mahahaba ang lesson nung first grading, ewan ko lang kung nahahabaan nga siya hahahahaha, dagdag ko pa ang lesson sa 2nd grading na hindi nila naabutan. 2 weeks na kasi since nag-simula ang second grading kaya marami rami din silang nalaktawan.
Nang malinis ko na ang study room ay tiyaka ako pumunta sa kwarto ko, naligo ako at nagbihis ng short at sando tapos pumunta nako sa kama ko.
"I-chat ko kaya si Elice?" Sabi ko sa sarili ko hahaha. "Tama haha tatanong ko kung ready na siya nag review." Kinuha ko ang selpon ko sa maliit na lames na nasa gilid ng kama ko at naisipan ichat si Ej, nakita kong online siya, BTS nanaman siguro inaatupag neto tss.
Elice Montelava ? ? •••
Active now?
Hey?♂️
?♀️oh?
Tss sungit.
Haha, can I call?
I don't like typings?♂️
?♀️ge.
OH? BUTI PUMAYAG TO?
*ring ring ring*
On phone?
"Bat?" Sagot niya agad.
"Alam mo naman na yung about sa pag tu-tutor ko sayo diba?" I smirked, alam ko kasing nabubswiset na to ngayon haha.
ayaw niya sa lahat ang may kasama nag-aaral she prefer studying alone.
"Tss oo nga pala, kailangan pa ba yon?!" Halatang naiirita na siya sa tono niya haha.
"That's my question too, sorry to say but yes we need to do this."
"Eh kung wag na natin ituloy?! I mean sabihin natin kay ma'am na nagre-review tayo together kahit hindi?"
Sabi na isu-suggest niya yan eh, and ofcourse I already think of a way so she cannot refuse haha.
"No, you're going to sign a paper, and we need to take a picture TOGETHER for evidence." Siyempre imbento ko lang hshs, I just want to be with her, I miss her for f**k sake!
" aah! Fine. Bukas after class? At tiyaka saan? Ekis agad dito samin."
"Edi dito, si Lhorence nag presinta den na itututor si Aimee, jan sa inyo ano g?"
"Ha? Baka kung ano gawin non sa kaibigan ko tangina lang."
Natawa ako sa sinabi niya haha.
"Psh. Natakot ka sa gagawin ni Lhorence sa kaibigan mo pero sa gagawin ko sayo hindi ka natakot?" I teased her.
"Binabalak mo pa lang gawin, nasa ospital kana." Sagot niya at tiyaka pinatay ang call.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Ang kyut kyut niya hahahahahaha, namiss ko talaga si Elice, sana pwede pang ibalik yung dati, yung panahon na kilala niya pa ako.
.
.
.
.
.
EJ's POV.
Siraulong yon sakit sa ulo grr.
Pagkapatay ko ng selpon ay natulog na ako, sana bukas walang assignment.
Naalimpungatan ako dahil sa malakas hangin na nagmumula sa bintana ko, kasabay ang kidlat na talagang gigisingin ka sa lakas.
Umuulan? Kaya pala anlamig ng hangin kahapon tss,
tumayo ako para ayusin ang pagkasara ng bintana ko, nang masara ko ay napatingin ako sa orasan, 5:32 am na pala, ang lamig!
Bumalik ako sa pagtulog hininaan ko muna ang aircon bago ako mahiga ulit.
ZzzzzzZzZzzZzzzZzzzZzzZZZzzz
"Aaaaaaah!"
Nagiinat ako wag kayong ano!
Tumingin ako sa bintana at napansing malakas pa rin ang ulan, makulimlim pa rin ang kalangitan. Kinuha ko ang selpon ko at nagulat ako nang makitang 9:00am na!! Dali dali akong bumaba at naabutan ko si Aimee na naka upo sa sofa at nanonood ng balita.
"Walang pasok gurl, pede kana bumalik sa kwarto mo at magmuni muni." Sabi agad ni Aimee, nasa TV pa rin ang paningin niya.
"Nakausap mo ba si Lhorence? Tututor ka daw non ah, inlab na inlab sayo." Tanong ko
"Oo nga daw, ngayon sana eh, kaso walang pasok tsktsk, kayo nung Ezekiel? Ano balak niyo?
"Ewan, tanong ko mamaya ano balak non."
Pagkasabi ko non bumalik nako sa kwarto.
.
.
.
.
.
To be continued <3