CHAPTER ONE

3900 Words
CHAPTER ONE “GIRL, pabili.” Tambad sa akin ni Brie sa aking table at nakangiti sa akin ng nang-aasar. Nagtatakang tiningnan ko naman siya. “Ano’ng kailangan mo?” mahinang sabi ko. Nasa loob ng office si Mr. Manjon at baka marinig niya akong may kausap. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Brie na mas lalong ipinagtaka ko. “Pabili ng bag. Ang laki na sa mata mo, oh. Nag-overtime ka na naman kahapon, ano?” nakahalukipkip niyang sabi. Napanguso lang ako at itinuon ang attensyon ko sa computer. “I am a secretary, Brie, what do you expect?” sagot ko na hindi man lamang tumitingin sa kaniya. “Yeah. Secretary s***h slave! Ano na naman ba pinagawa niya sa`yo, ha, Theyn Torres?” nakataas kilay niyang sabi. Napabuntong-hininga ako nang maalala ko kung ano ang inutos niya sa akin. Madaling araw kanina, habang nananaginip ako kay Michael Chad Murray, bigla ko na lang narinig ang default tone sa phone ko na naka-customize lang para kay Sir. “Ako ang sumalubong sa airport sa mga investors from Poland,” sabi ko at tiningnan ko ang schedule ni Sir ngayong araw. Ayon sa schedule niya ay may dalawang oras siyang bakante. Mabuti naman at makapagpahinga ng kaunti ang utak ko. Kung hindi lang ako nangangailangan ng pera matagal na akong nag-resign. Ako ang bumubuhay sa dalawa kong kapatid na highschool na ngayon. Itong kompanya lang na `to ang nag-offer sa akin ng mataas na sweldo na bubuhay sa aming tatlo. Kaya nga kahit anong utos ang ibigay sa akin ng boss ko ginagawa ko ng walang pag-aalanlingan kasi malaki ang utang na loob ko kay Mr. Manjon. Naalala ko pa kung paano kami unang nagkita. Hindi ko mapigilang mapangiti nang una kong masilayan ang dalawang pares ng malalamig niyang mata.  “I'm sorry, Miss Torres. But you are under qualified. Ang hinahanap namin ay graduate ng 4 year course, may experience sa pagiging secretary[C1] , and can work under pressure.” Napabuntong hininga na lang ako. Kahit `ata sabihin ko na kaya kong magtrabaho ng puro pressure, hindi pa rin ako qualified. “Naiintindihan ko po.” Tanging sabi ko. Inaasahan ko naman na hindi ako matatanggap pero disappointed pa rin ako. Parang mas lalong bumaba ang self-confidence kong mag-apply pa sa ibang kumpanya. Napabuntong-hininga ako `saka tinipon ang lahat ng aking lakas ng loob para ngumiti sa Ginang bago tumayo. “Salamat po sa inyong oras, Ma’am,” sabi ko at tumayo rin siya para ihatid ako palabas ng opisina niya. Nakayukong naglakad ako papuntang elevator. Nasa loob na ako ng elevator at hinihintay na mag-sara ito nang biglang may pumigil dito. Halos mapatulala ako nang makita ko ang pinaka-magandang babae na nakita ko sa buong buhay ko. “What floor?” tanong niya nang makapasok pero nakatulala pa rin ako sa maganda niyang mukha. “Miss?” untag niya. Nahihiyang nag-iba ako ng tingin nang marinig ko ang mahina niyang tawa. “G-ground floor po,” mahina kong sabi. “Did Ms. Gomez interviewed you?” tanong niya. Ah! Pati ang boses niya ay ang sarap sa tainga. “Opo,” tipid kong sagot habang nakatingin sa sapatos ko. Sana pala gumamit ako ng kiwi para kumintab at magmukhang bago itong sapatos ko. “Did she hire you?” “H-hindi po.” Nakakahiya! Bakit niya ba kasi ako kinakausap? Mas maiintindihan ko pa kung tatarayan niya ako. “Bakit hindi?” tanong niya pero hindi na ako sumagot. Nakita kong may tinawagan siya sa phone niya. Ako naman ay nakatingin sa screen panel ng elevator. Bakit ang tagal dumating sa ground floor? “Why did you bring him with you?” I heard her. “Pero pupuntahan ko pa si Tito… Fine, fine. Ako na ang bahala. Huwag na kayong lumabas ng kotse at mainit.” Nagulat ako nang biglang humarap sa akin ang magandang babae. Nakangiti siya sa akin. Ako naman ay hindi alam ang gagawin kaya ngumiti rin ako. “Can I ask you a little favor?” she asked sweetly. Ayoko. Gusto ko ng makalabas sa building na ito. “Sure. Ano `yon?” sabi ng aking traydor na bibig. “Puwede ka bang pumuntang boardroom at iwan mo itong flashdrive sa loob?” pakiusap niya. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang pero nakita kong kumislap ang mga mata niya. “S-saan ang boardroom?” tanong ko kahit gustong-gusto kong tanggihan ang pakiusap niya. “Nasa 5th floor. There’s a two adjacent hallway at the lobby. You take the left side papunta `yon sa boardroom. Hindi ka naman mawawala kasi may signage. Then all you have to do is to place this flasdrive to the table near the door.” Tumango lang ako sa kaniya. Bakit kasi hindi na lang siya ang gumawa? Iiwan lang naman pala sa table. “Pasensya ka na, ha? Emergency lang kasi talaga. But don’t worry I will pay you naman—“ “Naku! Hindi na po kailangan!” mabilis kong tanggi. Nang makarating ako sa 5th floor ay sinalubong ako ng nakakabinging katahimikan. There’s two signages. ‘This way to Conference room’ sa kanan at ‘This way to Boardroom’ naman sa kaliwa. Mabilis akong naglakad papunta sa pinto ng boardroom. Medyo nakaawang na ito at nakikita ko na ang sinasabing mesa ng magandang babae kanina. Niluwagan ko ang pagkakabukas sa pinto bago pumasok. Ipinatong ko sa mesa ang flashdrive at akmang tatalikod na sana nang biglang may nag-salita. “You're late!” Sabi ng baritonong boses kaya natigilan ako. Sa pinakadulong bahagi ng boardroom ay may lalaking nakatalikod. Matangkad siya. At kahit hindi ko makita ang mukha niya ay alam kong nakaka-intimidate ang presensya niya. Siguro ay isa siya sa ga may matataas na posisyon dito sa kumpanyang ito. “P-pasensya na po. Hindi ko alam na may tao sa loob—” “I told Ms. Gomez to stop hiring incompetent employee! What's your name?”tanong niya at hindi man lang nag-abalang lingunin ako. “T-Theyn... Theyn Torres po.” Kinakabahan kong sabi. Gusto ko ng umalis. Iniisip niya ba na empleyado ako rito? “Kunin mo `yang papeles sa mesa.  Go to my office at ilapag mo `yan doon. Then I want you to free my schedule for tomorrow.” “Ha? Sir, nagkakamali po kayo—“ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang humarap sa akin. Kita ko ang panlilisik ng kaniyang mga mata. That cold looking pair of eyes directly glaring at me. I would’ve automatically crush on him because of his handsome features that could pass as a model but he was intimidating me. Nanginginig na kinuha ko ang folder at lumabas ng office. Pero blessing in disguise pala `yon. Dahil sa nangyari ay napilitan ang HR na i-hire ako. Siguro ay takot silang sabihin sa CEO na nagkamali ito ng akala. But who cares? Ang importante ay may trabaho ako. And that beautiful lady on the elevator? That’s my boss’ neice. If it weren’t for her, hindi ako makakapagtrabaho. Hindi ako— “Miss Torres!” untag sa akin ni Sir dahilan para bumalik sa kasalukuyan ang isip ko. “S-Sir…” tumayo ako habang nakayuko. Mapapagalitan `ata ako. “This is not the place to daydream, Miss Torres.” seryoso niyang sabi bago pumasok sa opisina niya.  Napanguso lang ako nang mawala siya sa mga paningin ko. Nakaka-stress ang trabaho ko. Pakiramdam ko magkakasakit ako sa puso. Lagi kasi akong kabado at malakas ang kabog ng dibdib ko kapag nasa harapan ko siya. Alam kong hindi healthy ang ganito kaya nagdadasal na lang ako na sana hindi ako magkasakit sa puso in the near future. Sabi nila, ako raw ang pinaka-matagal na secretary ni Sir. Marami na naman akong kapalpakan na nagawa pero salamat sa Diyos at hindi pa ako sinesisante ng boss ko. Kung sakali kasi, kawawa kami ng mga kapatid ko. *** “ATE!” salubong sa akin ni Mica—ang bunso kong kapatid. Grade seven siya sa isang semi-private school. Nakasuot pa siya ng uniform at nakatarintas ang buhok. “Ang aga mo `ata ngayon, Ate?” “Oo nga, eh. Nasaan si Haris?” tanong ko nang hindi ko makita ang nag-iisa kong kapatid na lalaki. Siya ang sumunod sa akin at huling taon na niya sa Senior high school. Sa kaniya ko lahat tinutustus ang aking suweldo dahil gusto ko talaga siyang makapag-tapos. Kahit siya man lang ang makapag-tapos ng kolehiyo sa aming dalawa. “Niyaya po nila Kuya Gab mag basketball,” sagot ng kapatid ko. Napatango na lang ako. Hindi ako mahigpit na kapatid. Ayaw ko kasing maranasan ng mga kapatid ko ang dinanas namin noon sa kamay ng Papa namin. Bago namatay si Mama dahil sa kidney failure ay nangako akong ako ang tatayong Ina at Ama ng dalawa kong kapatid. Kaya umalis kami sa Probinsya namin. Matapos ang libing noon ni Mama ay agad kaming lumuwas ng Maynila dala ang sapat na pera na bigay ni Mama bago siya pumanaw. Siya ang may gustong lisanin namin ang Papa at ang bayan namin dahil alam niyang mas maghihirap kami ro'n. 19 years old pa lang ako no’n kaya napilitan akong magtrabaho sa isang fastfood restaurant habang nag-aaral sa isang public school at kumuha ng 2-year diploma course. Okay naman ang sahod ko sa kumpanya. Maganda nga ang benefits, eh. Pero nag-iipon kasi ako para sa pang kolehiyo ni Haris.   “Ate Theyn, malapit na po pala ang fourth monthly exam ko. Babayaran na po ba natin `yong huli kong promissory note?” tanong ni Mica nang makapasok kaming bahay. Umuupa lang kami sa isang apartment na may dalawang kuwarto, maliit na living room at pinag-isang kitchen at dining room at CR sa gilid ng kusina. “Huwag mo na `yon isipin, Mica. Malapit na rin naman ang suwelduhan namin. Mababayaran na `yon ni Ate. Basta mag-aral ka lang, ha?” hinaplos ko ang buhok niya at nakangiting tumango sa akin ang kapatid ko. Naghahain ako ng hapunan namin nang dumating si Haris. Pawis na pawis ito. Narinig ko na lang bigla ang tili ng bunso namin. “Yuuuuck! Ate, si Kuya ang baho!” nagpupumislag na sigaw ni Mica dahil sinadya siya nitong yakapin para asarin. “Hoy Haris, ah. Magpalita ka na nga ng damit nang makakain na tayo.” “Ah, si Ate Theyn na-miss kita. Payakap nga rin ako,” bumitaw siya kay Mica at akmang lalapit sa akin pero agad kong dinuro ang hawak kong sandok.  “Subukan mo papaluin kita nito,” pananakot ko at tumawa lamang siya. Napailing na lang ako sa kaniya. *** Nakahiga na ako sa kama ko at pinatay ko na ang ilaw. Solo ako sa kuwarto ko kasi ito `yong maliit. Share sila Mica at Haris ng kuwarto sa kabila kung saan dalawa ang higaan. Nakapikit na ang mga mata ko at naghihintay na lang na tangayin ng antok ang kaluluwa ko nang tumunog ang pinakaayaw kong ringtone ng cellphone ko. Parang gustong mag-wala ng kaluluwa ko at para itong may sariling utak na inuutusan akong matulog na. Pero may reflex na `ata ang katawan ko sa ringtone para kay Sir at kusa na itong bumangon para sagutin ang tawag. “Kasi naman, eh! Alas dyes na kaya! Ugh!” himutok ko bago sinagot ang tawag. “Hello, Sir?” “Where the hell is the report I told you to do?!” sabi niya sa kabilang linya. Wow, ah. Wala man lang 'Sorry to disturb your sleep or whatever'. Bulyaw agad? “What report, Sir?” tanong ko at pilit na inaalala kung mayroon ba akong hindi natapos na report. “The Chua Cheng Accounts. Where is it?!” Kahit hindi ko siya nakikita alam kong nakakunot-noo na naman ang guwapo niyang mukha. Sir, nilapag ko po `yon kanina sa mesa niyo bago ako umalis—“ “Hindi ko mahanap! Come over here!” Parang nanghina ang tuhod ko sa narinig. Inaantok na ako. Gustong-gusto ko ng matulog. Hindi makatao ang boss ko. I-re-report ko na talaga `to sa DOLE, eh! Sarap hambalusin ng kama. Hindi ba siya inaantok at puro trabaho isip niya? “P-pero... K-kasi Sir...” “I want your a*s out here! At my office, NOW!” Then he hangs up. “Ugh!” Obey first before you complain ika nga. *** “Mag-resign ka na.” Napa-igtad ako nang may nag-salita sa likuran ko. Dala-dala ang tray ay nilingon ko si Sir Migo. Siya ang COO ng kumpanya kaya boss ko pa rin siya. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako pinapansin, eh. “Sir Migo, kayo po pala.” Nakangiti kong sabi. May dala rin itong tray at may lamang pagkain. “Ang sabi ko mag-resign ka na,” pag-uulit niya. Kinuha ko lang ang salad `saka umalis na sa pila. Naramdaman kong sinusundan ako ni Sir Migo. Wala namang malisya rito kay Sir Migo kasi friendly siya sa lahat. Kung saan niya mapiling maki-upo ay do’n siya. And I guess sa akin siya makikipag-lunch ngayon. “Eh, wala na po ako niyang trabaho kapag ginawa ko `yan,” sabi ko nang makaupo kami sa table. “Then be my secretary. Hindi mo kailangan magtiis sa CEO. Same benefits, but enough sleep,” Sabi niya saka tumawa ng malakas. “Para kang zombie alam mo `yon? Well, beautiful Zombie.” Napahawak naman ako sa pisngi ko. Puyat talaga ako dahil these past few months kasi maraming pinapagawa si Sir. Wala siyang habag sa isang `tulad ko. “Sanay na po ako, Sir Migo,” ngumiti ako sa kaniya. Umiling-iling naman siya. “Sinasayang mo ang ganda mo. Although I salute you kasi ikaw lang talaga ang natatanging nagtagal na secretary niya.” “Salamat sa compliment, Sir. Pero hindi ko po iiwan si Sir Kent.” Confident kong sabi dahilan para matawa siya. Mali ba`yong sinabi ko? “Kung ako si Kent, baka kinilig na ako sa sinabi mo.” He said that made me blush. Dati, nagtataka ako kung bakit gano’n ang ugali ni Sir. Pero dahil sa dalawang taon na rin ako sa kumpanya, lagi nila akong nake-kwentuhan na seven years ago, hindi raw ganito si Sir. Oo, maawturidad na talaga si Sir before pero bigla raw itong nagbago. Naging mainitin na raw ang ulo at hindi na sumasabay kumain sa colleague  niya. So ibig sabihin, seven years ng masungit ang boss ko. Ano nga ba nakapagpabago sa kaniya? Na-heartbroken kaya siya? Imposible naman kasi sabi nila, wala raw itong sariling pamilya at tanging ang pamangkin nito ang natitirang relative nito. Sabi pa nila, wala raw pinag-iba ang hitsura ni Sir ngayon at noon. Parang hindi tumatanda. Siguro gano’n talaga kapag mestizo.   *** HALOS manlumo ako nang makita kong malakas ang ulan. Wala akong dalang payong kaya hindi ko alam kung paano ako makakauwi. Kung hindi lang dahil sa may pinatapos sa akin si Sir ay hindi ako mag-o-overtime. Buti nga at pinauna na niya akong pauwiin. Alas dyes na rin naman kasi. At lihim akong nagdadasal na sana ay hindi niya ako tawagan sa oras ng tulog ko. Gustong-gusto ko talagang magpahinga. Sinuong ko ang ulan makapunta lang sa waiting shed kung saan puwede akong makasakay sa jeep. Sana lang hindi ako siponin bukas. Hindi pa naman ako umiinom ng kahit na anong vitamins. Halos hapitin ko na ang coat ko dahil sa sobrang lamig. Tanging mga taxi na lang ang dumadaan na hindi ko naman magawang parahin dahil wala akong budget para sa taxi. Tatlongpung minuto marahil ang tinagal ng ulan bago ito tuluyang tumila. Napagdesisyunan kong maglakad na lang pauwi. Isang kilometro ang layo ng bahay sa opisina pero mas mabuti na iyon kesa sa hindi ako makauwi. Mabilis na akong naglalakad habang nakayuko nang makarinig ako ng makalas na tawanan ng mga lalaki. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong may makakasalubong akong apat na lalaki na tantiya ko ay mga lasing. Agad akong kinabahan dahil hindi ko alam kung paano ko sila iiwasan. Kung tatawid ako sa kabilang kalye o maghihintay ako sa gilid na medyo tago hanggang sa lagpasan nila ako.  Napagdesisyunan kong tumawid nang biglang may bumusina sa akin. Nakakunot-noo ako lalo nang sa akin nakatutok ang headlight ng sasakyan. Nakita kong bumukas ang passenger seat sa unahan kaya pumunta ako roon para makita kung sino ang nasa loob. “Hop in!” nagulat ako nang mapagtanto ko kung sino ang nasa loob ng kotse. “S-Sir…” “Sumakay na ka, Ms. Toress.” seryosong utos niya. “O-okay lang po ba?” paninigurado ko. Hindi niya ako sinagot pero sinamaan niya ako ng tingin. “Don’t make me say it again, Miss Torres,” tila naiinip niyang sabi kaya mabilis akong sumakay. He started driving at ako naman ay nakayuko lang. Pakiramdam ko ay walang hangin sa loob ng kotse kahit nga naka-on naman ang aircon. Being confined with my boss suddenly makes me claustrophobic. “Sabihin mo kung saan kita ihahatid.” sabi niya kaya nag-angat ako ng tingin para tingnan siya. “S-sa kanto na lang po, Sir. After ng madadaanan nating orange na waiting shed.” Nahihiya kong sabi. This could be the longest ride I’ve ever been on. Bakit parang kahit mabilis ang pagpapatakbo ni Sir ng sasakyan ay hindi kami umaabot sa dapat bababaan ko? I need air. I need to breathe. Nakahinga ako ng maluwang nang matanaw ko ang orange waiting shed. Nagmamadali akong bumaba sa sasakyan ni Sir. Pagsara ko ng pinto ay parang narinig ko siyang nagsalita ng mahina. O baka naman imahinasyon ko lamang iyon? Did he just say…ingat? *** Magaan ang pakiramdam ko nang magising ako. Parang nabawi ko lahat ng lakas ko. Haaaay, kung ganito ba lagi, gaganahan ako palaging magtrabaho. Trabaho. Trabaho?! Agad akong napabangon at tiningnan ko ang wall clock. 8:23AM Shit! I’m freaking late! Agad akong bumangon saka kumuha ng tuwalya at nagmamadaling naligo. Agad akong nagbihis saka sinuklay ang buhok. Sa taxi na lang ako maglalagay ng make-up. Kasi naman, eh! May alarm ako. Bakit hindi ko narinig? Masesermunan na naman ako nito, eh. Labag sa loob na pumara akong taxi. Hindi na importante sa akin kung triple ang magagasto ko sa fare expense ngayon araw. Kesa naman sa mawalan ako ng trabaho. Saktong tapos na akong maglagay ng make up sa mukha nang dumating akong sa kumpanya. Nagbayad lang ako saka patakbong pumasok sa mataas na gusali. I swiped my ID sa entrance and the clock says 9:38 AM. Hinihingal na nakasakay akong elevator. Bakit ba kasi hindi ako nag-a-avail ng free gym sa company? Eh, `di sana hindi ako mabilis hingalin. Nang makarating ako ay agad akong naupo sa clerical chair ko at binuhay ang computer ko. I decided na huwag munang pumasok sa office ni Sir at ipunin ang lahat ng fax messeges at i-print ang mga bagong e-mail. I was re-reading his schedule when I heard his door opens. Halos makagat ko ang pang-ibabang labi ko at lihim na nagdadasal na sana ay hindi niya pansinin ang pagiging late ko. “Why are you late?” he said in a cool down voice. “I-I’m sorry, Sir. Hindi na po mauulit,” nakayuko kong sabi. I was waiting for him to say something like he’ll fire me pero wala akong narinig sa kaniya. Siguro good mood si Sir ngayon. “Good morning!” Sabay kaming napalingon ni Sir sa babaeng kakalabas lang sa elevator. Agad akong napangiti nang makita ko ang magandang mukha ni Ma’am Lorelei. Bihira lang siya pumunta rito kaya talagang natutuwa ako sa tuwing nakikita ko siya. There is something about her that makes me want her to like me. She’s beautiful, kind, and sweet. And although she shares the same DNA with Sir Kent, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ibang-iba ang ugali nila. “Good morning, Ma’am Lorelei.” Nakangiting bati ko. “Hi, Theyn. Blooming ka ngayon, ha. In love?” sabi niya at napailing naman ako. “Naku, hindi po,” napahawak ako sa magkabilang pisngi ko nang maramdaman kong namumula ito. “What are you doing here?” I heard my boss said. “Tito! I thought we talked about this? Sasama ka sa akin, remember?” “Lorelei,” “Hindi mo man lang ba maiwan si Theyn kahit isang araw?” sabi niya dahilan para masamid ako. Mabilis akong tumalikod dahil pakiramdam ko ay hindi tamang nakikinig ako sa usapan nila. “Hindi ko maiwan ang trabaho, if that’s what you mean,” Sir Kent said. “You really have to come with me, Tito. You know how important this is, right?” “Let’s talk inside,” ang tanging sabi ni Sir. *** That same day ay umalis si Sir Kent kasama si Ma’am Lorelei. Maaga akong nag-out dahil na rin sa pangungulit nina Brie, Florence, at Jean na lumabas kami para manuod ng sine. Every month, kapag may magandang palabas ay niyayaya nila ako. Madalas ay tumatanggi ako. Pero ngayon ay napa-oo nila ako dahil na rin sa wala ang boss ko at gusto ko rin magkaro’n ng social life bukod sa trabaho-bahay kong routine. Matapos naming manuod ng sine ay kumain kami sa isang fast food restaurant. Nag take-out naman ako para sa dalawa kong kapatid para hindi na sila mag-luto pag-uwi ko. Sa aming apat ay ako lang ang iba ang route pauwi. Sina Brie at Florence ay nag-share ng iisang taxi pauwi at si Jean naman ay nagpa-sundo sa boyfriend niya. Pinili kong pumara na lang ng traysikel dahil malapit na lang ang bahay namin sa mall. Sinalubong ako ni Haril sa gate nang makita niya akong pababa sa traysikel. Isinasara ko na ang gate nang makita kong may lalaking nakatayo hindi kalayuan sa akin. Hindi ko makita ng malinaw ang mukha niya pero alam kong sa akin siya nakatingin. Bigla akong nakaramdam ng kilabot nang makita kong ngumisi ito. Kumaripas ako ng takbo papasok sa bahay at napasandal sa pinto nang masara ito. “Ate, okay ka lang?” tanong sa akin ni Mica. “I-double check niyo mamaya lahat ng pinto at bintana. Siguraduhin niyong lahat ay nakasara.” Sabi ko bago pumasok ng kuwarto. *** Maaga akong pumasok ng opisina nang mapansin kong wala pa si Sir. I decided to dust his office since wala namang umaakyat na janitor dito dahil ayaw niya. His office feels so dead. Ni walang picture frame. There are paintings—which I could not appreciate, and huge wooden bookcase with thick books. His office needs a little make-over. One time, I heard Ma’am Lorelei and him arguing about putting a family picture on his desk. In my own opinion, hindi lang family picture ang kailangan ng opisinang ito. It needs life, fresh flower perhaps. Buong umaga ay na-busy ako sa mga pending reports. Sa totoo lang, itong trabaho ko ay para sa apat na tao. Kasi sa office ni Sir Migo ay mayro’n siyang tatlong secretary including Florence. Bakit ang boss ko, na may-ari ng kumpanya ay ako lang ang secretary s***h assistant? Although the company concentrates on construction and real estate, Manjon Enterprises also has two known subsidiaries such as Manjon Airlines and Manjon Cargo. Noong baguhan lang ako rito, madalas pumupunta akong comfort room para lang umiyak. Everytime na tumutunog ang telepeno ay kinakabahan ako at boses pa lang ng boss ko ay nanginginig na ang tuhod ko. Tinatagan ko ang loob ko kahit gustong-gusto ko ng mag-quit. Kasabay kong nag-lunch sina Brie, Jean, at Florence. Balak sana naming lumabas para bumili ng Iskrambol sa harap lang ng building nang biglang tumatawag si Sir Kent sa cellphone. Nasa office na kaya siya? Ang akala ko pa naman ay hindi siya papasok ngayong araw. “Hello, Sir?” I said as I answered the phone. “C-can you… Can you come over?” he said on the other line. “Saan po, Sir?” nagtataka kong sabi. Narinig kong parang nahihirapan siyang magsalita. Is he sick? “Here…in my house.” Sagot niya at narinig kong may nabasag. “Sige, Sir. Papunta na po ako.” Sabi ko at bigla na lang naputol ang linya. Umakyat akong office at kinuha ko lang ang bag ko bago lumabas. Nag-taxi lang ako papunta sa bahay ni Sir. Minsan na akong nakapunta sa bahay niya pero hindi ako nakapasok at naghintay lang ako sa kotse. He lives in a hillside mansion alone without maids or even a security guard. Nang makarating ako ay nakatanggap akong text galing kay Sir. It was a combination of numbers and letters. Agad kong nahulaan na password ito ng main gate. Pag-apak ko pa lang sa harap ng pinto ay bigla itong bumukas at tumambad sa akin ang magulong buhok ni Sir. Nagulat akong makita ang ganitong ayos niya. Napapaigtad siya na animo’y may masakit. Napansin ko rin ang suot niyang damit ay kahapon pa. Nanunuyo ang mga labi at namumula ang mga mata. “T-Theyn…” banggit niya sa pangalan ko na animo’y hirap na hirap. Napalapit agad ako sa kaniya nang makita kong matutumba siya. “Sir Kent!” mabilis kong agap sa kaniya. Pareho kaming dumausdos pababa dahilan para mapaupo ako habang yakap ko siya. Napakunot-noo ako nang makita kong may mga sugat si Sir at galos sa katawan niya. What exactly did happen? Napasok ba ng masasamang tao ang bahay ni Sir? Should I call cops?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD