Prologue
PROLOGUE
Intimidating.
Menacing.
Perilous.
Three best words that describe my boss. A cold hearted man na walang alam kundi ang bulyawan at i-work under pressure ang ganda ko. Pero okay lang, after all, I am just his secretary.
Kahit na minsan nararamdaman kong medyo beyond duty na ang ginagawa ko as a secretary niya, hindi ako umaangal. Takot ko lang mabulyawan ng isang Kent Manjon na araw-araw akong tina-takot na tatanggalin niya ako sa trabaho kung hindi ko masunod ang lahat ng utos niya.
“I don't care! If you have to drag him by his bald head just for him to be at the board meeting, do it! Or else!”
“Yes, Sir.” Ang lagi kong sagot sa kaniya. Ayaw niyang nakakarinig ng 'Pero', 'But', at kung ano-ano pang puwedeng pumutol sa utos niya.
Si Sir na `ata ang kilala kong walang kapaguran. Really. His company earns ten times worth the rival company. Walang gustong bumangga. Walang gustong makaaway ang isang Kent Manjon. Mag-tago ka na kapag tinitigan ka niya ng kaniyang matatalim na mata.
“Sir, pinagtimpla ko po kayo ng kape.” I offered. He just looked at the cup intently. Parang nagulat na nag-offer ako ng kape sa kaniya. Hindi ko mabasa ang nasa isipan niya pero parang may naalala siya sa kape, o sa tasa. Not quite sure.
“If you wanna stay longer as my secretary, don't ever make me a coffee! Understood?!” Mababa ngunit ma-awtoridad niyang utos.
I’ve never seen him eat. Sa mga launcheon meeting na kasama ako, never ko siyang nakitang ginalaw ang pagkain niya. He never even bothered looking at it.
He usually calls me at the middle of my bed rest just to do errands.
“Finish this report for me!” sabi niya pakatapos kong hilain ang sarili sa kama para makaputa sa opisina niya.
May mga instances din na wala akong bakasyon tuwing holidays. No Sunday day off at kahit kailan, hindi ko pa nagamit ang leave credits ko. I was never late and never been absent.
Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakilala ng isang tao na kagaya niya. He is one peculiar man. And even though he had given me enough reasons to resign, I still couldn’t do it. It’s either I am immune to his cold personality…or there’s more than that.