Kabanata 03

1080 Words
“Where have you been last night?” Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan ng marinig ko ang tanong ng aking asawa. Pagpasok ko sa pintuan ng silid ay ito ang bungad sa akin ni Leticia. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang hawak sa kanang kamay ang isang wine glass na may laman na paborito niyang redwine. Suot niya ang puting bestida na sinadyang i-laylay ang mga strap nito sa magkabilang gilid ng kanyang balikat. Marahil, upang mahantad ang makinis niyang balat, lalo na ang maputi nitong dibdib. She had a perfect cleavage, na lahat yata ng makakita nito ay siguradong matatakam sa maganda niyang katawan. Pero hindi ako, It has no effect for me. Honestly, I am not interested in my wife. What we have is a marriage written on a piece of paper. Leticia is my wife of three years. Wala namang commitment sa relasyon naming ito kaya minsan ay nagugulat na lang ako sa kanya, dahil umaakto siya na isang ulirang asawa. Actually, what we have is a business marriage, nothing else. “Oh, come on, Leticia, stop this, okay? I’m tired.” Matamlay kong sagot bago siya tinalikuran. Pumasok ako sa loob ng bathroom, upang maligo—naiwan siyang nagngingitngit sa galit. “Evan, bakit hindi natin muling subukan? Subukan nating pumunta sa ibang bansa for vacation, baka sakaling maayos pa natin ang lahat.” Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan. Natigil ang kamay ko sa pagpupunas ng basa kong buhok at sandali akong tumitig sa mukha ng aking asawa. Tanging pagsusumamo ang makikita mula sa mga mata nito, habang ang ekspresyon sa kanyang mukha ay tila umaasa ng isang magandang sagot mula sa akin. Ngunit, natigilan ako ng mula sa mukha ni Leticia ay lumitaw ang nakangiting mukha ng dalagang si Keiko. Napalunok ako ng wala sa oras at bigla ang pagsibol ng kakaibang damdamin mula sa dibdib ko. “You know, Leticia, we tried many times. Remember? But it just didn’t work. If you feel like it’s too hard for you, you’re free to leave. I’ll give you your freedom.” Matatag kong pahayag bago humakbang palapit sa closet upang magbihis ng damit pantulog. Ni hindi ko na nakita pa ang paglatay ng sakit sa mukha ni Leticia. “No, hindi ako susuko, Evan, gagawin ko ang lahat para maisalba ang relasyong ito.” Palaban niyang pahayag, makikita ang determinasyon sa mukha nito. “Go on, do what you want.” Walang pakialam na sagot ko sa kanya bago tuluyang lumabas ng silid, upang sa guestroom matulog. Akala ko, isang magandang solusyon ang magpakasal upang tuluyan kong makuha ang Blaise Corporation. Pero, isang malaking pagkakamali pala ang naging desisyon ko. Huli na kasi bago ko pa nalaman na ang isa sa mga kondisyon ng aking ama ay isang anak na lalaki. Ngunit, sa kamalasan ay walang kakayahan ang asawa ko na maibigay ang pinakamahalagang bahagi ng buhay ko. Dahilan kung bakit mas lalo lang akong nawalan ng gana na pakisamahan si Leticia. Marahil, kung kaya niya akong mabigyan ng anak baka sakaling magkaroon pa ng pag-asa ang hinihiling niya sa akin. I’m not blaming her for her lack, nagkataon lang talaga nasa simula’t sapul ay wala akong nararamdaman para sa asawa ko. Muli, isang marahas na buntong hininga na naman ang pinakawalan ko, habang nakatitig sa puting kisame. Ang relasyon naming mag-asawa ay mas malabo pa sa suka kaya naniniwala ako na wala na talaga itong pag-asa na maayos pang muli.” SAN MATEO UNIVERSITY... Natigil ang mga paa ni Keiko sa paghakbang ng mula sa exit ng university ay humarang sa kanyang daraanan ang isang matangkad na lalaki—nakasuot ito ng black three piece suit. “Ma’am, pinapasundo kayo ni Sir.” Lumalim ang gatla sa noo ni Keiko ng marinig ang sinabi ng lalaki. Batid niya kung sino ang tinutukoy nitong Sir, kaya hindi na siya nagtanong pa bagkus, tahimik na sumunod na lang sa likuran nito. Pagdating sa parking lot ay walang imik na sumakay siya sa kotse. Isang oras din ang itinagal ng biyahe, halos nakatulog na nga siya. Humimpil ang sasakyan sa harap ng isang magarang bahay na napapalibutan ng mataas na bakod. Kaya tanging ang kalahati lang ng malaking bahay ang kanyang natatanaw mula sa loob ng mataas na bakod. Bumukas ang gate at pumasok ang sasakyan. Gustuhin mang magtanong ni Keiko ay wala siyang lakas ng loob. Bumukas ang pinto ng sasakyan sa kanyang tapat at tumambad sa paningin niya si Mr. Walker na nakatayo sa bungad ng pintuan. Bigla ang pagsǐkdô ng kanyang puso at nilamon ng matinding kabâ ang kanyang dibdib habang diretsong nakatingin sa mga mata ng lalaki. Napakakisig nitong tingnan sa suot na white long sleeve. Nakatupi hanggang siko ang mahabang manggas nito, habang ang laylayan ng polo nito ay naka tuck in sa kanyang nangingintab na itim na slacks. Sandaling tumigil sa paggalaw ang kamay ng orasan para sa kanilang dalawa. Wari moy naengkanto ang dalaga at hindi niya maalis ang tingin sa mga mata ni Evan habang patuloy na humahakbang ang kanyang mga paa palapit sa kinatatayuan nito. Sa unang pagkakataon ay labis na namangha si Keiko ng ngumiti sa kanya si Evan. Hindi na niya namalayan na nakaawang na pala ang kanyang munting bibig. Natatawa na itinikom ng isang daliri ni Evan ang bibig ng magandang dalaga. Nilusob ng matinding hiya ang buong pagkatao ni Keiko dahil nagmukha siyang tanga sa harap ni Evan. “Ano ba ang nangyayari sa akin? Parang hindi ko na kilala ang sarili ko pagdating sa harap ng lalaking ito.” Naguguluhan na tanong ng isang inosenteng tinig mula sa kanyang isipan. Nanigas ang katawan ni Keiko ng lumipat si Evan sa kanyang likuran. Ang mas lalo niyang ikinagulat ay nang biglang yumakap sa kanyang maliit na baywang ang dalawang braso nito. Hindi lang ‘yun, walang pasabi na ibinaon nito ang mukha sa pagitan ng kanyang leeg. Habang ang mga tauhan ni Evan sa paligid ay patay malisya, walang pakialam sa ginagawa ng kanilang boss kahit alam nila na may asawa itong tao. Na estatwa sa kanyang kinatatayuan si Keiko at labis siyang naguguluhan sa mga kakaibang kinikilos ni Evan. “Nagustuhan mo ba ang bahay na ito Sweetheart? Simula ngayon ay dito ka na titira, kasama ko.” “What!?” Literal na lumaki ang kanyang mga mata dahil sa labis na pagkabigla. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga narinig. “A-Ang lalaking ito, tila nahihibang...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD