Chapter 03

3046 Words
Chapter 03 Alice's POV "Hi Alice!" --Jane "PRETTY!" --Joy "Maganda!" --Louie "Nice one Jane!" --Jhake. Pagkadating ko sa Leisure's Room, natuwa naman sila sa make-over ko daw. Hindi ko nga alam kung anong mafi-feel ko kasi nahihiya ako sa kanila. Hindi naman kasi nila ito kailangan gawin diba? Ahhh, nahihiya ako! Nang magring ang bell, dali dali kong inayos yung mga gamit ko at nagpaalam na sakanila. Nahihiya na ako, parang gusto ko na mapag-isa muna. Ewan ko, epekto ba 'to ng pagiging maganda? Charing! "Uhm... bye!" hindi ko na hinintay na magsalita sila at dali dali akong umalis sa LR. "Wait!" Napahinto ako sa paglakad ko palabas ng Leisure's room nang magsalita si Dylan. "I am your boyfriend. Kailangan kitang saamahan." Sabi niya tapos umakbay pa saakin tsaka kinuha yung gamit ko, humarap kami kila Joy, "Bye na." Sabi niya. Naglakad kami tapos nasa kanya parin ang gamit ko, Hindi ko naman makuha sakanya kasi ayokong magsalita. Nadadagdagan nanaman ang hiya ko. ANO BANG NANGYAYARE SAAKIN? Jane's POV Nang magring na ang bell, nakita ko si Alice na nagmamadaling umalis. Actually, nakatingin lang kaming lahat sakanya kasi parang tensed na tensed siya. Waaah, anong problema? Papaalis na sana siya kaso nagsalita si Casanova "Wait!" Sabi ni Casanova. "I am your boyfriend. Kailangan kitang saamahan." Sabi niya kay Alice tapos umakbay siya at kinuha ang gamit ni Alice. "Bye na!" Sabi niya saamin. On a second thought, parang gusto kong baguhin yung tawag ko sakanya niya from Casanova to Prince Charming ni Alice. Ayyiee! Kinilikig naman ako sa dalawang 'to. Parang KDrama lang ang kaartehan nila ah! Pagkaalis nila, niyaya naman ako ni Joy palabas. Nagtaka naman ako sakanya kasi akala ko hindi kami papasok sa first subject. [Mga bata, wag kaming gayahin okay?] "Girl, sabi mo hindi tayo papasok? Waz da meaning of this?" Pagpigil ko sakanya. Mukhang nagmamadali pa siya eh. Aba, biglang naging studios at late conscious naman si Teh?! Hindi bagay! "Let's spy on Dylan and Alice!" Natutuwang sabi niya tapos kinindatan pa ako. Lokaret din pala 'to eh. Siguro, siya ang number one fan ni Dylan at Alice! Bago pa ako nakapagsalita hinila na niya ako palapit kila Dylan at nagtago naman na kami sa isang puno na malapit kila Dylan. Hala! Nakalimutan ko ata yung diary ko sa LR! Nako baka mabasa 'yon. "Joy, Babalik lang ako sa--" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi tinakpan niya ang bibig ko. "Keep quiet! They might hear us." Sabi niya saakin. Tumahimik naman ako, hala ayoko ngang magalit si Joy saakin. Super scary! Bigla namang umupo si Dylan sa bench kaya naman ay nahinto sa paglalakad si Alice. Hala, Dylan! Anong eksena mo? May paarte arte ka pa diyan! ~Movie Title: My boyfriend is a Casanova~ Cast: Dylan- The casanova Alice- Her girlfriend Joy and Jane- Stalkers "Bakit ka nakaupo diyan, Dylan? Baka malate tayo!" sabi ni Alice "Gusto ko lang na umupo." Mabilis na sabi ni Dylan "Ah ganon ba... Mauna na ako sa classroom, bye!" Sabi naman ni Alice Tumayo na si Alice tapos hinawakan ni Dylan yung kamay ni Alice. May kumalabit saakin tumingin ako tapos si Joy lang binigyan niya ako ng Popcorn. YAY!! Back to the movie. "Dito ka muna." Seryosong sabi ni Dylan Umupo naman si Alice. Hala si 'teh oh, kunyare pa! Hala ayiiee ang cute cute nila! "B-baka malate tayo." Nauutal na sabi ni Alice "It's okay. I'll cover up for you. Let's just... stay here." Dylan sighed. Natahimik naman silang dalawa, habang kami naman ni Joy ay tahimik na tumawa at nagkatinginan sa sobrang kilig. "Alice..." tinignan naman ni Dylan si Alice. "Bakit?" Nilingon naman siya ni Dylan "Ah, Wala... Akyat na tayo." Umubo naman si Dylan bago siya tumayo. "Ahh... okay!" Tumango naman si Alice. Pagkatapos naman noon ay naglakad na sila papasok ng building. "That was the MOST boring movie I have ever watched!" Naiinis na sabi ni Joy atsaka siya naghalukipkip. "I know, right! They're so pakipot." Sabi ko naman sa kanya tapos nagtawanan lang kami. Umakyat na rin kami at saktong nandoon na rin ang teacher namin, nandito na rin sila Jhake at louie, nagtaka sila kung bakit daw ang tagal namin, dinahilan na lang namin ni Joy na kumain kami sa Canteen. --Lunch-- Magisa lang ako ngayon sa LR kasi si Joy may pinuntahan daw na importante tapos si Dylan at Alice naman, ewan ko! May date daw ata sila? I don't know. Si Louie at Jhake din naman nawawala. Nagtatampo ako sakanila kasi iniwan nila ako! "Sobrang gutom ka ba talaga?" Napalingon ako at nakita ko si Jhake na nasa sofa at nakahiga. "Kanina ka pa jan?" Tanong ko sakanya. He nodded. Hindi naman pala ako mag-isa eh. Bakit ba ako nagdadrama dito? "Gusto mo?" Tanong ko sakanya at inabot yung cookies na kinakain ko. Lumapit siya saakin at tinignan ang mga kinakain ko. "Ang dami daming pang-lunch dito, bakit 'yan ang kinakain mo?" Sabi niya saakin sabay upo sa chair. "Kasi si Mommy nung bata pa ako pinaghahanda niya ako ng mga ganito kapag malungkot ako ehh." Sabi ko sakanya tapos kumagat ako ng cookies. "Bakit malungkot ka ba?" Sabi niya saakin. Umiling lang ako "Hindi, pero magisa ako kaya naisipan kong kumain nito!" Sabi ko sakanya. "Oh, tikman mo!" Sabi ko nanaman sakanya. Tumikim naman siya ng cookies. Tapos kumuha nanaman siya, hanggang sa maubos niya.. "Tekkaaa! Wala na akong cookies!" Sabi ko sakanya habang siya sarap na sarap sa kinakain niya. "Mosorop eh!" Sabi niya kahit na maraming laman ang bibig niya. EW! "Eh! Paano ako?!" Sabi ko sakanya. Tumawa lang siya at ako naman nakahalumbaba sa table namin. Nagulat naman ako nang may inabot siya saaking isang cookie. "Malungkot ka diba?" Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko "Cookie, oh." Sabi niya saakin tapos kinain ko na ang cupcake ko, I feel better! hihihi. Hanggang sa dumating na si Louie at Joy tapos sila Alice at Dylan naman ay may dalang ulam--Sinigang na hipon. "Tikman niyo! Masarap yan!" Sabi ni Alice na nakaupo sa sofa kasama si Dylan. "Ang sarap nga!!!" --Louie "Teka.. bakit hindi kayo kumakain?" --Jhake. "Natikman na namin yan eh." -Dylan Naks? close agad agad? Bagay talaga sila sa isa't isa, ang cute cute nilang dalawa! *** Pagkauwi ko naman sa bahay, dumiretso naman ako kaagad sa kwarto ko atsaka ako nagFacebook. Chineck ko din ang i********: ko at napangiti nang makitang dumadami na ang mga followers ko. Napatigil ako sa pagce-cellphone nang biglang tumawag si Joy. [Have you seen my chat?"] Agad na tanong ni Joy pagkasagot ko ng tawag. "Huh?" Nagtatakang sabi ko bago ko binuksan ang f*******: Messenger. Nagulat naman ako sa nakasulat.  Can you tell Jhake to make his cousin fire Alice? "What the hell is this?" Nagtatakang tanong ko. "Bakit ko naman gagawin 'yan?" [Please! Just trust me on this!] Desperado naman niyang sabi. "Yeah, yeah!" Huminga naman ako ng malalim. [You will tell Jhake, right? You know he only listens to you.] Sabi naman nito. "I'm texting him, right now." Sabi ko naman. Ano na naman ang pinaplano mo, Joy? Alice's POV Nagising ako nang biglang may kumatok sa kwarto ko. Anong oras na ba? 5 a.m. pa lang ah! Pag bukas ko ng pinto, nakita ko naman si Ate Umi na parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Hala? Ano nangyare kay Lokaret? "Ceo..." Matamlay na boses ni Ate Umi yung naririnig ko sa labas. "Hala, anong nangyare? Bakit ang lungkot mo?" Nagbuntong hininga siya tapos sabi niya na "Malulugi ang restaurant ko..." tapos tumingin saakin, ako naman nakatayo lang. "Merong bumili ng dalawang kwarto dito para daw tirhan nila." Sabi niya tapos nagbuntong hininga nanaman siya. "K-kailangan mo nang umalis dito Alice..." Sabi niya. Saglit akong natahimik. Ngumiti na lang ako sakanya at sinabing "Okay lang, Ate Umi! Meron naman akong naipon, magrerent na lang siguro ako! Okay lang ako! Wag mo akong alahanin, ang alahanin mo yung restaurant ah!" Niyakap naman niya ako. "Ang bait bait mo talaga, Alice! Pero kahit hindi ka na dito nakatira, dito ka padin magtatrabaho diba?" Ani Ate Umi. "Oo naman!" Sabi ko sakanya, niyakap ko din siyang mahimbing. "Kahit mamaya ka na lang umalis at magimpake kasi mamayang gabi pa pupunta yung nakabili. " Sabi niya tapos ngumiti saakin. ------ Nagbuntong hininga ako. Kanina ko pa kasi iniisip kung saan ako lilipat. Hay. Hindi ko na alam! Pinuntahan ko na kaninang umaga yung mga apartment na pwede kong rentahan at wala padin! Hay. Paano na ako ngayon? "Your mood is bothering me, Alice. What's wrong?" Tanong saakin ni Joy na nakakunot ang noo. "Oo nga, anong problema mo?" Tanong naman ni Louie na nag-gigitara at katabi si Joy sa sofa. "Alice... yoohoo!" Sabi naman ni Jane na nasa harapan ko na ngayon at kumakaway kaway pa saakin. "A-Alice... K-kanina ka pa nakabusangot d-diyan a-ah?" Sabi ni Jhake na nasa tabi ko naman. Nasa LR ako ngayon, wala kasi yung teacher namin--may emergency daw siya o kung ano? Wala naman dito si Dylan kasi bumili siya ng pagkain namin sa canteen. Nagbuntong hininga ulit ako, "Wala na akong matitirhan." Matamlay na sabi ko sakanila. "Huh? What about Ate Umi?" Gulat na sabi ni Joy. "Nalugi na siya tapos may nagpabili ng rooms. Tapos wala na akong mahanap na bagong apartment..." Sabi ko tapos nagbuntong hininga nanaman ako. Nilapitan ako ni Jane, Jhake, Louie at si Joy tapos hinimas himas yung likod ko. "O-Okay lang y-yan..." Sabi ni Jane na nakatingin kay Joy, tapos si Joy nakatingin kay Jhake tapos si Jhake nakatingin saakin.. What's up? Ano yun?! "Eto na pagkain natin!" Biglang kumalabog yung pinto ng LR dahil kay Dylan. Ngiting aso pa ito habang dala dala ang mga pagkain namin. Nung nakita naman niya kami na nagkukumpulan at malungkot pa, lumapit ito agad saamin. "Anong problema?" Tanong niya tapos umupo sa harap namin. Napatingin ako sa baba dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko na ata kayang magpakalakas. Katahimikan mula saamin ang naging sagot sa tanong ni Dylan. "Si Alice kasi wala na daw tirahan. May nakabili na daw ng mga kwarto ni Ate Umi tapos wala na daw siyang mahanap na iba. Wala na daw vacant." Ani Louie. Natahimik din si Dylan. Mukhang pati siya, walang maisagot sa aking problema. "Well maybe, Alice can stay in your house, Louie?" Tanong ni Joy kay Louie. Umiling siya, okay lang naman saakin. "Sorry Alice pero kadadating lang ng parents ko galing Singapore. Gusto nun ng family bonding. Ikaw ba, Jane?" "Actually... no. Kasi--" Natahimik naman saglit si Jane. "Kasi may m******s akong kapatid! B-Baka sunggaban ka nun. Tama! Susunggaban ka nun!" Hindi ko alam kung bakit pero parang proud pa siya sa sarili niya? "Ikaw ba Jhake?" Tanong ni Jane. "I'm sorry, Alice. Sigurado akong hindi papayag ang parents ko. Ikaw ba--" Hindi na naituloy ni Jhake yung sasabihin niya. "Ano ba naman kayo! Pinagpapasa pasahan ninyo si Alice? Napakasama niyo naman!" Tumingin saakin si Dylan tapos nginitian niya ako. "You can live at my condo, if you want." Dagdag na sabi niya. Umiling nalang ako kasi nakakahiya naman! "Wag na! Wag na!" Umiling iling ako. "Psh! Nahiya ka pa! Wag kang mag-alala, babawian mo ako at ikaw ang magiging Chef ko sa condo!" Nakangiting sabi niya. Napangiti naman ako sa sinabi ni Dylan. Gusto ko sanang tumanggi pero sayang din naman ang opportunity. "S-Sige... basta ako ang Cook!" Pumalakpak naman si Joy, "So, we're done? Yay! Dylan saves the day!" Natutuwang sabi niya. Siguro nga, Joy... siguro nga. Louie Morales Hello! Hello! Hello! I'm Louie Morales. Isa akong mabait, gwapo, makulit daw at ang pinaka-lapitin ng chix sa school (pagkatapos ni Dylan)! Tinatawag nila akong prinsipe kasi kamukha ko daw yung sikat na prinsipe, si Prinsipe Cedie. Naglakad na kami papunta sa classroom, kasi malapit na yung next class, matapos yung usapan namin kung saan lilipat si Alice. Nako! Ang swerte naman ni Dylan, laging masarap pagkain niya! "Jane, I think you forgot your notebook?" Tanong ni Joy kay Jane. Tinignan naman ni Jane yung bag niya, na mukhang ice cream, at hinalungkat ito. "Waah! Nakalimutan ko nga." Ngumuso bigla si Jane. Natawa ako sakanya, medyo malayo na kasi yung nalakad namin eh tapos babalik nanaman siya. Dapat lang pala! Let her burn carbs from the cookies she was eating earlier! "Babalik muna ako sa LR! Babuh!" Tumakbo naman na siya palayo. "S-Sama na ako." Hinabol naman ni Jhake si Jane. Napailing na lang ako sakanila. Paano ba naman, si Jhake matagal nang in love kay Jane. Tapos si Jane, isip bata pa kaya ayon hindi niya napapansin. Tsk. Hinawakan naman ni Joy yung braso ko kaya napatingin ako sakanya. Tumigil kaming dalawa sa paglalakad. "L-Louie, can we go to the canteen, please?" Nginitian niya ako. Tumango naman ako, syempre si Joy pa! Lahat naman ng gusto niya, nakukuha niya eh. Naramdaman ko naman yung bilis ng pagtibok ng puso ko. Psh. Ang corny ko naman. Sa totoo lang, crush ko kasi si Joy. Ayaw ko lang sabihin sakanya kasi baka sigawan o awayin lang ako non! Tsaka... syempre, natotorpe ako. Isipin ninyo, ilang taon na kaming magkakaibigan. Ayoko naman na isugal 'yon. Sa totoo lang, sa buong R5 isa lang ang nakakaalam ng nararamdaman ko and it's Dylan. Flashback Nandito ako ngayon sa condo ni Dylan at kasama ko si Joy and Dylan. Si Jane kasi may voice lesson siya tapos si Jhake naman nasa bahay niya lang, siguro natutulog lang 'yon. "Guys, try this!" Natutuwang sabi ni Joy habang dala-dala niya yung isang malaking bowl ng spaghetti. Heto nanaman siya. Nagluluto nanaman! Bakit ba hindi matanggap ni Joy na hindi siya masarap magluto? Kahit na ganoon ay kinain ko padin yung niluto niya. Kakaiba yung lasa, pero para naman kay Joy matitiis ko eh. "So, Louie... do you like it?" Kumikinang ang mga mata ni Joy. Napangiti naman ako sa mukha niya. Para siyang bata na humihingi ng approval. "Ang saraaaaap!" Nakangiting sabi ko. "Really? YAY!" Napatalon siya sa komento ko tapos lumapit siya saakin at niyakap ako. Natawa na lang ako. Kinain ko padin yung Spaghetti. Nakikita ko naman si Dylan na hindi kumakain. Buti na lang ay hindi siya napapansin ni Joy kasi nakatingin saakin si Joy. Pero teka, ano kayang problema non? Bakit parang ang tahimik? "Boys, I have to go. My Dad is here!" Pagkatapos naming kumain ay umalis na din si Joy. Nagpaalam naman na din kami sakanya. Bago siya umalis ay niyakap niya ako. "You're the only person who told me that my Spaghetti is delicious. You're well appreciated. Thank you, Sweetie." tapos humiwalay na siya sa yakap. Sa tingin ko ay namula ako sa sinabi niya. So, alam niya na hindi masyadong masarap yung niluto niya? Kingina naman! Kaya siguro hindi kumain si Dylan! Alam naman na pala ni Joy! Nahiya tuloy ako. Nang mawala na si Joy ay binatukan ako ni Dylan tapos bigla na lang siyang tumawa ng malakas. "Anong problema, Bro?" Binatukan ko din siya. "Kingina mo. Namumula ka, gago!" Hindi padin siya tumitigil sa kakatawa. Napailing na lang ako kay Dylan. Napainon na lang ako ng tubig kasi nararamdaman ko na namumula nanaman ako. "Seryoso nga, may gusto ka sa pinsan ko?" Seryosong tanong ni Dylan. Halos mabilaukan ako sa tubig. Nauutal pa ako bago ako makasagot. "Hah? Ano?" "May gusto ka ba sa pinsan ko?" Sabi niya saakin na seryoso. "W-wala..." Sabi ko sakanya. Tumingin siya sa spaghetti niya na hindi niya kinain, "Sa bagay, sino bang magkakagusto sa pinsan kong maarte? Mabaho at hindi naman kagandahan, hindi siya sexy at-----" Nahinto siya sa pagsasalita nang batukan ko siya. Tama ba namang insultuhin si Joy? "Oo na!" I sighed "Gusto ko siya pero hindi gaano, mga 30% lang, kasi hindi talaga ako sigurado ehh." Sabi ko sakanya tapos iwas tingin. "Hahaha! Kailangan ko pang insultuhin ang Maganda, mabango, Sexy at maarte kong pinsan ehh! Hahaha!" Sabi niya na todo tawa. Nagtataka talaga ako talaga bang magpinsan sila? "Kailangan ko pa palang insultuhin yung pinsan ko? Gago ka ba! Ang ganda ganda kaya ng lahi namin! Malamang, magugustuhan mo pinsan ko. Parehas kami ng charms non!" Proud na sabi ni Dylan. Napailing na lang ako. End of flashback "Hey Louie! Are you still there?" Napabalik ako sa sarili ko nang paluin ni Joy yung braso ko. "A-Ah? Y-Yeah." "So... what do you want to eat?" Nginitian niya ako. Oh, that damned smile. Ngayong araw ako lumipat sa condo ni Dylan. Sa guestroom daw ako makikitulog. Maganda naman dito, malaki at malamig kasi may aircon pa. Tabi na lang kaya kami ni Dylan matulog? *Slap* Nababaliw na ako, grabe! Ano bang iniisip ko? Alice Ceo Perez! Nababaliw ka na! Yung Dylan na yun pagnanasaan mo? Teka. Meron kaya siyang abs? Oo nga noh? Meron kaya siyang- *Slap* Ano ba tong iniisip ko? Pinagnanasaan ko na si Dylan! Kawawa naman ako. Nababaliw na! "Alice!" Rinig kong tawag saakin ng hot boyfriend ko. AH! TUMIGIL KANG MALANDI KA! "N-Nandiyan na!" Sabi ko at lumabas na sa kwarto ko. Pagkalabas na pagkalabas ko, nakita ko siyang nakahiga sa sofa habang nanunuod ng TV. Ano nangyayare dito? Ganito ba epekto sa mga Casanova na pinagbabawalang mambababae? Buong araw, nakahiga? Pero, ang hot niya padin tignan! TIGILAN MO NA KALANDIAN MO ALICE ANO BA "What are you looking at?" Tanong ni Dylan. Natahimik ako. Ano? Sabihin ko ba na pinagnanasaan ko siya? Kasi, may karapatan naman akong pagnasaan siya kasi diba boyfriend ko na siya? AH ANO BA STOP NA ALICE "Bakit mo ako tinawag?" Pag-iba ko sa usapan. "Luto ka ng dinner natin. Gutom na ako eh." Nakangiting sabi niya. Jusko! Hot na tapos cute pa. Saan ka pa? Ikaw na lang dinner ko, please. Seryoso? Anong meron saakin ngayon? "Sige. Wait lang!" Sabi ko tsaka ako pumunta sa kitchen. Nagluto ako ng chinese fried rice tapos fried chicken. Eto na lang din kasi ang mga sangkap na meron siya eh. "Uy tara! Luto na." Pagkaayos ko sa table at sa pagkain ay tinawag ko na si Dylan. Nagtimpla na din ako ng calamansi juice para sakanya. Umupo naman siya tapos kumain na. Hindi naman ako umupo at tinignan lang siyang kumain. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. "Huy! Bakit ka nakatayo diyan?" Nakangising sabi sa akin ni Dylan. 'Huh?" Natawa siya. "Kumain ka na nga!" sabi niya.  Louie's POV "OPPA! OPPA!" Sigaw ng kapatid kong si Louisa. (Kuya! Kuya!) My Dad lived in Korea for 30 years, doon din sila nagkakilala ni Mom. Tumira lang kami dito sa Pilipinas nung 7 years old ako pero kahit na ganon ay Korean language padin ang gamit namin. "Wae?" [Why?] "Appa geurigo eomeoni needs us in the Office!" Ani Louisa. [Appa geurigo eomeoni:Dad and Mom] "Okay." Pumunta naman kami parehas sa kwarto nila Mom. Ano kaya sasabihin nila?. "APPA! EOMEONI~!" Sumisigaw nanaman si Louisa. [APPA! EOMEONI: Dad, Mom] "Agi!" Mom said. [Baby] "We are leaving tomorrow. Pack your bags. We will be gone for a week" Dad annouced. "Wae appa?" [Why dad?] "To meet the Soo family." Nakangiting sabi ni Dad. "NE! NE! I'M GOING TO SEE MY SACHON!" Excited na sabi ni Louisa. [YES! YES! /// Cousins!] "Pack your things now. I already informed both of your principals, so you're both excused. Annyonghi jumushipsiyo!" Sabi ni Mom. [Annyonghi jumushipsiyo:Good night] "Annyonghi jumushipsiyo!" Ani Louisa Pagkapasok ko aa kwarto ko ay tinawagan ko agad si Joy. "Yeoboseyo!" [Hi] [Uhh, Louie... Why?] "Hindi mo ako makikita ng 1 week, pakisabi na rin sakanila!" [Where are you going?] "To see my fiancee-" Huh? Bakit binabaan niya ako???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD