Chapter 02
Dylan's POV
Ang kulit ng pinsan ni Jhake, pinsan ba talaga niya yun? Baka mahalikan ko pa yon, hindi joke lang!
Pagpasok ko sa condo ko, nakita ko silang lahat sa sala.
"WOAH!" Nagulat ako kasi nandito pa sila pati si Jane nandito. Nakaupo silang lahat sa sofa ko
"Bakit nandito pa kayo? Umalis ka na Jane diba?" Sabi ko.
"I messaged her to go here. I declare a sleepover!" Sabi ni Joy.
Meron kasi ditong dalawang guestroom tapos isang master's bedroom. Maraming beses na rin naman silang natutulog dito kaya may mga gamit na sila dito.
"Bago matulog, kain muna tayo ng pizza." Sabi ni Jhake na nasa dinning room na tapos nilapag na ang pizza.
"I like Alice!" Panimula ni Joy.
"Yeah! I want her to be our best friend." Nakangiting sabi ni Jane.
"R5 and our Official Best friend." Ani Joy.
"Kailangan makumbinsi natin siya na maging best friend!" Nakangiting sabi ni Louie. Sus! Nakikisali pa 'to kila Joy.
"Sure! Let's give her a contract." Ani Joy. Contract? Ano si Alice, trabahador? Etong si Joy talaga out-of-this-world yung mga ideas eh.
"Pano kung hindi pumayag?" Ani Jane. Aba, okay siya sa idea ni Joy ah? Natawa na lang ako.
"She will!"
Jane's POV
Ako nga pala si Jane Wilma Cruz! Mabait na bata ako.
Maganda (Syempre)
Cute (Naman)
Tapos Princess ng Wilson Academy (Sabi nila pero para sa'kin cute lang talaga ako).
Si Mommy at Daddy ay may mga restaurants sa Philippines, Korea and America pero sakanila yun, hindi saakin. Meron akong isang kapatid at panganay ako.
Nandito kami ngayon sa condo ni Dylan. Nakakainis nga eh, ako ang pinagawan ng Contract para kay Bestfriend. KAZAR! Ako na lang ang gising kasi nasa sala pa ako at gumagawa ng contract.
"Hay nako." Nakita kong umupo sa tabi ko si Jhake tapos kinuha yung contract at tumayo na. "Ako na gagawa, matulog ka na." Sabi niya saakin.
"Thank you!" Sabi ko sakanya tapos pumunta na ako sa kwarto at natulog na.
---
"Wake up! Wake up!" Ginigising na ako ni Joy. Ano ba yan! Ang sarap sarap ng tulog ko eh. No!
"Wake up!" Sabi nanaman niya. Bumangon na ako kasi baka magalit si Madam, ayoko namang makipagaway dyan!
"I'm awake!" Sabi ko kay Joy tapos lumabas na ng Guestroom.
Pumunta ako sa Dining Room tapos nakita ko naman na mukhang napuyat si Jhake. Hala? Bakit siya puyat? Kasalanan ko ba kasi pinagawan ko siya ng contract? Is that my fault? Naguguilty ako.
Umupo na kami sa may hapag kainan tapos nagsimula na kaming kumain nung magising na ang lahat.
"Bakit parang inaantok ka pa, Jhake?" Tanong ni Louie kay Jhake.
"Contract." Inaantok na sabi ni Jhake. Hala! Naguguilty talaga ako!
"What did you say?" Nagtatakang tanong ni Joy.
"I only have three hours of sleep." Tumingin saakin si Jhake tapos ngumiti.
"J-Jhake, Sorry!" Sabi ko kay Jhake. Nagtaka naman sila kasi nagsorry ako, pero kaming dalawa lang ni Jhake ang nakakaalam.
"Bakit ka nagsosorry kay Jhake?" Sabi naman ni Dylan. Ayan tuloy, lahat sila nakatingin saakin (Syempre, maganda ako).
"Kasi... ako nagpagawa ng contract sa kanya." Sabi ko sakanila tapos nagpeace sign pa ako.
"Weh? Tulog na tulog na kaya kagabi si Jhake!" Sabi naman ni Louie saakin.
Tinakpan ko yung bibig ko "Oh my? Don't tell me... Ghost yun?" Sabi ko sakanila.
"Ano ba kayo! Ako nga yon, eto na yung contract." Sabi ni Louie tapos binigay niya kay Joy. Si Joy kasi pasimuno nito.
"Yaaaaay! Thank you, Jhake!" Sabi naman ni Joy, Nababaliw na siya?
Pagkatapos kong kumain, bumalik na ako sa room namin tapos naligo, nagbihis, nagtoothbrush.
Bingo! Maganda na ako! (Kanina pa ako maganda)
[School]
Nandito na kami sa Leisure's Room, As usual, Si Louie nagbabasa, si Joy binabasa yung contract, si Jhake natutulog, si Dylan naman may kalandian (Nako kung hindi busy si Joy, nasipa na niya yung babae) at ako bored na bored na!
Tumayo ako sa kinauupuan ko at naisipan kong lumabas. Maglalakad lakad na lang ako, ang boring dito eh.
"Where are you going Jane?" Sabi ni Joy.
"I am going out, baka mag ring na yung bell." Sabi ko kay Joy.
Tumayo na si Joy, Louise at Jhake "Sama ko!" Sabi nila.
Sumama na din si Dylan tapos ewan ko na kung ano nangyare sa kalandian niya.
Nang makapasok na kami sa classroom, pinalibutan namin yung aircon. Tambayan namin 'to dito eh, wala namang pakielam, yung mga kaklase namin kasi wala daw silang karapatang awayin kami. (Echos naman! masyado silang takot!) Buti pa si Alice hindi natatakot saamin lalo na kay Dylan.
Speaking of Alice, Where is she?
Hinanap ko si Alice. Bingo! Nagbabasa! "Alice!" Sigaw ko sakanya, lumapit naman siya saakin tapos ngumiti.
"Bakit Princess--" Tinignan ko siya ng masama, sabi ko wag na akong tawaging princess ehh. "Sorry, Bakit Jane?" Sabi niya tapos diniinan pa ang pretty name ko.
"Waley akong kausap, sit here!" Sabi ko sakanya at tinuro yung vacant seat. She nodded tapos umupo naman siya,
Nung mapansin naman siya ni Dylan, ngumiti si Dylan. Anong trip ni Dylan?
"P.A.!" Sigaw ni Casanova, Tinaasan naman siya ng kilay ni Alice.
"Ano?" Sabi ni Alice, natawa ako. Sinabihan kasi namin ni Joy si Alice na wag siyang matakot. Sabi namin, pagtripan niya si Dylan.
"I need you to sign a contract." Sabi ni Dylan. Napatingin kaming lahat kay Alice.
"Anong kontrata?" Sabi naman ni Alice na halatag nagtataka.
Tumingin si Dylan kay Joy at alam na namin kung ano yun. Binigay ni Joy yung contract na pinagpuyatan ni Jhake. The contract of the Official Bestfriend. Binigay ni Dylan kay Alice yung contract at binasa naman niya.
Alice's POV
Contract? May contract daw akong pipirmahan. Kinuha ko na kay Dylan yung contract at binasa
I, Alice Ceo Perez, will be R5's Official Best Friend. I will always be there for them no matter what happened. I will let them treat me and give me a welcome gift. I will never let them down and never betray them. I will just be myself and I will not use them. I promise to be true to them. If they need me, I will always be available for them. I will hangout with them and I promise to help them when they need me. (Etc. na sobrang haba pa! Woah)
Signed By:
Alice Ceo Perez
Wahh? Pipirmahan ko ba to? Paano na to? Okay fine fine, pipirmahan ko na. Pinirmahan ko na tsaka ko binalik kay Dylan yung contract, teka bakit ba may contract pa? Bakit hindi na lang nila ako tanungin? Papayag naman ako, ganito ba talaga kapag mayaman?
Tumayo naman si Joy tapos hinug ako. "You're my new best friend." Sabi naman ni Joy.
Lumapit naman si Louie tapos Nakipag-Apir sa'kin at sinabing "Pogi na lang itawag mo saakin, ayun yung tawag ng mga Best friends ko saakin."Ang sabi naman niya, bigla namang tumawa sila Joy tsaka nag sign sa'kin na hindi totoo yun.
Makikipag-fistbump sana si Jhake sa'kin kaso tinawag ako ni Dylan.
"P.A.! Tara dito!" Sabi ni Dylan, Bumalik na si Jhake at hindi na lumapit kay Alice, Lumapit naman si Alice kay Dylan.
"Ano yon?" Sabi ko na naka-cross arms sa harap ni Dylan, pinagpag ni Dylan yung katabi niyang upuan which means umupo daw ako, kaya umupo naman ako.
"Ano gusto mong Welcome Gift, P.A.?" Sabi naman ni Dylan.
"Wag mo na akong tawaging P.A. kahit Alice na lang." Sabi ko at medyo nahihiyang ngumiti.
Kinamot naman ni Dylan yung ulo niya "Ehh, Simple gift yun ehh. Tama! Simple Gift ko lang sayo!" Sabi ni Dylan, Naks? Magkasundo na ba kami?
"Eto na nga *Ehem* Hi Alice.." Sabi ni Dylan, Tumawa na lang ako kasi medyo na-awkward ako. Nakita ko naman si Jhake naman nagbasa na lang ng book, Si Joy naman nakangiti, Si Louie natutulog at si Jane uhm, nakatulala sakin?
Nginitian ko si Jane nang bigla siyang natauhan. "Uhmm, Alice. Magkita tayo mamayang uwian hah? Sa may Lesuire's Room." Sabi niya saakin, i nodded.
-
Yehey! May kaibigan na ako. Sana sila na ang true friends ko. Naniniwala ba kayo doon? Na may destiny ang friends? Na meron kang kaibigan simula hanggang Huli? Ako kasi naniniwala doon ehh, sana.. Sana sila na ang Best friend ko. Sana matanggap nila ako.. OA Much? Talandi na talaga ako! Ang Korniks ko.
Magcucuting daw kami ng R5 kasi daw magluluto daw ako ng masarap na pagkain, sabi ko sakanila Adobong Manok, Pumayag naman sila. Pero sabi ko, ayaw ko magcutting pero sabi nila sila na daw bahala magrason. Hala, nakakatakot. Papunta na ako sa LR kaso nakalimutan ko yung wallet ko, nasa upuan ko lang yun, kaya bumalik ako. Wala pa siguro yung next teacher namin, since laging late yun.
[Classroom]
"Nakakainis si Alice, napaka FC (Feeling Close) sa R5"
"I know right!"
"Dapat doon binibigyan ng parusa ehh!"
"Parusa na nga ang mukha nun eh"
"Sa bagay."
Narinig kong sabi niya, siguro para sa iba normal lang 'to pero sakin, hindi. Sanay ako na walang pumapansin saakin pero ngayon, alam na nila pangalan ko. Kaya napag-desisyunan ko na wag na lang pumasok sa classroom, wala namang kukuha ng wallet ko, mayayaman naman sila eh.
Bumalik na ako sa LR tsaka ko niluto yung adobo, madali lang naman 'tong lutuin eh. Natapos ko nang lutuin ang adobo.
Nagugutom na ako, pumunta ako sa kainan nila. Si Dylan may kalandian nanaman, Si Joy wala umalis muna, Si Jane nagbabasa ng Candy Mag, Si Jhake tulog at si Louie (Louie na lang daw ang itawag ko sakanya, wag na daw pogi kasi masasapak daw siya nila Joy) nakaupo na sa dining room.
"Uhmm, tapos ko ng lutuin oh." Sabi ko sakanila, Nagsilapitan naman sila pwera lang kay Dylan kasi may kahalikan pa siya. Bigla namang kumalapag ang pinto at nakita namin si Joy na maraming dalang gifts, siguro galing sa mga suitors niya yun.
"Get out!" Sinigawan ni Joy yung kafling ni Dylan.
"Why can't you stop flirting with other girls? Why are following your father's footsteps?" Sabi ni Joy at sinampal si Dylan. Inawan naman ni Louie si Joy. Si Jane naman tumayo na malapit sakanila, tapos si Jhake naman nasa gitna na nila at ako nakatunganga lang.
"YOU'RE SUCH AN ASSHOLE!" Sabi nanaman ni Joy.
Naalala ko sabi ni Jane, galit si Joy sa mga babaero. Yung daddy niya ata nambabae dati pero hindi na daw ngayon, pero ayon natrauma na siya.
"Sorry Joy, ganito na talaga ako eh." Sabi ni Dylan na nakatingin sa sahig.
"Okay!" Sabi ni Joy at kumalma "For the last time, You must have a girlfriend and you will be loyal to her!" Sabi ni Joy na seryoso.
"Sino naman?" Tatatawang sabi ni Dylan.
Tumingin naman si Jhake, Jane, Louie, Joy saakin. Kaya napatingin din si Dylan saakin.
"Ba-bakit?" Sabi ko sakanila.
"Dylan." Tumingin si Joy kay Dylan "Will Alice be your girlfriend?" Sabi ni Joy.
"NO!" Sabay naming sinabi ni Dylan.
"A-ayoko." Sabi naman ni Dylan.
"Pleaseee?" Kinindatan ni Joy si Dylan.
Tumingin saakin si Dylan at alam ko na ang isasagot niya.
"Okay... Sige." I told you! Hindi siya papayag!
WHAT THE? G-Girlfriend? Nakooo, No! Ngek! Ayoko..
"Ayokooooo!" Sabi ko sakanila.
Linabas naman ni Joy yung contract na na-sign ko kanina, "It says here.." Tinuro niya yung medyo dulo part "..and i promise to help them when they need me."
"Paano ako makakatulong?" Sabi ko, syempre dapat malaman ko.
"You will help him to be a responsible man, and to stop flirting!" Sabi naman ni Jhake.
"Oo na!" Sabi ko tapos nagpout pa. Kumain na kami, maingay syempre, wala kaming pinagbago ng 1ST BOYFRIEND KO. Hayy! Kaya ko toh! Kaya ko tong kumag na toh! Haist! But still...
I am the Girlfriend of the Casanova.
--Dismissal--
Hindi pa rin ako masyadong makapaniwala na boyfriend ko na si Dylan! Pero? Arranged lang naman yun diba? Hay nako! Wag na nating isipin.
Papunta na ako sa LR, sabi ni Jane pumunta daw ako don. Nagulat na lang ako nang may humarang saakin nung medyo malapit lapit na ako sa Leisure's Room, classmates ko sila mga 5 din silang girls.
"E-excuse me.." Sabi ko sakanila para padaanin ako pero nila ako pinapadaan.
"Wala kang karapatan para lapitan ang R5!" Sabi nung classmate ko, dahil hindi sila mahalaga wag na nating sabihin ang names nila.
"You're so Pam pam! (Papansin)" Sabi naman nung isa ko pang classmate.
Bigla nila akong tinulak kaya napaupo ako, tumayo ako pero hindi ko na sila papatulan. Masyado silang mababaw para pansinin ko.
Nagulat na lang ako nang bigla nanaman nila akong tinulak. Nagbuntong hininga na lang ako. Tumayo na lang ako nang bigla nila akong itulak ulit. ANO BA YAN!
"Hoy! Anong ginagawa niyo kay Alice?" Napalingon ako at nakita ko si Jhake, tumayo naman ako.
"Kasi naman Caesar Jhake, nakakainis lang, she is so Pampam!" Sabi nung isa.
"Hindi siya Pampam, YOU ARE!" Hinawakan ni Jhake yung braso nung isa sa kanila "Touch her or you will be dead." Sabi niya ng seryoso.
"S-sorry." Tumingin naman sila saakin "Sorry Alice!" Sabi naman nila.
"LEAVE!" Sabi ni Jhake tapos kumaripas na sila ng takbo, Lumapit siya saakin "Okay ka na?" I nodded
"Buti naman. Utang na loob yon ah!" Natatawang sabi niya.
"Ngek? Utang na loob?" Gulat na sabi ko kay Jhake.
"Joke lang. Bye na!" Sabi naman niya tapos naglakad na paalis, huminto siya pero hindi tumingin saakin "Bilisan mo! Hinihintay ka na ni Jane." Sabi niya saakin.
Hala! Oo nga pala! Kumaripas ako ng takbo papunta sa LR. Nakita ko naman na siya na lang ang nasa Leisure's room.
"Jane!" Sabi ko sakanya, Ngumit naman siya nung nakita ako at nilapitan ako.
"Let's go!! Shopping time!" Sabi pa niya. I nodded.
Nagpunta kaming dalawa sa kotse niya. At dahil hindi daw siya marunong magdrive, mayroon siyang driver.
Buong byahe papunta sa mall ay nagdadaldal siya. Hindi pa ata ako sanay sa kadaldalan niya pero sinusubukan ko naman makinig ng maigi sa mga sinasabi niya.
"Do you want to eat pa?" Tanong saakin ni Jane nang makarating kami sa mall.
"Wag na!" Sabi ko naman sakanya.
"Osige! Papakita ko na sayo ang Welcome Gift ko!" Excited na sabi niya.
Kinaladkad niya ako sa isang salon at tinignan ko yung name ng salon: Jane's salon
"Jane... sa'yo ba to?" Tanong ko sakanya.
"Yup! Bigay saakin to ng Dad ko last birthday ko. Kakaiba talaga magregalo ni daddy saakin!" Sabi naman niya tapos tumawa pa.
"Okay! Eto na gift ko sayo!" Tinaas niya yung dalawang kamay niya "TADA!!" Sabi pa niya. Tinignan ko naman at yung mismong salon niya lang ang sinasabi niya.
Hindi pa ako nakakapagsalita at nakakapagtanong ay hinila na niya ako papasok sa loob.
"Uy! Si Ma'am Cutie nandiyan na, mga bakling may kasama siya at maganda rin!" Sabi nung receptionist tapos lumapit saamin. "Hey Ma'am Cute, parang bagay sila nung Mister Gwapong kasama mo dati!" Sabi nung receptionist at tumingin saakin.
Humalakhak naman si Jane, "You mean si Dylan? Yeah yeah. Bagay na bagay sila!"
Pabiro ko lang siyang inirapan. Kinindatan lang ako ni Jane.
Pinaupo na ako sa upuan. Umalis muna si Jane tapos sinimulan na ang pagaayos sa mukha ko. Sabi ni Jane bawal daw ako magreklamo kasi part daw 'to ng contract, tsaka gift daw niya saakin.
"Perfekto!" Sabi nung nag-ayos saakin at tinitigan ako. Hindi ko naman tinignan ang sarili ko kasi kinakabahan ako. Hinintinay ko na lang muna si Jane.
Ilang minuto pa ay dumating na din si Jane kaya nilapitan ko ito.
"Jane?" Pagtawag ko kay Jane.
Nang makita niya ako ay kumislap ang kanyang mga mata. "You're so pretty!" Saad pa nito.
"Try this dress!!!" May ibibigay siya saaking dress at tinulak ako papunta sa rest room para magpalit. Natawa na lang ako. Ang cute ni Jane!
Pagkatapos kong magpalit ay lumabas na ako. Natawa ako sa itsura ni Jane at nung nag-ayos saakin kasi parang shocked na shocked sila sa transformation ko.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at...
LOADING..
"HALA! Ako ba 'to?" Gulat na sabi ko.
"Alice, you're super pretty!" Niyakap ako ni Jane.
===
Time Checked: 7:31 Pm
Nandito ako ngayon sa tapat ng restaurant ni Ate Umi. Kabababa ko lang sa kotse ni Jane, Grabe si Jane, buong byahe ay sinisigawan niya ako kasi daw ang 'ganda' ko. Ang dami din niyang binigay na damit saakin tapos may mga mga skincare products pa.
Kumatok ako sa restaurant ni Ate Umi at binuksan naman niya ito. Kakasara lang kasi kaya naka-lock na, tapos nakalimutan ko pa susi ko.
"Ano pong kailangan niyo miss?" Sabi saakin ni Ate Umi.
"Ano ka ba Ate Umi, Ako to!" Tapos kinaway kaway ko yung kamay ko sa mukha niya, "Alice Ceo Perez!!"
"Ngek? Bakit ganyan ayos mo?" Sabi niya tapos tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, "bakit ang ganda mo?
"Nice ba?" Natatawang sabi ko pa sakanya.
Pinapasok na niya ako sa kwarto ko at inayos ko na yung mga gamit na bigay saakin ni Jane. Natuwa naman ako sa nangyari ngayong araw. Feeling ko mayroon akong fairy godmother!
Jane's POV
"Ginawa ko na ang gusto mo, Joy!" Nakangiting sabi ko kay Joy.
Nandito ako ngayon sa bahay ko habang nanunuod ng movie. Kumakain din ako ng strawberry ice cream dahil paborito ko ito.
[Yeah, thanks!] Sabi ni Joy.
Napanguso naman ako. Para kasing ang busy ni Joy. Hay nako, ito talagang babaitang 'to palagi na lang busy!
"Ipapakita ko na lang yung picture sa email mo." Sabi ko.
[Yeah, I love you talaga!]
"I love you more! And by the way, sure ka ba na gagana ang plans mo?"
[Sure na sure, bye bye na!!]
"Bye!!"
Pagkagising ko ay diretso na ako sa dining room. Excited na kasi ako sa pinaluto kong ulam na Nilagang baka! Isa na 'to sa mga favorite kong dishes! Pagkatapos kong kumain ay naghanda na ako for school. Yaaaay.
[School]
"Good morning, Princess Jane!"
"You're so cute, Miss Jane!"
"Good morning, Princess!"
Bati saakin ng mga tao. Of course, binati ko sila. Hindi ako katulad ni Jhake at Joy na suplada/suplado! Dire-diretso naman ako papunta sa LR at nakita ko na nandon naman si Joy, Louie at Jhake.
"Hey! Nasaan si Dylan?" Tanong ko sa mga tao dito.
"Dylan? Tinanong ko kung pwede ba niyang sunduin si Alice." Sabi ni Joy. Aww ang cute magtagalog ni Joy!
"Bakit nagtatagalog ka? Ang cute cute mo naman! Ayyiee!" Nilapitan ko siya tsaka ko niyakap. Ang cute cute ni Joy!
"Stop--este, tigilan mo nga ako!" Nagpout naman si Joy atsaka namula pa.
Alice Ceo Perez's POV
Nang matapos ko nang ayusin ang sarili ko para sa school, nakarinig naman ako na may kumatok sa kwarto ko.
"Hoy! Lumabas ka na dyan at hinihintay ka na ng boypren mo!" Sigaw saakin ni Ate Umi.
Boyfie? Boyfriend?! Wala akong Boyfriend-
Loading.....
Hala! Oo nga pala, si Dylan. Teka nga! What the hell? Nandito siya? Shet! Kinikilig ako. Syempre, sarcastic yan.
Bumaba na ako at nakita ko ngang nandon na si Dylan.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong sa kanya. Tumingin siya saakin ng gulat.
"S-sino ka?" Tapos tumingin kay Ate Umi "Ang sabi ko diba si Alice!" Sabi pa niya ng galit.
"Si Alice yan, Loka loka!" Sabi naman ni Ate Umi. Natawa naman ako sa reaction ni Dylan. Parang ang O.A. naman niya!
"Weh? Di nga?" Nakataas pa kilay niya tapos tumingin saakin "Alice? Ikaw talaga yan?" Sabi niya saakin tapos kinaway kaway ang kamay niya sa mukha ko. Tumango ako.
"Ah, tara na. Sinundo lang kita." Sabi naman niya sabay iwas ng tingin. Hala? Anong problema nito?
"Ahh... sige." Sabi ko sakanya. Hala? Bakit ang awkward namin? Anong meron?