bc

2 hot to handle

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
fated
drama
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

It's rare to meet a man who is straightforward to tell his feelings to a woman he likes." Aj says to herself.

For her, Andres is a man who will tell you what he really wants to say. Even if you're hurt or not. She doesn't know how to handle this kind of situation. She's not used to it.

But, being a cold and straightforward man, she can't stop herself to fall in love with him, the cold yet straightforward man who makes her special.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
Chapter 01 Nakasimangot kong inilalagay ang mga damit ko sa lumang maleta. Hindi ko na inayos ang pagtupi sa mga damit at basta na lang 'yon sinalpak sa loob ng maleta. Hindi naman madami ang damit ko, sakto lang. "Bilisan mong kumilos, Aj. Maya-maya ay nandyan na ang sasakyan," sabi ni mama sa akin, hindi ko siya sinunod. Mas binagalan ko pa ang pag aayos ng gamit ko. Bakit ba kailangan pa akong sumama sa kanya? Maayos naman na ako dito, mas gusto ko dito! Ayoko sa ibang lugar, dito sa bicol ang gusto ko. "Ma, bakit kailangan kasama pa ako? Ayos naman ako dito," reklamo ko sa kanya. Tumigil ito sa kanyang ginagawa saka humarap sa akin, ang isang kamay niya ay nakalagay na sa kanyang bewang. "Gusto mo talagang mapahamak ka dito? Hindi ka talaga nadadala, ano?" "Kila tita na lang muna ako matutulog, pwede naman 'yon e." nakangusong sabi ko sa kanya. "Hindi, usapan na rin natin ito, Jade. Magkokolehiyo ka sa maynila. Doon ka magtatapos ng pag-aaral!" hindi na ako nakapag salita nang talikuran niya ako at tapusin ang kanyang ginagawa. Wala na akong nagawa kun'di ang ayusin na rin ang mga gamit ko. I don't have a choice. Pupunta kami sa maynila. Titira kami sa bahay ng amo niya, nakapunta na ako doon isang beses pa lang. Pero masyado pa akong bata nang mga panahon na 'yon. Hindi ko na maalala kung anong itsura ng bahay ng amo niya. Basta ang alam ko ay mala mansyon ang itsura no'n. I just graduated from senior high school. Gaya ng sabi ni mama ay sa maynila na ako mag aaral ng kolehiyo. Ayoko sana pero si mama ang nagpapa-aral sa akin at napagkasunduan na rin namin na magsasama na kami pag nag kolehiyo na ako. May sarili kaming bahay dito sa bicol, pero ibebenta na ni mama dahil mukang sa maynila niya na talaga balak na tumira. Wala akong ama, ang alam ko ay naanakan lang si mama kaya hindi ko nakilala ang biological father ko, hindi ko naman hinahanap, sapat ng nasa tabi ko si mama. "Tapos ka na?" tanong nito sa akin. "Malapit na!" Gusto ko sanang hanggang bakasyon ako rito, pero dahil sa nangyari kahapon ay nagbago ang isip ni mama. Nagkaroon kasi ng nakawan sa katabing bahay namin, sakto ang pag uwi ni mama kaya nalaman niya ang nangyari. Tinayo ko ang lumang bagahe ko at nilagay sa ibabaw ang may kalakihang back pack. Kinuha ko ang isang paper bag na naglalaman ng ibang gamit ko, sinuot ko ang sling bag saka pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Isa lang ang kwarto ng bahay, wala naman madalas si mama dito kaya ako ang gumagamit nito. Sa tuwing uuwi siya ay tabi kaming natutulog. Hindi naman siya tumatagal ng isang linggo, mga tatlong araw lang siya rito at babalik na rin siya sa maynila. May study table na wala ng laman ngayon, wala na rin ang mga picture frame na nakasabit sa dingding. Ang kama ko ay iiwan dito, sila tita na kasi ang bahalang umasikaso nito. Sana ay hindi na lang ito ibenta ni mama, kausapin ko nga siya mamaya. "Nandyan na ang sundo, Aj. Tara na!"rinig kong sigaw ni mama. Umayos na ako at hinila ang maleta palabas ng kwarto. May dalawang lalaki ang pumasok sa bahay at binuhat ang mga gamit namin palabas. Hindi naman lahat dinala ni mama, mukang iiwan niya rin ang mga ito. " Sinong titira dito?" tanong ko kay mama. "Ang pinsan mong si Kyle, pansamantala muna siya rito," "Hindi mo ibebenta?" Umiling ito dahilan para ngumiti ako. Ang dami ko kayang memories dito! "Hindi, sayang e." Tumulong ako sa paghakot ng mga gamit namin palabas ng bahay. Nasa labas si tita, kasama ang dalawa niyang anak. "Magparamdam ka a!" sabi ni Adelaida sa akin, pinsan ko. "Patay ba ako para hindi magparamdam?" nakakunot na tanong ko sa kanya, mahinang hinampas niya naman ako. "Kahit kailan napakapilosopo mo," ismid na sabi nito, nagkibit balikat na lang ako sa kanya. "Para namang hindi kayo magkikita sa maynila," singit ni Audrey sa kapatid niya. "Oo nga, mauuna lang ako sa'yo doon!" sabi ko naman sa kanya. Nagkamot naman ito sa kanyang ulo kaya napailing na lang ako. "Mag iingat kayo ng mama mo sa maynila, Aj. Alam mo naman ang mga tao doon," paalala ni tita sa akin, lumapit ako sa kanya saka yumakap. Dahil madalas ay wala si mama sa bahay, si tita ang tumayong pangalawang nanay sa akin. Kaya mamimiss ko siya! "Opo tita, kayo rin po dito. Mag iingat kayo," tinapik nito ang likod ko. "Oo naman," Lumapit si mama sa amin saka nagpaalam na sa kanila. Umakbay si mama, hindi maiwasan ang maging emosyonal. Kahit ako ay naluluha. Ito na ang kinalakihan kong lugar, dito ako sanay. Alam ko ang pasikot sikot dito. "Sabihan mo ako kung pupunta ka na sa maynila," sabi ni mama kay Adelaida. "Yes tita, pero kay papa ako tutuloy." sabi naman nito. "Alam ko, magsabi ka lang para mapuntahan ka ni Aj doon," tumango na lang ito. Isa isa ko silang niyakap, ganoon rin ang ginawa ni mama. Nilingon ko ang pick up truck na sasakyan namin. This is it. Aalis na talaga kami dito. "Ang bahay ate, ikaw na ang bahala." "Huwag kang mag alala, sasabihan ko si Kyle kapag nakabalik na rito," Kumaway ako sa kanila bago sumakay sa truck. Dalawa kami ni mama sa tabi ng driver, kasya naman kami. Kasya pa nga ang isa. "Mag ingat kayo!" sabi ni tita, kumakaway lang ako sa kanila hanggang sa tuluyan ng umandar ang truck. Umayos ako ng upo ng hindi ko na sila matanaw. "Kailan tayo babalik dito?" tanong ko kay mama. "Hindi pa nga tayo nakakalayo ay 'yan agad ang tanong mo."ismid niyang sabi sa akin. " Pwede naman akong pumunta rito 'di ba? " " Pupunta tayong dalawa dito,"hindi na ako umimik. Mukang nababadtrip na siya sa akin. Walong oras ang byahe mula bicol pa maynila. Dahil hindi naman kami commute, baka mas maaga pa kaming makarating. Ang sabi ni mama ay may alam daw na shorcut ang nagdadrive, hindi kaya ay maligaw kami? Hindi ko pa naman kilala ang nagmamaneho. Hindi ko alam kung saan kinuha ni mama. Hindi ko namalayan at nakaidilip ako, nakasandal ako sa balikat ni mama ng idinilat ko ang aking mga mata. Dumidilim na ang kalangitan, nagugutom na rin ako. Hindi ba kami hihinto para kumain? "Doon na tayo kakain," para bang nabasa ni mama ang nasa isipan ko. "Malapit na ba tayo, ma?" tanong ko sa kanya. "Isang oras na lang," Itinuon ko ang atensyon ko sa labas, maraming sasakyan ang nagpapaunahan. Malalaki din ang mga building na nakikita ko, sa probinsya ay minsan ka lang makakita ng naglalakihang building. Madalas ay puros taniman. Atleast sariwa ang hangin. Bigla ko tuloy namiss ang bicol, kailan ulit ako makakabalik doon? Bigla kong namiss ang sariwang hangin lalo na kapag ganitong oras. Makalipas ang isang oras ay pumasok ang pickup truck sa isang village, hindi kami hinarangan ng guard doon. Mukang kilala ang driver dito o baka naman may sticker ang sasakyan? Huminto ang truck sa tapat ng isang malaking itim na gate, labas pa lang ay mahahalata mo ng mayaman ang nakatira. "Dito na ma?" tanong ko. "Oo, umayos ka." paalala nito sa akin. Bumaba na ako ng truck, binuksan ng guard ang gate ng makita si mama, malaking gate pa ang binuksan para maipasok ang mga gamit namin sa loob. Dito ba talaga ako titira? Masyadong maganda ang bahay na ito para sa akin! May tatlong asong sumalubong sa amin, ang tatlo ay agad umamba kay mama. May lumapit sa akin, isang shih tzu. Umupo ako para mahawakan ito. Hindi sila nananahol. Buti na lang, dahil kung hindi ay nalapa na ako ng dalawang K9 na lumapit kay mama, mukang sanay sila sa tao. "Ang cute nito ma," sambit ko, nilingon ako ni mama. Tumayo ako habang bitbit ang aso. "Fur ang pangalan niya," sabi ni mama sa akin. "Cute," I whispered. "Tara na sa loob, nag aantay na sila madam." nilapag ko ang aso at sumunod kay mama. May mga tsinelas na nakalagay sa may pinto, sinuot ni mama ang isa at binigay naman ang isa sa akin, bago ito. Dahil nasa loob pa ng plastic. "Itabi mo muna sa gilid ang sapatos mo, ako na ang magtatabi niyan," sabi ni mama sa akin. Humawak ako sa balikat niya para matanggal ko nang maayos ang sapatos ko, pagtapos ay tinabi ko ito sa tabi ng sandals ni mama. Pagpasok sa loob ay malawak na sala ang bumungad sa akin, kulay puti na may halong itim ang pintura nito. The chandelier is beautiful! High ceiling ang bahay, may malaking bintana na may mahabang kurtina. Kawawa naman pala ang nag lalaba, masyadong mahaba at mabigat. May malaking sofa na magkaharap, may coffee table sa gitna, may malaking tv na may mga picture frame sa gilid. Ang walls ay may mga paintings na nakaka attract sa mata. May malaking portrait sa gitna, its a family picture. Kambal siguro sila, mga nasa edad apat ata ang mga bata na nasa picture. Ibig sabihin ay may bata dito? Bigla akong naexcite sa naisip ko. Dumiretso si mama sa taas kaya sumunod ako sa kanya, mahaba ang hallway at maraming pintuan akong nakita. Ilang kwarto kaya ang narito? Tingin ko ay marami! Ilang floor ito? Tanungin ko nga si mama mamaya. Kumatok si mama sa isang puting pintuan, umayos ako ng tayo. May narinig akong sigaw mula sa loob bago buksan ni mama ang pinto. "Magandang gabi, madam." bati ni mama. Isang babae at lalaki ang nakita namin, ang lalaki ay nakaupo sa swivel chair habang nasa harap ang babae. Sila 'yong nasa portrait sa baba! "O, Kristina, nandyan na pala kayo." nakangiting sabi ng babae, tumayo ito at naglakad palapit sa amin. Bigla akong nahiya sa suot ko! Masyadong formal ang kanyang suot. Tingin ko ay kasing edad lang niya si mama, pero mas mukang bata siyang tignan! "Kararating lang po namin," sabi ni mama. Tumagos ang tingin nito sa likuran ni mama, alanganin akong ngumiti ng magtama ang paningin namin. "Eto na ba si AJ?" tanong nito habang nakatingin sa akin. Nakita ko ang pag tango ni mama. "Opo, isinama ko na dahil dito siya mag aaral ng kolehiyo." sabi ni mama. "Ang laki mo na iha, naalala ko pa no'ng una mong punta rito, ang liit mo pa." sabi nito, hindi ko alam ang sasabihin ko! Ngumiti na lang ako sa kanya. "Sinong mas matanda sa kanila ng kambal?" tanong nito. "Mas matanda po ang kambal sa kanya ng dalawang taon," Kambal? Iyon ba 'yong nasa baba? Ibig sabihin ay hindi na pala bata ang mga 'yon? Akala ko pa naman ay may malalaro ako dito. Hindi man lang kasi nagbago ang itsura niya! "Dalaga na ang anak mo, Kristina. Paniguradong magkakasundo sila ni Atasha," sabi naman ng lalaking nakaupo sa swivel chair. Kahit medyo may katandaan na ang kanyang itsura ay matikas pa rin ang pangangatawan nito at maitsura a! Ano kayang itsura ng anak nilang lalaki? Tingin ko ay gwapo! Tumayo ito at lumapit sa amin, umakbay siya sa asawa niya. "Muka nga po, ang dami nilang pagkakapareho," sabi ni mama, nag pakawala pa ito ng mahinang pag tawa. Makakasundo? E, 'di ba mayaman sila? Edi, hindi ko sila makakasundo. Ayoko lumapit sa mayaman! "Ngayong buwan na rin naman ang balik nila dito," "Hindi sila mag aaral abroad?" tanong ni mama. Umiling ang lalaki, "Hindi, sapat nang doon sila nag senior high." sabi naman nito. Minsan kong pinangarap na mag aral sa abroad! "Kumain na ba kayo? Nag paluto ako kay Nena ng kakainin nyo," "Hindi pa po, kayo madam?" "May pupuntahan kami ngayon, baka doon na lang kami mag dinner sa labas," nakangiting sabi nito. Inikot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Tingin ko ay opisina nila ito dahil sa mga papel na nakalagay. May mga libro din. Nag usap pa sila ng ka onti bago kami bumaba ni mama para kumain. Buti na lang! Kanina pa talaga ako nagugutom. "O, Kristina. Maupo na kayo ng anak mo at ihahanda ko na ang pagkain nyo." sabi ng babaeng nakasuot ng apron. She's wearing their uniform. Magsusuot din kaya ako ng ganyan? Wait, ano bang gagawin ko dito? "Salamat Nena," Pinaupo ako ni mama, tumabi naman siya sa tabi ko. Malaki ang table nila, meron pa sa kabilang side. "Nag paluto si madam ng paborito mo," Mas lalong kumalam ang sikmura ko ng maamoy ko ang inilagay sa mesa. Sinigang na baboy! Mah favorite! "Salamat po," nakangiting sabi ko ng iaabot niya ang pinggan sa akin. "Ang laki na pala ni Aj, ano?" sabi nito, umupo siya sa harap namin. Inaya siyang kumain ni mama pero kumain na daw sila. "Oo, Nena. Matigas na rin ang ulo," ngumuso ako dahil sa sinabi ni mama. Hindi naman a! Natawa si ate Nena dahil sa sinabi ni mama, "Ganyan talaga ang mga bata ngayon, kahit si Alfred, napakatigas ng ulo." umiling na sabi nito, anak niya? "Kailan pala pupunta si Alfred dito?" "Sa sunod na buwan pa, hindi pa tapos ang klase nila." Lumingon si mama sa akin kaya napahinto ako sa pagkain. "Pagdating ng anak ni Nena at Adelaida, mag pa enroll na kayo ng school." sabi ni mama sa akin. "Saan?" agad na tanong ko. "May murang school naman siguro dito," sabi ni ate Nena. "Meron ata, di bale, maghahanap ako." sabi naman ni mama, tumango na lang ako sa kanya. Nagpresinta akong hugasan ang pinagkainan namin, ayaw pa sana ni ate pero pinilit ko siya. May kailangan pa kasi siyang gawin, si mama naman ay inaayos na ang gamit namin. Saan kaya ang kwarto namin? Tabi ulit kami ni mama? Pagtapos kong maghugas ay maayos na nilagay ko ito sa kanya kanyang lalagyan. Nagpunas ako ng kamay bago itanong kay ate Nena kung nasaan si mama. Itinuro niya naman ang isang pinto sa gilid. "Salamat po," Binuksan ko ang pinto at may dalawang pintong bumungad sa akin. Saan dito? Lalabas na sana ako para tanungin ng biglang bumukas ang nasa kanan at niluwa non si mama. "Tapos ka na?" tanong nito sa akin. "Opo, diyan ang kwarto natin ma?" tanong ko, tumango ito at niluwagan niya ang pag bukas. Naglakad ko papasok doon. Medyo malaki ang kwarto, may dalawang kama ang isa ay okupado na. Medyo malaki naman ang kama at kakasya kami ni mama. "Sa baba na lang ako matutulog," kumunot ang noo ko sa sinabi ni mama. "Kasya naman tayo sa kama, bakit sa lapag ka pa? Ayaw mo ako katabi?" mahinang binatukan ako ni mama ng sabihin ko 'yon. Ngumuso tuloy ako. Umupo ako sa kama at umupo naman siya sa tabi ko. "Dito na muna tayo pansamantala," "Aalis tayo rito?" tanong ko. "Oo naman, nakakahiya naman kila madam kahit alam kong payag siya. Pero syempre, kailangan may bahay talaga tayo. Baka bukas ay maghanap ako ng apartment." Niyakap ko si mama, ramdam ko ang gulat nito. My mom is not a showy person, pero nararamdaman ko ang pagmamahal niya sa akin. She sacrifice a lot para mabigyan ako ng magandang buhay. At hindi ko sasayangin ang sakripisyo niya. " Maghahanap ako ng work, ma." "Hindi kailangan, Aj. Mag aaral ka," sumimangot ako saka humiwalay ng yakap sa kanya. "Ma, ang tanda ko na. Bente na ako o, hayaan mo na akong maghanap ng trabaho. Para naman hindi lang ikaw ang kumikilos," "Bakit? Kaya ko pa naman a," aniya. "Kaya ko rin naman magtrabaho pa. Para hindi na rin tayo mahirapan sa mga bayarin kapag nakalipat tayo," sambit ko, hindi ito nag salita. "Maghahanap kami ni Adelaida ng trabaho kapag nandito na siya." "O siya, papayag na ako. Basta mag aaral ka." ngumiti ako ng malawak sa kanya. "Of course ma!" Inayos na muna namin ang mga gamit namin. Buti na lang kasya sa kwartong tinutuluyan namin, ang kaso nga lang ay nasa maleta ang mga damit namin. Wala pang paglalagyan. "Matulog ka na, Aj." "Opo," Ako ang nasa gilid samantalang si mama ang nasa bungad. Makulit daw kasi akong matulog kaya sa gilid ako, baka mamaya daw ay nasa baba na ako ng hindi ko namamalayan. Nagtipa ako ng message kay Adelaida bago itabi ang cellphone ko. Inaantok na rin ako, kailangan bang maaga ako gumising bukas? Anong oras ba sila nagigising? Umayos ako ng higa at binalot sa katawan ko ang kumot. Ipinikit ko ang aking mata at hinayaan ang sariling makatulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mistletoe Miracle

read
6.3K
bc

Burning Saints Motorcycle Club Stories

read
1K
bc

The abandoned wife and her secret son

read
3.1K
bc

Tis The Season For My Revenge, Dear Ex

read
68.9K
bc

Owned by My Husband's Boss

read
8.7K
bc

Road to Forever: Dogs of Fire MC Next Generation Stories

read
42.9K
bc

The Billionaire regret: Reclaiming his contract Bride

read
1.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook